"Walanghiya talaga yang manyak at babaero na yan!" ngitngit ni Shelly kay Pat.
Kanina pa sa taxi talagang gigil na gigil na ang kaibigan niya.Pero in fairness,maganda pa din talaga kahit lukot ang mukha.Mga 20 minutes na sila sa condo ni Jake pero wala pa ding patid ang pagbubunganga ni Shelly.
"Bestie pwede ba? Baka naman pumangit ka na diyan sa ginagawa mo?" Pat sighed as she munched on some chips.Hayaan na lang niyang magwala sa selos ang kaibigan niya habang nilalantakan naman niya ang nakitang pagkain sa pantry nila.
"Kaka-stress ka bestie ha?Napapakain tuloy ako sayo." Reklamo nito habang naghahalungkat ng fridge.
"Hanep ka din Pat no?Ikaw pa ang stressed sa lagay na yan? Kaya nga kita sinama dito para maging shoulder to cry on at hindi para ubusin mo ang laman ng kusina namin." Shelly snorted.
"Ang damot damot mo naman bestie! HMP!' sabay sarado nito ng fridge.
Humalukipkip ito at hinarap si Shelly.
"Alam mo bestie,dapat kasi mag-usap muna kayo ni papa Jake.Hindi yang ganyan na nagpapa-kunsumi ka.Malay mo namanna kliyente lang nila talaga yun.Sa tingin ko naman never kang pagpapalit nun sa haba ng hair mong yan? Baka naman nakakahawa ang selos bestie?Na-infect ka na ni papa Jake.Pero sabagay sa yummy ng dyowa mo kahit sinong babae tutubuan ng kati sa katawan pag nakita ang mala-adonis na mukha at katawan niya." parang nangangarap na pahabol pa nito.
Shelly let out a sigh bago hinila ang kaibigan palabas.
"Wait bestie! Saan tayo pupunta?Susugod na ba tayo?" takang tanong nito.
"HINDI! Umuwi na! Hindi ka din naman matinong kausap." Inis na sabi niya.
Tinignan ni Shelly ang orasan sa kwarto nila, 6:30 na nasaan na ang lalaking yun? Inis na inis ang dalaga dahil ni hindi man lang tumawag si Jake maghapon.
Kasama pa din kaya ng lecheng bf niya ang malanding babae na yun?
Parang alam na niya kung ano ang pakiramdam ni Jake pag nagseselos ito.Ganito din ang nararamdaman niya.Yung parang gusto mong magwala na ewan.BAD TRIP!
Hindi na nakatiis si Shelly,she dialed Jake's number.
"The subscriber cannot be reached.Please try your call later."
"ARRRGGGGGHHH!" sigaw niya.
Hahayaan ba niyang magmukha siyang tanga dito?Maghihintay sa taong ni hindi niya alam kung nasaan,sino ang kasama and anong oras uuwi?
"NO!” she hissed to herself.
Ayaw ni Shelly ng feeling na nagseselos siya.Nakakairita pala talaga.Kailangan niyang i-divert ang isip niya.She needs to do something.Kung sawa na si Jake sa kanya,pwes,papatunayan niya na madami pa din ang magkakagusto sa kanya.Naisip niya that two can play this game.
"Makikita ng babaerong yan!" she told herself.
---------
Nagulat si manang Celia ng makitang lumabas si Shelly ng kwarto.
Nakasuot ito ng simpleng pang-itaas na puti ang kulay at hapit sa magandang hubog ng katawan nito.Naka capri pants at flat shoes.Nakalugay ang buhok.Walang ibang kulorete sa mukha kundi red lipstick na nagpadagdag sa kaseksihan nito.
"Iha,may lakad ka?" tanong ng matanda.Tinignan nito ang orasan , 7:00.
"Sa lobby lang po manang,parang gusto kong magkape." Sabi ng dalaga.
"Wala pa ba si Jake?Alam ba niya na aalis ka? Baka magalit yun pag dumating siya na wala ka." Alalang sabi ni manang Celia.
"Sandali lang naman po ako manang.Di naman po ako lalabas ng building.Diyan lang ho ako sa coffee shop sa baba." Paalam nito.
Napailing na lamang ang matanda.Naisip na baka may tampuhan ang dalawa.Ngayon lang naman umalis si Shelly ng gabi tapos hindi pa kasama si Jake.Sabagay sa baba lang naman daw.
Halos lumipad na ang sasakyan ni Jake sa pagmamadaling umuwi.Wala siyang magawa kanina ng halos sabay na dumating si Thomas at Mr.Lee.Magpapaalam na sana siya ng sinabi ng kliyente na his presence is needed.He wanted to clear some issues dun sa naging problema sa last project na sila ni William ang nag-handle.Sinamantala naman ni Trish ang pagkakataon .Nagpahatid ito kay Jake.Saying na masakit ang ulo niya and she can't take the taxi baka kung mapano daw siya.
Knowing Trish,ginawa lahat niya para i-seduce si Jake.Pero sorry na lang siya.Wa epek lahat. And now it's almost 8:00.Hindi niya natawagan si Shelly kasi namatay na ang phone niya.How he missed her! He's so excited to see her!
