Hello, Stranger Chapter 2

Stranger's POV:

"HELLO, nga."

"Weh?" My nose crinkled.

Binuga muna niya ang usok ng sigarilyo bago niya 'ko nakangiting nilingon, "Putsa! Nagtatanong ka pero ayaw mong maniwala? Ayos ka rin, ah."

I chuckled. But before pa 'ko makapagtanong kung bakit 'yon ang pinangalan sa kaniya, sumagot na siya agad...

"Nag- start kasi ang mga magulang ko sa phone sex. Kaya 'yon, nang ipanganak nila 'ko, Hello agad ang naisip nila na ipangalan sa'kin," aniya. Sa pagitan ng paghithit-buga ng sigarilyo. "Ang lalandi nila 'di ba? Akalain mo, hindi sila magkakakilala. Dahil lang sa boredom kaya sila nagkakakilala. And then, 'ayun na, nag- eyeball sila na uso yata noon. At nag- sex."

Natawa ako, dahil kung magkuwento siya ay tila isang ordinaryong bagay lang ang kinukuwento niya. Amused din ako sa nakikita kong flaws sa ngipin niya. May pangil siya na nakausli-- sungki na pangil sa gawing kanan niya. Ngunit hindi 'yon nakabawas sa kagandahan niya. Ang cute pa nga sa kaniya. Ito ang babaeng kayang dalhin ang flaws at kayang ipakita 'yon nang hindi nahihiya.

"Stranger," nang muli niya 'kong lingunin pagkasabi ko sa kaniya ng pangalan ko, may awa akong nabanaag sa mga mata niya...

Patlang.

Mga anim na segundo yata? Bago niya binasag ang sandaling katahimikan na namagitan sa'min.

"This world is so fvcked up. At alam kong sasang- ayon ka."

I chuckled again, "Yeah," tipid kong tugon. Habang pinagmamasdan ko kung paanong maubos ang sigarilyo na hindi ko na mahithit.

Well, I'm not a smoker, to begin with. Pero si Hello--- Oo, 'yon daw ang pangalan niya e-- halatang smoker. In fact, siya nga ang nag- aya na mag- smoke kami.

Napasipat ako sa wrist watch ko, It's 5 o'clock in the morning. Almost 8 hrs din pala ang tinagal namin ni Hello sa Kamagong, along Sta. Cruz Manila. Buti nga sumama siya sa'kin nang inaya ko siya rito sa Manila Baywalk. Nang makalabas kami sa motel, hupa na ang baha at tumila na ang ulan. Sabi ko, tambay lang kami rito sa Baywalk saglit. Kaya heto, narito kami, magkatabi na nakaupo na tinatanaw ang dagat ng Baywalk.

"Oo nga pala, 'yaman mo ah, N- Max ang motor mo!"

"Ah, hulugan lang 'to." Sabi ko sa kaniya habang pinagpagan ko ang upuan ng motor ko.

Totoo naman kasi na hulugan ko lang 'yon. Hulugan na kung hindi dahil sa apelido ng tatay ko at sa pangalan ng nakakatandang kapatid ko, malabo na magkaroon pa 'ko. Dito sa Pilipinas, sanayan na lang sa sistema. S'yempre, wala naman akong trabaho na maganda. At isa pang s'yempre, ang tatay at kapatid ko ay namamahala ng isang malaking kompanya.

I am the bastard son of a shipping magnate. Kung pamilyar ka sa pangalan ng mga negosyanteng bilyonaryo sa Pilipinas, isa roon si Vladimir Henson, my father.

"Ano'ng trabaho mo?"

"Rider lang." Napakamot ako sa ulo. Hindi ko kasi napaghandaan ang tanong niya. "Rider ng Henson's."

"Ah, sikat nga ang shipping courier na 'yan. Mabilis magpadala riyan daw at g'wapings ang mga riders."

I sincerely laughed at what she said, "Ako lang yata," pagbibiro ko pa kay Hello. Napangiti naman siya nang malawak.

"How 'bout you?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala na."

"Huh? Ah... that," naalala ko na nag- quit siya trabaho through phone.

"Gago naman kasi 'yong boss ko na 'yon. Graphic artist ako pero ginagawa akong kalabaw. Bakit, siya lang ba ang may kompanya? Bakit, 'yon lang ba ang alam kong trabaho? Pakyu siya."

A smile escape to my lips, grabe kasi. Naisip ko lang, "Mga ilan na mura ang kaya mong pakawalan sa loob ng isang araw?... ahm, no offense meant," agap ko, "I mean kasi... you are something and by that, I find you interesting. Wala pa 'kong taong nakilala na tulad mo. 'Yong ang lakas ng loob mag- resign through phone and more than that."

"Kapag ayaw ko na sa tao, ayaw ko na."

"Exhausted?"

"More than that. Pero 'wag ka, limang buwan ko rin na natiis ang company na 'yon dahil lang sa wala akong choice. Mahirap lang ako e. Mahirap na nga, pinapahirapan pa 'ko ng nanay ko na walang ginawa, kung hindi manghingi ng pera. Pagod na rin siguro ako. Kaya ako umayaw. Pagod na sa pagkayod para sa pamilya na wala rin namang kapupuntahan."

"Bakit wala?"

"Kung alam mo lang." Dinuro niya sa'kin ang sigarilyo na hawak niya, bago niya 'yon ihagis sa dagat.

"Paano ko naman malalaman, wala ka naman yatang planong sabihin?"

"O sige, masarap ba 'ko?"

"Huh?"

"Tinatanong kita kung masarap ba 'ko?" Ibinuka niya pa ang mga braso niya, flaunting-- er, pointing in that way-- her boobs to me.

