TAHIMIK lang sina Vance at Phoenix habang nagkakape at hinihintay na saluhan sila nina Janine Karla at ng nobyo nitong si Jame na mag-agahan sa lanai. Mukhang napagod ang mga ito sa pag-aasikaso sa mga bisita. Sa halip na sa hotel matulog ay sa guestroom muna tumuloy ang mga ito para mabantayan sila.
Pinili nilang huwag na lang makipag-usap kay Vance. Nakamasid sa kanila ang mga kawaksi. It was done in a discreet way. Nag-aalala marahil ang mga ito na magbangayan naman silang dalawa. At sa inaasahan ng mga ito na mood niya ngayon, she might be volatile. Baka magkasakitan sila o masaktan niya si Vance. Parang di naniniwala ang mga ito na ayos lang silang dalawa.
Ang nagawa na lang nila ni Vance ay magpalitan ng makahulugang sulyap. Mainit na makahulugang sulyap. Sexual tension was visibly steaming. Pero sa mga di nakakaalam ay mukhang nagsisimula na naman silang magpainit para sa panibagong pagbabangayan. Walang ideya ang mga ito na malayo sa away ang gusto niyang gawin kay Vance. She wanted a repeat of last night. Their encounter at the kitchen a while ago wanted her to ask for more.
Isang lihim na ngiti ang sumilay sa labi niya bago sumimsim ng kape. Her whole body was humming. She became a hussy after a night of lovemaking. Now she knew what the fuss was all about. Pero siguro ay dahil sa matinding atraksiyon na rin nila ni Vance kaya parang fireworks sila na sumabog kagabi. Yeah! Yeah! She took advantage of him. And she loved the thought.
She felt no guilt, no remorse and she wanted to do it again. It was liberating actually. She knew that they would be explosive together but she didn’t expect that it would be that explosive. After all, she had given up experiencing all those sensations when she decided to marry Nelson. Ang iniisip lang niya ay makipagniig para magkaroon ng anak. Very sterile and cold. As sterile and as cold as having a child from artificial insemination.
Alam na niya ngayon kung ano ang nami-miss niya kung sakaling natuloy ang kasal nila ni Nelson. She would be miserable. Patong-patong na kamiserablehan.
Binigyan siya ng matalim na tingin ni Vance. “What?” inosente niyang tanong.
“Don’t give me that look.”
“What look?”
“That you want to eat me for breakfast.”
Tumaas ang kilay niya. “And if I want to?”
He looked aghast. Na parang hindi ito makapaniwala sa pagbabago sa kanya. “Where is that prude virgin that I kissed a few months ago?”
“She find out what she is missing all this time like multiple orgasm. Any lessons I missed?”
Luminga ito sa paligid. Parang inaalala nito na may makarinig sa kanila subalit nakadistansiya ang mga bantay nila. Hindi marahil lalapit ang mga ito maliban kung kinakailangan. Then Vance gave her a heated gaze. “Perhaps I should provide you a curriculum if you intend to attend my class. Last night was just… basic.”
Bigla siyang naglaway sa sinabi nito. There’s more? Oh, my! Umagang-umaga pa lang at malamig ang panahon pero parang pinagpapawisan siya nang malapot. Whew! Kung basic pa lang pala ang ginawa nito kagabi, paano pa ang advance level? Baka dumugo na ang ilong niya.
Nakarinig siya sa mga yabag na papalapit. Ibinaba nito ang nag-aapoy na mga mata at nagkunwaring naghahalo ng kape. It had an effect on him. She was sure about that. Gaya nang naaapektuhan siya nito.
“Good…” Nabitin ang pagbati ni JK nang makitang kasama niya sa hapag si Vance. “…m-morning?” Walang kangiti-ngiti ang kaibigan niya at bakas ang pag-aalala nang magpapalit-palit ang tingin sa kanila ni Vance. “Nandito pa pala si Vance.”
“Good morning, man. What’s up?” tanong ni Joshua kay Vance at tinapik sa balikat. “I hope you slept well.”
“Not that much.” At saka siya binigyan ni Vance ng makahulugang tingin. Siyempre hindi niya ito halos pinatulog. She had a traumatic wedding to wipe out from her memory after all.
