HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 9

Rachell POV

Masayahin pero matapang at walang inuurungan babae ako noon, wala pake sa paligid ko, kung masaya ako masaya ako, yun yung mga araw na hindi pa alam ni kevin na may gusto ako sa kanya. Noon nakakayanan ko pang labanan ang kung ano mang nararamdaman ko para kay kevin.

Nagiging mahina lang naman ako kapag nasa tabi ko sya o kahit nasa malapit ko Lang sya at mas naging mahina ako ng pumayag akong maging asawa niya sa kapakanan ng nag iisa at mahal kong ama.

"Alam kong galit ka saakin dahil sa ginagawa ko sayo and I'm so sorry if I do that to you, I should not have done that to you mi amor, Por favor perdóname si me trago los celos mi amor." Rinig ko mula sa boses nito ang lungkot at pag sisisi.

Bakit? Para saan?

Nag sisisi ba syang ginalaw niya ako? na pinakasalan niya ako? Bakit ang sakit isipin na nag sisisi sya sa kung ano man nangyari saamin dalawa?

Bakit dapat bang ginawa niya lang yun sa babaeng mahal niya at hindi sa isang katulad ko? Nagi-guilty ba sya kasi nagawa niya ang bagay na yun sa iba at ngayon ay iniisip na nyang nag karoon sya ng kasalanan sa babaeng mahal niya?

Alam kong hindi tama ang ginawa niya saakin pero wala akong pinag sisisihan dun dahil kahit hindi niya ako pilitin sa mga bagay na nangyari saamin buong puso ko ibibigay ang bagay na yun. Buong puso ko pa din bibigay ang sarili ko, ang buong sarili ko dahil ganun ko siya kamahal kahit pa nagawa siya ng kasalanan saakin.

Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako ngayon siguro kasi masakit na nag sisisi sya sa mga bagay na ginawa niya saakin at mga bagay na nangyari saamin siguro dahil nasaktan niya ang babaeng mahal niya.

Kahit naman ako masasaktan kapag yung lalaking mahal mo may ginalaw at pinakasalan bukod sayo.

"pero no me arrepiéntete de lo bueno que nos pasó, porque te amó mi amor."

Tanging pag halik lamang nito sa ulunan ko at ang pag ayos nito ng kumot ko ang naramdaman ko. Maya maya lang ay narinig ko na ang yabang ng mga paa nito palayo.

Ang pinag tataka ko lang ay ni hindi ko narinig ang pag bukas, sara ng pinto ng kwarto ko.

Agad kong minulat ang mga mata kong may tumulo nang luha at hinanap si kevin matapos kong pahiran ang pisnge ay syaka ako tumayo at pumunta sa pinto pero naka lock pa din ito, ang double lock ay ganun pa rin ng iwan ko ito para matulog.

Agad na napalingon ako sa beranda ng kwarto ko ng maramdaman ko ang lamig ng hangin mula don. "Sa beranda sya dumaan?" Pipiling tanong ko sa sarili. Dahil tanging ito lamang ang nag iisang bukas dito sa kwarto ko.

"Good morning po." Bungad ko kay manang pasya ng makita ko itong nag hahanda sa kusina para sa almusal.

"Good morning din iha mukhang hindi na masama ang pakiramdam mo ngayon. Mabuti nalang at okey ka na iha nang hindi na nag aalala ang asawa mo sayo" Saad nito matapos akong lingunin nito habang nakangiti tapos ay pinag patuloy pa din nito ang ginagawa habang kausap ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinasabi ni manang baka kasi sinasabi lang ni kevin yun kay manang na nag aalala sya saakin para hindi na mag tanong ang matanda sa nangyayari saamin at para hindi makarating sa mga magulang namin ang situation namin ngayon.

But at the same time natutuwa na din ako kasi kahit papaano nag aalala pa din sya saakin kahit na ba sinabi niya lang iyun para hindi mag isip ng hindi maganda si manang pasya saamin dalawa at sabihin sa mga magulang namin ang situation namin ngayon.

"Mabuti pa maupo ka na sa hapag nakapag handa na ako dun heto nalang ang tinatapos ko para makakain na kayo ng asawa mo." Nakangiting saad nito matapos isalin sa plato ang pinirito nitong bacon at hotdog kasama ng sangad na kanin.

"Ahmm Sige po, pero pwede po bang mag paluto ako ng fries tapos samahan nyo na po ng suka na may ketchup na pinaghalo para sawsawan ko po sa fries." Abot langit na ngiti ko dito. Inisip ko palang natatakam na ako.

