Alex is thinking na ang ganda talaga ni Shelly.Kakatapos niya lang tawagan si Pat.Ang swerte ng gagong Jake Herrera na yun but he promised himself na gagawin niya lahat para makuha niya ang loob ng dalaga.Hindi na lang paghihiganti ang gagawin niya.Ramdam niya may mas malalim siyang nararamdaman.
Actually hindi naman siya lumayo sa café na kinaroroonan ng mag-kaibigan.Pumasok siya sa isang Korean restaurant na malapit sa café. Hindi siya aware sa mga babaeng humahanga at nakatingin sa kanya dahil halos hindi niya inaalis ang tingin kay Shelly.Sinigurado niya na hindi siya makikita ng dalaga pero kitang-kita niya ito sa pinili niyang pwesto.Sino nga naman ang mag-aakala na ang isang gwapong kagaya niya ay stalker pala ng isang magandang babae na nasa kabilang kainan lang.
-----------
Gusto ng sabunutan ni Shelly ang kaibigan dahil sa kalokohan nito.
"Pat,magkakilala si Jake at Alex.Nagka-banggaan na sila minsan." Sinabi na niya ang totoo sa kaibigan.
"Talaga??" gulat na tanong nito.
"OO! Kaya nga dapat iwasan ko si Alex dahil pag nalaman ni Jake malaking gulo ang mangyayari." She explained.
"Naku bestie, ihanda mo na ang sarili mo.Kasi mukhang hindi maiiwasan ang gulo of the century na yan.Kasi sa tingin ko hindi lang si papa Jake ang baliw na baliw sa'yo." Pat said while looking outside the window.
Shelly tried to check what Pat is looking at.Nakita niya si Alex na papunta sa kanila.May malapad na ngiti and his eyes are twinkling.May dala itong mga bulaklak na mukhang binili sa katabing flower shop ng café.He is looking at her…yung kagaya ng tingin sa kanya ni Jake. Anak ng tofu! She knows that she is in big trouble!
Alex is a gentleman.Maasikaso ito.Hindi lang kay Shelly pati kay Pat din.Nilalagyan ng pagkain ang plato nila.Palaging nagtatanong if ano pa ang gusto nila.As usual umiral ang katakawan ni Pat.Kung ano-ano ang inorder.Of course si Alex lahat ang nagbayad.Kung hindi pa nga tumanggi si Shelly, nag-aaya pa si Alex na manuod silang tatlo ng sine.Sobrang disappointed ang mukha ng binata ng sinabi niya na she needs to go home.
"Pwedeng ako na ang maghatid sa'yo?Tutal pupunta din naman ako ng café." Alok nito.
"H-Huwag na Alex.Kasama ko si mang Eddie.Salamat na lang.Tsaka huwag ka sanang magagalit ha?Ibibigay ko na lang kay Pat itong mga bulaklak.Alam mo namang magagalit si Jake pag nakita niya ang mga ito." hinging paumanhin ng dalaga.
Biglang nanlaki ang mata ni Pat and ngumiti ng matamis ng marinig ang sinabi ng kaibigan.
"Naiintindihan ko." Malungkot na sabi ng binata.
Tumayo si Shelly.Alex stood up too.
"Sige mauuna na ako.Salamat ulit Alex."ngumiti ito sa binata.
"Bye bestie!" tumayo si Pat para yakapin at bumeso sa kanya.
Binulungan ito ni Shelly."Umayos ka Pat ha?" sabay ngiti sa dalawa bago umalis.
Nakatayo pa din habang nakatanaw si Alex kahit palayo na si Shelly.
"Baby Alex," kalabit ni Pat.
Napalingon si Alex kay Pat na natatawa,"Baby Alex?"
"Oo, yun ang tawag ko sayo mula ngayon ha?" humahagikgik na sabi ni Pat.
Naiiling na natawa na lang ang binata.
"Patricia,pwedeng magkwentuhan muna tayo?Kung hindi ka naman nagmamadali." Pakiusap ng guwapong binata.
Kunwari nag-isip pa si Pat."Hmmm...meron sana akong dadaanan pa eh."
"Order ka pa kahit anong gusto mo tapos ihahatid na lang kita sa pupuntahan mo."Alex smiled at her.
"Sabagay makaka-paghintay naman ang dadaanan ko.Sige go! Chika na tayo.Alam kong tungkol sa kaibigan ko ang gusto mong pag-usapan."panunukso nito na ikinatawa ng mahina ng binata.
------------
Medyo naipit sila Shelly at mang Eddie sa traffic.That gave her plenty of time to think about what happened.Kasalanan ba kay Jake yung nangyari kanina?Hindi naman niya ginusto yun eh.O sige sabihin na natin na nag-enjoy naman siya sa company ni Alex.Pero hindi naman ibig sabihin nun na may balak siyang i-entertain ang binata.Alam ni Shelly na Alex wants more than friendship.Malamang sa ditto nga galing yung mga bulaklak dati.Pero bago pa sila nagkabangga ni Jake sa coffee shop nito,sinabihan naman niya ang binata na may bf na siya.Pero paano niya ma-eexplain yung konting kilig na naramdaman niya kanina?Ay hindi! Wala yun.Gwapo si Alex.Natural lang yun.Pero hindi naman kasing-tindi ng kilig niya kay Jake.
Pero kilig pa din yun!- sabi ng isang parte ng utak niya.
Anak ng tofu naman kasi!Naguguluhan siya.Posible naman na kahit mahal niya si Jake, ma-aatract pa din siya sa ibang lalake di ba?Si Jake naman for sure nagagandahan pa din sa ibang babae.
WAIT! San naman nanggaling yung naisip niyang yun?Hindi pwede! Hindi pwede na magandahan at magka-gusto sa ibang babae si Jake!NOOOOO!
OMG! Anong ang nagyayari sa kanya?Di ba siya yung may isyu kay Alex bakit kung ano-ano na ang binibintang niya kay Jake?
ERASE!!ERASE!!
"Shelly,yung phone mo kanina pa nag-riring." Dinig niyang sabi ni mang Eddie.
"Ho?" biglang narinig nga niya ang ring tone niya."Salamat ho." Sabi na lang niya sa driver.
"Asan ka?Kanina pa ako tumatawag!" Jake sounds irritated.
Sumilip ang dalaga sa bintana,"Babe,malapit na kami sa bahay.Grabe ang traffic.Sorry naka silent mode ang phone ko." Paliwanag niya habang tinignan niya si mang Eddie sa rearview mirror.As if naman naiintindihan ng matandang driver ang pagsisinungaling niya kay Jake, tumango na lang ito sa kanya.
She heard silence."Anong oras kayo naghiwalay ni Pat?"
"S-Sorry babe,we lost track of time.Mga mag-aalas siyete na siguro." She said guiltily.
Shelly crossed her fingers.Wish niya hindi magalit si Jake.
May lakad pa naman sila ni Pat sa Monday.Baka hindi na siya payagan.
"Next time sumunod ka sa pinag-usapang oras." He said in a flat tone.
"Mga 11 nasa bahay na ako." With that, he ended the call.
Nakagat ni Shelly ang labi niya.May guilt siyang nararamdaman. Hindi naman niya pwedeng sabihin na kasama nila si Alex kanina.She just hopes na huli na yun.