Tumayo si JK sa tabi ni Vance at pinagmasdan itong mabuti. “Vance, ayos ka lang ba? Wala ka bang sugat, bukol, marka ng palad sa mukha?” nag-aalalang tanong ng kaibigan niya dahilan para tumaas ang kilay niya. Kailangan bang ganoon ka-OA ang pag-aalala nito kay Vance?
Kinawayan niya si JK. “Hello? I am your friend. Ako ang hindi natuloy ang kasal kahapon. Ako dapat ang una mong inaalala, di ba?”
Namaywang si JK. “Inaalala nga kita kaya si Vance ang tinatanong ko kung okay lang siya. Malay ko ba kung sa kanya mo ibinuhos ang lahat ng galit sa mundo. O baka mas lalo kang nagalit sa mundo dahil nakita mong nandito siya sa bahay mo. Hindi naman sekreto sa amin na malaki ang galit mo ninyo sa isa’t isa.”
“Hindi ako galit sa kanya,” pagtatama agad ni Vance.
“I stand corrected,” sabi ni JK at muling bumaling sa kanya. “Malaki ang galit mo kay Vance. Kulang na lang isumpa mo siya. Isa ngang himala na hindi pa lasug-lasog ang katawan ni Vance ngayon. Baka hindi lang namin nakikita pero baka nag-i-internal hemmorrhage na siya dahil sa kagagawan mo. Maybe we should contact a lawyer to defend your case."
Kampanteng ngumiti si Vance at ibinuka ang mga kamay. “As you can see, I am fine. Hindi kritikal ang kondisyon ko.”
“So anong himala ang nangyari?” tanong ng kaibigan niya.
We made love… all night long. He gave me multiple orgasm.
Iniwas na lang niya ang tingin kay Vance. “I am too tired with all this circus. Nagpunta naman siya dito nang maayos para damayan ako. It was done in good faith, I believe. So we decided to have a truce and set aside our differences.”
“A truce, huh?” At mataman na tinitigan ni JK si Vance. “Sigurado ka na may truce kayo? Hindi ka nasaktan? Hindi ka magdedemanda ng assault or physical injury? Wala ka kahit kalmot sa katawan?”
Biglang tumuloy ang kinakain ni Phoenix na toasted bread sa daanan ng hangin niya at nagkandaubo-ubo siya. Of course, may mga kalmot si Vance sa katawan. Hindi niya mapapatunayang inosente siya sa physical injury oras na isinagawa ang physical examination sa binata pero di ibig sabihin ay intensiyon niyang saktan ito. But they really did a strenuous physical activity last night. Delicious physical activity that resulted to clawing of his skin. Will she land in jail for enjoying their physical joining too much?
Inabutan siya ni Vance ng baso ng tubig. “Here.” At hinaplos nito ang likod niya.
Nakapikit niyang ininom ang tubig. There was nothing sexual about the way he touched her today. Gusto lang nitong guminhawa ang pakiramdam niya. Pero di niya maiwasang maalala ang mga nangyari kagabi, kasama na ang pagbaon ng kuko niya sa balat nito lalo nang angkinin siya nito.
“Janine Karla, take a seat. Let’s have some breakfast first and enough of the interrogation. We have to bring our boss our colleagues to the airport,” wika ni Joshua at inilagay ang napkin sa kandungan.
Nakadama siya ng lungkot nang maalala ang mga kasamahan nila na pansamantalang itinigil ang trabaho para lang makadalo sa kasal niya. And they witnessed a spectacle. “Uhmmm.. perhaps I should apologize to them and thank them personally,” mabigat ang loob niyang wika. “Sasama ako sa inyo sa airport.”
“Una, hindi mo kasalanan ang nangyari. Nakakahiya man na di natuloy ang kasal mo pero ginawa mo naman kunmg anong tama kaya hindi iyon nakakahiya. Mas nakakahiya si Nelson at ang pamilya nila.” Mariing pumikit si JK at kinuyom ang palad. “Naku! Kundi lang talaga ako napigilan gusto ko silang ingudngod sa cake. Ang kakapal ng mga mukha nila.”
“Mabuti na lang hindi mo itinuloy,” sabi niya at ngumiti. Ayaw naman niyang madagdagan pa ang problema nila kapag gumawa pa ng eksena doon si JK. “Grace, poise and elegance, my friend.”