"Ahm s-sige iha." Kunot noong saad nito na parang nag tataka pero nag labas pa din ito ng fries para iluto.

"Salamat po." Masayang saad ko dito syaka ako nag lakad papunta sa hapag kung saan may mga nakahanda na ngang pag kain. Nawala lang ang sigla ko ng makita ko si kevin na nakaupo sa upuan nakalaan para sa kanya. Heto ang unang beses na mag sasabay kaming dalawa na kumain kaya mas lalong kinabahan ako kesa kagabi na alam ko naman na di niya alam na gising ako.

"Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Maupo ka na dito at kumain na tayo may pasok pa ako." Saad nito habang nakatingin sa plato nito at habang dahan dahang ngumunguya.

Wala sa sariling napatango ako at dahan dahan umupo sa gilid na lamesa malapit dito.

"Ahm... ehem ako din pala papasok na din ako naisip ko kasi na ilang buwan nalang ga-graduate na ako kaya kailangan ko nang pumasok." Saad ko habang sa plato nakatingin. Natatakot akong baka hindi niya ako payagan pumasok pa ulit sa school.

Matagal bago ito nakasagot "okay sige, pero ako ang mag hahatid, sundo sayo." Saad nito matapos bumuntong hininga. Nag kasalubong ang mga mata namin ng tignan ko ito.

"H-Hindi na kailangan kaya ko na ang sarili-." kinakabahan agad na sagot ko dito syaka ako nag iwas ng tingin sa napaka lalim kung tuminging mga mata nito.

"Ang gusto ko ang masusunod Rachell kaya ihahatid sundo kita sa ayaw o gusto mo." May diing saad nito.

Hindi nalang Ako nag salita ulit baka kapag nagalit nanaman sya baka may magawa nanaman sya saakin. Napalingon si Kevin sa bowl na nilapag ni manang sa harap ko kasama ng maliit na mangkok kung saan nakagalay ang pinag halong suka at ketchup.

Parang bulang nag laho yung kaba ko at takot para kay kevin ng makita ko at maamoy ang kaga nina ko pang madaling araw gustong kainin. Hindi lang ako makalabas kasi baka makasalubong ko si kevin.

Agad ko itong nilantakan at ng matikman ng dila ko ang lasa ng pinag halong suka at ketchup ay para akong naka rating ng langit sa sobrang sarap. Grabe kung alam ko lang na ganito ito kasarap sana kaganina pa ako kumain nito at hindi ko na dapat tiniis ang sarili ko.

May pag tataka sa mukha ni mang pasya at ni kevin ng lingunin ko ang mga ito habang nakatingin sila saakin.

"Gusto nyo po ba manang? kevin? Tikman nyo po sobrang sarap." Nakangiting aya ko sa dalawa.

"Bakit yan agad ang inuna mong kainin? Dapat nag kanin o nag tinapay ka na muna bago ka kumain nyan." Pag babalewala ni Kevin sa pag aya ko sa kanila ni manang pasya.

"E sa heto ang gusto kong kainin e bakit ba?" Nag hahabang ngusong sagot ko dito habang patuloy na sumusubo ng fries na sinawsaw ko sa pinag halong suka at ketchup.

"Wag kang ngumuso at tigilan mo muna ang pag kain nyan baka mamaya sumakit yang tyan mo dyan unahin mong kumain ng kanin hindi yan." Saad nito syaka ito nag patuloy sa pag kain habang may hindi pa din maimpintang nakapaskil sa mukha nito.

"At pwede ba ilayo mo yang... Kung ano man yan dahil ang baho." Dagdag pa nito habang nakatingin sa pinag halong suka at ketchup na pinag sasawsawan ko.

"E sa heto nga kasi ang gusto kong kainin pakielam mo ba? At syaka hindi naman ito mabaho ahh, ang bango nga e." Sagot Ko dito syaka ko inamoy ang sinasabi nitong mabahong sawsawan kahit hindi naman.

"Rachell" banta nito.

Agad na tinaasan ko ito ng kilay " wag mo ngang pakikielaman ang nanahimik kong pag kain kung ayaw mo akong kasabay sabihin mo lang madali naman akong kausap." Taas kilay na saad ko dito syaka ako tumayo at dinala ang pag kain ko sa kwarto para dun nalang ito lantakan.

Tsk!!! Ang daling sabihin ayaw niya akong kasabay na kumain hindi pa niya diretsyong sabihin saakin! bakit? Dahil nandun si mang pasya? Tsk!!! bwisit!!!

"pero no me arrepiéntete de lo bueno que nos pasó, porque te amó mi amor." That means “Please forgive me if I swallow in jealousy.“

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.