Hello, Stranger Chapter 34

"M—Mommy..." Nanginginig ang labi na atungal nito ng iyak nang tanungin niya.

"Uy, tahan na, nawawala ka ba?" Niyuko niya ang bata na ni ayaw siyang tignan. Ang mga braso kasi nito na magkakrus ay nasa ibabaw ng mga tuhod nito.

"Mommy..." Patuloy 'to sa pag-iyak.

Napakamot si Cess sa sariling ulo. Ano ba naman 'tong napasukan niya? Hinahanap niya nga ang nawawala niyang kapatid, ibang bata naman ang natagpuan niya at sigurado na siya ngayon na nawawala rin 'to.

"Tumahan ka na..." panunuyo niya sa batang lalaki. Hindi pa rin 'to nag-aangat ng ulo para tignan siya. "Hindi ka man makikita ng mommy mo kung nandito ka lang sa isang tabi," saad niya pa, sa tingin niya ay magkasing edad sila nito. Kaya lang ay mas malaki siya rito dahil mataba 'to kasi. "Halika, samahan kita papunta sa baranggay para tulungan ka nilang hanapin ang mommy mo, bata."

"B—Baranggay?" Sa sinabi niya ay nag-angat 'to ng ulo.

"Oo. Pupunta rin ako ro'n dahil nawawala kasi ako ang k—kapatid ko na tulad mo," pasigok niyang sambit.

Maisip niya pa lang na malalagot siya sa nanay niya 'pag nalaman na nawala ang kapatid niya ay naiiyak na siya. Mas lalong kung nasaan na kaya si Catherine, baka hindi na 'to tumitigil sa pag-iyak... tiyak na maghahanap na 'to ng dede...

"Si—Sige," pagpayag ng bata. Naghanda na 'to sa pagtayo ngunit inawat niya 'to. Nagulat man ay napapikit na lang 'to sa biglaan niyang pagyuko sa mukha nito.

"Sige, pikit ka muna," aniya. Napahagikgik siya nang maamoy niyang may kaasiman ang matabang bata pero ang pulbos nito ay humahalo sa natural na amoy ng pawis nito. "Tapos ay sige na, buksan mo na ang mga mata mo."

Ginawa naman kaagad ng bata ang sinabi niya nang maramdaman nito na parang may kung ano siyang dinakma sa ulunan nito mismo.

"Ano ba 'yan?" tanong nito sa nakaumang niyang palad sa harap nito. Nakasara ang palad niya para surprise.

"Maghanda ka muna ng wish," excited niyang sabi.

"Wish?"

"Oo, wish. Katulad nang... ah, alam ko na! Ang wish ko ay sana mahanap ko na ang kapatid ko."

"Huh?" Nagtataka pa rin na sambit ng batang lalaki sa kaniya.

Natawa siya. Noon lang niya napansin na ang ganda ng mga pares ng mga mata nito. Tila 'yon nagsasalita sa kung ano ang kasalukuyan nitong nararamdaman, gaya ngayon, tila kinakausap siya niyon at sinasabi sa kaniya na natatakot 'to na baka hindi na makabalik sa pamilya nito.

"Unfair ang mundo, unfair ang buhay, tignan mo nga, mayaman ka, may mommy, ako, nanay lang. Kaya 'pag may ganitong pagkakataon na makapag-wish, mag-wish tayo."

"Parang genie in a bottle?"

Natawa siya. "Oo, parang gano'n na nga 'to." binuksan niya ang palad, pagak ulit siyang natawa nang malukot ang ilong nito sa nakita.

"But that's not a bottle!"

"Hindi nga, balahibo 'to. Madalang magpakita nga 'to e tapos 'pag nakita namin hinahabol namin dahil tumutupad nga ng wish 'to."

"Okay." Tumango-tango nitong sabi.

"Game, mag-wish ka lang na mahahanap mo ang mga magulang mo. Mag-wish tayo para mahanap ko na rin ang kapatid ko..."

{Present time}

"IKAW ang batang 'yon, Cess."

Napakurap-kurap si Cess. Hindi niya mapaniwalaan na pagkatapos ng mahabang panahon, heto sila ng maasim at matabang bata na sinamahan niya sa baranggay at iniwan niya ro'n nang umiiyak siya dahil buti pa 'to, may balita na sa magulang nang dalhin niya 'to sa baranggay. Samantalang ang kapatid niya...

"Sabi ko naman sa 'yo, unfair ang mundo, noong dalhin kita sa baranggay ay agad na may balita na makukuha ka ng mga magulang mo, samantalang ang kapatid ko ay wala na, nawala na siyang tuluyan no'n," pumiyok niya sabi, noon lang niya napunang may luha na pala ang mga mata niya't naglandas na 'yon sa mga pisngi niya.

Masuyong pinahid ni Jio ang mga luhang 'yon. "Hmn, unfair talaga ang mundo. Alam mo ba na sina mommy ang nakakita sa kapatid mo?"

Napaamang siya. "M—May nakapagsabi nga sa 'kin kaya nga namasukan ako sa 'yong maid—" naputol ang sinasabi niya nang tumunog ang elevator, indikasyon na naroon na sila sa pakay na floor.

Sa gulat niya ay may pinagpipipindot si Jio ro'n dahilan upang mamatay-sindi ang mga ilaw ro'n. Nang mag-dim ay hinarap siya nitong muli.

"A—Anong ginawa mo?"

"Wala. Alam na ng mga security 'yan, na ako ang nakasakay rito. Besides, ako naman ang may-ari ng building na 'to."

Napanganga siya. "So, 'pag owner pala, okay lang 'to ginawa mo?"

Pagak 'tong tumawa. "Nakalimutan mo na yata na private elevator 'to."

Ay, oo nga naman!

"So, nasaan na ang kapatid ko, Jio San Martinez?" mahirap na at baka magkalimutan sila.

Nginisian siya ng boss niya. "Biglang nawala ang 'Sir' ah," saka nakaingos nitong turan.

"Okay, Sir Jio San Martinez—'yan ah, kumpleto na, wait, ano ba ang middle initial mo?"

Halakhak nito ang pumuno sa maliit na espasyo na 'yon. Siya naman ay napahawak sa sariling puso, hanggang ngayon kasi ay hindi 'yon kumakalma.

"Alam mo ba na kaya ako naaksidente ay nakita na kasi kita sana no'n sa Caloocan.'

Namilog ang mga mata ni Cess. "Te—Teka... ikaw 'yong tanga na sakay ng kotse na bumangga sa poste in a broad daylight?!"

"Ouch, grabe sa tanga."

"E, tanga ka naman talaga. Walang sasakyan no'n, maliwanag, hindi naman naulan, bakit ka bumangga?"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.