"Sobrang sarap." Crossed-arms, I answered hoarsely while looking to her intently.

She chuckled, "Gago ka rin talagang sumagot!"

Gago rin ng sunset. Talagang sa likod pa ni Hello pumuwesto. Tila tuloy isang painting sa canvass si Hello habang naghe- hello ang sunset sa likod niya. Habang nililipad ng hangin ang buhok niya na ngayon ko lang napuna na may highlights pala na kulay green. Okay rin talaga ang personality ni Hello. Parang inadya para sa kaniya talaga. Nang hindi mo siya ganoon kadaling makalimutan.

"Pero sabagay, wala naman nagsabi na hindi ako masarap."

"Conceited eh?" I joked. Hello just giggled.

Oo hindi na virgin si Hello. And it's a no biggie, really. At kung ako ang tatanungin, hindi dapat ginagawang issue ang virginity ng isang babae. Hindi rin naman kasi nababawasan ang sarap at lambot ng mga babae que virgin pa sila o hindi na.

Sa 23 years na existence ko sa mundo, marami-rami na rin akong naikama at ang ipokrito ko naman kung hindi ko aaminin na masarap at malambot ang mga babae. Lalo na 'pag nasa kama na. Iba ang halina ng isang babae sa'kin 'pag nasa kama na kami. Iba ang lambot. Iba ang sarap. Mas sumarap pa ngang lalo ang sarap na tinutukoy ko nang ipatikim ni Hello ang sarili niya sa'kin. Ang sarap ni Hello ay hindi sumusukat sa virginity niya. Ang pagkalalaki ay hindi rin nasusukat sa ikaw ang nakakuha sa virginity ng isang babae. Virginity is just a piece of shit. Dapat natin na i-normal na huwag 'yong ituring na isang tropeo para lang ma- boost ang ego naming mga lalaki.

"Masarap ako, kaya naisip ko lang, bakit pa 'ko magpapakapagod magtrabaho sa isang toxic na company kung puwede ko naman sagutin na lang ang matagal nang nanliligaw sa'kin na bilyonaryo."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Talaga lang ha..."

"Yep. Meron nga, promise. G'wapo naman 'yon. Mukha namang tao. Ang ayaw ko lang do'n talaga ay 'yong feeling niya kaya niya 'kong makuha kaagad."

"E, ganoon na nga ang mangyayari ngayon. So, sino sa inyo ang panalo?"

"Know what? It doesn't matter kung sino ang panalo at talo."

"Hmn... sabi mo palagi kang hinihingan ng pera ng nanay mo?"

"Hah! Oo! Dahil sugarol siya ng looban." Umiismid na sabi ni Hello sa'kin.

"Sa tingin mo ba 'pag pinakasalan mo ang bilyonaryo, matitigil siya sa paghingi? Hindi mo ba naisip na ikakasiya niya pa 'yon. Again, pareho sila na binigyan mo ng satisfaction. 'Yong bilyonaryo, na maangkin ka. 'Yong nanay mo, na mas lalong magkapera."

She frozed. Pagkuwa'y lumunok. Pinagmasdan ko lang siya habang nagbe- blend ang maganda niyang pigura  sa sunset.

May sampung minuto rin siguro ang lumipas nang untagin niya ang katahimikan sa pagitan namin...

"Tara na," aya niya bigla. Pinagpagan ang puwitan niya at saka tumayo.

"Where to?"

"Uuwi na. Uwi na tayo. Antok na rin ako." Humihikab na wika niya.

"Ah," nakakaunawa naman na tumayo na rin ako at kinuha ang susi ng motor ko na nakasabit sa pants ko.

"Alalayan mo naman ako!"

I chuckled, hindi naman makapaghintay kasi. Saka iiling- iling na inabot ko at pinisil ang palad ni Hello. Humagikgik siya.

"Sweet naman pala!"  Nagulat ako nang tumalon siya para pumasan sa'kin.

"Hey!" Kunwari ay reklamo ko. Pero sumampa na 'ko sa motor ko--- nang nakapasan sa'kin si Hello.

"Wohooo~"

Nanatili si Hello sa ganoon na posisyon habang sumisigaw at tumatawa. Nakapasan siya sa mga balikat ko, ang mga binti ay nakapulupot nang mahigpit sa'kin. At mula sa side mirror, malinaw kong nakikita kung papaano siyang tumawa habang nililipad ng hangin ang nakalugay na medyo kulot niyang buhok na hindi na niya pinusod nang makalabas kami sa motel kanina.

Mas binilisan ko pa ang patakbo ko sa motor ko.

Mas sumigaw naman ang backride ko...

"SO, I GUESS, this is a goodbye," malapad ang ngiti ni Hello sa'kin nang sabihin niya 'yon.

"Hmn..."

"O, helmet mo." Inabot niya sa'kin ang hinubad niyang helmet. Na late naman na rin niyang sinuot kanina.

Kanina. Ngayon kasi ay past 6 AM na. Ang bilis ng oras.

"Thanks. I had fun."

"Ahm, yeah. Thanks too," 'yon lang ang nasabi ko. Habang pinagmamasdan ang maamong mukha niya.

"Ba't ganyan ka makatitig?" Nakapamewang na tanong niya, "Parang kinakabisado mo ang mukha ko ah!"

I chuckled, "Sorry, pero... kabisado ko na."

Her face flashed. I plastered a sweet smile.

"Dito ka ba nakatira?"

"No! At huwag na huwag ka nang babalik dito. Delikado."

"Huh? Nasabi ko naman sa'yo ang trabaho ko. So, baka magkita pa tayo."

"Well, on point. But still it's a maybe."

"Hmn, then let's the fate decide. 'Call?"

Malawak siyang napangiti exposing her teeth, "Yeah, sure!"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.