"Akala ko nakalimutan mo na 'ko kasi noong tumanda na tayo ay hindi na kita nakita sa mansion." Totoo 'yon. Ang huling kita niya rito ay mga bata pa lamang sila. Noong mamasukan siya sa mansion ng San Martinez upang pumalit sa nanay niya, sa mga tsismis ng mga kasamahan niya ro'n na lang nakilala nang lubos ang lalaking hinangaan niya noong mga bata pa sila. "Kung hindi pa dahil sa singsing na 'to ay hindi pa kita makikita ulit." Sabay nilang binabaan ng tingin ang singsing na nasa kaniyang daliri pa rin.
"Kinalimutan kitang pilit sa nakalimutan kita ay magkaiba. Pilit kitang kinalimutan dahil sa issue ni Mom sa mga maid." Ang tsismis kasi ay na-involved ang tatay nitong si Don Julio sa katulong noon.
"N—Nalaman mo na maid niyo na 'ko?" gulat niyang tanong sa pagitan nang pagpapahid ng luha niya.
"Through Jio, yes. Narinig daw niya ang usapan noon na ang anak ng dating plantsadora na si Aling Bebang ay nag-maid na rin sa mansion. Nagulat ako but again, umiwas ako sa 'yo. Pinilit ko. Napagtagumpayan ko naman kaya lang ay dahil sa singsing na 'to…"
"Aha! Kaya mo pala 'ko pilit na inalis sa pagiging maid niyo!"
He chuckled. "Sort of. Pero mas gusto kong ma-explore mo ang mundo na nababagay sa 'yo. Na hindi hihinto sa pagiging maid ang lahat. Though, walang masama sa pagiging maid. Hindi naman namamana ang hate."
She giggled. "Wala ring masama sa pagiging butterfly from worm."
He smirked. "Naalala mo pa pala 'yon."
"Of course. Ang naglaro kasi sa isip ko no'n ay isa kang agila samantalang ako ay isang uod lang. Para makasabay ako sa lipad mo, dapat akong maging butterfly. Para bagay na tayo. Kaso lang, naging mas matimbang sa 'kin ang pamilya ko kaya inuna ko sila kaysa sa 'yo."
"Nah, gano'n talaga. Nauunawaan ko 'yon dahil gano'n din ang ginawa ko no'ng ipilit kong huwag makita sa mansion si Bebe ko."
Sabay silang natawa.
"So, totoo pala ang tsismis na 'yon?"
Nagkibit-balikat 'to. "I guess, ang tsismis naman ay nagiging tsismis lang dahil dinurutungan. Pero walang tsismis kung walang root ang pagtsitsismisan."
"Wala ka bang kapatid sa dating kasamahan ni nanay? Sabi kasi niya ay meron," sinserong tanong niya rito.
He shrugged his shoulders. "I really don't know."
"Puwede mo na siguro silang paupuin," wika niya, tukoy ang mga taong may hawak na white folders na may nakasulat ng salita na: Kumusta, Bebe ko?
Sumenyas naman 'to sa mga 'yon. "Hindi sila uupo, kakain sila ro'n sa malapit na resto. Sagot ko."
"Naks, ang galante!"
"Mas galante ako sa 'yo."
Hindi na siya nakasagot nang halikan na siya nito. 'Yon ang halik na ipinagkait nito sa kaniya no'ng siya ang humiling ng halik mula rito bago sila nagtungo sa Japan.
"Te—Teka, teka!" awat niya sa halik nito.
"Why?"
"Masyadong basa!" kunwa'y reklamo niya.
He rolled his eyeballs. "Ang arte, para namang hindi ko pa naisama sa banyo."
"Ewww!"
Sabay silang nagsalo sa masaganang tawanan.
Nang dampian siya nito ng halik sa likod ng palad niya ay nalaman nila pareho na naaalis na pala ang singsing, inikot kasi 'yon nito.
"Naaalis na pala!" Nakakapagtaka 'yon dahil ang alam niya ay nadagdagan ang timbang niya dahil masarap kumain sa Japan at malamig ang panahon.
Masarap kumain 'pag may pambiling pagkain!
"Nahubad na dahil… papalitan ko na kasi," ani Jasper sa kaniya, may dinukot 'to sa bulsa nito.
Cliché man na singsing nga ang dinukot nito mula sa bulsa, cliché man na nasa gitna sila ng busy na lugar, naisip niyang kaya pala niyang magpaka-cliché basta ito at siya ang gagawa ng mga clichés na 'yon…
"Butterflies…" bulalas niya nang makita niyang may maliliit na butterflies na disenyo ang singsing na isinuot na nito sa kaniya.
"... in my stomach, Bebe ko."
Awts, ang baduy pero puwede na. Nakakakilig naman.
Kaya puwede na rin niyang iangkla ang mga braso niya sa leeg nito, kasehodang pagtinginan sila ng mga tao sa paligid at kuhanan ng litrato gamit ang mga cellphone nito…
"I love you, Bebe ko."
"I love you too, from your Bebe Bebeng." Napabungisngis siya, na nauwi sa halakhak nang buhatin siya nito at pinasan na parang sako ng bigas papunta sa kotse nitong nakabukas ang bubong. Pahagis siya tuloy na naisalpak nito ro'n.
Sabay silang napahalakhak, hindi lang dahil sa kaharutan nito, alam nila kasing ito na ang tamang oras na hinintay nilang sadya parehas…