Hello, Stranger Chapter 6

Hello's POV:

SATURDAY. At katulad ng ibang araw ng Sabado, heto ako, maagang nag-aayos para sa lakad ko ngayong araw na 'to. Ito 'yong natatanging araw sa buong week na pinaka-hate ko magmula nang maging asawa ko si Vincent Henson.

"Are you done?" May inip na tanong sa'kin ni Vincent nang sumungaw ang ulo niya sa pinto ng k'warto naming mag-asawa.

"Ikinakabit ko na lang ang pakaw ng hikaw," simpleng tugon ko sa kaniya.

"Bilisan mo, Hello. Naghihintay na t'yak si Dra. Madrigal."

"Oo. Saglit na lang 'to."

Narinig ko ang marahas na buntonghininga ni Vincent bago niya napipilitang isinara ang pinto.

Ako man ay napabuntonghininga nang mailapat na ni Vincent ang pinto pasara. Buntonghininga habang nasa harap ako ng salamin na nagmula pa raw sa India sabi ng asawa kong kayang-kayang bilhin ang mga materyal na bagay sa mundo kahit saang bansa pa.

Parati naman akong napapabuntonghininga sa harap ng salamin buhat nang maging asawa ko si Vincent, mas malalim nga lang sa tuwing darating ang katulad ng araw na 'yon ng Sabado.

Nagpasya na lang akong kunin ang bag na gagamitin ko para sa araw na 'yon. Dior. S'yempre pa ay natuto na rin akong makibagay sa mga gamit ng mga mapeperang tao. Ayaw rin naman kasi ni Vincent na hindi ako pupustura 'pag lalabas ng bahay. Gano'n kataas ang ego ang asawa ko. From his business, hanggang sa akin. Lahat ay tinuturing din naman niyang property niya kaya nararapat lang na maganda kami sa mga mata ng nakakakita sa amin.

Hindi miminsan pa na minasdan ko ang mga mata ko na sumasalamin ng emosyon na pagsisisi nang pakasalan ko si Vincent. Ngunit sa tuwing naiisip kong buhay ang kapatid kong si Hiraya until now, pagkatapos ng sakripisyong pakasalan ko ang kilalang demonyo sa mundo ng negosyo, kahit paano ay napapanatag ako. Pasasaan ba at sa pagtagal ay mas magiging maluwalhati rin ang pagtanggap ko sa lahat.

Pasasaan ba at matatapos na rin ang paghihirap kong 'to sa'yo, Vincent...

"Nakapagpahinga ka naman the past few days, right," ani Vincent sa'kin nang makasakay na ako sa kotse niya, sa tabi niya sa backseat.

Pasaad niya 'yong sinabi at hindi patanong.

"Yeah," tipid kong sagot, inayos ko ang pagkakalapat ng shades ko sa'king mga mata.

Dama ko ang sulyap ni Vincent sa gawi ko kaya pinanatili ko ang malamig na ekspresyon ng mukha ko, aral na aral ko na ang gawi na 'yon magmula nang maging asawa ako ng demonyong katabi ko ngayon.

"Why, you look so lovely today, wife..." Pinasadahan ako ng tingin ni Vincent ng malagkit na tingin mula ulo hanggang paa.

Huminto ang mga paningin niya sa dibdib ko na medyo nakalitaw sa suot kong backless jumpsuit.

Shit, mukhang mabubunot niya pa 'ko ngayon!

At tila sagot sa naisip ko, pinindot na nga ni Vincent ang button na magsasara sa kinauupuan namin sa frontseat ng kotse kung saan naroon ang kaniyang bodyguard at driver.

The piece of metal down as soon as Vincent click the button for it. That was improvised shield to his car. Upang hindi kami makita ng mga sakay sa unahan at marinig na rin. Gano'n ka-expensive ultimo ang kotse nito.

At kasabay ng pagsasara ng kapirasong metal na 'yon, awtomatikong binaba ko na ang strap ng suot kong backless jumpsuit.

"Good. 'Yan ang gusto ko sa'yo talaga, Hello," garalgal na sambit ni Vincent habang nilalawayan niya ang sarili niyang labi at tila pinapakita 'yon sa'kin talaga.

Yeah, 'yon talaga ang gusto ni Vincent. Mas masikip ang suot ko, mas trip niya kong galawin. Mas maiksi ang oras para sa pagtatalik, mas gusto niya rin. Hindi ako puwedeng tumanggi kung ayaw kong samain sa kaniya. Hindi ako puwedeng tumanggi kahit hindi naman ako nasasarapan sa kaniya. Ang konsolasyon ko lang sa ganitong pagkakataon na mag-iinit siya at wala kami sa bahay ay mas hindi ako mangangalay at hindi mapapagod.

"Here," ani 'ko kay Vincent pagkatanggal ko ng nipple tape.

Napatingala na lang ako at napakagat sa'king lower lip ng agad niya 'yong sunggaban at halinhinan na isinubo at kinagat-kagat sa paraang gigil.

