"Baby, please labas naman tayo.Palagi ka na lang dito sa unit mo." Lorie said as she tries to pick up Marco's empty beer cans.Ganito na ang naging routine nila mula ng mabugbog ni Jake si Marco.Paglabas ni Lorie ng opisina tumutuloy na siya sa unit ng lalakeSiya ang nag-alaga dito.
Marco is lying on his stomach habang nasa mahabang sofa ito.
Hindi pa siya sumusuko na magkakabalikan sila ni Shelly.Nagpapalamig lang siya.Hinding-hindi niya makakalimutan ang ginawang pambubugbog sa kanya ng hayup na Jake Herrera na yun.
"Baby.." bulong ni Lorie habang hinahaplos nito ang likod niya.
Okay din ang stepsister ni Shelly,pwede niyang gamitin para mapalapit ulit siya sa dalaga.Alam niyang patay na patay ito sa kanya kaya madali niyang mauuto.Besideskapag sinusumpong siya ng libog,palaging willing ito.
----------------------
Bukas na ang dinner sa bahay ng mga Herrera.Hindi mapakali si Shelly kahit nag-usap na sila ni Jake.Ewan ba niya basta iba ang pakiramdam niya sa Cassie na yun.Di ba nga may tinatawag na woman's intuition?
Nagpaalam siya kay Jake na magkikita lang sila sandali ni Pat.Pinayagan siya nito pero kasama si mang Eddie.Mag-rereklamo sana si Shelly pero okay na din.Pwede naman niyang pakiusapan ang driver ena balikan na lang siya.Mula nung nangyari na insidente sa coffee shop with Marco mas naging parang anak ang tingin ni mang Eddie sa kanya.Alam nito na sobrang higpit si Jake kaya pag sinasamahan siya nito sa mga lakad niya, nagpapalipas na lang ito ng oras paikot-ikot.Hindi na siya binubuntutan.
Nakakunot ang noon a tinignan niya ulit ang relo niya.Milagro kasi na late si Pat.Dati nauuna palagi ito sa meeting place nila.Shelly chose to sit on a table near the entrance of the café para makita siya agad ng kaibigan.
She got her phone and dialed her number."Pat,asan ka na?"
"Bestie malapit na promise.Medyo naipit lang sa traffic." Sabi nito.
"Okay bilisan mo,hindi ako pwedeng magtagal.Maagang uuwi si Jake."
"Oo na bestie! Sus naman yang si papa Jake,minsan minsan na nga lang kita mahiram may time limit pa." madramang sabi nito.
"O sige na oorder na muna ako kahit juice." Shelly ended the call.
A young waitress approached her and gave her the menu.
Habang pumipili siya ng oorderin,the young server asked," Mam,excuse me po.Hindi po ba model kayo?" nakangiting tanong nito.
Shelly looked at her and smiled.
"Sabi ko na mam eh.Kayo yung nasa ad ng Kinis whitening soap.Ang ganda-ganda niyo po dun pero mas maganda pa po pala kayo sa personal mam." Tila nahihiyang sabi nito.
"Salamat.Hinihintay ko kasi yung kaibigan ko pwedeng bigyan mo na lang muna ako ng cucumber and kiwi juice?" Nakangiting sabi niya.
"Opo mam." Magalang na sabi nito bago umalis.
"Nice to see you here."
Shelly was busy checking her inbox when she heard that voice.
"Alex!" gulat na sabi niya.
Anak ng cuapao ang guwapo din nito tapos nagmumura din ang katawan! Naka-itim na short sleeves polo shirt ito at naka-faded na pantalon.
Ay erase,erase! Hindi siya pwedeng ma-attract sa iba,patay siya kay Jake!
Ngumiti ito ng matamis na nagpalabas ng dimples nito.
"Can I sit down?" he asked while staring at her.
Anak ng tofu naman! Super talagang makatitig itong chinito na to! She is starting to feel slightly uncomfortable.
Kailangan siyang iligtas ni Pat sa charmer na to bago siya tuluyang magka-sala kay Jake.(Joke lang.Takot lang niya sa galit ni Jake.May konting kilig lang .Sorry naman,tao lang eheheh) Asan na ba kasi yun?!