“And you did it perfectly yesterday. I must applaud you. Kung sa akin nangyari iyon, naghurumentado na ako.” Siguro dahil hindi naman niya totoong mahal si Nelson kaya hindi ganoon kasabog ang emosyon niya. Nagpatuloy si JK. “Pangalawa, kundi ka man makakasama sa airport ay ayos lang. Maiintindihan nila. Kami na lang ang bahalang kumausap sa kanila. Baka may mga reporter pa na nakaabang sa iyo sa kung saan. Mabuti nang umiwas ka muna sa kanila. Mai-stress ka lang oras na kinuyog ka nila.”
Umasim ang mukha niya. Reporters. It was bad enough that everyone was talking about her wedding. Kung paanong kumalat sa social media ang nangyari sa kanya dahil sa blow-by-blow account ng ibang bisita niya. Pero pinapalala ng mga reporter ang sitwayson. They would surely link her debacle in the future of Villaviray Construction. “Did it land on papers already?”
“My team is handling everything,” wika ni Vance. “Nakipag-coordinate na ako sa PR ng Villaviray Construction. Sinabihan kong gawan ng paraan para hindi na malathala pa ang balita sa mga diyaryo. Mahihirapan lang tayong mapigilan na pag-usapan iyan sa social media. But I think it will die a natural death.”
“Will it affect Villaviray Construction?” tanong niya. She was still the Villaviray Heiress. Bagamat wala siyang kinalaman sa direktang pagpapatakbo ng kompanya maliban sa shares niya, hindi pa rin maiiwasan na mai-associate siya sa kompanya.
“We are handling everything,” sagot ni Vance. “Basta kailangan lang huwag ka munang magpakita sa publiko sa ngayon.”
“At ang pamilya ni Nelson?” tanong niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa kubyertos. They were the famewhores. Ang mahalaga sa mga ito ay kayamanan, kapangyarihan at kasikatan. They won’t miss the chance.
“They better not drag you down. Kung hindi ay lalabas ang mga problema nila sa negosyo. Hindi makakabuti sa kanila kung magsasalita pa sila lalo na kung laban sa iyo. Hopefully they are not that stupid,” matiim ang anyong wika ni Vance. “Ayoko sa mga lalaking tumatakas sa responsibilidad nila. Kung nagkaharap lang kami, baka nasuntok ko siya – sa ginawa niya sa iyo at sa ginawa niya kay Rosalinda.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Sa pagkakasabi mo sa pangalan ni Rosalinda ay parang kilala mo siya nang personal. Parang close kayo para ipagtanggol mo siya.” Hindi niya alam kung bakit. Parang… parang kakaiba lang sa pakiramdam. Oh, no! Di naman siguro siya nagseselos dito?
Bigla nitong hinamig ang sarili. “Of course not. I mean, the woman has a name. Why not use it? Hindi ba Rosalinda ang pangalan ng nabuntis ni Nelson? Iyon ang kwento sa akin ng mga tao.” Pagak na tumawa ang binata. “Natural naman na hindi ko siya kilala. Kahit kaninong babae na naman nangyari ang nangyari sa kanya at sa iyo ay ganito rin ang magiging reaksyon ko.”
Tumango siya. Oo nga naman. Vance might be a lot of things, pero pagdating sa responsibilidad sa babae ay mukhang hindi ito ang tipo na tumatalikod. “Yes. Ang totoo muntik ko na ring suntukin kahapon si Nelson,” sabi niya at mariing nagdikit ang mga labi. “Inamin na niya sa akin na nakabuntis siya ng ibang babae at gusto niyang suhulan sa harapan ko mismo para lang matuloy ang kasal namin.” Nanlamig ang sikmura niya at parang masusuka siya nang maisip ang ginawa ni Nelson at ng pamilya nito. Itinulak niya ang pagkain palayo. “Nawawalan ako ng ganang kumain.”
“Eat,” utos ni JK. “He is out of your life now and that is good. You… you just need to find a way to bounce back from all this. So eat.”
“You need to reccuparate. Paano ka makikipag-away sa akin kung wala kang lakas na lumaban? Magpapatalo ka na lang sa akin?” anang si Vance sa naghahamong boses.