Hello, Stranger Chapter 5

Hello's POV:

HAPONG-HAPO NA 'KO na bumabayo sa ibabaw ng asawa kong si Vincent pero tila wala pa ring balak na labasan ang hayup na 'to. Mahapdi na rin ako roon, sa totoo lang. Ilang oras na rin akong nagtatrabaho para sa gagong 'to na parati namang nangyayari. Mahapdi na pero nagtitiis pa rin ako para sa ikaliligaya ng lalaking nasa ilalim ko at salitan na humihimas sa mga dibdib ko't nilalapirot 'yon sa paraang gigil.

"Ugh..." Gusto kong mag- rolled eyes nang marinig kong umungol si Vincent. Lalo na nang trying hard niyang sinasalubong ang ulos ko sa ibabaw niya.

"Ayusin mo, Hello," Vincent demanded. Nasa tono niya at sa hilatsa ng panlilisik ng mga mata sa'kin sa mga oras na 'yon na makakatikim na naman ako mula sa kaniya ng sampal 'pag hindi ko nagawa na labasan siya.

Ang kaninang binalak ko na pag- ikot ng mga eyeballs ay ginawa ko ngayon nang palihim. Tumayo ako at sinimulan na ipamalit ang bibig ko sa maselang parte ni Vincent. Isang nakakangalay na gawain na naman 'to. Nakakangalay at nakakairita dahil siya lang ang nasasarapan sa hindi ko naman malaman na rason.

"Aahhhh..." Hayun at tumitirik na ang mata niya nang silipin ko siya habang eksperto kong hinihimod ang pagkalalak* niya.

Nag- effort talaga ako kung paano magagawa 'to. 'Yon lang ang paraan na alam ko kung paano makakabayad sa mga utang ko kay Vincent Henson e, kaya wala akong choice. Kung may pampalubag- loob man ang lahat ng ito, 'yon ay ang katotohanan na kasal ako sa lalaking 'to. Kasal. Pinagbuklod. Ang kaniya ay sa akin din. Kahit halos sampu yata ng angkan ng Henson ay umayaw sa'kin ay wala namang mga nagawa. Ipinaglaban ni Vincent sa'kin ang pag- ibig na sinasabi niya. Cliché pero oo, nangyari sa'kin. Ang drama pa nga ng mayayaman. Akala mo mga nabili na ang lahat sa laki ng mga naiaambag nila sa Pilipinas.

Heto ang buhay ko makalipas ang limang taon. Kasal na sa isang bilyonaryo. Maraming pera. Nakahiga sa salapi. Nailigtas ko rin ang kapatid ko sa sakit niyang kamuntikan nang tumapos sa buhay niya. Kung may magtatanong kung nagsisisi ba ako, dalawang letra lang isasagot ko-- Oo.

"Putang--" Ang biglaang pagtayo ni Vincent ang pumutol sa mga naglalaro sa isip ko. Hindi ko na kasi namalayan na natigil na pala 'ko sa ginagawa ko sa pagkalalak* niya.

"Saglit lang--"

"Kung kailan lalabasan na 'ko, saka ka pa talaga tumigil!" Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Vincent sa pisngi ko habang umaarte akong hinihilot ko ang nangalay kong panga.

As usual, hindi umubra ang palusot ko at nakatikim ako na naman ng sampal. Palusot na kahit alam ko naman na hindi uubra ay paulit- ulit ko pa rin na susubukan. No choice. Sa buhay ay may mga sitwasyon na hindi tayo bibigyan ng pagpipilian. Nakaka- putang ina lang.

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. 'Yon lang naman ang magagawa ko. Kahit na gustong- gusto ko na pasabugin sa suntok ang mukha ni Vincent madalas.

Mariing hinawakan ni Vincent ang pisngi ko. Saka niya 'ko dinuraan-- Oo, ganoon siya kababoy. Nakakasulaksok ang pagkatao ng taong kaharap ko na inakala ko na napakabuti base sa ipinakita niya sa'king pagkagiliw noon.

"Inutil!" Nagawa pang isigaw sa'kin ni Vincent. Tinulak niya 'ko bago siya tuluyan na umalis sa harap ko.

I smirked. Sapo ko ang pisngi na hindi lang miminsan na nakatikim ng sampal mula sa asawa ko. Ramdam ko na pati 'yon ay mahapdi na rin.

No. Wala akong luha. Hindi ang tulad ni Vincent ang iiyakan ko. Isang beses ko lang na iniyakan ang pananakit niya, and once is enough for Hello Garcia. Tapos na ang araw na nasasaktan ako ng pisikal at emosyonal sa ginagawa ni Vincent sa'kin. It's almost 6 years already kaya sanay na rin talaga 'ko.

