Her Possessive Lover Chapter 28

(inside Jake’s office)

"Bakit ba ayaw mong kausapin si Cassie?" William asked Jake.

"Wala na nga kaming dapat pag-usapan." Jake said tonelessly..

"Bro,hindi naman babalik yun dito mula America if ayaw niyang magka-ayos kayo.Umaasa siguro siya na despite of what happened babalik kayo sa dati.Hindi mo ba talaga siya mapapatawad?" tanong ni William.

"Wala na sa akin yun.Ayaw ko lang maging kumplikado ang lahat." he said with finality.

William stood up and said," Basta bro,ayusin mo yan.And maganda niyan sabihin mo din kay Shelly yung tungkol kay Cassie.Mabuti na yung alam niya.Baka kayo naman ang magka-problema." Payo pa nito.

-----------------------

"Bestie,kinukulit talaga ako ng stepsister mo.Kaya binigay ko na ang bago mong number.Natakot ako na ang madrasta mo pa ang sumugod sa akin eh." Paliwanag ni Pat.

Bumuntong-hininga na lang si Shelly.

"Hayaan mo na.It's okay." Sabi na lang niya.

Hindi niya alam kung it’s a good thing or a bad thing na nawalan na siya ng interes to buy the house where she grew up from her stepmother.Mula nung maging sila ni Jake..she never felt that she needs to hold on too much on her past.Kahit naman minsan magulo sila, her life with him now had made her look forward to the future.Besides,ayaw na niya na may hold pa sa kanya ang madrasta niya.Kung gusto nitong ibenta ang bahay nila dati bahala na ito.

"Yung lakad natin sa Lunes ha?Baka makalimutan mo.Nasabi mo na ba kay papa Jake?"

"Hindi pa.Friday pa lang naman ngayon Pat.Kukuha muna ako ng tyempo."

Naputol ang paguusap nila sa telepono ng marinig niyang kumakatok si manang Celia.

"Pat bye na.Tawagan na lang kita mamaya." Paalam nito sa kaibigan.

Pagbukas niya ng pintuan sabi agad ni manang Celia na lumabas siya sa sala.

"Bakit ho manang?" tanong niya.

"Basta halika iha.Tignan mo." sabi lang nito.

Her mouth gaped open when she reached the living room.

Ang daming bouquet ng bulaklak.Ibat-ibang klase ng rosas!

Anak ng tofu! Galing ba kay Jake ang mga ito?Nakikipaghiwalay na ba sa kanya ang hayup na babaerong yun?

"Naku Shelly anong gagawin natin sa mga yan?" alalang tanong ni manang Celia.

"Manang kanino daw po galing ang mga bulaklak na ito?" takang tanong niya habang naghahanap siya ng card para makita kung sino ang sender.Abot ang dasal niya na hindi si Jake ang nagpadala ng mga ito.

"Walang sinabi eh.Basta para daw kay Shelly."

Iniisip ng dalaga whether she should call Jake and ask kung ito ang nagpadala.What if hindi siya? Malalagot sigurado siya kung sakaling ibang lalake ang may bigay ng mga ito.HUHUHU..ang hirap naman!

Sakto namang nag-ring ang landline kaya dali-daling sinagot ito ni manang Celia.Naghahanap pa din ng card si Shelly sa mga bouquet.In total may 5 bouquet.May kulay red,pink,yellow,white and orange.Pihadong mamahalin ang mga ito dahil ang gaganda.

"Oo.Andito kami sa sala." Sabi ni manang Celia sa kausap.

"O sige sandali pero Jake bakit ang dami mo namang pinadalang bulaklak kay Shelly?Ano ang okasyon?"

Biglang nanigas si Shelly ng marinig ang sinabi ni manang Celia sa kausap.Anak ng tofu! Si Jake ang nasa telepono!

"Ah oo,sige sandali." Tarantang sagot ng matanda.

Nakatalikod siya kay manang Celia kaya ng narinig nito ang pag-uusap ng dalawa napapikit siya ng mariin.

"Shelly! Si Jake!" sabi nito sa kanya.

Parang slow motion lang sa pelikula na pumihit siya.Kasi ramdam ng dalaga na may hindi na naman magandang mangyayari.Lalo pa siyang ninerbiyos ng takpan ni manang Celia ang receiver ng phone and mouthed the word sorry to her.

Kagat ang ibababang labi, she took the receiver from the older woman matapos tumango lang to say na she accepts her apology.Dahan -dahan niyang nilapit sa tenga ang receiver.She could hear Jake's ragged breathing.

