Hello's POV:
"SHUTA ka! Kaya naman pala hapon ka na nagising!" Bungad na bulalas sa'kin ni Yna.
Nasa parteng kusina ng bahay siya nang pagbaba ko mula sa kuwarto. Paggising, doon naman ang punta at naroon din ang pinto para sa banyo.
Naghikab muna ako bago tinaasan ng kilay ang kaibigan kong si Yna. Ang hapon nitong maingay. Oo, hapon. Alangan sabihin ko na ang aga, e, hapon na ngang talaga. 4: 30 PM. Ikaw ba naman ang matulog na ng past 6AM, natural lang na magising ka na nang late.
Tinignan lang ako ni Yna-- nang matiim sa leeg ko. May mga visible na love bites do'n-- dama ko kahit hindi pa 'ko nanalamin-- na ewan ko nga rin kung bakit ko pinayagan na gawin sa'kin ni Stranger.
Actually, marami akong pinayagan pagdating kay Stranger. Hindi ako magmamalinis, nakuha ako ni Stranger na hindi na talaga virgin. College life nang ma- in love ako ng tunay pero hindi rin nagtagal ay lumabas din ang kaniyang tunay na kulay-- sabi nga ng Salbakuta. And the rest is history. Ayaw ko nang maalala si-- ayaw na nga e. So, huwag nang banggitin ang pangalan. Basta, nakuha ako ni Stranger na hindi na virgin.
Si Stranger ang ikalawang lalaki na hinayaan ko sa katawan ko. Hindi ko alam. Wala akong maapuhap na paliwanag kung bakit ko hinayaan 'yon. Ayaw ko na rin na hanapan ng explanation at matagal ko nang tanggap na hindi lahat ay dapat mahanapan ng sagot.
Ang alam ko lang... nasa tamang tao ang landi ko kay Stranger, kagabi. Kung mayroon man na ganoon. Kung wala, e, 'di, ako na ang patunay na meron.
Hindi naman lahat ng bagay kailangan pa ng arte. Minsan, titigan, ngitian at udyok ng katawan, puwede na. Charot!
"Hoy, huwag mo 'kong matignan nang ganyan, Yna Del Fierro, na para bang everyday akong nakikipag- sex sa kung sino- sino. Hello? Ipapaalala ko lang sa'yo, na hindi na 'ko teenager." Umiirap kong sabi kay Yna bago ako pumasok sa banyo.
Hindi naman na talaga ako teenager. 22 years old na 'ko. Alam ko na kung ano ang tama at mali.
That one night stand na nangyari sa'min ni Stranger ay alam kong mali. Hindi dahil sa hindi kasi kami magkakilala. Hindi dahil sa mali ang one night stand. To be honest, wala akong maling konsepto sa one night stand at sex. Sex is sex. If you want it, go for it. Lalo na at hindi naman tumututol ang katawan mo. Mahirap pa nga na hindi 'yon mapagbigyan. Lol. Hindi naman ako ipokritang tao.
Lahat tayo may choice sa lahat ng ginagawa at gagawin natin. Periodt!
Anyways, matured naman na 'ko sa edad kong 'to-- dahil nararapat lang-- Ikaw ba naman ang nag- iisang bumuhay sa dalawa mong kapatid dahil ang nanay niyo ay sugarol at panlalalaki lang ang alam. Pupusta ako na kung hindi pa nagpa-ligate si Aling Carol, baka sampu na kaming magkakapatid-- alam kong hindi lahat ng tao ay tulad ni Stranger na puwedeng pagkatiwalaan.
Talamak na ang pangyayari na nanakawan sa ganoon na set up na malinaw pa sa tubig na refill na dine- deliver sa'min na one night stand ang naganap sa'min ni Stranger. One night stand na marami na ang kaso na napatay, again, nanakawan at nabuntis, siyempre.
Speaking of...
"Siguro naman hindi na kita dapat tanungin kung pinag- condom mo ba?" Tanong ni Yna bigla. Na parang nahulaan ang nasa isip ko.
I frozed. Condom?... nyeta, hindi! Nawala sa isip ko!
"Ay, gaga!" Bulalas ng kaibigan ko nang tila nahuhulaan na niya na walang condom na ganap sa'min ni Stranger.
"Shocks, Yna..." Napahilamos ako sa mukha ko sa biglaang dating ng frustration.
Shit, bakit ba nakalimutan ko ang kapirasong supot na 'yon na napakahalaga pa naman? Mahalaga 'yon! OMG! May pasumpa- sumpa pa 'ko na ang susunod na lalaki na pag- aalayan ko ng katawan ko ay pagko- condom-in ko pero heto, hindi ko naman ginawa!
Spell: Gaga ngang talaga-- It's me! Dahil hindi ka lang pinoprotekhan ng condom na ma- prevent ang pregnancy, protection din 'yon sa mga sakit na maaaring makuha sa sex. Not that iniisip ko na hindi malinis si Stranger ah, pero kasi, kung responsible ka na tao at open- minded sa sexual relationship na tulad ng one night stand, hindi mo dapat kalimutan ang condom! Condom is a must when landi is lifer!
The f, Hello!
"Alam mo ikaw talaga, Hello, nakapag- kolehiyo ka naman. Ewan ko nga ba at bakit minsan ay tatanga- tanga ka." Sabi ni Yna, pinagtitimpla na niya 'ko ng kape.
"Fertile pa naman ako ngayon!" Yes. Ang saklap.
