Hello, Stranger Chapter 10

Pinilit niyang maging malumanay kahit naiinis na siya ngunit kahit ginawa niya 'yon ay mukhang mas inis pa sa kaniya ang katabi dahil mas mabalasik kumpara sa kanina, ang tingin na binigay nito sa kaniya...

"Miss, isinuot mo ang singsing na 'yan kahit alam mong hindi naman sa 'yo—"

"Nag-sorry naman na ako. Saka hindi ko puwedeng labhan ang pantalon mo nang may singsing sa bulsa, uy!" tugon ni Bebeng, oo, dinedepensahan niya ang sarili kaya sinagot niya 'to kaagad. "Kung plano niyo 'kong gawin na personal maid niyo, sana naman ay pag-usapan muna natin nang maayos, ano po? Kasi po, kung hindi pa klaro sa inyo, inalis niyo ako sa mansion ng mga magulang niyo, pinasasahuran po nila 'ko, may mga pamilya po ako na pinapakain at ginagastusan," hindi na niya naawat ang sarili na sabihin 'yon dito.

Tinapunan siya ng tingin nito at iningusan. "So, sinasabi mo ngayon na baka wala akong ipasahod sa 'yo?"

Napasinghap siya. "H—Ha? Hindi—hindi 'yon ang ibig kong sabihin!"

"But that's what you're trying to say in my face earlier, miss."

"Hindi nga sabi e! Bakit po ba ang kulit mo?!" Naipadyak niya ang sariling mga paa, parang pagdadabog na parang hindi rin naman. Gano'n siya 'pag hindi niya na alam ang gagawin sa isang napasukan na sitwasyon.

"Hindi mo ako madadaan sa pagdadabog mo, okay? So, kung ako sa 'yo, manahimik ka na lang d'yan. Kung magkano ang pinapasahod sa 'yo sa mansion, dodoblehin ko."

"Ay, weh? Seryoso po ba 'yan?"

Isang matiim na tingin na naman ang nakuha niya mula rito. "Seryoso ako, nakakahiya naman kasi sa 'yo, Bebeng."

Wow, mukhang sinusuwerte siya yata imbes na malasin nang dahil sa singsing na nasa daliri niya ngayon. Suwerte na ang dobleng sahod, aba naman!

"Nakakahiya naman sa 'yo, hindi ka kasi makakaalis sa tabi ko—anytime, anywhere, hangga't hindi mo 'yan naaalis sa daliri mo. Hindi naman kasalanan ng pamilyang sinusuportahan mo ang katangahan mo, so, yeah, dodoblehin ko ang sahod mo sa 'kin kahit na ikaw naman ang may kagagawan niyan sa sarili mo."

Anytime? Anywhere? Ano raw? Puwede ba 'yon?

"Anytime? Anywhere?" pag-ulit niya sa pagtataka sa sinabi nito.

"Yup," sagot naman kaagad nito, walang kakurap-kurap. "Again, that ring is mine. And it's costly, hindi ko 'yan puwedeng hayaan sa 'yo, so yeah, anytime, anywhere nga, tama ka ng dinig."

"Teka, teka lang po, natutulog naman siguro kayo at nagbabanyo?"

"Of course, and yep, kasama ka sa pagtulog ko at sa banyo."

Anooo raw?!

Sinundot-sundot niya ng sarili niyang daliri ang tainga niya at baka namali lang siya ng dinig.

"Kaya kung ako sa 'yo, hanapan mo na ng paraan na maalis 'yan kaagad sa daliri mo." Hindi pa man siya tapos sa pagtanggap ng nauna nitong sinabi ay nasundan na nito 'yon ng pagkumpirma na hindi siya namali ng dinig!

NAPALUNOK si Bebeng nang makita niya na napakaliit nga ng condo na pinagdalhan sa kaniya ni Sir Jasper. At isa lang ang ibig sabihin niyon— totoo nga yata na magtatabi sila sa pagtulog!