"B-babe?" mahinang tawag niya as she tries to steady her voice.

"Kanino galing ang mga punyetang bulaklak na yan?!" Jake asked angrily.

OMG!Kailangan mag-isip ni Shelly ng sasabihin.Kung bakit naman kasi wala naman siyang balat pero bakit sunod-sunod ang kamalasang inaabot niya this week.Sino kaya ang malakas ang trip na nagpadala ng mga bulaklak eh hindi naman niya birthday lalong hindi naman Valentine's Day.Tsaka hindi na nga siya pwedeng padalhan ng mga ganito lalo't si Jake ang boyfriend niya!

"SHELLY!" sigaw nito.

She thought na sobrang galit na galit si Jake dahil ngayon lang siya tinawag sa pangalan niya.

"H-hindi ba sayo?" she asked in a nervous voice.

"WOULD I ASK IF SA AKIN GALING??!!"

She needs to think fast for a witty reply to that.Pina-tapang ng dalaga ang boses niya.

"Eh malay ko ba kung gusto mo na akong dispatsahin kaya nagpadala ka ng bulaklak! Baka kako nagsawa ka na sa akin kasi ginagabi-gabi mo ako kaya malamang you got tired of me already!" pagalit na sabi niya sabay bagsak ng phone.

Mag-reverse psychology din pag may time! –She thought.

Lagot talaga siya kay Jake.Pero later na niya pro-problemahin yun.Dapat siyang mag-isip ng maayos paano niya haharapin ang nobyo mamaya.

Jake was speechless.He was in a tizzy when he heard what Shelly said.

SHIT! Did she just slam the phone on me?--tanong nito sa sarili.

He decided to call her again.But as expected hindi na nito sinagot ang mga tawag niya.He keeps on asking himself kung sinong gago na sawa na yata sa buhay ang nagpadala ng bulaklak sa nobya niya.Kung sino man ang gagong na yun may kalalagyan talaga ito!

He decided to just finish his second meeting that day and uuwi na siya para makapag-usap sila ni Shelly.

-------------------

"Naku iha pasensiya ka na.Akala ko kasi kay Jake galing ang mga ito eh." Manang Celia apologized again.

"Hayaan niyo na ho manang.Tulungan niyo na lang po ako na itapon ang mga ito." She requested as she grabbed three of the bouquet of roses.

"Naku sayang naman iha.Ang gaganda at mukhang ang mamahal nito eh." Panghihinayang ng matanda.

"Lalo po kasing magagalit si Jake manang pag nakita niya ang mga ito."

"Itatago ko na lang muna sa kwarto ko." Mungkahi ng matanda.

Wala ng nagawa si Shelly kung hindi pumayag.Bad trip lang naman kasi eh.Bakit parang gumagawa ang tadhana ng paraan para hindi yung isyu about sa bruhang Cassie na yun ang ma-open niya kay Jake.Palaging siya ang nakikitaan ng mali nito.Pero hindi siya papayag na hindi nila pag-usapan ang tungkol sa babaing yun.

Pero sino nga kaya ang sender ng mga bulaklak? Si Marco ba?Kung tutuusin nanahimik na ito mula nung mabugbog ni Jake.O baka naman si Alex? Ke si Marco, si Alex o sino pang Pontio Pilato yun,bottom line is magwawala na naman si Jake.Buti nga wala pang lumalabas sa media about his violent reactions mula ng maging sila.But he needs to really control his anger especially in public.

--------------------

"Sobrang arte mo talaga at nag-palit ka pa ng cp number mo." May lakip na inis ang boses ni Lorie.

Pumikit muna si Shelly at nagbilang ng tatlo bago sumagot.Wala siya sa mood makipagtalo sa stepsister niyang maldita.

"Hindi ako ang nagpalit. Si Jake.Ano ba ang kailangan mo?"malamig na tanong niya.

"Wala naman gusto ko lang malaman mo na okay din naman na nabugbog ng dyowa mo si Marco.Kasi ako ang nag-alaga sa kanya.And guess what?Mukhang magiging okay na kami." Tila nakangiting sagot nito.

"Eh di mas okay.Di ba yan naman ang gusto mo?" Shelly sighed.

"Tumawag ako para warningan ka na wag na wag kang makikipagkita kay Marco kapag inaaya ka niya.Kung hindi alam mo na ang mangyayari."pagbabanta nito.

