Her Possessive Lover Chapter 21

Sobrang saya ni Shelly na sinamahan siya ni Jake sa ampunan.Kahit may bagong rule na naman itong binigay okay lang sa kanya.She will do her best para hindi na ito magalit sa kanya.

Rule # 4: Hindi siya pwedeng pumunta ng ampunan na hindi kasama si Jake.Ayaw daw nito na magkita sila ni Paul.

-----------------------

Inabot nila ni Jake ang donation sa orphanage. According sa nobyo niya,buwan-buwan silang dadalaw doon.Dadalasan na lang nila pag may libre silang oras pareho.

Tuwang-tuwa ang mga bata dahil pinalitan ni Jake ang lumang swing.Ngayon kumpleto na ang palaruan ng mga bata dahil bumili din si Jake ng seesaw,monkey bars and slide.Pinaayos din nito ang garden kaya ngayon mas maganda and komportable ang mga bata.

Tuwang-tuwa sila Mika at Moy-moy na nakipaglaro sa kanila ni Jake.Habang abala kanina sa pakikipaglaro si Jake.Pinagmasdan ito ni Shelly.Parang kelan lang inis na inis siya sa gwapong nilalang na ito.Ngayon nakita niya ang totoong Jake Herrera.Mabait ito,malambing at mapagbigay.

Medyo nabasawan na din ang pagiging masungit nito dahil halos ginagawa ni Shelly ang lahat para hindi na ito magselos.Malaking himala nga na parang walang nanggugulo sa kanila.She hopes that they would just stay like this forever.

-----------

They were eating dinner that night.They cooked steak and prepared salad.

"Babe,nagpapasama nga pala si Pat bukas.Pwede ba ako?" she asked him in a hopeful voice.

"Saan?" Jake asked looking intently at her

Naka cross ang fingers ni Shelly sa ilalim ng lamesa as she said ," As usual shopping day niya.Hindi marunong pumili ng damit ang babaing yun eh.Tsaka magtataxi na lang kami sana . Kasi sa totoo lang babe nahihiya pa din ako kay mang Eddie pag matagal siyang naghihintay"

Gusto siyang ibili ng kotse ni Jake dati pa pero ayaw niya.Takot siyang magmaneho.

Jake put a piece of steak in his mouth and chewed it slowly while staring at her.After swallowing it,he shrugged his shoulders and said,"Okay."

Shelly couldn't believe what she heard.Did he say yes? Just to be sure she asked," Babe, sabi mo ba oo?"

Jake nodded as he sips his red wine.

OMG! Nagbago na nga ito! She is so happy! Finally may tiwala na ito sa kanya.She couldn't contain her happiness so lumapit siya to kiss him on the lips.

"Thank you!Thank you!" she said habang pinupupog niya ng halik ang labi ng binata.

"Hmmmm," he said against her lips."Do I get a reward for saying yes? I think I want more than a kiss." Pilyong sabi nito.

"As if you need to ask babe.You know that I'm all yours."

Shelly took his hand para tumayo ito.

“Let’s go inside the bedroom so you can claim your reward..” She said huskily which made Jake’s eyes darken with desire.

-------------------

Pat and Shelly were having snacks after shopping.

"I'm so happy naman for you bestie! Posible pa palang mas gumanda ka pa lalo.Dahil sa love mo kay papa Jake yan no?" Nakangiting tanong nito.

"Oo.I am so happy." Sagot niya na nakangiti din.

"Ang haba ng hair mo bestie! Biruin mo mukhang ikaw lang ang nagtagal na girlfriend ni papa Jake! Mahigit 2 months na kayo no?" tanong nito habang nag-iisip ng malalim.

Tumango si Shelly.Ang bilis nga ng panahon.

"Nagseselos pa ba?" Pat asked.

"Hindi na.Wala naman na siyang dapat ipagselos eh.Buti nga pinayagan akong umalis ng hindi kasama si mang Eddie ngayon.Ibig sabihin may tiwala na siya sa akin" She said while sipping her juice.She let out half a smile.

