Her Possessive Lover Chapter 29

Jake closed the door of the bedroom firmly.He's a bit worried dahil mukhang seryoso si Shelly sa kung ano man ang itatanong daw nito sa kanya.

The bed is between them.

"Ano mo si Cassie?" Shelly asked her brows drawn together.

Napansin ng dalaga na biglang naging poker face si Jake.Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito.

"Yan ba ang sinasabi mong kailangan kong sagutin?" kunot noong tanong nito.

Naiiling na tumalikod ito sa kanya to turn on the tv.

Naningkit ang mata niya.Feeling niya ayaw pag-usapan ng babaerong bf niya ang tungkol sa Cassie na yun.

She walked towards him and grabbed the remote control.Pinatay niya ang tv.

Jake sighed but said nothing.Umupo ito sa one seater na nasa paanan ng kama.He is just staring at her.

Halos mag-apoy ang mata ni Shelly.Anak ng tofu! Hindi sineseryoso ng lalaking ito ang tanong niya! Parang ito lang ang may karapatang magselos.Nung isang araw babaeng linta ngayon naman babaeng anaconda.Hindi ito tinatantanan ng mga babaeng malalandi!

"Ang simple ng tanong ko pero bakit hindi mo masagot agad?!" gigil na tanong niya.

"You are making an issue out of nothing babe." Malumanay na sabi nito.His face is expressionless.

"So ano mo nga yung Cassie na yun?!" halos maiyak na sa inis ang dalaga.

"Wala."

"Wala? Nung kausap niya ang mama mo super feeling close siya.At nung makita mo siya parang kulang na lang nakalimutan mo na kasama mo ako?Tapos kung mag-usap kayo parang may something kayo dahil may sarili kayong mundo? May goodbye kiss pa sa 'yo?Yun ang wala?!"

"You are over-reacting babe." Jake said dryly.

She screamed in annoyance bago ibato ang mga nananahimik na unan sa sahig.

Jake was just looking at her.He can't believe na grabe din palang magselos ang nobya niya.He almost chuckled kung di lang siya nagpipigil.Alam niyang lalong magagalit si Shelly pag napansin nito na nangingiti siya.Ang sarap ng pakiramdam niya.His woman is jealous of Cassie..He plans to tease her a little more before telling her the truth.

She is now breathing hard and galit na galit ang maganda nitong mukha.

He tried to keep a straight face."Cassie and I go back a long way."

Shelly thought- Wow!Ang gandang sagot.Ang dami niyang pwedeng maisip sa "we go back a long way" na yan.Mag dyowa dati?Mag-barkada? BWISIT!

"Ngayon umuwi siya para kitain ka?"she asked while gritting her pearly white teeth.

Jake just shrugged his shoulders.

"And gusto mo naman na umuwi siya? Kasi grabe ang titigan niyo nung magkita kayo eh.Parang wala nga ako dun." Shelly said bitterly.

"You are exaggerating babe.Masyado mo namang binibigyan ng malisya yung unang pagkikita namin.I was just surprised to see her,that's all.Akala ko ang mga magulang lang niya ang umuwi." Paliwanag nito sa nobya sa malumanay na boses.

Lalong nag-iinit ang ulo ng dalaga kasi mukhang cool na cool si Jake samantalang siya nanggagalaiti na sa galit.

"Tapos kanina narinig kitawhile you were on the phone.May balak ka yatang kausapin ang babaeng yun! Hindi kamo pwede sa Sunday.Bakit? Kasi andun ako?"

"It's not nice to eavesdrop babe.Kala ko tulog ka pa kanina?" nakangising sabi nito.

"WHATEVER! .Kung may balak kang balikan kung anong meron kayo ng Cassie na yan sabihin mo na sa akin.Para hindi ako magmukhang tanga sa huli! " she said na parang maiiyak na.

Jake stood up and came near her.

"Babe, what are you saying?"niyakap siya nito.

Isinubsob ni Shelly ang mukha sa dibdib ni Jake at tuluyan na siyang naiyak.

SHIT! Bulong ni Jake sa sarili.He can't bear to see Shelly cry.Hinahagod nito ang likod ng nobya as she cries on his chest.

Impit ang pag-iyak ng dalaga pero her body is shaking a little.

"Hush babe, please don't cry." Alo niya dito.