Totoo ang sinasabi ng lahat... sanayan lang. Kasing sanay na hindi lang iisa ang tumatawag sa'kin na gold digger. Well, partly, totoo naman 'yon. Pera lang naman talaga ni Vincent ang pinakasalan ko sa kaniya. Buti na rin lang...

"UULITIN KO HO, hindi ako ang may pera. Ang asawa ko 'yon. Kung gusto niyo ay sa kaniya kayo humingi," nakasimangot kong sabi kay Aling Carol.

Inabutan ko na rin siya ng one thousand peso bill at baka umiyak pa. May pagka- emo rin naman siya kahit mukhang pera.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paanong ang nanay na tulad nito ay ganito sa anak niya. Hindi ko tuloy maiwasan na isiping mas maigi pa yata kung pinaampon na lang niya kami o nilaglag.

"Gaga ka pala e, asawa mo 'yon, natural na ikaw ang manghingi!" Tugon pa ni Aling Carol habang halos nguyain na niya ang usok na nagmumula sa hinihithit niyang sigarilyo.

Ano pa ba ang aasahan ko sa kaniya? Ganyan na siya noong mula nang magka- isip ako. Wala naman nang bago. Minalas lang naman ako na maabutan niya rito sa bahay. Dumadalaw talaga 'ko rito sa tuwing dinadalhan ko ng grocery ang mga kapatid ko.

"Uuwi na ho ako. Kayo na sana ang bahala sa mga kapatid ko."

Mga kapatid na kung puwede lang ay tinangay ko na, ngali- ngali kong sabihin kay Aling Carol.

"O, siya, batsi na! Napakayabang mo na talaga!"

Lihim kong naiikot ang eyeballs ko. 'Yon naman ang palaging sinasabi ni Aling Carol sa'kin. And again, sanayan lang.

Minsan ko pang tinanaw muli ang bungalow na bahay na naipundar ko sa pagtatrabaho ko sa Henson's Corp. bilang on call graphic artist. Taliwas sa alam at sinasabi ng lahat, hindi ko nilulustay ang pera ng asawa ko. Oo, nakahiga ako sa pera, nabibili ko na ang lahat ng gustuhin ko, pero hangga't maaari ay ayaw ko nang magkautang na loob kay Vincent pagdating sa pamilya ko. Tama na ang naibigay ni Vincent noon. Ang nagastos niya sa operasyon ni Hiraya almost six years ago. Para kaunti lang ang bayarin ko sa kaniya na utang na loob. Kahit ako lang ang nag- iisip niyon because in fairness to Vincent Henson, kahit hubad na ang pagkatao niya sa'kin at hubad na ang kawalanghiyaan niya sa'kin sa ilang taon na pagsasama namin, hindi naman siya palasumbat. Pero dahil advance ako, ayaw ko na may maisumbat siya sa'kin. Ayaw ko rin na magamit ni Vincent sa'kin ang nagastos niya at magagastos pa sa magiging durasyon ng pagsasama namin 'pag nag- file na 'ko ng annulment.

Hindi ako tanga. Alam kong malaki ang laban ko kay Vincent 'pag nag- file ako ng annulment. Ayaw ko lang na mapahiya siya. May hangganan ang lahat ng hirap na dinaranas ko sa kaniya. Hindi ako martir. Hindi rin niya 'ko puwedeng pagsabihan na walang puso dahil ayaw ko siyang mapahiya, hihintayin ko muna ang pagkakahalal sa kaniya bilang CEO ng kompanya nila bago ako mag- file ng annulment. And that is possible in a months or so, by now. Hihintayin ko 'yon at ayaw ko naman na may masabi siya. Nakakahiya naman sa ego niya bilang lalaki. Besides, malapit- lapit na rin naman.

Kaunti na lang.

"Let's go, Zion," kayag ko na sa isa sa tatlong bodyguards kong nakasunod kahit saan man ako magpunta.

Isa pa talaga ang mga bodyguards na 'to sa nakakasakal na mayroon ang buhay mayaman. Daig ko pa ang palagian na may kasamang aso. Malalaking aso na handang sakmalin ka, If I know. Natural, ang loyalty ng mga ito ay nasa amo nilang si Vincent Henson. Hindi ko na pagtatakhan. Lumaki ako sa hirap kung saan napapaligiran ako ng mga ganitong klaseng tao na linta kung makadikit sa kung sino ang mayroon. Sa kung sino ang mas napapakinabangan nila.

Pwe.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.