HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 19

Kevin POV

FLASH BACK

“ Ano ito ahh? Kevin? Anong katarantaduhan ang ginawa mo kung bakit iniwan ka ng asawa mo!” Galit na galit na saad ng ama niya matapos bigyan siya ng mag asawang suntok sa mukha at sikmura.

“Nawala lang kami saglit para mag bakasyon pag balik namin wala na ang asawa mo? Anong ginawa mo para umalis siya sa poder mo? Sagot!” Sigaw pa nito at mabilis na kinuwelyuhan siya.

“Dad bakit ba napaka laking big deal ng biglang pag alis ng malanding babae na yun-.” Hindi pa siya natatapos sa pananalita ng bigyan nanaman siya nito ng malakas na suntok sa sikmuta at mula.

“Hon, stop baka mapatay mo ang anak mo.” Tili ng ina niya matapos mapigilan ang ama niya sa muling pansuntok sana nito sa kanya.

Puno na ng dugo ang mukha At damit niya dahil sa sunod sunod na pag suntok ng ama niya sa kanya tila gigil na gigil itong basagin ang mukha niya.”

“Talagang papatayin ko ang batang yan! Kahit kailan hindi na natuto.” Baling nito sa ina niya habang dinuduro siya ng nanginginig nitong kamay.

“G*g* ka talaga kahit kailan, paano mo nasasabi ang mga yan sa sarili mong asawa ahh? .” Akmang susuntukin sana muli siya nito ng pigilan ito ng ina niya pamagitna ang ginang sa kanilang mag ama.

“Tama hon, ako ang kakausap sa anak natin. Please ang puso mo, baka atakihin ka nanaman.” Pag mamakaawa ng ina niya sa ama. Iiling iling itong pumewang at tinalikuran sila pero hindi lumayo.

“Anak ano ba talaga ang nangyari? Bakit umalis si Rachell? Asan siya? Asan ang asawa mo anak? ” Nag aalalang saad ng ina niya habang inaalalayan siya nitong makaupo sa sofa.

nanatiling tahimik lamang siya blangko ang mukha at hindi iniinda ang mga napuruhan ng ama niya. “Ang akala pa naman namin e ayos kayo. Saan ang asawa mo anak? Baka napaano na iyun, masama para sa isang babaeng nag dadalang tao ang pagala-gala sa kalye.” Halata sa mukha ng ginang ang pag aalala. Natigilan lang siya ng may marinig mula sa ina niya.

“Alam nyong buntis si Rachell ma?” Takang tanong niya sa ina.

“Oo, remember yung araw na last na dumalaw kami sa inyo bago kami mag bakasyon ng ama mo? Naramdaman ko sa pulso niya na buntis siya. Ang akala ko nga e alam nyong dalawa at gusto nyo muna na kayo na muna ang makaalam, inakala rin namin na maayos na ang pag sasama nyo.” Saad nito.

“buntis si Rachell ng umalis? At hinayaan mo lang?” Sigaw muli ng ama niya ng marinig ang sinabi ng ina niya.

“Hon.” saway ng ina niya na di pinansin ng ama niya at masama lamang siyang tinignan nito.

“Hindi akin ang batang yun.” Blanko ang mukhang saad niya “ how can you be so sure? At sino nag sabi sayo na di sayo ang batang yun?” Matigas ang boses na tanong ng ama niya.

Hindi siya nakasagot rito “g*g* ka na t**ga ka pa iyo ang batang iyun, apo ko yun. Tanungin mo si manang kung talaga bang lumalabas ang asawa mo at don mo sabihin na hindi sayo ang dinadala ni rachell.” pigil galit na saad nito.

“Matapos mo makausap si manang, huwag na huwag kang mag papakita dito ng hindi mo kasama ang asawa mo at apo ko!”

END OF FLASHBACK

“wag na wag mong aalisan ng tingin ang bahay na tinutuluyan ng asawa ko.” Saad ko sa kausap ko sa telepono.

“Yes, boss.” Sagot nito

“Good.” matapos ay binaba na niya ang tawag.

" bitiwan nyo ako! Let me go! Ano ba? Ano bang kailangan nyo saakin?!" Nasa malayo palang ako ay dinig na dinig ko na ang sigaw at tila galit na boses ng babae.

"Sorry po mrs. riego-." Rinig ko pang saad ng isang lalaki bago ito sumigaw na tila nasasaktan.

"Santos! Santos ang apilyedo ko hindi Riego!" Rinig ko pang sigaw ng babae mula sa loob ng isang kwarto.

"we met again Mrs. Riego." Nakangising saad ko matapos makapasok sa loob ng kwartong pinaglalagyan ng asawa ko.

"Ikaw?" Bulong tanong nito na sapat lamang upang marinig ko halata sa mukha nito ang gulat.

"Ako nga asawa ko." Balik sagot ko dito.

