Rachell POV
"Rachel?" Katok at boses ni Kevin mula sa labas ng kwarto ko pero hindi ko ito mapag buksan o masagot dahil sa kalagayan ko ngayon.
Hindi ko alam pero heto nanaman yung pag susuka ko akala ko pa naman nakaligtas na ako sinita kasi ni manang pasya kaninang umaga e.
Dapat pala sinunod ko si kevin, sana man lang nagkanin o nag tinapay man lang ako kaninang umaga baka siguro hindi ako nag susuka ulit. Wala kasi akong ibang kinain kundi yung fries lang at ang pinag halong suka at ketchup tapos ang dami ko pang nakain. Pero masarap e kaya hindi ko napigilan ang sarili ko sa pag kain nun.
Suka pa din ako ng suka habang nakaupo sa harap ng enedoro at naka patong ang dalawang braso ko sa mag kabilaan nito para suporta kasi pakiramdam ko tutumba ako sa sobrang panghihina ikaw ba naman mag suka ng mag suka hanggang sa tubig na mapait nalang nilalabas mo sinong hindi mang hihina dun?
"Rachel! buksan mo tong pinto! Rachell!" Halata sa boses ni Kevin ang pag aalala habang sinisigaw nito ang pangalan ko. Maya maya lang ay narinig ko na ang pag bukas ng pinto ng kwarto ko malamang binuksan niya ito gamit ang susi ng pinto dahil mabubuksan niya ito agad kasi hindi ko naman ni lock sa loob ang pintuan ng kwarto ko.
"Rachell! Nasaan ka?" Tanong pa nito.
"Rachell anong nangyari sayo?" Agad akong nilapitan nito at hinaplos ang likod ko upang himasin habang patuloy pa din akong nag susuka.
"MANANG!" Sigaw nito habang patuloy na hinihimas ang likod ko ng hindi ko ito sinagot habang inaayos ang ilang hibla ng buhok kong nakaharang sa mukha ko at pinag salikop at hinawakan niya ito para hindi maging harang sa mukha ko.
"Jusko! anong nangyari sa asawa mo?" takang nag aalalang tanong ni manang ng makita niya ang sitwasyon ko habang patuloy na sumusuka.
"Mamaya mo na itanong yan manang! Tawagan mo na muna si Doc. Hana sabihin mo emergency bilisan mo!" Saad ni Kevin syaka nang hihina akong napasandal sa dibdib nito ng pakiramdam ko ay hindi na ako mag susuka pa.
"H-Hindi... na... k-kailangan... Okay lang ako pahinga lang kailangan ko."
Hinihingal na pigil ko dito habang nakapit ang mata ko syaka ako dumilat ng matitigan ko ang mukha nito habang nakangiti para ipakitang okay lang talaga ako.
"Tsk! pasaway ka talaga kahit kailan! sinabihan na kita hindi ka naman nakinig yan tuloy napala mo." Kunot noong saad nito pero bakas sa boses nito ang pag aalala pa rin para saakin bagay na namiss ko nung mga panahon minsan naging mag kaibigan kami.
"Sorry." Bulong ko dito habang nakatitig ang mga mata ko sa mga mata nitong nag aalala at marahan kong itinaas ang palad ko at muling hiplos ko ang mukha nitong nag aalala. Ang mukha ng lalaking nag pabihag ng puso ko.
FLASHBACK
"Asteria! Bumaba ka nga dyan baka mahulog ka sa mga pinag gagawa mo. Pasaway ka talaga!" Kunot noong saway ni Kevin saakin dahil nasa puno nanaman ako ng alatiris hindi naman ganun kataas yung puno kaya ok lang kung akyatin ko ito.
"Hindi naman ako mahuhulog e syaka patapos na ako tignan mo madami na akong napitas." Nakangiting sagot ko dito pero hindi pa din nabago ang awra ng naiinis nitong mata at ang kilay nitong kunti nalang mag kakasalubong na.
"Wala akong pake kung makadami ka man napitas sa punong yan basta bumaba ka na dyan." Sagot nito.
"Ay galit na si lolo Kevin HAHAHA." Natatawang sagot ko dito.
"Isa Rachell Asteria Santos! kapag hindi ka pa bumaba dyan talagang magagalit na ako sayo!" Banta ka nito.
Nag hahabang ngusong humakbang na ako pababa "heto na nga po e bababa na. Para ka talagang si papa kulang nalang palitan mo si papa sa pwesto niya e mas malalala ka panga kesa kay papa kung mag bantay para tuloy akong may lolo na, may kuya pa at tatay na palaging naka bantay sa lahat ng kilos at gagawin ko." Saad ko habang bumababa at habang hawak ng isang kamay ko ang laylayan ng damit ko na may mga pinitas kong alatiris.
