Hello, Stranger Chapter 20

"What's wrong with that?" Painosente nitong tanong, akala mo talaga ay napakainosente e, humayon naman ang mga mata sa umbok ng dibdib niya!

"Hoy, hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo ah," masungit niyang wika sa lalaking ngayon lang niya napuna na nagtali pala ng buhok na sabog-sabog kanina.

At dahil ngayon lang niya 'yon napuna, napatanga siya nang masipat niyang hindi naman pala masama rito ang buhok at balbas. 'Pag pala nakaayos ang buhok nito ay mas nakadaragdag 'yon sa manly features nito...

"O, ano pa ang tinatanga mo r'yan? Kilos na! Ikaw ang magluluto ngayon ng dinner. 'Shower lang ako." 'Yon lang at naglaho na 'to sa paningin niya.

PAGLABAS ni Jorev galing sa pag-shower ay nagulat siya sa linis ng sala ng bahay niya.

Okay rin pala. Sandali lang siya na nag-shower pero nakapagligpit na ang runaway bride.

Napansin din niya na wala ro'n si Tangerine, siguro ay naghanap ng banyo sa itaas ng bahay niya at inunahan niya kasi na mag-shower, alam na nga niyang naka-wedding gown. Napangisi tuloy siya sa naglaro sa isip niya.

Maliit lang naman ang bahay niya kaya dinig niya ang lagaslas ng tubig at pagpapatugtog ng babaeng iniuwi niya ro'n.

Nasa banyo nga at naliligo.

Okay lang naman sa kaniya kung inuna nito ang pagligo, sabi nga niya ay naka-gown pa 'to, dapat lang na maligo bago magluto ng dinner na siyang utos niya rito kanina bago siya pumasok sa banyo. Ngunit nagtaka siya nang matanaw niyang may nakatakip na sa hapag.

Nakaluto na ba 'to? Kaagad? Parang sandali lang siyang nag-shower ah...

Pinunasan niya lang ang buhok niya saka isinukbit niya ang tuwalya sa balikat niya't nilapitan ang mesa.

Ewan niya ba kung bakit dahan-dahan niya pang binuklat ang nakatakip sa mesa kahit napuna naman niyang wala namang isinaing sa maliit niyang rice cooker ang runaway bride na naiuwi niya sa bahay.

At gaya nga ng inaasahan na niya— walang laman ang nakatakip sa mesa! Ah, meron pala— papel na may nakasulat na: 'Pakihintay na lang ang rider, umorder ako online ng dinner. Hindi ako marunong magluto'. With smiley pang kasama ang maganda palang handwriting nito.

Npangisi siya, akalain niyang maiisip pa nito na umorder ng foods?

Hmn, puwede na rin. Naglinis naman, isunod nito ang itaas bago 'to matulog.

"HINDI mo nabanggit sa 'kin na iisa pala ang k'warto sa itaas?" Kaagad na tanong ni Tangerine kay Jorev nang matapos siyang maligo at babain na 'to ulit. Dinatnan niya 'tong kumakain na ng inorder niyang Mc Donalds lang since nagtitipid siya ngayon.

Nilunok muna nito ang nginunguya bago siya binalingan at sagutin, "P'wede ka naman sa attic ah."

"Wow, ang husay mo naman. Para namang matutulugan kaagad ang attic, ang dami mo po kayang kalat," kahit sarkastiko ay malumanay naman niyang tugon.

Mahirap na, kanina kasing nagliligpit siya ng mga kalat nito ay naalala niya ang haka-haka patungkol sa anger issue ng mga San Martinez na minana raw ng mga 'to sa tatay nila. Aba, mainam nang makasiguro at baka magalit 'to sa kaniya palayasin siyang bigla.

"Maagiw lang 'yong attic. Pagpagan mo lang. Hindi na 'ko nagagawi ro'n kasi. May foam din do'n, kuha kang comforter sa room ko, nakita mo 'yong malaking cabinet do'n? Nando'n ang mga unan at comforters."

Tumango na lang siya. Ano pa ba naman ang magagawa niya?

"Nilinis ko na nga pala 'yong room mo."

"Wow! Ang sipag mo naman!" Nakangisi nitong turan, ang lahat ng mga isinubo ay nakaumbok sa isang pisngi.

Cute, hindi niya napigilan na maikomento sa isipan dahil bigla na lang na naglaho ang kaninang matikas at mataas na lalaki na si Jorev San Martinez sa mga mata niya ngayon na pinagmamasdan niya 'tong kumakain.

"Hindi pa 'yon ang tunay na linis. Katulad dito, o, nakita mo, pinasadahan ko lang ng walis at dampot ng mga kalat 'yan. Nakakahiya naman sa 'yo, parang wala kang ibang ginawa sa buhay at bahay mo kundi ang uminom ng mga alak," litanya niya, sinadya niya 'yon para naman mahiya 'to sa kaniya kahit kaunti.

"Don't worry, pampaantok ko lang naman ang alak. Safe ka rin sa 'kin dito dahil hindi na 'ko gumagawi sa attic ng bahay ko."

"H—Ha? Naku, hindi gano'n ang ibig kong sabihin, Jorev." Paano ba niya sasabihin dito na kahit babae siya at kahit may haka-haka patungkol sa anger issues nito at ng mga kapatid at tatay ay ni hindi talaga siya nakakaramdam ng takot dito o peligro?

