Hello, Stranger Chapter 19

"SIGE na, payagan mo na 'ko, kahit madaling-araw na lang ako lumuwas ng Manila," hirit pa ni Tangerine kay Jorev San Martinez.

Of course, kilala niya 'to. Walang tao sa lugar nila ang hindi makakakilala sa isang San Martinez. Hindi nga lang niya 'to kaagad na nakilala dahil nga sa adrenaline nang takasan niya si Clyde sa simbahan.

Saka... masyado naman yatang naging ermitanyo look ang lalaking 'to, hindi naman 'to kasi ganito noon.

"Wait, Jorev, napa'no ka nga pala? Sa pagkakatanda ko ay ang isa lang sa inyong 'San Martinez Triplets' ang may mahaba ang buhok ah," hindi na niya naawat na sabihin dito 'yon, tukoy niya ang bansag sa mga 'to sa lugar nila. "Saka, nakatali ang buhok ni Jio San Martinez. Itong buhok mo..." aniya rito habang pinagmamasdan niya ang mukha nito. Hinawakan din niya ang buhok nito na hindi niya mapaniwalaan na gano'n ka-messy.

Well, messy word ay malayo naman sa isang San Martinez. Sa katunayan, kung paanong ang g'wapo pa rin ng isang Jorev San Martinez kahit gano'n na nga ang itsura nito ngayon ay isang palaisipan sa kaniya.

"Pero in fairness, bagay naman sa 'yo 'tong pabalbas mo," komento pa niya, tukoy niya ang hinahaplos na niyang buhok nito na nakapaikot sa ilalim ng baba nito at nasa ibabaw ng upper lip.

Ang pagsipat niya sa kabuuan ng mukha nito ay natigil nang bigla na lamang nitong hawakan ang pulsuhan niya't pinakatitigan siya.

"B—Bakit...? M—May nasabi ba 'kong masama...?"

"Listen, naalala ko na kailangan ko nga pala ng katulong ngayon."

"Katu— ano?!" Binitawan nito ang braso niya, saka walang sabi-sabing iniatras ang sasakyan nito, mukhang may planong umalis... "T—Teka, saan tayo pupunta?" Kahit naman nabigla siya sa ginawi at sinabi nito kanina lang ay may huwisyo pa rin naman siya para makapagtanong.

"Bibili tayo ng mga damit mo, from now on, katulong na kita."

Aba't! "Hoy! Paladesisyon ka ba? Pumayag ba 'ko sa gusto mong mangyari?"

Nginisian siya nito sa rearview mirror ng sasakyan nito. "Hindi ko kailangan na pumayag ka, Ms. Tangerine Lopez— yep, naalala ko na kilala rin kita, ikaw 'yong type na type ni Clyde no'ng elementarya pa lamang tayo. Naks, ang bangis din talaga ng lalaking 'yon, akalain mong tumanda na at lahat, ikaw pa rin ang target. Ano ba ang nakita sa 'yo no'n ha? E, ikaw lang naman ang schoolmate kong iyakin kaya mas lalong pinaiiyak ng mga bata noon."

"Iyakin ako dahil maraming humahalik sa pisngi ko noon!" Defensive niyang turan dito.

Totoo naman 'yon. Biktima siya parati ng mga halik sa pisngi ng mga kaklase niya. Isa na nga si Clyde sa mga 'yon. Tatabi sa kaniya tapos hahalikan siya sa pisngi.

He chuckled. "Mapintog naman kasi ang pisngi mo," saka aniya sa kaniya.

Her eyes widened. "Hoy, noon 'yon! Siyam na taon lang yata ako no'n. Iba na ngayon!"

"May mata ako, Tangerine. Nakikita ko ngayon na mapintog pa rin ang pisngi mo. 'Hilig talaga sa bilugan ni Trillanes."

Mas namilog ang mga mata niya sa sinambit nito. Oo, nagugulat na talaga sa mga naririnig niya sa lalaking 'to pero bigla niyang naalala na hindi pala siya dapat na magulat dahil kilalang malalakas ang topak ng mga San Martinez sa lugar nila. Heto nga at kinakausap siya nito ngayon at kinukutya na para namang close sila.

Totoo ang sinabi nito na schoolmate niya 'to noong elementarya. Bigla na lang din 'tong umalis sa probinsya nila kaya nawalan siya ng balita rito bago sila magtapos sa school na 'yon. At kamakailan nga ay ayon sa sabi-sabi, nagbalik 'to sa lalawigan nila dahil daw nasaktan sa pag-ibig.

"E, ikaw, ano ang babaeng hilig mo? 'Yong natsitsismis na iniwan ka raw pagkatapos kang nakawan ng pera?" Nabiglang sambit niya rito.

Nabigla lang naman talaga siya. Sorry naman. Pero ang sorry na binabanggiy niya sa utak niya ngayon ay malabong makarating naman sa kausap niya at mas malabong tanggapin yata nito dahil nang maibilalas niya ang ganti niya sa salita nitong mabilog siya, kaagad siya nitong matiim na tiinitigan.

Matiim siyang tinapunan ng tingin pala, saka tahimik na nag-focus na ulit 'to sa pagmamaneho.

"'YAN, ako mismo ang mga namili niyan kanina sa palengke. Nakakahiya naman sa 'yo, tatakas ka nang walang kahit anong bag na dala," wika ni Jorev sa kaniya nang maabutan siya nitong tinitignan ang mga nakasupot na damit na inabot nito sa kaniya kanina sa sasakyan nito.