"Dito na 'ko magpapaputok, Hello," again, sinabi lang 'yon ni Vincent ngunit hindi 'to nagtatanong kung puwede ba dahil wala rin naman akong magagawa.

"May wet wipes naman ako," sagot ko. Nang dilaan ni Vincent ang labi ko ay kunwari akong matamis na ngumiti.

Pagkukunwari. Isa 'yon sa na-master ko pagdating kay Vincent.

Gaya na lang ngayon na unti-unti kong hinahaplos ang 'kaibigan' niya para mabuhay 'yon.

"Uungol ka ngayon," mayabang na sambit ni Vincent pa, nginitian ko lang 'yon. Ayaw ko naman na masira ang mood niya.

Mood niyang ewan ko saang kakapalan ng apog niya nakukuha sa tuwing bababuyin niya 'ko.

Stranger's POV:

"HAIST, bakit ba kasi ganyan katagal 'yan mabuo, Doktora Sheena?" Reklamo ko sa magandang doktora sa clinic na 'yon habang isinasara ko ang zipper ng pants ko at palabas ako ng banyo.

"Hindi ka muna mag-angat ng zipper ng pants mo bago ka lumabas ng banyo, gunggong ka!" Pabiro pa 'kong kinutusan ni Dra. Sheena, saka niya kinuha sa'kin ang plastic cup na may laman na... ooops, secret.

'Yon ang sabi niya e. Secret lang daw namin 'yon. At dahil madali akong kausap, e, 'di secret. Basta hindi ako mapupurnada sa secret na 'yan, walang kaso sa'kin.

"Doktora ka naman. Wala kayong malisya sa anatomy hindi ba?"

"Hay, siraulo kang tunay!" Lukot ang ilong na turan ni Doktora Sheena sa'kin. Natawa na lang ako.

Kababata ko naman kasi 'tong si Sheena. Noong maliliit pa kami ay may crush siya sa'kin. Hindi ko naman siya pinansin. Nang tumanda na kami ay nagbago na yata ang isip niya. Siguro kasi nga magdu-doktor, righteous din ang mga magulang, tumaas ang standard kaya naglaho ang pagsinta niya sa'kin. Well, oks lang 'yon. Hindi ko naman din siya type. Anyway, naging friends naman kami sa pagtagal.

"So, pa'no, mauna na 'ko?"

"Hindi mo ba muna iche-check 'yong last time na procedure?"

"E, kayo namang mga doktor ang nakakaintindi niyon. Ba't ko pa isasali ang sarili ko?"

"Iniimbitahan nga kita kasi kaibigan kita. Ayaw mo ba?"

Napatda ako. Nauunawaan ko naman ang sinasabi niya kaya lang...

"Sheena, alam mong hindi 'to normal."

Nagkamot ng kaliwa niyang kilay si Sheena. "Haist, oo na, sige na. Lumayas ka na nga!" sabay taboy niya sa'kin. Siguro ay nakunsumi na.

Natawa ako ulit. "Basta ikaw na ang bahala sa mga magiging mini ko, adios!" Tatawa-tawang bilin ko pa sa kaniya bago ko siya iwanan.

Sa totoo lang, masama sa loob ko na gawin ang ginagawa ko sa tuwing sasapit ang araw ng Sabado at kailangan kong makipagkita kay Sheena. Kaya sabi nga ng doktora ay kaya yata ayaw makipag-cooperate ultimo ng semen ko sa procedure.

Semen. Hindi ko kailan man naisip na magagawa kong sayangin ang mga binhi ko papunta sa plastic cup ng mga doktor.

Kung hindi lang talaga kailangan. Tsk.

Speaking of, kailangan, tatawagan ko pa nga pala ang may kailangan ng mga binhi ko.

"Hey," bungad ng kuya ko sa kabilang linya. Tila siya humihingal pa.

I smirked. "Hey, ang tagal mo namang sagutin."

"Sorry, busy sa paglabas pasok sa butas."

Natawa ako ng malakas. "Tang'na, sana all may pinapasok na butas!" biro ko sa kuya ko kahit na alam kong hindi naman siya tatawa. Gano'n siya kaseryosong tao.

"O, napatawag ka? Nand'yan ka pa ba?"

"Oo nga e, sasabihin ko lang sa'yo na palabas na 'ko. Hindi na kita mahihintay."

"Hintayin mo 'ko. Last time ay tinakasan mo na 'ko. Malapit na naman na kami," mariing sabi niya sa pautos na paraan.

Haist. "Oo sige, sige na. Sa canteen lang ako, 'kakape."

Hello's POV:

"CONGRATS, wife!"

Hinayaan ko lang si Vincent na yakapin ako at halikan ako sa sentido. Masyado siyang masaya sa ibinalita ni Dra. Madrigal sa kaniya. Kung sabagay naman, maging ako ay napakasaya, hindi ko lang ipinapakita sa kaniya ang kasiyahan na 'yon dahil paniguradong ako rin ang matatalo sa aming dalawa 'pag hinayaan kong rumehistro ang kasiyahan sa'kin.