"Ilang beses pa kayo mag-sex?" deretsahang tanong ng kaibigan.

"Ano ka ba naman Pat! Pati ba naman yun,itatanong mo?" nakakunot noong tanong niya.

"Eh kasi kaya ko gustong malaman,baka kasi kaya hindi na nagseselos si papa Jake sa'yo at kaya hindi na masyado mahigpit baka may iba na siyang babae." Pat said.

Natigilan si Shelly.

Posible ba?Magagawa ba ni Jake sa kanya yun?Wala naman siyang ibang nakikitang nagbago dito maliban na lang sa paminsan-minsan ginagabi tapos ngayon nga kaagad siyang pinayagan na umalis na mag-isa.

"Pat nakakainis ka ha!" inis na sabi niya.

"Oh bakit naman?" takang tanong ng kaibigan.

"Kanina sabi mo ang haba ng hair ko kasi nagtagal kami ni Jake,tapos ngayon ganyan ang sinasabi mo." Nakasimangot na siya when she said that.

"Totoo naman yun eh.Kasi ang iniisip ko lang,parang hindi ako sanay na walang driver na nakabuntot sayo para bantayan ka.Tapos sabi mo hindi na nagseselos si papa Jake."

"Eh wala naman kasi siyang dapat pagselosan.Halos hindi na nga ako lumalabas ng bahay eh." She defended Jake.

"Pwede naman kasi na hindi ka niya hihiwalayan pero titikim tikim pa din sa iba,ganun!" panggagatong pa nito.

"Pat tama na ha? Naiinis na ako.Pag di ka tumigil aalis na ako." Maktol ni Shelly.

Doon biglang natawa si Pat.

"Hahaha! Ito naman hindi na mabiro.Joke lang!Parang hindi naman magagawa ni papa Jake sa yo yun." Pilyang nakangiti ito sa kanya.

"Tse!" ganti niya sa kaibigan.

Nagkatawanan na lang sila.

Naglakad-lakad pa silang dalawa after eating.Medyo maaga pa naman.She looks at her watch.Alas kuwatro pa lang.Mga 7 pa naman uuwi si Jake.So pwede pa sila mag-ikot ni Pat sa mall total ngayon lang siya ulit nakalabas.Susulitin na niya.

They were about to pass a newly opened Jamaican Resturant when something or mas tamang sabihin na someone caught her eye.Bigla siyang kinabahan so she stopped walking and looked inside the restaurant through the smoky glass window.

Hinatak nito si Pat pabalik.

"Hey! Napano ka bestie?" Gulat na tanong nito.

Nagkubli sila sa parte na may malaking halaman na malapit sa pintuan ng kainan.

"Pat,hindi ba si Jake yun?" sabay turo sa loob ng kainan.

Sinipat-sipat ni Pat ang tinuro niya.

"OMG bestie! Si papa Jake nga! At may kasamang babae!" shocked na sabi ni Pat.

Ang right profile ni Jake ang nakikita nila.Ang babae nakatalikod sa kanila pero parang linta kung makakapit sa braso ni Jake.

Mangiyak-ngiyak na si Shelly sa inis.

"Walanghiyang lalake yan! Tama pala ang sinabi mo na baka nambababae na ang lecheng manyakis na yan!"gigil na gigil na sabi niya.

Hindi naman alam ni Pat ang gagawin.Nagulat din siya eh.Yung kanina naman joke lang yun.

"Bestie naman,huwag ka naming mag-react agad.Malay mo naman kaibigan lang o kliyente o baka naman kamag-anak." Pang-aalo nito sa kaibigan.

"May kamag-anak bang ganyan?” she asked dahil halos ikaskas na ng malanding babae ang dibdib sa braso ni Jake.

Parang gustong sugurin ni Shelly ang nobyo at ang babaeng makati pa yata sa gabi.Tinignan din ng mabuti ni Pat ang dalawa.

"Actually bestie,may point ka! Kapal ng cheap na babae na yan.Kung makalingkis kay papa Jake wagas!" sabi nito.