As if naman intresado akong makipagkita kay Marco! Shelly thought.

"Lorie,you don't have to tell me that.Si Marco ang pagsabihan mo dahil siya naman ang nagpupumilit na makausap at makita ako.Kung kayo na talaga,dapat talian mo siya para hindi na maghanap ng iba!" sabay binagsak niya ang phone.Bawi-bawi din lang pag may time.She chose to turn off her phone.Kahit papano nakahinga din siya ng maluwag sa sinabi ni Lorie.Sana nga maging sila na ni Marco para hindi na siya guluhin nito.

---------------

Naisip niya na pagluto na lang niya si Jake ng paborito din nito na sweet and sour pork.Magpapaturo siya kay manang Celia.Para mabawasan naman ang init ng ulo nito dahil sa mga rosas na yun.

Nasa kusina sila ng matanda ng marinig nila ang malakas na bagsak ng pintuan.Nagkatinginan sila ni manang Celia.As if on cue, nagpaalam ang matanda.May gagawin daw sandali sa silid nito.

Anak ng tofu! Ang aga ni Jake.Alas 4 pa lang! Pero kailangan kalma lang siya baka magkamali siya ng maisagot kay Jake baka madagdagan na naman ang mga rules!

She pretended not to have seen him.Kunwari busy siya sa paghihiwa.But sa totoo lang kahit ano pa ang ginagawa niya somehow mararamdaman niya ang presence nito.

"Been busy babe?" he asked sardonically.

She raised her head and met his eyes.Nakasandal ito sa may pintuan ng kusina.She gave him a sweet smile then walk towards him.She tiptoed to kiss him quickly on the lips.Niyakap pa niya ito and sinandal niya ang right side ng mukha niya sa malapad nitong dibdib and she can hear his heartbeat.Ang bango-bango nito as usual.She thought na ang aga-aga parang gusto na niyang landiin ang yummy niyang dyowa.Killing two birds with one stone kumbaga.Made-delay ang isyu ng mga bulaklak tapos magpapasasa pa siya sa katakam-takam na katawan nito.

Narinig niya na bumuntung-hininga si Jake.She looked up to see his gorgeous face.

"Don't ever think na palalampasin ko ang nalaman ko kanina.I like what you're doing now but we have some things to settle here." He said dryly.

In fairness medyo malumanay ang pagkakasabi.Shelly believed that her tactics are working.Alam naman niya na hindi siya matitiis ni Jake.Buti na lang malakas talaga ang power ng alindog niya sa gwapo pero saksakan na seloso niyang nobyo.

She moved away from him a little.Bumalik siya sa likod ng kitchen counter.Jake didn't move from his position.He has a serious look on his face.

"Where are the fucking flowers?" he asked.Hindi naman pasigaw pero madiin ang pagkaka-tanong.

Pilit pinatatag ni Shelly ang boses niya kahit ninenerbiyos na naman siya.Alam niya mag-uumpisa na ang interrogation.HUHUHU.

"Tinapon na ni manang Celia."

Silence.

"Kanino galing?" he asked coldy.

"Walang card." She lied.

He straightened."Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Oo naman."she tried to sound calm.

"Pag nalaman kong nagsisinungaling ka..." he said menacingly.

"Babe pwede ba wag na nating palakihin ang isyu ng mga bulaklak na yun?Ni hindi ko nga alam kung kanino galing and wala akong pakialam kung sino ang nagpadala! Tsaka babe,please naman ayaw ko din naman na napapaaway ka dahil sa pagseselos mo.Wala ka naman kasing dapat ipagselos kasi hindi naman ako nag-eentertain ng ibang lalake." Sabi niya.

"DAPAT LANG!" sigaw ni Jake.

NGII! Mukhang iinit na naman ang ulo.Ano kaya ang pwede niyang gawin para mabawasan naman ang pagseselos nito?Ang hirap ng wala ka namang ginagawa pero palagi ka na lang pinagdududahan.Kundi lang niya mahal ang gwapong mokong na to matagal na niyang nilayasan eh.Sabagay okay lang na ganyan ito huwag lang mambababae.IIwanan niya talaga pag nahuli niya!

WAIT! Muntik na niyang makalimutan!

She crossed her arms in front of her chest.

"Let's drop the issue of the flowers.I think ikaw naman ang may dapat sagutin..Sa kwarto tayo!" Shelly said in a serious tone na nagpasalubong sa kilay ni Jake.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.