Dahil nga pinagtataguan niya si Clyde, ito lang ang bumaba kanina para bilhan siya ng maaari niyang masuot habang mananatili siya sa bahay nito.

Wala naman siyang choice, kaya oo na, katulong na kung katulong ang role niya ngayon sa buhay ni Jorev San Martinez.

"Hindi mo na sana ako binili, puwede naman akong lumuwas sa Manila 'pag medyo malamig na ang lahat."

Iningusan siya nito. "Nagmamalaki ka pa, e kilala ko 'yang si Trillanes, hindi ka titigilan niyan hangga't hindi ka nakikita."

Sabagay ay may punto naman 'to. Idagdag pa ang madrasta niya na siguradong galit na galit na sa kaniya sa mga oras na 'yon dahil sa malaking kahihiyan na nagawa niya rito. And knowing his father, alam niyang kahit kaunti ay may hint na 'to na gagawin niya ang nagawang pagtakas. Well, tatay niya 'to, natural na kilala siya nito.

"Sabagay, may point ka. Isa pa, ang property mo lang sa lugar na 'to ang hindi niya mapaghahagilapan," sagot niya.

Naisip nga rin niya 'yon bigla. Na malabo siyang mahanap ng madrasta at ni Clyde sa lugar ni Jorev, simply because San Martinez 'to. Wala namang binatbat ang mga Trillanes sa mga San Martinez pagdating sa yaman o kapangyarihan.

"Buti ay alam mo," tugon naman ni Jorev. Sinundan niya 'to mg tingin— na sana ay hindi na lang niya ginawa!

Alright, may kalakihan ang bahay na 'yon nito para sa iisang tao na malinaw na naman niyang nakikita ngayon— walang kasama ro'n si Jorev San Martinez. Dahil nga may kalakihan, dahil din sinundan niya ng tingin 'to, hayun, nakita niya tuloy kung gaano kakalat sa paligid!

Nagkiskisan ang mga ngipin niya sa realisasyon na nabuo sa isipan niya pagkakita sa mga nakakalat na balat na chichiria, bote ng alak, cup ng noodles na basta na lang iniwan sa kung saan— pupusta siyang ilang araw lang ang lilipas ay pamumugaran na ang bahay nito ng ipis at daga!

"Kailangan mo pala talaga ng katulong ano," hindi niya napigilan na sabihin dito sa sarkastikong paraan.

"Yep, badly needed. Look at this," ani 'to, minuwestra ang makalat na paligid. "kung wala sigurong nai-spray para sa mga insects ang kasambahay na pinatawag ko no'ng nakaraan ay malamang, panay insects na rito."

Hindi makapaniwalang napapalatak siya sa kaswal ng pagkakasabi nito niyon habang nakuha pa talaga nitong kumain ng isang slice na pizza na napuna na niya kanina sa sasakyan nito, bago nito 'yon ipasok sa fridge.

"So, you mean, puwede ka palang tumawag ng kasambahay?"

"Yeah, sort of. I mean, wala raw kasing available ngayon sabi ng mga kapatid ko. Girlfriend na yata ni Jasper 'yong si Belle, siya ang naglinis sa bahay ki no'ng nakaraan."

"Si Belle? Ah! Kilala ko! 'Yong trending ngayon sa internet," sagot naman niya nang maalala ang babae.

"Yeah, siya nga. Cool nga nila ni Jasper."

"Cool sila ni Jasper, agree ako ro'n. But us, I guess mas accurate sa 'tin ang salitang: war."

"Huh?" Nagugulumihan nitong sambit. Sa pagkakataong 'yon ay kumukuha na 'to ng inuman sa fridge.

"Nakikita mo na 'tong binili mong panty sa 'kin ha?"

"O? What's wrong with that? May Monday na naka-print hanggang Sunday, one week undies, mas cool nga 'yan sa cool," tugon nito sa kaniya, nagbigay pa ng side comments sa mga undies na nabili.

Well, seryoso naman ang mukha nito nang sinambit 'yon. Sa sobrang seryoso nga ay wala siyang mabanaag na sarcastic ba 'to sa tinuran. Safe na nga yatang sabihin niyang natuwa talaga 'to sa naka-print sa panties kaya nito binili 'yon. Pero...

"Feeling mo talaga ay walang wrong, Jorev?!" Inis niyang sagot. Namewang siya rito talaga habang hawak niya ang panty.

"Oo— teka nga, stop nagging okay? 'Yan nga ang una kong naalala no'ng magpunta ro'n. Alangan na huwag kang mag-panty sa bahay ko?"

"At iniisip mo talaga na hindi ako magpa-panty while I'm with you here?"

"Oo, dahil wala kang dala na ni isang bag nang takasan mo 'yong boyfriend mo."

"Hindi ko siya boyfriend."

"Fiancé."

"Hindi rin."

"O, e 'di ka-fixed marriage, 'happy?"

Yumuko siya. Pinakita niya rito na nasa boots niya ang cellphone niya. "I can call our maid para makapagpadala ng mga damit at undies sa kaniya."

"Bakit pa? May nabili naman na 'ko. Besides, temporary lang naman 'yan, puwede mong itapon pagkatapos mong gamitin habang narito ka sa bahay ko."

"No!" gigil niyang kinuha ang bra na binili nito sa kaniya. "Look at this, sa tingin mo talaga ay ganito kalaki ang cup ko?"

Oo, isa 'yon sa nagparimarim sa kaniya sa mga binili nito— malaking bra na akala yata nito ay gano'n kalaki ang b'obs niya!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.