Pero ng nakita nito na lalong nalukot ang magandang mukha ng kaibigan,sabay bawi siya.

"Naku bestie mukha naman yung babae lang ang nag-eenjoy eh.Tignan mo si papa Jake mukhang dedma lang.Sa alindog mo lang naman tinitigasan yan for sure!" sabay hagod sa likod ng kaibigan para kalmahin ito."Gusto mo sugurin na natin? " dagdag pa nito.

"Huwag na!" galit na sabi ni Shelly." Magsama sila ng babae niya! Halika alis na tayo!"

Napakamot na lang ng ulo si Pat.Naisip niya,kawawang papa Jake,mukhang outside the kulambo mamaya.

"Trish stop it!" saway ni Jake.

Kanina pa dikit ng dikit sa kanya ang babae.Kung mamalasin ka nga naman talaga kasi.

Si Trish ang gustong kuning modelo ng isa sa mga kliyente nila.Sinabihan naman niya ang mga kapatid niya na out siya sa project nai to.Iniiwasan nga niya ang babae for Pete's sake!Ang usapan nila, si Thomas ang aatend ng informal meeting na kasama si Trish at ang kliyente.Kaso maagang dumating sa opisina si Trish and sabi ni Thomas ihatid na lang muna niya ang modelo sa lugar dahil may kailangan lang daw daanan ito.

Nag-inarte ang babae na hindi pa daw ito nagtatanghalian and it's past 3 already.Thomas suggested na mauna na sila dahil on the way na din naman ang kliyente.So heto na ngayon silang dalawa,magkasama.

"Trish don't you think it's better if you sit on the opposite side of the table? Pang apat na tao naman ito.You don't need to sit too close to me." He suggested dryly.

"But I like being close to you sweety.Namiss na kita." Malanding sabi nito sabay kiskis na naman ng halos luwa ng dibdib sa kanang braso niya.

"Namiss ko yung..." sabay bulong sa tenga ni Jake before giggling.

Napaubo si Jake sa sinabi ng babae.Nakakuha siya ng tiyempo ng ibaba ng waiter ang menu sa lamesa nila.He grabbed the chance to stand up.

"Mag-order ka na di ba gutom ka na? I just need to make a call." He excused himself.

Wala ng magawa ang dalaga.Nakasimangot na tinignan nito ang menu.

"Thomas where are you?" inis na tanong ni Jake.

"Malapit na.wala pa ba si Mr.Lee?" his brother asked.

"Wala pa.How far are you exactly?"

"Naglalakad na papunta diyan.Kaka-park ko lang ng kotse."sabi nito.

Nakahinga ng maluwag si Jake.Pwedeng hintayin na niyang dumating ang kapatid bago siya bumalik sa lamesa.Hindi talaga siya komportable sa ginagawa ni Trish.Hindi sa apektado siya physically.Basta naiilang lang siya.His body only reacts to Shelly now.Kanina pa nga niya gustong umuwi.Namimiss na niya ito.Gustong-gusto na niya itong tawagan mula kanina para marinig ang boses nito pero nagpigil siya.

Si Shelly mismo ayaw na magalit siya o magselos.Kaya ang dalaga na ang nag-adjust pa lalo.Halos hindi na ito lumalabas na hindi siya kasama.Pabor naman sa kanya yun.Although pinipilit din naman niya na huwag ng masyado higpitan ang nobya kasi sinabihan siya ng mga kapatid niya.

Kagabi nga nagpaalam ito na sasamahan ang kaibigan.At huwag na daw isama si mang Eddie.Ayaw sana niyang pumayag na hindi kasama ang driver but umoo na din siya.

Pero there's a catch...

Hindi naman siya tanga na papayag na umalis ito ng basta-basta lang.Mahirap na.Sa ganda ng nobya niya siguradong madaming mga tarantado ang maglalaway dito.He won’t let any asshole near his woman.Wala naman siyang problema sa basagulo.He knows how to defend himself na hindi siya madedehado.Sa kanilang magkakapatid siya ang magaling sa self-defense.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.