"THAT ring is mine! Bakit suot mo 'yan?" bulalas sa kaniya ni Sir Jasper nang magtama ang mga mata nila nito.
Napasinghap si Ms. Sylvia, habang si Bebeng naman ay kaagad na binuka ang bibig upang depensahan ang kaniyang sarili.
Kaya lang ay inunahan naman siya sa pagsasalita ng mayordomang kontrabida, "B—Bakit mo sinuot ang hindi mo pag-aari? Saan mo 'yan nakuha, Bebeng? Bumalik si Sir Jasper sa mansion para sa singsing na 'yan!"
"P—Pasensya na po, sinukat ko lang naman. Nagulat ako na ayaw niya nang maalis sa daliri ko—"
"Jusmio! Hindi mo dapat sinukat man lang 'yan, Bebeng!" gigil na bulalas ng mayordoma.
"Alam ko po! Pero kasi ay nasukat ko na— ang problema ko na lang ay kung paano 'to maaalis sa daliri ko, Ms. Sylvia... Sir Jasper..." nahihiyang sambit niya sa dalawa. Napayuko siya sa kahihiyan sa sarili niyang katangahan.
"Sinabon mo na ba 'yan? Subukan mo sa sabon," suhestyon ni Ms. Sylvia.
"Sinubukan ko na po, kaya nga nagtagal ako sa banyo pero ayaw talaga."
"Damn it!" pabulong na naiinis na wika ni Sir Jasper. Lihim siyang napangiwi nang marinig niya 'yon.
"Sorry po talaga, Sir Jasper..." Napayuko ulit na wika niya.
Ngunit ang pagkakayuko niya ay panandalian lang dahil malakas siyang napasinghap nang hilahin nito ang palad niya at ito mismo ang sumubok na alisin ang singsing sa daliri niya.
"Why it can't, damn this ring!" Inis nitong saad nang ito mismo ang makasubok na hindi 'yon maalis.
Nasasaktan siya sa paghila ng boss nila sa palad, partikular sa kaniyang daliri pero tiniis niya 'yon at napangigiwi na lang.
Kasalanan naman niya. Katangahan niya rin talaga madalas. Saka, nakakahiya. Ipinahiya niya ang sarili sa pagkakalangandakan niya sa amo na isinuot niya ang singsing napagmamay-ari nito.
"In the first place, hindi mo 'to dapat sinuot!"
Alam naman niya 'yon. Paulit-ulit pa ang boss nila.
"Napaka mo talaga, Bebeng, jusko!" paninisi naman sa kaniya ng matandang dalaga.
Gustuhin man niyang palihim na iripan ang mayordoma ng mansion, hindi na niya nagawa dahil pareho na nilang nakagulatan nito ang paghila sa kaniya ni Sir Jasper!
"S—Sir..." sambit niya, tinapunan niya ng tingin ang mayordoma at ayaw man niya sana ay nanghingi pa rin siya ng tulong dito sa pamamagitan ng tingin na 'yon dahil medyo masakit at bumabaon sa pulsuhan niya ang pagkakahapit sa kaniya ng amo nila.
"S—Sir Jasper, huminahon po kayo, saan niyo po ba dadalhin si Bebeng?" tarantang tanong ni Ms. Sylvia rito, nakasunod sa kanila kahit hindi naman halos makaagapay dahil malalaki ang hakbang ng tinatawag at malaking lalaki nga kasi 'to.
"Will you please settle the docs of this maid, Ms. Sylvia, aasahan kong maipapadala niyo sa email ko 'yon before this day ended."
"P—Po...?"
Marahas na nilingon nito ang mayordoma. "Narinig niyo ako, don't make me repeat myself."
"Opo, sige po." Walang nagawa na hindi niya alam kung saan nagpunta ang mayordoma nang bigla 'tong tumalikod nang walang lingon.
Patay! Mag-isa na lang siya sa animo malaking oso na nakakapit sa kaniya at sa higpit ng hapit nito ay nakasisiguro siyang wala siyang kawala na para siyang lalapain nitong pagkain!
