Rachell POV
"Oh? Umagang umaga, ganyan agad ang mukha mo. Problema?" Takang tanong ko kay frey nang makita ko itong nakaupo at nakatulala sa kawalan habang nasa harap ng hapag. Mukhang kagigising lang nito.
"Wala..." balik sagot nito saakin sabay tingin saakin ng makaupo na ako sa harap nito.
Nararamdaman kong may problema ito. Kakaiba ito manalita at ang mga mata nito ay walang sigla.
"Tell me anong problema mo at wag mong sasabihin wala dahil halata naman meron." Pilit ko pa dito nakita ko ang pagiwas nito ng tingin saakin at ang biglang Paglikot ng mga daliri nito na tila hindi alam ang sasabihin.
Bumuntong hininga muna ako " Frey?" tanong ko rito hindi ko nilulubayan ang napaka lungkot nitong mata.
"Friend tanga ba ako?" Sa halip ay tanong nito habang tila pinipigilan nito ang mga hulang gustong tumulo mula sa ma lungkot nyang mga mata maya maya ay tumawa ito ng bahagya habang may pekeng ngiti sa labi.
“Tanga nga siguro ako friend.” Saad nito.
"Frey?" Naguguluhan na naaawang tanong ko dito. Hindi ko kasi alam kung saan nanggagaling lahat ng sinasabi nito. Si frey yung tipo ng babaeng sobrang masiyahin, maligalig, isip bata na may pagka bitch pero mabait at matapang at kahit kailan never ko pa itong nakitang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman nito para sa isang tao o sa kahit anong bagay.
"Siguro nga tanga ako.” Ulit nito syaka muling nag salita.
“kasi ako tong babae pero ako pa itong naghahabol sa lalaki tapos hinayaan ko pa na may mangyari saamin kagabi kahit alam ko naman na pagkatapos nun wala na. Then mag tatago ulit sya hahaha nakakapagod pala maghabol dun sa taong ginawa mo yung lahat pero hindi ka pa din gusto. Na kahit anong gawin kong pag hahanap mag tatago at mag tatago lang siya saakin. Naguguluhan ako friend, hindi ko alam kung ano yung wala saakin na gusto niya. Kaya ko naman baguhin yun magustuhan niya lang ako" Malungkot na Saad nito habang patuloy na tumutulo yung luha.
"Friend..." nasasaktan ako at wala akong magawa para sa nagiisang tao na tumulong saamin ng mga anak ko para mabuhay.
“Ganun ko siya kamahal, kahit na may masama siyang ginawa noon saakin. Heto parin ako nag hahabol sa lalaking napaka laki ng galit saakin, pamilya ko. Dapat katulad mo lumayo na rin ako e pero hindi ko ginawa at yun ang hindi ko maintindihan. Bakit hindi ko kayang lumayo at pigilan tong puso ko na mahalin siya?” Umiiyak na saaad nito.
“matagal mo nang kilala yang lalaki na yan?” Gulat na tanong ko dito. Marahan itong tumango.
“Nakakatawa kung sino pa yung may gagong ginawa, yun pa yung mag tatago.“ tila nag papatawang saad nito ngunit ang ngiti nito ay peke at puno ng luha ang mga mata nito.
“Bakit hindi mo sinabi?”
“Para saan para paalalahanan ang sarili ko na dapat galit ako sa lalaking sumira ng buhay ko? Sa lalaking nag paramdaman saakin na special ako at hindi dapat ako sinasaktan ng kahit na sino? Ayokong matakpan ng galit ko ang pag mamahal na meron ako para sa lalaking mahal ko. Isa lang naman ang dahilan kung bakit patuloy kong hinahabol si Paul e, yun e para sa anak ko, sa anak namin. Friend alam mo kung anong kalagayan ni pauline ngayon at gusto kong matupad ang pangako ko sa anak ko.” Saad nito saakin.
“Naiintindihan ko frey, lahat naman ng ina ay gagawin ang lahat para sa anak nila. Pero kung sobra na tama ahh.“ Saad ko dito “ nawasak na ito ng minsan wag mo nang hayaan madurug pa ito.” Saad ko habang tinuturo ang dibdib nito kung nasaan ang puso nito.
"Tama ka siguro kailangan ko nang tigilan tong kabaliwan ko ito. Naiintindihan naman siguro ako ng anak ko? Gagawa nalang ako ng ibang paraan para mapunan yung pag kukulang na hinahanap niya at syaka tama naman si paul kahit kailan hindi niya magagawang mahalin ang isang basta frey lang." Bulong pa nito.
