Rachell POV
"Ayoko!"
"Please Rachell samahan mo na ako. Promise saglit lang tayo gusto ko lang talaga malaman kung andun ba talaga ang bebe ko ilang taon din ako pinag taguan nun." Pakiusap pa ng kaibigan niyang si Frey.
"Ano bang meron sa lalaking yan at sobrang patay na patay ka samantalang isang beses mo ngalang nakilala yan syaka sino ba yan?" Kunot noong tanong ko dito.
"Please friend hindi ka ba naniniwala sa love at first sight syaka sa destiny look destiny talaga kami kasi kahit anong pag tatago niya nag kikita at nag kikita pa din kami." Sagot pa nito sa kanya.
"Correction, pinapahanap mo kaya nag kikita kayo syaka hindi yun destiny sinasadya mo kaya palaging mag kita kayo." Nakairap na sagot ko dito.
"Masama ba na makita at makasama ko sya syaka natatakot din kasi ako na baka makahanap sya ng iba alam mo yun palibhasa hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko kasi-." Pag dadarama pa nito.
Bumungtong hininga muna ako bago sumagot dito. " sige na pero saglit lang tayo walang kasama mga bata dito kundi sila manang lang alam mo naman ang mga yun Ilan taon lang ang edad pero napaka sutil na." Sumusukong sagot ko dito.
"Mommmmyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!" Agad akong napatayo ng makarinig ako ng sigaw mula sa taas ganun din si Frey nag mamadaling umakyat ako para makita kung anong nangyari.
Mabilis na nag pabuhat saakin si trixy nang makita nito ako sa pintuan ng kwarto nilang mag kapatid " mommy huhuhu." Umiiyak na saad nito sa balikat ko habang naka subsob ang mukha sa leeg ko.
"Kuya tantan?" Saad ko nang balingan ko ng tingin si tristian na tila matandang naka upong nakasandig sa headboard ng kama nito.
"What? Wala akong ginagawa. Ok fine mom, pinakielaman niya kasi ang mga books ko look nag kalat na at ang ilan ay sira na." Sumusukong sagot nito saakin at nag yuko ng ulo.
"Is that true baby?" Mahinahong tanong ko kay xyxy narinig ko pa itong suminghot singhot bago ako sumagot.
"It's true po mommy, pero gusto ko lang naman po hiramin hindi ko naman po mommy sinasadyang masira mga books ni kuya po e." Nakangusong saad nito habang nakatitig ng diretsyo sa mga mata ko.
"Ayun naman pala-."
"Pero Mom di naman sya marunong mag paalam e." Reklamo pa ni tristan saakin.
"Baby xyxy?"
"Baka po kasi magalit si kuya kaya hindi na po ako nag papaalam mommy."
"Papahiramin ka naman ni kuya kung mag papaalam ka. Bad yun ginagawa mo, kinuha mo yung gamit ni kuya ng walang paalam tapos sinira mo pa. Sa susunod mag papaalam ka na baby ahh papahiramin ka naman ni kuya e. diba kuya tantan?" Mahinahong saad ko sa dalawang bata. Nakita ko ang pag tango ng marahan ni tristian sa sinabi ko.
"Sorry kuya." Saad nito bago nag pumilit na bumaba mula sa pag kakabuhat ko.
"Sorry din baby pinaiyak ka ni kuya." Ewan ko pero sa tuwing nakikita ko ang mga anak ko nang ganito mag yakapan naiiyak ako. Hindi ko akalain lalaki pa sila at makakasama ko pa sila ngayon matapos manganip ang buhay namin ng manganak ako sa kanila.
"Hindi na po mauulit kuya promise. I love you kuya." Saad nito na may pagtaas pa ng kanang kamay na tila nanunumpa.
"I love you too bunso."
"Friend naisip ko lang, wala ka bang balak mag pakita sa asawa mo?" Tanong ni Frey habang inaayusan ako nito. Ewan ko ba dito kung bakit kailangan namin mag ayos gayon sasamahan ko lang naman sya.
"Pwede ba hinaan mo boses mo mamaya marinig ka ng mga anak ko." Kunot noong saad ko dito.
"Sorry hehehe pero ano nga?"
"I don't know hindi pa ako handa na makita sya. Syaka naka masaya na yun-." Wala sa sariling saad ko.
"Gaga di magiging masaya yun remember legal syang kasal sayo. Yun nakita mo sa diyarno na mag papakasal kuno yang hubby mo sa iba e hindi naman matutuloy yun again kasal kayo. Hanggat hindi kayo ba di-divorce hindi siya pwede mag pakasal sa iba at may mga anak pa nga kayo remember?" Nakairap na saad nito.