Ang lahat ng 'to ay pakulo niya. Planado. Ni hindi niya hiningi ang opinyon ko at hinayaan niya lang na kontrolin niya 'ko, so, manigas siya.

"Thank you," pa-emeng sagot ko. "Uhm, by the way, I'll go to the restroom. Magre-retouch lang ako."

"Sure." And as usual, walang pakialam na pinindot ni Vincent ang pisngi p'wet ko bago ako lumabas sa k'warto ng mga doctors sa clinic na 'yon.

As usual din, ngumiti ako sa kaniya. Ayaw niya na dinededma siya 'pag nasa mood siya— 'pag masaya siya.

Nang makalabas na 'ko ng room na 'yon ay naikot ko na lang ang eyeballs ko.

Sanayan lang din. Kung may dapat akong ipagpasalamat ay 'yon ay ang katotohanan na kahit ganyan si Vincent, napakinabangan ko naman at g'wapo siya sa totoong kahulugan ng salitang 'yon. Wala ngang Henson na hindi naman g'wapo. Nasa dugo nila ang kagandahang lalaki. Nasa dugo rin nila ang mga hayup.

Char. Makapagbanyo na nga at ayaw 'kong ma-badtrip.

Wait, nasaan na ang lip tint kooo? Lip tint is life kaya hindi puwedeng mawala 'yon!

Kandakapa ako sa Dior bag ko ng lip tint na nabili ko online. Nandito lang kasi 'yon kanina. Imposible naman na naiwan ko. No puwede!

"Nasa'n na 'yon?!" Inis kong tinaktak ang laman ng bag ko sa harap ng lababo ng banyo nang makapasok ako ro'n.

Aba, kailangan na mahanap ko ang—

"Hoy! Miss, banyo 'to ng lalaki! Anong ginagawa mo rito?!"

Shocks!

Pero mas shocking for me nang isara ng lalaking sumita sa'kin ang pinto ng banyo!

"A—Ano ang... binabalak mo? Sisigaw ako, binabalaan kita!" Kaagad kong banta sa lalaki.

Tumawa siya. "Isinara ko na nga e, ako pa ba ang may balak? Hoy, miss, baka may pumasok na iba rito at makita ka. Teka, misis ka na nga pala. Ikaw ang asawa ni Vincent 'di ba?"

Nandilat ang mga mata ko sa gulat. Sino ang lalaking ito?!

"Uhm..."

"Nasilip ko kasi 'yang suot mo kanina nang silipin ko si Vincent sa clinic ni Dra. Madrigal. Nakita kong kasama ka niya."

Sinulyapan ko siya mula ulo hanggang paa.

Well, dahil wala akong kakilala na may ganitong kaibigan or what si Vincent. Don't get me wrong, ang sa akin lang ay madalas na nakikita kong nakakasama ni Vincent ay mga lalaking naka- neck tie. Of course, na katulad ni Vincent. Ang isang 'to kasi ay ang simple para sa isang nodding acquaintance ni Vincent or kaibigan...

Nakasuot ng white cap, plaij white shirt, nakasukbit ang maliit nitong bag payakap— 'yon ang nakikita kong mga bag ng mga rider sa tuwing nasusumpungan ko na magpa- deliver ng foods. Brown boots ang sapin niya sa paa, kupas na maong pants ang kaniyang suot na... ehem, sumasakal sa mga binti niya at sa 'bulge' niyang una kong napuna sa kaniya, alright. 'Yon ay dahil...

"O—Okay... puwede ba na pakisara— I mean, pakibukas na ang pinto at nang makalabas na 'ko?"

Tumawa siya. Tawa na parang ang naughty pakinggan. Sheeet!

"Ikaw ha, ang pilya mo, nakita mo pa 'to," aniya, tukoy s'yempre ang zipper niya na nakabukas.

Mahinang natawa na rin ako. Napakamot sa kilay at inalisan ko siya ng tingin dahil kasalukuyang sinasara na niya ang zipper ng pants niya.

Hay, mabuti pa siguro na iligpit ko na ang mga kinalat ko sa lababo.

"Hindi mo siguro napuna na sa banyo ka ng lalake nasuot dahil may hinahanap ka sa bag mo, 'no," sabi niya.

Tinulungan niya 'kong damputin ang mga kinalat ko sa lababo dahil gumulong din ang compact mirror ko palayo sa'kin banda at malapit 'yon sa gawi niya.

"Uh-huh," simpleng tugon ko.

Nang hindi siya tumugon ng ilang segundo na rin ay nag-angat ako ng tingin. Eksaktong nagkatitigan kami sa malaking salamin sa harap ng lababong 'yon.

"H—Hello?"

"Stra... nger...?"

  Parang sa pelikula, nagkagulatan kami sa muling pagkikita. Pero dahil hindi 'to pelikula, aba, ang kuya mo Stranger, hinapit ako at sinabasib ng halik!

"Ump—"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.