"Asawa mo mukha mo! Wala akong asawa na demonyo!" Sa isang iglap lang ang gulat na nakabalatay sa mukha nito ay napalitan ng galit at pagkasuklam habang nakatitig ng madiin saakin.

Tila nadurog ako ng marinig ko mula sa boses ng bababeng mahal ko ang mga salita na may tunog na pagkamuhi at galit habang nakatitig ng matiin saaking mga mata habang pilit kumakalas mula sa pag kakatali sa ang mga kamay habang nakaupo ito.

"Anong kailangan mo saakin? Bakit ako andito? Bakit ba pinapahanap mo pa din ako? Hindi pa ba sapat lahat ng pinag daanan ko noon para ipahanap mo ako ngayon? Ahh Ano pang kahayupan ang gagawin mo ulit saakin ngayon ahhh?! Ano?" Sigaw nito habang pinipigilan ang luhang nais tumulo mula sa mga mata nito.

"No, asawa kita kaya-."

"Tsk! Asawa mo mukha mo! ni minsan nga di ka naging asawa saakin noon e para nga akong ibang tao sayo na gagalawin mo kung kailan mo gusto! gag* ka alam mo ba yun? Hindi ko nga alam kung bakit nag pakatanga at pumayag akong mag pakasal sayo e. to be honest pinagsisisihan ko na nag pakasal ako sa gag* ng tulad mo!" Sigaw pa dito na tila nang gigigil sa sobrang galit na nararamdaman nito.

Sa halip na pansinin ko ang lahat ng sinasabi nito ay marahan kong hinaplos ang pisnge nitong puno na ng luha ngunit tinatabig niya lamang ito sabay titingin ng masama saakin.

"Ang anak natin? Asan?" Maya maya'y tanong ko nang dumapo ang mga tingin ko sa impis nitong tyan na tila di nagkaroon ng laman dahil sa napaganda ng hulma ng tyan, puson at bewang nito.

"Wala na! Matagal nang patay!” sigaw nito na kinatigil ko.

“Oh? Bakit? Nasasaktan ka sa narinig mo? Di ba gusto mo naman siyang mawala? Yun ang gusto mo diba? Ang ma-mawala ang sanggol na pinagbubuntis ko! Diba?" Humagulgol na saad nito habang nakatingin pa din saakin ng masama.

“Kaya bakit ka umiiyak ah? tahimik na ang buhay ko bakit ba ginugulo mo nanaman?” Tila nang hihinang saad nito.

Walang tigil sa pagtulo ang luha ko mula sa nalaman ko " sorry, sorry." Bulong ko sapat lamang upang marinig nito.

"Sorry? Ano pang magagawa ng sorry mo? Nasira na ang buhay ko ng dahil sayo! Namatay ang papa ko ng dahil sayo! Ang daming nawala saakin ng dahil sayo. kung hindi kita nakilala sana maayos ang buhay ko hindi sana naging ganito! Bitiwan mo ako! Nandidiri ako sa yakap ng isang demonyong tulad mo!" Sigaw nito nang pilitin ko itong yakapin ngunit bandang huli ay hindi na ito muli pang nagpumiglas tila napagod na ito.

"Pangako babawi ako just give me a chance, a second chance please-." Bulong ko dito.

"Huling huli ka na kevin punong puno ng galit yun puso para sayo. Hindi na ako naniniwala sa mga pangako mo kevin simula ng piliin mo ang babaeng mahal mo kesa saakin... kesa saaamin. Naputol na rin ang pag titiwala ko para sayo.” Saad nito habang humahagulgol ito ng mahina.

"No, nagkakamali ka-" di ko na natuloy ang nais kong sabihin ng makita ko itong nakatulog na mula sa bisig ko bakas sa mukha nito ang sakit at pagod na nararamdaman nito.

Ngunit bago ito makatulog ay May huling salita itong ikinatigil ko at sobrang kinasakit ng puso ko.

“Sana hindi nalang kita nakilala.”

Rachell POV

"Good morning sir." magalang at may ngiti sa labing bati ni Rachell sa kanyang boss. Mahigit isang buwan na din ng maging secretary siya ni mr. bengamin tolintino utos ito ng kanilang pinuno na si lizaira.

FLASHBACK

" pinatawag kita dahil Gusto ko na ikaw ang magpapanggap na secretary ni mr. bengamin tolintino gusto ko na manmanan mo siya alamin mo ang bawat galaw niya ang mga nakakasama niya sa lahat ng lakad niya. May pakiramdam ako na isa siya sa nagtatridor sa groupo natin." Saad ni lizaira ang kanilang pinuno sa kanilang groupo.

END OF FLASHBACK

Naguguluhan man dahil alam niyang tapat at totoo ang amo sa kanilang groupo ay sinunod na lamang niya ang utos ng kanilang pinunong babae upang makaiwas sa mala pirana nitong masasakit na salita.

Mahigit isang buwan na din simula ng makatakas siya sa kamay ng asawa at nasisigurado niyang hinahanap nanaman siya dito. Matapos kasi ng nangyari ay lumipat kaagad sila ni Frey ng matutuluyan takang taka pa nga ang kaibigan niya dahil sa itsura niya.