"Malay ko ba, baka habang wala ako ginawan niya na ng paraan na mawalang bisa kasal namin kahit walang pirma ko." Balik sagot ko dito.
"Sabagay mayamang tao yang pinakasalan mo." Bulong nito pero tama lamang para marinig ko.
"E paano ang mga bata? Hindi man nila sinasabi sayo pero nararamdaman ko na nag hahanap na sila ng tatay." Bulong nito saakin. Alam ko ramdam ko na nangungulila na sa ama ang mga anak ko.
At hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para mapunan ang pangungulila at lungkot na nararamdaman nila sa tuwing nakakakita sila ng masaya at kumpletong pamilya sa tuwing ipapasyal ko sila sa labas. Nadudurog yung puso ko sa tuwing nasasaksihan ko yun, naiisip ko sa mga sandaling yun kung sakali bang tinanggap ni kevin ang mga anak namin, magiging masaya ba ang mga anak ko? buo kaya ang pamilya ko? o buo pero nakikihati lang ang mga anak ko sa attention ni kevin? Naiisip ko rin kung sakali man hindi nangyari ang mga iyun? Kasal pa rin ba ako kay kevin? Malamang ang sagot doon ay oo.
Ano bang aasahan ko? kay kevin na din nang galing hindi ako ang babaeng gusto nitong makatuluyan hanggang sa pag tanda.
Tagos hanggang bunto ang pag kamuhi ni kevin saakin ang tanggapin pa kaya ang mga anak ko? Suntok sa buwan yun. Dibali nang kami kami nalang wag lang mapahamak ang mga anak ko sa kamay ng ama ng mga ito.
"Natatakot ako Frey na baka kapag nag kakilala sila ipagtabuyan o kung anong gawin ni... k-kevin sa mga anak ko."
Naiisip ko palang ang mga maaaring gawin ni kevin sa mga anak ko. Parang pinipiraso piraso na ang puso ko. Mahal ko si kevin, inaamin ko mahal ko pa rin si kevin sa kabila ng lahat ng ginawa niya saakin, pero mas mahal ko ang mga anak ko kesa kay kevin.
Hindi ako papayag na may gawin masama si kevin sa mga anak ko.
"At ayokong mangyari yun. Hanggat maaari gagawin ko ang lahat para lang mapunan ko yung pag kukulang na yun kahit kami kami nalang. Masaya naman kami ng mga bata kahit wala si kevin." Dagdag bulong na sagot ko dito.
"Masaya nga pero may kulang pa din." Hindi ako nakasagot sa binitiwang salita ni Frey. Hinayaan ko nalang ito na tapusin ang pag aayos saakin.
"Frey kanina pa tayo dito ano nakita mo na ba yang hinahanap mo?" Pag re-reklamo ko dito.
" saglit nalang talaga ito friend makikita ko din yun ako pa ba?" Iiling iling na inirapan ko nalang ito syaka ako tumutok sa iniinom ko.
Actually ayoko na sana tumuloy nang makita ko ang pinuntahan namin. Hellow nasa matinong pag iisip pa ba itong kaibigan ko para sundan yun lalaking pantasya nito dito sa bar. Kung hindi ko lang kaibigan ito kanina ko pa ito iniwanan.
"Ayun! Huli ka balbon kala mo makakapag tago ka saakin?" Bubulong bulong na saad nito matapos sumigaw. Akmang aalis ito nang pigilan ko ito.
"Wait, saan ka pupunta? Ano iiwan mo ako dito? Matapos mo akong isama?" Kunot noong tanong ko sa magaling kong kaibigan na hindi manlang natinag at hindi man lang ako tinititigan tila ayaw tanggalan ng titig ang lalaking nakikita takot na baka mawala pa ito.
"Hindi kita iiwanan babalik din ako may kailangan lang akong kastiguhin." Balik sagot nito.
"So, iiwanan mo nga ako dito?" Sigaw ko nang lumakas ang musika. Para itong binge na nag patuloy sa pag lalakad papunta sa kung sino man na tila hindi ako narinig. Napairap nalang ako sa kawalan.
"Hi, alone?" Bulong nang kung sino sa likod ko agad akong humiwalay dito nang maramdaman ko ang kakaibang pag hawak nito sa bewang ko.
"No, I'm with my friend." Maikling sagot ko dito syaka umiwas ako dito.