"Okay lang sige." Shelly said while trying to avoid Alex’s eyes.
"May hinihintay ka ba?O gaya ng dati nagpapalipas lang ng time?" he teased.
She smiled,"Hinihintay ko yung friend ko.Padating na din daw siya.Ikaw buti andito ka?"
"May binili lang ako." He is now looking at her lips.
Biglang may tumikhim.
Sabay na napatingin ang dalawa.
"PAT!" Shelly gave a sigh of relief.
"Wow naman bestie sobrang namiss mo yata talaga ako.Hindi naman halata na sabik na sabik ka na masilayan ako." Pa -cute na sabi nito kay Shelly pero kay Alex nakatingin.
Alex seems to be amused.
He stood up and offered his hand to Pat.
"Hi,I'm Alex.Pat?" he smiled.
Wow! Shelly thought,mukhang nadagdagan na naman ang lalaking pagpapantasyahan ng kaibigan niya.Halos mamilipit sa kilig si Pat habang hawak ni Alex ang kamay nito.
"Patricia na lang.Si Shelly lang naman ang tumatawag na Pat sa akin.Ang masculine ng dating di ba? " Pa-sweet na sabi nito.
"Okay Patricia."Alex nodded with a grin na lalong nagpalabas sa dimples nito.
"Anyway," sabay lingon kay Shelly pagka-release ng kamay ni Pat," I will leave now.I'm sure you have a lot of catching up to do.Ayaw ko namang makaistorbo." Hayun na naman ang magandang ngiti nito.
Ewan ni Shelly kung bakit kay Alex hindi siya naiinis.Di ba nga pwera kay Jake ,ayaw niya sa mga guwapo?Siguro dahil hindi presko si Alex.
"Naku okay lang.Pwede naman kaming mag-usap ni bestie sa phone.Promise hindi ka naman makaka-istorbo."pa-bebe na sabi ni Pat.
Saktong tumingin si Alex kay Pat,so habang naka-upo si Shelly pasimpleng tinapakan niya ang paa ng kaibigan na nakatayo pa.
"Aray!" daing nito.
"What's wrong?" alalang tanong ni Alex kay Pat.
"Wala!Yung tiyan ko humapdi lang.Baka gutom lang ako." Medyo naka-ngiwing sabi nito.
"O sige alis na talaga ako.Next time labas tayong tatlo ,kung okay lang kay Shelly." He glanced at her.
Hindi maka-react ang dalaga dahil hindi niya alam ang sasabihin niya.Alam naman ni Alex na hindi pwede.Maybe he just said that as a joke.
"Can I get your number Alex? Para text kita pag lalabas tayo nila Shelly." Sinamantala na ni Pat ang pagkakataon.
"PAT!" saway ni niya sa bestfriend niya.
"Yeah! Sure!" Alex grinned then he took Pat's phone and he inputted his number.
"Text me na lang Patricia para ma-save ko din ang number mo." Sabi ni Mr.Dimples habang parang na-star struck lang na tumango si Pat.
"See you around Shelly." Alex said to her as he gave her a sweet smile.
"PAAAATT!" hila ni Shelly sa kaibigan para maupo na ito.May ilang Segundo na nakaalis si Alex pero ang kaibigan niya parang namatanda na.Kung hindi niya pa ito hinila hindi ito matatauhan.
"OMG bestie! Katakam-takam naman si baby Alex!" sabi nito na kilig na kilig.
Sumandal si Shelly sa upuan."Baby Alex?" tanong niya sa kaibigan habang nakataas ang isang kilay.
"Oo naman.Kasi may papa Jake na ko.So baby Alex na lang." nangingiting sabi nito.
Shelly rolled her eyes."Pwede ba Pat?!"
"Kahit kelan talaga may pagka-kontrabida ka.Wala na nga akong pag-asa kay papa Jake dahil baliw na baliw siya sa kagandahan mo pati ba naman si baby Alex pagdadamot mo pa?" sabi nito na naka-irap."
Tapos biglang nanlaki ang mata nito sabay titig kay Shelly with matching bibig na naka-nganga,"OMGGGG!! Bestie don't tell me na may something kayo ni baby Alex???"
Binato ito ni Shelly ng table napkin.