--------------
.Naka dalawang tasa ng kape at two slices ng chocolate cake si Shelly sa coffee shop.Inis pa din siya pero hindi naman din pala niya kaya na makipag-flirt sa mga lalaking nasa loob.Takot pa din siya sa galit ni Jake.Gayahin na muna niya si Pat na sa pagkain na lang binubuhos ang sama ng loob.May halos kalahating oras na siyang nagmumuni-muni.Sasabihin ba niya kay Jake na nakita niya ito na may kasamang babae? O hayaan niyang ito ang kusang magsabi sa kanya?
"Sir,ang ganda nung customer natin sa dulo no?" sabi ng isang male staff sa may-ari ng coffee shop.
Napansin kasi nito na kanina mula ng dumating yung magandang babae,hindi na halos inalis ng amo nila ang mata dito.
Nangiti ang guwapong may-ari.His name is Alex Llamarez.
Totoo ang sinabi ng staff niya.Sobrang ganda ng babae na nakaupo sa dulo.Mag-isa ito.She has a pensive expression.At minsan napapasimangot ang maganda nitong mukha.Kanina niya pa gustong lapitan ito kaso naisip niya baka may hinihintay lang siya.Pero mag kakalahating oras na ang lumipas.Siguro naman kung may hinihintay ito malamang hindi na darating.It's time for him to make his move.
"Kiko," tawag niya sa barista nila."Igawa mo ako ng dalawang cappuccino."
Yun ang alam niyang iniinom ng dalaga.
------------
Pagpasok ni Jake sa condo,nakita niya si manang Celia na nasa sala.Nanunuod ng tv.Kumunot ang noo ng binata.Alam niya alas 7 pa lang nagpapahinga na ang matanda.
"Manang?" tawag niya.
"Ay kabute!" gulat na sabi ng matanda.
"Jake ikaw na pala yan!" tumayo ang matanda.
"Bat gising pa kayo?" tanong niya.
"Eh hinihintay ko kayo."
"Kami ho?Sinong kami?" Jake asked.
"Ikaw at si Shelly."
"Wala pa si Shelly manang?" medyo inis at nagtatakang tanong niya.
"Umalis lang ulit.Pupunta daw sa coffee shop sa baba.Gusto daw mag-kape eh."
Napamura si Jake sabay suklay ng buhok gamit ang kamay.
"Anong oras umalis manang?" pigil ang galit na tanong ng binata.
"Mga mag-iisang oras na."
PUNYETA! –Jake cursed under his breath.
-------------
"Hi"
Shelly was looking out the window when she heard that deep male voice .Lumingon siya and medyo natigilan sa nakita niya.Chinito ito.Maganda ang katawan and mukhang disente.May dala itong tray na may dalawang tasa.Hindi naman mukhang waiter.
"I'm Alex.May I sit down? Kanina ko pa kasi napansin na wala kang kasama.And I brought another cup of coffee for you." Sabi nito while smiling at her and napansin ni Shelly na may dimples pala ito.
"Hmm,bakit dalawa ang dala mo?" Tipi dang ngiting tanong niya.
"Naisip ko kasi mas masarap mag-kape pag may kausap di ba?" he grinned.
Shelly thought na wala naman sigurong masama kung makikipag-kwentuhan siya sa binata.Mukha naman gentleman.Tsaka para ma-divert sa ibang bagay ang inis niya kay Jake.Usap lang naman di naman siya makikipag-date.
"Okay.Sige." Shelly told Alex.
Alex beamed and sat down opposite her.Naisip niya na mas maganda pa pala ito sa malapitan.
"Thanks.Here's your coffee.It's on the house,"he smiled."Ano nga pala ang name mo?"
"Shelly."
"Hmmm,somehow you look like a Shelly." Nakangiting sabi nito.
"And what do Shellies look like?" curious na tanong ng dalaga before she sipped her coffee.
"Exactly like you." He said in a low voice with admiration in his eyes.
She sat up straight ng marinig niya ang sinabi ng binata.She doesn't want to give him the impression na available pa siya.
"Alex,may boyfriend na ako,sorry." Sabi niya dito.
Para namang nabagsakan ng langit ang binata sa narinig.Pero mabilis ding nakabawi.Naisip niya boyfriend pa lang naman,hindi pa asawa.
"That's okay." Kunwaring sabi niya.
He wants to know more about this beautiful woman kahit may nobyo na daw siya.
--------------------
Lalong nag-init ang ulo ni Jake dahil kung kailan siya nagmamadali nag out of service ang elevator.Excited pa naman siyang makasama ang nobya tapos ganito?
Shit! Pinayagan na nga niyang umalis kanina kasama ang kaibigan!Alam ni Shelly na she's not supposed to go anywhere without telling him first. Ilang linggo ngang hindi lumalabas ito para hindi sila mag-away.Ano naman kaya ang naisip nito at umalis ito ngayon na hindi niya alam?
Finally he saw the café's entrance.
Hinanap ng mata niya ang nobya.Mangilan-ngilan ang mga nasa loob.
Then he saw them.