Ang saklap lang na naalala ko na fertile ako ngayon. Kaya rin siguro gano'n na lang ang pagnanasa ko kay Stranger--- No! It's more that that pagnanasa thingy. Dahil may parte sa sarili ko na parang mas gustong bigyan nang mas malalim na kahulugan ang pagpayag ko sa nangyari sa'min ni Stranger.
Na may dahilan 'yon na higit pa sa salitang pagnanasa. Na may dahilan ang pagkakakilala namin. Na inadya 'yon para sa amin. Inadya ng tadhana na mangyari sa'min...
I mean, yes, puwede kang makipag- one night stand dahil lang sa tigang ka or nagnasa ka, pero iba ang sa amin ni Stranger. Dama ko. Naroon ang sexual tension oo, but--- ah, bakit ko nga ba iisipin pa 'yon? E, wala na naman nang tsansa na magkrus ang landas namin ni Stranger.
"Masyado bang masarap ang naka- jerjer mo? Kaya nalimutan mo ang safe sex, hmn, Hello Garcia?"
"Psh!" Inirapan kong muli si Yna. Saka ko hinigop ang kape na tinimpla niya para sa'kin.
Maigi na kalimutan na lang. Siguro naman ay hindi mangyayari ang kaninang naglaro sa isip ko.
Nagkatinginan kaming muli ni Yna. Saka siya umiling.
Kapitbahay ko si Yna sa squatter's area na 'yon. Kalaro at kaibigan mula pa noong uhugin kami. Parati nang narito si Yna sa bahay para tulungan akong asikasuhin ang mga kapatid ko, lalo na tulad ngayon na libre siya sa umaga at panggabi kasi siya sa pinapasukan na convenience store. Nakasanayan na naming magkaibigan na magtulungan. Pareho rin kasi kami na breadwinner. Ako sa mga kapatid ko, si Yna, sa dalawang pamangkin niya. Mas masuwerte nga lang si Yna kaysa sa'kin at wala siyang sakit ng ulo na nanay.
Chineck ko ang nakatakip sa mesa, paksiw na bangus. Bumaling ako kay Yna na nakaupo na sa harap ko, "Sinipag kang magluto ah?"
"Oo. Kaya nga ako dumaan dito. Kumain na sina Hero at Hiraya," aniya. Tinutukoy ang dalawa kong kapatid.
"Salamat. As always," matapat kong wika. Dahil sa buhay, iilan na lang ang kaibigan na tulad ni Yna.
'Yong ituturing din na kapatid ang mga kapatid mo. 'Yong and'yan para sa'yo kahit inis na inis na sa mga kagagahan mo.
"Sus, nakatikim ka lang ng jerjer, nag- drama ka na!"
Natawa ako at s'yempre, nakitawa rin si Yna.
"Pero loka, wala ngang condom?"
Urgh! Kailan kaya ida- drop ni Yna ang condom thingy?!
"Wala siyang ginamit e," simpleng sagot ko na lang.
"At sinasabi mo kanina na fertile ka?"
"Huwag mo nang ipaalala, Yna." Lihim akong napangiwi.
"At nag- quit ka na sa trabaho? Late ko nang nabasa ang text mo. Kaninang umaga lang. Sorry."
"Wala 'yon." Wala na talaga 'yon at si Stranger naman ang binigay na company sa kaniya ng Diyos.
Tinext niya kasi si Yna na kung puwede ay ipasundo siya kahapon sa SM Sta. Mesa kahit sa mga tropa nilang tricycle driver dahil nga sa lakas ng ulan ay mahirap mag- commute. Tinext niya kahit alam niyang nasa trabaho si Yna nang mga oras na 'yon, sa sobrang pagkainis niya sa boss niya.
"So, quit na nga?"
Tumango lang ako sa tanong ni Yna.
"Happy?"
Napangisi na 'ko sa pagkakataon na 'yon, "Of course, Fermina." 'Yon ang tunay na pangalan ni Yna.
"At sasagutin na nga si Vincent?"
"Charot ko lang 'yon. Puwede naman maghanap ng trabaho ulit."
"Trabaho na inaalok ni Vincent, baka want?"
Natawa ako na nailing. Jusme, wala ba talaga akong choice pagdating sa magulong parte na 'to ng buhay ko? Parteng hindi ako maaaring mawalan ng trabaho?
"Speaking," bulong ni Yna bigla.
"Hey, mabuti at gising ka na pala," untag nang kadarating lang na si Vincent.
"Ay, siya, maiwan ko na kayo, Friend. Kanina pa 'yan si Vincent na naghihintay sa'yo." Bumeso sa'kin si Yna bilang pamamaalam.
Hinayaan ko na si Yna na makauwi. Gagayak pa siya para pumasok sa convenience store at night shift ang duty ngayon.
"Pasensya ka na. Umaga na kasi akong nakauwi kaya napuyat. Ahm, upo ka." Inaalok ko pa rin si Vincent ng upuan kahit halos araw- araw naman 'to na nasa bahay.
Si Vincent ang sinasabi ko kay Stranger na manliligaw kong bilyonaryo. Naging kliyente ng company na nilayasan ko. Nagkakilala kami ro'n. Mula no'n, hindi na niya 'ko tinigilan. Mas lalo pa nang makasilip si Vincent ng pag- asa sa reaksyon ng nanay ko na si Aling Carol, noong makita siya. Sa gara ba naman ng kotse at sa tatlong bodyguards, hindi mahirap na mahulaan na naglalakad na pera si Vincent. Pera na kung mapapakasalan ay pinakasalan na ni Aling Carol.
Kaya tama si Stranger. Bibigyan ko lang si Aling Carol ng satisfaction. Pati si Vincent. Pero kasi...
Wala naman na 'kong choice...