"Wala ka namang dapat ikagalit." Inilayo nito ng bahagya ang dalaga sa kanya and he tilted her chin with his hand.He looks into her beautiful face which is now wet with tears.He felt a kick in his gut to see her crying because of him.

Hindi pa siya handa na sabihin ang lahat about Cassie.Maybe he needs to wait for the right time.That time is definitely not now.

"There's nothing between Cassie and me,Hindi mo ba nararamdaman na ikaw lang ang gusto ko?" he asked in a throaty voice.

His words sort of soothed Shelly.She wiped her eyes with her hands and asked, "Bakit kailangan niyo pang mag-usap?Ano ang kailangan niyong pag-usapan?"

He gently touched her left cheek with his hand and leaned his head lower to give her a light kiss on the lips.

"Babe, maybe she just wants to settle things between us.Mahirap kasi na may ill feelings kami sa isa't-isa.Dating magkaibigan ang mama ko at ang mommy niya." Paliwanag nito.

Shelly pouted her lips.

"Do you find her attractive?" She asked in a slightly annoyed tone.

“What do you think babe?" he teased with a smirk.

Pinilit kumawala ng dalaga from him but he just tightened his hold.

"Eh di dun ka na sa kanya!" Shelly said angrily without looking at his eyes.

Jake kissed the top of her head.

"Look at me babe," he ordered quietly.

Muntik ng matunaw ang dalaga sa pagkaka-titig ni Jake sa kanya.His eyes are dark with a certain emotion.

"Do you think that with you in my life,magkakagusto pa ako sa ibang babae?" halos pabulong na tanong nito.

Shelly's knees wanted to wobble sa sinabi nito.OMG! Ang hair niya abot na hanggang Palawan!

"You just have to trust me with this babe."

"You want me to trust you but you don't trust me." She said.

He let out a sigh." It's not that I don't trust you babe.Sa mga basurang nag-nanasa sayo ako walang tiwala." He said in a slightly rough voice.

Yumakap si Shelly sa nobyo.The top of her head reaches only his chin.Dinikit niya ang right side ng mukha niya sa dibdib ng nobyo.

"Babe, I will trust you but you also have to trust me.You say you trust me, but I don't think you do.Ayaw kong nag-aaway tayo dahil sa pagseselos mo.So please,pwedeng bawasan mo naman?" pakiusap niya sa binata.

"Okay.I will try." He finally said.

"Thank you babe!" She kissed him on the lips.

After they shared a passionate kiss,Jake said," I said I will try.I am not promising more than that."

Anak ng tofu ano daw? Dapat ba siyang matuwa sa sagot ni Jake? Napa-buntunghininga na lang siya.

---------------------

Kakatapos lang nilang maglabas ng init ng katawan.They are in Sandra’s bed.Nakadapa si William sa kama habang kalahati naman ng hubad na katawan ng babae ang nakadapa sa likod nito.

"Will…gaano ba ka-importante yung dinner sa bahay niyo at bakit hindi pwedeng wala tayo?Samahan mo na ako Sunday.Alam mo naman na gusto kang makilala ng mga kaibigan ko." The woman said in a coaxing voice.

Kahit malapit na silang ikasal,hindi pa nakakahalubilo ng mga kaibigan niyang startlet ang fiancé niya.Umiiwas yata talaga ito sa mga kaibigan niyang artista.Ganyan ang mga Herrera,kilala sa bansa pero mailap sa mga press at publiko.Mukhang dahil sa impluwensiya ng mga magulang nila,walang negative write-ups about them.Kahit yung pagiging babaero ng mga anak nila, hindi naisusulat.Halos about their accomplishments sa business are the ones being featured.Well sabagay maingat din naman ang mga ito at magaling maglinis ng kalat.Pero gustong ipagmalaki ni Sandra sa mga kaibigan ang nobyo niya.Kahit engaged na sila hindi pa din kampante si Sandra.Good catch ang mga Herrera.Maraming babae ang handang gawin lahat para maging nobya lalo maging asawa ng kahit sino sa mga ito.

"Sands, hindi pwede.Importante yung dinner na yun.Matagal ng gusto ni mama na magkaayos na talaga ang pamilya namin at ng mga Montenegro" William mumbled.

Sandra moved over para maka-tihaya ang nobyo.William got a cigarette from the side table near the bed.

"Sino ba yung mga Montenegro na yun?" she asked as she lighted William's cigarette.

"Pamilya ng muntik ng maging asawa ni Jake." He replied as he puffed on his fag.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.