Shelly is sitting at the far end of the café while talking to an asshole who is sitting opposite her. Umakyat lahat ng dugo sa ulo niya.
"PUTANGNA!" he cursed.
"Matagal na ba itong coffee shop mo?" Shelly asked Alex.
"Matagal na din kaso ang ate ko ang dating nagma-manage nito but unfortunately nagka-problema siya so I had to take over.This is my third month as the manager." He told Shelly while intently looking at her.
She felt uncomfortable.Grabe namang makatitig ito.He seems to be memorizing her features.
"Bakit ngayon lang kita nakitang pumunta dito?Do you live around here? " he asked her.
She ignored Alex's question."Are you enjoying managing it so far?" Pag-iiba niya ng usapan.
Alex put his elbows on the table, leaning a little towards her.
"Dati hindi.Pero I think mas magugustuhan ko na ngayon." He said smiling while looking at her eyes.
-------------------------
"What a nice scene.." a menacing male voice said.
Anak ng tofu!! Si Jake!Sobrang focused siya sa pakiki-pagusap kay Alex that she didn't feel Jake's presence.She saw Alex was a little surprised too pero panandalian lang.Napalitan ng parang amusement ang expression nito.
Hindi makapagsalita si Shelly.She was just looking from Jake to Alex.
Jake's face is stony as he looks at Alex.
He grabbed her arm but then Alex stood up.
"Let her go!" Alex said, his face hostile.
Lalong natakot si Shelly sa pwedeng mangyari.Kilala niya ang nobyo niya.Malamang magkagulo.
"Alex it's okay.He's my boyfriend." She said nervously.
When she said that nakita ni Shelly na napatiim-bagang si Alex.
Mahigpit na mahigpit ang hawak sa kanya ni Jake.Hindi naman siya makapag-reklamo.
People are starting to stare.Who wouldn't be curious kung may dalawang guwapong lalake ang mukhang nag-aagawan sa isang magandang babae.Exciting di ba? Parang pelikula o teleserye lang.
Both men are glaring at each other.No one spoke.Parang sinusukat nilang pareho ang isa't-isa.
Halos magkasing-tangkad sila.Kahit sa katawan halos equal din.Sa kaguwapuhan naman,kung type niyo ng yummy na bad boy image ang dating, si Jake yun.If you like the chinito type na hunky,si Alex yun.
Siyempre sa story na to biased ako.Si Jake pa din ang mas yummy.Lamang ng mga dalawang paligo. (Meaning, masarap din papakin si Alex)
"B-babe, alis na tayo." Shelly has to break the hostility between the two men.
"What a small world." Nailing na sabi ni Alex.
"Alam mo na ngayon na girlfriend ko siya di ba Llamarez? So kapag nakita ko pa na lumapit or kinausap mo siya,kapwa tawad tayo.Babasagin ko yang pagmumukha mo!" Jake said dangerously.
"Napakaswerte mo namang masyado Herrera.Kaso maswerte ba si Shelly sa'yo?Baka naman magaya lang siya sa mga babaeng pinaglaruan mo." Alex said with a sneer.
"Mas bagay ako sa kanya kasi one-woman-man ako."dagdag pa nito habang tinitigan si Shelly.
BLAG!
Shelly stifled a cry nung makita niyang napaupo si Alex dahil sa suntok na binigay ni Jake.
"Sir! Tama na!" awat ng dalawang staff.
Galit na galit si Jake habang nakakuyom ang mga palad.
"Sa susunod hindi lang yan ang aabutin mo!" he threatened the other man.
Parang bale-wala namang pinunasan ni Alex ang dugo sa gilid ng bibig niya gamit ang hinlalaki nito.
Nakangisi nitong sinabi,"Alam mong hindi ako natatakot sa'yo Herrera."
Mukhang susuntukin na naman ito ni Jake pero hinarang ni Shelly ang sarili niya between the two men.
"Babe, tama na." pakiusap niya sa nobyo.
"Stay away from my woman Llamarez!" Jake warned Alex before he took hold of his woman’s arm.
Shelly chewed her bottom lip as Jake pulles her by her arm.So the two men know each other.Pero bakit parang may mas malalim ang pinanggagalingan ng galit nila sa isa't-isa?
Swerte pa din naman siya in some ways..Buti okay na ang elevator kundi just magine na lang paano if kinaladkad siya ni ni Jake from the lobby to the 10th floor di ba? Pero ang lakas ng kabog ng dibdib niyawhile they are in the lift.Good thing is may isang medyo matandang babae na nasa loob kaya safe pa siya sa galit ni Jake.
He's not touching her pero ramdam niya that he is very furious.Shelly knows na hindi naman talaga siya kayang saktan physically ni Jake but all the same, malaki talaga ang takot niya sa nobyo lalo when he is like this….super selos! Her hands were clammy habang pasulyap-sulyap siya dito. He seems to be caught up in his own angry thoughts. Shelly just chose to keep quiet. Namnamin na niya ang ilang minuto ng katahimikan.
Napangiwi siya when Jake suddenly threw her an angry glance.His jaw is clenched and may pumipintig na muscle sa panga nito.Nagbaba siya ng tingin and stifled a groan.She can imagine how pissed he is….