Hello, Stranger Chapter 35

"I HIRED a private investigator para mahanap kita. But of course, hindi naging madali dahil mga bata pa tayo no'n. Nang magkaroon naman ng lead, boom! Legit kasi na ikaw nga ang hinahanap kong bata na may brown na balat sa tuluan ng luha."

Napasinghap siya. Oo nga naman, naiyak siya kanina kaya malinaw na nakikita na ni Jio ang birthmark niyang kasumpa-sumpa para sa kaniya kaya tinatakpan niya 'yon ng concealer na kakulay ng skin niya.

"Nabunggo ako no'n sa poste dahil ang bilis mong maglakad. Iniisip ko pa nga that time na baka magsuot ka sa mga eskinita, paniguradong hindi kita masusundan. 'Yong investigator naman kasi, kung kailan nando'n ka sa busy na kalsada ng Caloocan, saka ako tinawagan na ikaw nga raw wala ng iba ang hinahanap kong bata na walang pangalan basta may kapatid na hindi ko rin alam ang pangalan. O, 'di ba, mahusay rin ang inupahan namin ni Art na investigator, hindi ko naman alam ang mga pangalan niyo pero nahanap niya pa rin kayo," mahabang litanya nito sa kaniya.

"P—Pero... bakit mo naman ako hinanap? Dahil sa kapatid ko? Nasa'n na ang kapatid ko?" sunod-sunod niyang tanong dito.

Pagak na natawa naman 'to. "Ang kapatid mo ang pinakamalalang tao na nakilala ko sa buong buhay ko."

Kumunot ang kilay niya sa pagtataka. "Ano?"

"Pinahanap kita sa hindi ko malaman na rason. Kung hindi pa dahil sa aksidenteng nangyari, hindi ko mari-realize na mahal na pala kita. Mahal na pala kita kasi ikaw ang nag-iisang tao na nagturo sa 'kin na malagpasan ang takot, 'yon ang ginamit kong sandata no'ng akala ko ay mamamatay na 'ko sa aksidente na 'yon. Mahal na kita pala, sa paraan na ako lang ang nakakaalam," anito, masuyong pinisil amg palad niya, hinayaan niya lang naman 'to.

"Ahm, kailangan ko na bang sumagot kung mahal na rin ba kita?"

He chuckled. "Kahit saka na, 'pag na-realize mo nang wala ka nang kawala sa panliligaw ko. 'Pag na-realize mo nang wala ka nang lusot sa pag-ibig ko."

Aw, corny pero tagos ah.

"Anyway, as I've said earlier, ang kapatid mo na ang pinakamalalang tao na nakilala ko. Alam mo ba kung bakit? Mula noong maliliit kami kinukulit niya 'ko na patulan ko siya, pinapalabas niya sa lahat na girlfriend ko siya—"

Sa sinabi nito ay napabitaw siya sa pagkakahawak nito sa palad niya at napayuko siya.

"Ah, t—tara na siguro... baka nakakaistorbo na tayo sa negosyo mo, negosyo pa rin naman 'to kahit ikaw ang may-ari nito, Sir Jio," she said, sinadyang bigyang diin niya ang huli niyang sinabi.

Kung gano'n kasi na mahal pala 'to ng kapatid niya, para saan pa ang usapan nilang 'to?

"Pakilala mo na lamang ako sa kapatid ko, isa sa mga araw na 'to."

"Sure," tugon nito. "but I guess nagkakilala na kayo."

"H—Huh?" bigla ulit ang pagdunggol ng kaba sa dibdib niya. "S—Siya ba si... Marge Morales?"

Tumango si Jio. "Yes. Siya si Marge San Martinez-Morales, 'yon ang name na binigay sa kaniya nina Auntie Jinks, kapatid ni Mom. Pero Catherin ang name niya sa 'min. Nagtagal din kasi siya sa 'min at tinuring siyang bunsong kapatid namin at mahal na mahal siya ni Mom dahil babae at panay kami lalaki. Kinuha lang siya ni Auntie Jinks dahil siya naman ang kusang nagpakuha nang mabalitaan niyang namatay ang anak na iniluwal ni Auntie Jinks no'ng nasa grade school pa lamang kami. Binalik namin si Catherine sa palengke ngunit ang sabi ng mga tao ro'n ay nasagasaan daw ang nanay niyo't ang balita, lumipat kayo ng ibang lugar na wala naman nakapagsabi kung saan."

"Sa Sta. Fe nga kami nakalipat buhat no'n. Oo, nang mawala si Catherine ay nasagasaan si Nanay, noong magkaisip ako ay saka ko naunawaan na tinakasan namin ang mga utang pala nila ro'n kaya biglaan na lang ang pag-alis namin." Sa Sta. Fe ang probinsya kung saan may ancestral house ang mga San Martinez.

Oh, come to think of it, halos magkaugnay naman pala talaga sila ng lalaking 'to mula't simula...

'Yon nga lang ay gusto rin 'to ng kapatid niya...

"Maaari mo ba 'kong samahan sa pakikipag-usap sa kapatid ko bilang ate niya? Kailangan ko siyang makilala. Kailangan kong humingi ng tawad sa kaniya."

Nagkibit-balikat si Jio. "Of course. Binilin niya pa nga na sabihin ko raw sa 'yo na siya ang bridesmaid sa kasal natin."

"H—Huh?"

Jio pinched her nose. "Ale, masyado ka naman yatang mapagbigay sa kapatid at pati ako ay plano mong ipamahagi. Nakakatampo!"

"A—Ano ba ang sinasabi mo?" kunwa'y hindi niya 'yo maunawaan.

"Samantalang si Catherine, mula maliit ay kinontrata na 'ko para sa ate niya. Ako raw kasi ang lalaki sa panaginip niya, sigurado raw siya. Kinukulit niya 'ko at pinapakilala niya sa lahat na may relasyon kami dahil nakareserba na raw ako sa ate niya."

Wala na, ang kung anong bagay na humahaplos sa puso niya kanina pa ay mas lalong naging intense kaya hindi naawat ni Cess ang sarili, nayakap niya si Jio nang 'di oras.

"Bakit gano'n ang batang 'yon..." sisigok-sigok niyang sambit sa balikat ni Jio.

He chuckled. "Baliw 'yon. Nang makilala kita at makasama, naisip ko nga na wala naman kayong pagkakaiba."

Malakas 'tong natawa nang kurutin niya 'to sa kili-kili nito.

Hindi man niya sabihin sa ngayon na mahal din niya 'to, alam niyang soon ay buong puso niya pa rin 'yon na sasambitin sa lalaking 'to na itinakda ng tadhana sa kaniya.

S'yempre, papahirapan niya muna 'to bago ang matamis niyang oo, 'no!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.