"E, S—Sir Jasper..." naudlot ang sasabihin niya sana nang siya naman ang marahas nitong tapunan ng tingin.
"Hindi kita binibigyan ng karapatan na magsalita. Inilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon na wala kang kawala, puwes, just stay put and shut up."
Ay, wow, boss na boss naman ang dating. Malayo sa mga magulang nito na siyang mas nakakasalamuha niya nang madalas.
"Hijo, h—hey, saan mo dadalhin si Bebeng?"
Sa wakas, nakatanaw si Bebeng ng pag-asa sa katauhan ni Mrs. Jasmine San Martinez na nadaanan nila sa gazebo ng mansion.
"She will come with me, Mom."
"Ha? Sa condo mo ba? But why? I mean... akala ko ayaw mo ng maid?" puno ng pagtataka na sunod-sunod na tanong nito sa anak.
Gusto niya sanang magsalita, kaya lang ay pinapa-shut up nga siya ng anak nito. Kaya shut up na lang muna siya at baka magalit pa 'tong lalo sa kaniya.
"Yes, Mom. 'Take care, huwag mong kalimutan ang meds mo," ani 'to sa ina, nagulat siya sa pagbabago ng tono nito.
Akalain ba niyang may lambing pala sa katawan 'to? Samantalang mula nang makita niya kanina ay madilim na ang mukha at mataas na ang boses.
Belinda, paanong hindi 'yan magagalit sa 'yo, e, ang atribida mo kasi! Hindi mo dapat sinuot ang singsing niya!
"Okay, you too, son."
Isang magaan na halik ang binigay ni Jasper sa ina, ni hindi man lang din siya inintindi ng ni Mrs. San Martinez, parang pumayag na lang 'to nang gano'n kadali sa gusto ng anak nito!
"Madam..." hindi pa man siya tapos magsalita ay tinapunan na siya ni Jasper ng isang nagbabantang tingin. Napangiwi siya. "M—Madam Jasmine, mauna na po kami ni Sir Jasper," bagkus ay sabi na lamang niya.
"Ah, sige, sure, Bebeng. Hija, pasensya ka na sa anak kong 'yan, madalas talaga ay pabigla-bigla sila ng desisyon na kahit akong ina nila ay nagugulat," masuyo naman na tugon ng ginang.
Pinilit na lang niyang ngumiti. Kung saan man siya dadalhin ng anak nito, dalangin na lang niyang maalis na sana sa daliri niya ang singsing nito upang hindi magtagal at makabalik na siya sa mansion.
'Yon lang naman ang rason kung bakit siya iaalis ng anak nito sa San Martinez Mansion, 'di ba? Pakakalmahin na lamang niya ang sarili at imposible naman na hindi matanggal ang singsing na 'yon sa pagkakasuot sa daliri niya.
"Sakay na," untag sa naglalaro niyang diwa ni Sir Jasper.
Tahimik na lang niya 'tong sinunod. Buntonghininga na sumakay na lang siya sa kotse na pag-aari nito.
Bawal ba talaga siyang magsalita? Baka puwede naman na, tutal ay hayun at papalabas na sila sa subdivision kung saan naroon ang San Martinez Mansion. Puwede naman niya sigurong itanong sa katabi kung ano ang plano nito sa kaniya.
"Ahm, Sir Jasper—"
"Wala kang karapatan na magsalita, nasabi ko na 'yon kanina sa 'yo," masungit na panonopla nito sa kaniya, hindi siya pinatapos sa pagsasalita.
Nagkiskisan ang mga ngipin niya sa inis.
"Hindi po puwede na mag-shut up na lang ako at magsalita kung kailan niyo gustuhin. Kung gusto niyong mapanisan ng laway, kayo na lang, 'wag niyo na 'kong idamay," naiinis na sambit niya pero sinaad naman niya ang katwiran sa malumanay na paraan.