Sa naisip ay kaagad niyang pinihit muli ang singsing na nasa kaniyang daliri. Siguro, sa nararamdaman niyang tensyon sa isipin na makatabi 'to sa nag-iisang kama ay mas lalong pakiramdam niya ay sumikip pa ang singsing na 'yon sa daliri niya.

Pero ang dobleng sahod, sayang! So, ano ba talaga? Gugustuhin niya ba na manatili 'yon sa daliri niya at isama siya sa kahit saan ng bagong boss niya? O gugustuhin na niyang mahubad na 'yon sa daliri niya ngayon na?

Ang hirap naman mag-decide! Para kasing sa dalawang nabanggit ay wala naman siyang talo.

G'wapo ang boss niya, mabango... matikas— ano ba namang mindset 'yan, Belinda! pagalit niyang turan sa itinatakbo ng isipan.

"As you can see, maliit lang ang condo ko," untag sa kaniya ni Jasper.

"E... Sir Jasper..."

"Huwag mo nang pilitin na alisin 'yan kung ayaw maalis," sabi nito sa pautos na paraan.

Buntonghininga na binitiwan niya na lang ang singsing at hinayaan. "Sir, kahit dito na lang po ako sa sofa matulog, ayos lang sa 'kin."

Walang tugon. Busy kasi 'to sa pagkuha ng inumin sa ref nito at s'yempre pa ay ininom nito 'yon. Siya naman ay hindi maiwasan na masdan lang ang kilos nito. Paanong hindi? Ni hindi niya nga 'to kilala, tapos ay ito sila, nasa iisang maliit na condo...

"'Yang singsing na 'yan ay napakahalaga sa 'kin, you know."

Napalunok muna siya. Kinamot ang sarili niyang kilay at nag-iisip ng sasabihin ngunit sa hindi niya malaman na rason, wala siyang maisip.

Katangahan naman kasi niya! Kainis!

"Sa girlfriend niyo po ba 'to?" naisipan na lang niyang itanong.

Kaya lang ay napasama yata ang pagtatanong niya, tumiim kasi ang tingin nito sa kaniya.

"Ah, e, pambabae po kasi kaya naitanong ko lang naman..."

"Nakakainis 'yang katangahan mo."

Wow lang, ang salbahe pala nitong magsalita!

"Bakit po? Bakla ba kayo?" Okay, sa inis niya na rin yata kaya niya 'to natanong niyon.

"Na mas pinapalala niyang lumalabas sa bibig mo. Do I look like gay to you?" galit nitong wika.

Mas okay na magalit 'to para palayasin na siya, hindi ba?

"E, kasi sabi niyo hindi naman 'to sa girlfriend niyo. Pambabae kasi nga po..."

"Idiot."

Aray!

"Sir, sige na po, papayag na 'ko na manilbihan sa inyo—"

"Hindi ko kailangan na pumayag ka. The moment na isinuot mo na 'yan, alam mo na dapat na may consequence 'yon, at ito na 'yon."

"Sir kasi oo nga po, pero dapat nating pag-usapan nang maayos 'to."

"Wait."

Napatanga na lang siya nang sa isang iglap ay nakalapit na sa kaniya 'to. Inilang hakbang lang ang distansya nila at hinila siya sa pulsuhan niya— na naman!

"Sir Jasper, saan po tayo pupunta..." ang tanong niya ay nabitin nang lubos niyang maunawaan kung saan siya hinihila ng boss niya— sa... banyo!

"I need to pee."

"Hindi naman ho ako inidoro," alumpihit niyang tugon. Hinila niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

"Wala akong sinabi na inidoro ka. Pero puwede rin naman," nang-iinis nitong turan, nginisian siya. Hindi pinayagan na maalis siya sa pagkakahawak nito.

"Sir, huwag po!"

"What?" Kunot-noo nitong sambit.

"Huwag po, Sir Jasper, maawa po kayo. Virgin pa po ako!"

"Crazy," tipid nitong sagot, hinila pa rin siya, saan pa ba? Papunta sa banyo...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.