May isa pang bumabagabag sa consensya niya ang pagsabi niya kay kevin na patay na ang anak nila which is half true dahil kamuntik naman kasi talaga siyang makunan noon nang mamatay ang kanyang ama mula sa sakit sa puso dahil sa nalaman nito sa kung anong meron sila ni kevin plus nahirapan pa siyang manganak noon. Buti nalang talaga mabait ang dyos sa kanila ng mga anak niya at hindi sila pinabayaan magiina.

"Goodmorning too Ms. santos." Balik bati ng kangyang amo. isa pang dahilan ito. Ang pag gamit niya sa dating apilyedo naiirita at naiinis lamang siya kapag naririnig niyang tinatawag siya gamit ang apilyedo ng asawa kaya pinili niyang santos ang ilagay sa lahat ng pagkakakilanan niya malaki din ang naging advantage ng pag gamit niya sa dating apilyedo ng dalaga pa siya dahil ilang taon din siyang di agad nahanap ng kanyang asawa at sobrang kinatuwa niya ito dahil nairaos niya ng maayos ang kanyang pagbubuntis hanggang sa mag sipaglakihan na ang kangyang kambal na ngayon ay maga apat na taong gulang na.

"Ahm I forgot to tell you ms. santos na mag ready dahil may party tayong pupunta-." Saad ng kanyang boses bago ito akmang papasok na sa loob ng opisina nito.

"Po?" Gulat at nagtatakang saad niya. Bakit kasama ako? Hindi ako pwedeng umalis paano mga anak ko? Paano kung habang wala ako mahanap sila ni kevin? Anong gagawin ko?

"Yeah I have to attend to that event. Paniguradong tadtad nanaman ako sa sermon kapag di ako umattend sa party na yan-." Saad nito na tila naiirita

"Sir diba party naman yun at ikaw lang ang kailangan pwede bang ikaw nalang ang umattend?" Saad niya habang nag papaawa effect di niya pwedeng iwan mga anak niya. Saad ng isip niya.

"Hindi yun basta party lang it's may engagement party, i can believe na ikakasal na ako sa babaeng ni anino di ko manlang nakita at no, sasama ka saakin sa ayaw at gusto mo pag kakataon na din natin ito para makahanap tayo ng bagong papalit kay mr. degaldo." Tinutukoy nito ay ang business partner nito na walang pagdadalawang isip ng kanyang boss na tinanggal sa kumpanya nito walang pake sa malaking pera na mawawala dito kapag tinanggal nito ang kasosong lalaki.

Napipilitang tumango nalang siya naalala niya din kasi na kailangan niya nga palang manmanan din ang amo no choice siya kundi ibigay ang kanyang buong tiwala kanila black at frey para alagaan at itago ang mga anak niya mula sa ama ng mga ito habang wala siya kahit alam naman niyang di ito hahanapin ng ama ng mga ito dahil ang alam ng ama ng mga ito ay wala na sila ngunit ayaw niya pa din magpakampanti mahirap na.

"Good mga 3 umuwe ka na para makapag handa ka dito nalang tayo sa opisina mag kita mamaya." Saad nito siyaka pumasok na sa loob ng opisina nito upang mag trabaho.

"black kayo na bahala sa mga anak ko ingatan at wag na wag nyong hahayaan makita sila ng ama nila ahh hindi na ako mag papaalam sa mga bata alam nyo naman ang mga yun super over protective din. hindi ako makakaalis kung mag papaalam pa ako 4:30 na Kailangan ko nang umalis baka nag hihintay na si mr. tolintino saakin. Mauna na ako yung bilin ko ahhh." Saad niya habang naglalakad palabas ng gate ng bahay na tinutuluyan.

"Oo naman kami na ang bahala sa mga anak mo at ikaw ang mag ingat dun magisa ka lang dun wala kang back up baka mahuli ka ni mr. tolinto na isa kang spiya sa groupo natin naku lagot ka kung mag kataon kaya mag iingat ka dun." Saad ni black sa kanya matapos makapag para ng taxi.

"Oo naman no ako pa ba? mag iingat ako pangako para sa mga anak ko." Saad niya.

"Pero wait si Frey nga pala nasaan? Bat parang di ko siya nakita dito sa bahay?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Don't know diba tinawagan mo lang naman ako kaya ako pumunta dito kayo itong mag kasama sa iisang bahay di mo alam ginagawa ng kaibigan natin." Saad ni black.

"Sobrang naging busy kasi ako sa trabaho kaya di ko na napansin hayaan mo na kakausapin ko nalang pagbalik ko." Saad niya.

"Oh siya sige na baka sobrang nag hihintay na yang boss mo." Saad ni black.

Sumakay na siya matapos mayakap ng mahigpit ang kaibigan at muling nag bilin dito.

Sana lang talaga walang masamang mangyari sa pupuntahan niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.