"Mukhang iniwan ka na ng kaibigan mo. Gusto mo sumama saakin?" Saad nito nang muli itong lumapit saakin at hapitin ako.
"Sorry no thanks pabalik na din yung kaibigan ko." Nakangiwing saad ko dito syaka sapilitan na lumayo ako dito. Humanda talaga yang si Frey saakin pag may nangyaring di maganda saakin dito.
"Edi habang wala pa. Sasamahan muna kita-." Pamimilit pa nito.
"No thanks."mabilis na sagot ko dito syaka ako nag lakad palayo dito delikado baka kung ano gawin nun saakin. Hahanapin ko nalang ang bruha kong kaibigan para makauwe na ako pero bago yun mag c-cr muna ako.
Pakapa kapa lang ako nag lalakad papunta sa comfort room na mga babae dahil sa nakakahilong malikot na ilaw na patuloy na umiikot sa paligid habang lumalalim ang gabi.
"Sasakalin kita Frey pag uwe sa bahay."naiinis na bulong ko habang nag lalakad akong pakapa papuntang comfort room.
Thankful naman ako dahil sa wakas nakita ko naman nang maayos ang comfort room ng mga babae, nag mamadaling pumasok ako dito nang maramdaman kong puputok na ang pantog ko ni hindi ko na pinansin ang pag tunog ng pintuan hudyat na may pumasok pa bukod saakin sa loob ng cr, sobrang ihing ihi na talaga ako e. Iniisip ko nalang na may babae rin pumasok para mag cr katulad ko.
Baliwalang lumabas ako at nag hugas ng kamay, matapos mag hugas ay balak ko na sanang lumabas ng biglang may matigad ang kamay ang tumakip ng bibig ko at may pag iingat na sinandal ako nito sa pader malapit sa pinto.
"Welcome back Mrs. Riego." Nanlalaki ang mga mata ko sa pag kagulat ng makilala ko kung sino ang taong nasa harapan ko.
Paano? Bakit?
"Miss me?" Nakangising dagdag tanong nito saakin. Ewan ko pero biglang pumasok sa isip ko ang mga anak ko. Walang ano ano ay nag pumiglas ako dito.
"Let me go!" Sigaw ko. nang mag tagumpay itong hawakan ang dalawang kamay ko papunta sa ibabaw ng ulo ko habang ang mga tuhod nito ay pinipigilan ang mga tuhod kong namumumiglas din. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang labi nito sa labi ko at ang bukol na tumutusok sa puson ko.
"Hmmm." Ungol pumiglas ko dito. Pinipilit na makakawala mula sa matitigas na pag kakahawak ng dalawang malalaking kamay nito saakin. Mas lalo akong nag pumiglas ng maramdaman ko ang isang palad nito sa gilid ng bewang ko humahaplos mula balakang paakyat sa gilid ng dibdib ko.
Malapit na akong madarang sa masarap at nakakahalinang halik at haplos nito ng makarinig ako ng mga babae mula sa labas na tila papasok dito sa loob ng cr. Dinilat ko ang mga mata ko nakita kong nakapikit si kevin at ninanamnam nito ang labi ko habang humahaplos ang kamay nito sa katawan ko, lumuwag rin ang pag kakahawak at pag ipit nito saakin sa pader.
Nang mag karoon nang pag kakataon ang mga tuhod ko ay agad ko itong tinuhod syaka nito pinakawalan ang mga kamay ko at ang labi ko.
"F*ck!" Sigaw nito habang hawak hawak sa gitnang babagi nang katawan nito. Walang salitang umalis ako mula sa harap nito at lumabas nakita ko pa ang kakaibang tingin ng mga babae saakin nakayukong nag patuloy ako sa pag lalakad ng may pag mamadali at mabilis na hinanap si Frey pero hindi ko na ito makita pa sa kahit saan sulok ng bar kaya na pag pasya ko nalang na umuwe at umalis mag isa mabilis na nag hanap ako ng taxi at sumakay ng makapara ako takot na baka kapag pinag patuloy ko ang pag hahanap kay Frey at ang pananatili ko sa bar na itong ay maabutan pa ako ni kevin at baka kung ano pang gawin ng lalaking yun saakin.
Ikakasal na ito hindi ba? Bakit hinalikan ako nun kanina? Bakit sinasabi ng halik niya na matagal na panahon nangulila siya saakin?
Heto na ba ang simula ng pang gugulo ni kevin sa buhay namin ng mga anak ko? Isa lang ang hiling ko. Sana hindi na muling mag tagpo ang landas namin ni kevin. Ayoko na siyang makita muli.