"Tumigil ka nga Pat!" inis na sabi nito.
"Hmmmm..kaya pala ganun na lang tumitig sa'yo.HMP!" kunway inis na sabi nito habang nakataas ang isang kilay.
"Pat pwede ba?Kahit biro wag mong sasabihin yan.Lalo pag nandiyan si Jake!" saway ni Shelly.
"Eh totoo naman eh.Ako lang naman tong umaasa na mapapansin ako ni baby Alex.Pero sino ba naman ang makakatalo sa alindog mo?" sabay kunway patong ng korona sa ulo ni Shelly.
"Tigilan mo nga yan!Umorder ka na!" asar na sabi ni Shelly.
After a while...
"Pero bestie,seriously,mukhang malakas din ang tama sa'yo ni baby Alex."Pat said while nibbling her garlic bread.
"Sabi ng tigilan mo na yan! Kumain ka na lang."She said as she sips her juice.
"Asus! Aminin mo na medyo affected ka sa titig ni baby Alex." Pang-aasar nito."Ay ma-text ko nga pala para ma-save niya number ko."
Biglang nag-ring ang phone ni Shelly.Tinapunan muna niya ng masamang tingin si Pat bago kinuha ang cp nya.
"Si papa Jake yan pustahan tayo."Malapad ang ngiting sabi ni Pat habang nagta-type sa phone nito.
"Babe," Jake said."Medyo gagabihin ako ng uwi.Biglaang dumating yung mga ka-business deal namin. Wala si Will,kami ni Thomas ang maglalabas sa kanila."
Shelly felt disappointed.Pero wala naman siyang magagawa.Business yun eh. So sumagot na lang siya ng malungkot na okay.
"Babe,I'll try to come home as soon as I can." Jake said sa malambing na boses.
"No,it's okay babe.Nakakahiya naman kay Thomas.Okay lang, promise.” Pilit na pinasigla ng dalaga ang boses niya.
"Basta! Uuwi agad ako pag naka-tyempo.Matulog ka na muna then gigisingin na lang kita pag-uwi ko."bigla naging halos pabulong ang huling sinabi nito.
Shelly knows what he means.Wala sa bocabolaryo ni Jake ang abstinence from sex.Kahit it's the time of the month for Shelly, he still finds ways for them to pleasure each other.
"Uwi ka na in an hour okay?" utos nito.
"Okay." She replied.
"Mukhang hindi maagang makakauwi si papa Jake no?" tanong ni Pat pagbaba niya ng cellphone.
"So pwede pa tayong mag-lamyerda?" kindat nito when Shelly shrugged her shoulders.
"Hindi pwede.Uwi na daw ako in an hour."
"Susme naman bestie! Alas-singko pa lang kaya! Daig mo pa ang bata sa aga ng curfew mo!" Pat complained.
"Ayaw kong mag-away kami niJake.Matagal pa naman ang isang oras." Shelly said before biting her tuna sandwich.
BIglang nag-ring ang cp ni Pat.She looks at her phone and ngumiti ito ng malapad at kulang na lang magsasayaw sa ligaya.Napailing na lang si Shelly.Naisip niya may tama talaga tong kaibigan niyang to.Buti hindi naman contagious so ligtas siya.
"Hi!” Pa-cute na sagot ni Pat sa telepono sabay suksok ng buhok nito sa kabilang tenga niya.Pa-bebe lang ang peg.
"Oo andito pa kami.Malayo ka na ba?" tanong nito sa kausap.
Kinabahan si Shelly.Malamang si Alex ang kausap nito.
"Talaga?" excited na sabi ni Pat.
Pinandilatan ng mata ni Shelly ang kaibigan pero umiwas ito ng tingin.Tatapakan sana nito ang paa,pero ang bruha tumagilid ng upo at nilabas ang mga paa na nasa ilalim ng lamesa.
"Sige,sige!" sabay baba ng phone habang ang lapad lapad ng ngiti nito.
"Sino yun?"Tanong ni Shelly pero dinilaan lang siya ni Pat tapos pinag-patuloy nito ang pagkain niya.
"Pat! Kung si Alex yun aalis na ako." Shelly said.
"Wag ka ngang kj bestie! May isang oras ka pa naman." Reklamo ni Pat.