"That's okay, you know," wika nito, "babae ka, normal lang na mag-isip ka na baka hindi ka safe sa isang bahay na ang kasama mo ay isang lalaki na hindi mo naman halos kakilala."

Totoo 'yon pero hindi nga niya maramdaman ba nasa panganib siya. In fact, mas dama niya ang kaba sa tuwing darating si Clyde sa bahay nila noong sabihin niya rito at sa madrasta niya ang pagpayag niya sa kasal nila.

"Sorry ha, hindi naman sa iniisip kong katulong ka sa inyo dahil malabo 'yong mangyari pero kabayaran ang paglilinis mo rito sa pagtulong ko sa 'yo na matakasan ang mapapangasawa mo sana. Imagine, kung hindi mo siya natakasan, Mrs. Trillanes ka na ngayon."

"Sorry rin at hindi ako marunong magluto," 'yon na lang ang nasambit niya rito. Though, mukha namang natuwa 'to sa Mc Donalds. Baka gutom na talaga...

"Okay lang. I mean, that's my bad, hindi ko man lang naisip na señorita ka sa inyo, inutusan pa talaga kitang magluto."

Napangiti siya kahit hindi 'to nakatingin sa kaniya. Why, sa loob ng ilang oras o segundo na nagkakausap sila mula kanina hanggang ngayon, ito na mismo ang nagpapakilala ng sarili nito sa kaniya.

"So, true pala ang tsismis about you," naalala niya lang buksan dito.

"Ano sa mga tsismis nila ang tinutukoy mo?" Nakataas ang kilay nitong ganting tugon sa kaniya.

"Na mag-isa ka rito."

"Of course, bahay ko 'to e."

"Hindi 'yon, dati raw ay isang matanda ang nangangalaga sa bahay mong 'to."

"Ah, but of course, again, bahay ko 'to, isa sa mga bahay ko. Silang mag-asawa ang nandito no'n dahil wala ako rito. Sila ang caretaker ng bahay kong 'to, nakatira sila banda sa bungad ng property ko. Malamang hindi mo na nakita 'yong maliit na kubo na nadaanan natin, kanila 'yon."

"Napansin ko 'yon! Saka hello, alam ko naman ang kuwento tungkol sa kanila."

"Alam mo naman pala, bakit nagtatanong ka pa?"

Humagikgik siya. "Wala lang, masaya kaya na may tsismisan habang kumakain."

Umiling-iling 'to. "Salamat dito, nabusog ako."

"No worries. So, si manang ba ang magiging tagaluto mo bukas?"

"Uh—huh, wala naman akong magagawa kung hindi ka marunong magluto."

"Pasensya na."

"Nah, hindi ka sa 'kin dapat na humihingi ng pasensya, dapat kay Clyde. Bukod kasi sa hindi ka na marunong magluto, tinakasan mo pa siya sa kasal niyo."

Natigilan siya. Kung tititigan niya ba 'to ay tatawa 'to? Wala namang masama kung susubukan...

"What?" Nagtatakang tanong nito tuloy nang mapuna nitong tinitigan niya 'to.

"Wala lang, I'm just wondering kung matatawa ka ba kung sakali na tumawa ako sa sinabi mo pero hayun, naglaho na tuloy ang pakakawalan ko sanang tawa." Nagkibit pa siya ng mga balikat.

"Uh, you're kinda weird," he simply replied, "Honestly, nang makita kita kanina sa simbahan ay alam kong weird ka na because you're wearing a boots underneath your wedding dress."

"Judger mo ah, need ko lang mag-boots dahil tatakbo ako at tatakas. And also nakita mo naman ang phone ko kung saan ko itinago. I can't live without my phone even just for a while, nandito lahat ng pera ko." Kung may kakilala 'to o ang iba na kakayanin na mabuhay nang wala ang phone nila sa kanilang tabi, well, congrats na lang sa kanila dahil hindi siya 'yon at hindi magiging siya kahit kailan.

"On point," pasang-ayon na sagot ni Jorev sa kaniya. Tumango-tango pa.

Tapos na 'tong kumain pero hindi pa tumatayo sa mesa. Nagtimpla pa ng kape.

"Pampababa ng kinain ko ang kape," biglang saad kahit hindi naman niya tinatanong.

"You know, I'm serious, pardon my intrusion, nang sumampa ako sa jeep mo ay tulalang-tulala ka. So, naisip kong humingi ng tawad talaga sa 'yo dahil hanggang dito sa bahay mo, ay nakakaistorbo na 'ko."

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "At least, alam mong istorbo ka."

Siya naman ang napangisi. "Sino ba ang nag-demand na maging 'kasambahay' niya 'ko? Kung sino man 'yon, aba, dapat lang naman na magdusa siya."

He chuckled. "I'm wondering, bakit ka tumakas sa kasal mo bukod sa yes, fixed marriage pa yata ang meron sa inyo ni Trillanes, kilalang eager 'yon sa mga bagay o tao na ayaw sa kaniya e."

Hindi na niya napigilan na matawa. "Feelingero nga siya nang very light."

Shrugging his shoulders, he replied, "Hindi sa 'kin nanggaling, sa 'yo."

Napahagikgik na siya. "Cool mo kausap, hindi ko inakala."

"Don't go there."

"Huh?"

"Marami na ang nahulog, wala naman nagtagumpay na makapasok," seryosong wika nito, pinisil ang ilong niya bago tumalikod na bitbit ang kape.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.