At dahil isang kamay lang ang ginamit kong pang kapit hindi ko inaasahan mamamali pala ako ng aapakan kaya hindi ako nakakapit agad ng mabuti at bumagsak." Ahhhhhhhhhhh." Tili ko pero hindi ko naramdaman ang pag bagsak ko sa lupa. Agad akong nag mulat ng mata at nakita kong nasa ilalim ko si kevin para iiwas ako sa pag bagkas sa lupa at para hindi ako masaktan sa impak ng pag kakahulog ko mula sa puno.
"Kevin hala sorry ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko dito. Nakita ko kasi ang sakit mula sa mukha nito habang nakapikit.
Nahigit ko ang hininga ko ng mag mulat ito ng mga mata at nag tama ang mga mata naming dalawa ni hindi ko namalayan sobrang napaka lapit namin sa isa’t isa.
"Ahh sh*t! Ang sakit." Agad saad nito syaka nito hinawakan ang isang matang ngayon ay nakapikit na ng makaupo kaming pareho.
"Bakit anong nangyari? Napuwing ka ba?" Nag aalalang tanong ko dito habang pilit ko itong pinapaharap saakin.
"Oo at kasalanan mo to kung hindi ka kasi pasaway at hindi ka umakyat nanaman saa punong yan hindi mangyayari ito!" Saad nito na patuloy pa din iniinda ang kaliwang mata nito.
"Kaya nga sorry na, akin na hipanan ko baka sakali mawala yung duming pumasok dyan sa mata mo." Hingi ko nang paumanhin.
"Wag na mag hihilamos nalang ako." Tanggi nito at pag iwas.
"Akina na nga e bilis na effective to promise sige na." Pilit ko pa dito maya maya lang ay napapayag ko na ito.
Bahagya itong yumuko dahil mas matangkad ito saakin syaka ko nilapit ang mukha ko sa mukha nito at tinapat ang labi ko sa kaliwa nitong mata syaka bahagyang dinilat ko iyun at hinipan.
"Hindi-." Napatigil ako ng makita kong nakatitig pala ito saakin ng tatanungin ko sana kung masakit pa ba ang mata niya.
"O-ok naman pala yang mata mo, ayan oh nadidilat mo ng maayos may pa drama drama ka pa dyan nalalaman. Maiwan na nga kita dyan." Saad ko habang iniiwas ko ang mga mata ko dito syaka ako nag lakad palayo habang pilit kong pinapatahan ang puso kong nag huhuramintado sa napakabilis nanaman pagtibok nito.
Pero bago ako makaalis ay nakita ko pa ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi nito sa nakitang reaction ko.
Wait ngumiti ba sya?
Hindi illusion mo lang yun Rachel kaya mag tigil ka!
END OF FLASHBACK
Nabalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang pag buhat ni Kevin saakin papunta sa kama ko pahiga.
Narinig kong bumuntong hininga ito bago nag salita matapos akong mahogany at kumutan nito.
"Wag ka na muna pumasok, syaka ka na pumasok kapag okay kana, kapag kaya mo nang pumasok sa ngayon mag pahinga ka na muna kung ayaw mong ipatawag ko si doc. Hana." Kunot noong saad nito.
"Manang kailangan ko nang pumasok pero tawagan mo ako kapag may hindi magandang nangyari dito uuwe agad ako at manang paki bantayan na din po ang pasaway na babaeng to." Baling nito kay manang pasya na nasa kabilang gilid ng kama ko nakatayo.
"Sige iho ako na bahala sa asawa mo." Sagot ni mang kay kevin.
Tinignan na muna ako ni Kevin bago ito nag lakad palabas pero hindi pa ito nakakalayo saakin ng tawagin ko ang pangalan nito "Kevin." Agad na lumingon ito at muling lumapit saakin.
Nakangiting pinag hiwalay ko ang mag kasalubong na kilay nito at syaka ko tinitigan ang mga mata nitong puno ng pag aalala "ok na ako, kaya smile ka na." Bulong ko dito habang nakangiti.
Napapailing na napabuntong hininga ito pero kita ko ang pag hihiwalay ng mag kasalubong nitong kilay kanina at ang bahagyang pag angat ng gilid ng labi nito.
Ngumiti sya? Ngumiti nga ba sya? sana hindi ako muling pinag lalaruan ng mga mata ko tulad noon.
"Mag pahinga ka na mí amor." Saad nito syaka ako nito hinalikan sa ulo at tumayo para mag paalam at mag bilin ulit kay manang pasya syaka ito nag patuloy ulit mag lakad palabas para pumasok sa trabaho.
"Sige na iha sundin mo na ang asawa mo mag pahinga ka na." Saad ni manang syaka ito nag lakad palabas ng kwarto para siguro bumaba at ituloy ang trabahong naudlot nitong gawin dahil saakin.
Nakangiting pinikit ko ang mga mata ko para mag pahinga at makakuha ng lakas ulit.