"Hindi ka basta Frey lang. Biruin mo kung hindi dahil sayo baka nawala na saakin ang kambal ko at baka tuluyang naloka na ako noon. Proud nga ako sayo e biruin mo nagawa mong alagaan kami ng kambal kahit wala ka pang karanasan noon sa pag aalaga ng bata dahil parehas tayong bagong ina palang at syaka hindi mo pa ako kilala noon ng lubusan pero nagtiwala ka agad saakin at nagagawa mo akong pasayahin noon, noong mga panahon naloloka na ako hahaha kaya hindi ka basta Frey lang your my best friend, my best buddy, my mom hahaha and my sister at tanga yang lalaking yan kung hindi niya nakita yung halaga mo. Sabi mo nga noon lalaki lang yan marami pang iba dyan na makaka appreciate ng tunay na halaga mo." Nakangiting saad ko dito.
"And then sabi ko noon hindi sya basta lalaki lang dahil nagiisang mahal ko yun." We both laughed nang sabay namin bigkasin ang mga salitang binitiwan ko noon.
"Mag kaibigan nga tayo." Natatawa na nitong Saad.
"Teka wait, bakit ka nga pala nawala bigla kagabi binalikan kita kung saan kita iniwan kagabi pero wala ka na dun kaya hinanap kita pero iba nangyari alam mo na." Saad nito habang pinapahid ang pisngeng may luha.
"May nangbastos kasi saakin kung saan mo ako iniwan kaya umalis ako para hanapin ka sana pag katapos ko mag cr but then may nangyari din..." Sagot ko dito habang nakayuko.
"OMYGOD! Friend nakipag ano ka sa ibang guy? And worse sa cr?-." O.A na saad nito.
"Aray!" Daing nito nang pitikin ko ang noo nito.
"Napaka O.A mo walang ganun nangyari at syaka pwede ba hinaan mo ang boses mo baka marinig ka ng mga anak ko." Sermon ko dito.
"E ano ba kasi talaga nangyari pa suspense ka pa kasi e." Reklamo nito habang hinihimas ang noo nitong pinitik ko.
"Andun si k-kevin-." Bulong ko.
"Wait sinong kevin friend?" Takang tanong nito. Masamang tingin ang ibinaling ko dito. Napaka makakalimutin talaga.
"Oh okay chill friend kilala ko na to naman ang sama agad ng tingin." Saad nito.
"Sige continue." Dagdag pa nito.
" HINALIKAN KA?" Sigaw nito nang matapos kong ikwento dito ang buong pangyayari nang muli kaming mag kita ni kevin.
"Hinaan mo nga ang boses mo napaka o.a mo talaga." Saway ko dito.
"Sorry naman friend pero teka masarap ba?"
Kunot noo ko itong tinignan " yung halik sabi ko kung marasap ba?" Dagdag tanong pa nito.
Inaamin ko namiss ko yung halik na yun. Yung amoy niya. Yung nakakatunaw na tingin niya...
Yung buong siya...
"Uy namumula ka friend ibig sabihin masarap humalik si hubby mo." Pang aasar pa nito. "Oh tapos nung halik anong ginawa mo friend?" Tanong pa nito.
Sa halip na pansinin ang pang aasar nito ay " I kicked the private part of his body?" Nag dadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ito pero naisip ko din na tama lang kasi hinalikan niya ako ng walang permiso.
"Bakit naman doon friend paano kayo magkakaanak ulit kung baog na siya-." Mabilis na binatukan ko ito.
"Aray kanina pitik ngayon naman batok ano ba yun wala naman akong ginagawa sayo ahh bigat talaga ng bamay mo." Reklamo nito saakin.
"Kung ano ano kasing pumapasok dyan sa utak mo." Nakairap na saad ko dito.
"Bakit? Mag asawa naman kayo so technically pwede pa kayong gumawa ng isa pang xyxy at tantan." Pangangatwiran nito.
"Malabo nang mangyari yun. ni hindi niya nga noon tinanggap ang mga anak ko ang mag dagdag pa kaya? Mag asawa nalang kami sa papel pero hindi ako ang babaeng pangarap niya siyaka tama na saakin yung kambal ko, sila lang sapat na." Balik sagot ko dito.