HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 20

Rachell POV

"Boss?! saan ka pupunta? ano sinama sama mo ko dito tapos iiwan mo lang ako dito sa isang tabi?" Pag rereklamo ko nang akmang aalis ang boss ko may tatawagan daw kasi ito.

"Saglit lang ako mag liwaliw ka muna dito at pwede ba ms. santos engagement party ko ito hindi pwede na palagi akong naka dikit sayo baka kung ano pang isipin ng ama ko." Saad nito.

"Pero boss wala akong kakilala dito." Maktol ko pa dito.

"Makipag kilala ka or mag liwaliw ka mag isa Kung gusto mo. sige na maiiwan na kita." Saad nito siyaka nag mamadali na umalis sa tabi ko.

"Tsk bakit kasi sumama sama pa ako dito sana pala nag paiwan nalang ako edi sana kasama ko mga anak ko ngayon." Bulong maktol ko syaka ko tinungga ang isang bago ng alak na kinuha ko mula sa waiter na napadaan sa gawi ko.

"Pero teka, kailangan ko din pala sundin yun lalaking yun pinapamanman nga pala yun saakin ni lizaira." Bulong ko pa ng maalala ko ang misyon ko.

Aalis na sana ako ng may humarang sa harapan ko " hi I'm jonathan and you are?" Saad ng magandang nilalalang sa harapan ko ay hindi masamang hangin pala sa tono ng boses nito tila mayabang at babaero ito kaya exis.

Okay judgmental na kung judgmental pero hellow naka experience na kaya ako ng mga lalaking ganito kaya aware na ako. Nag iingat lang ako.

"Sorry may kailangan akong puntahan." Pag babaliwala ko sa pag papakilala nito siyaka ako umakmang tatayo mula sa pag kakaupo ko pero pinigilan ako nito gamit ang bahagyang pagkapit sa braso ko.

"Wait, gusto lang naman kitang makilala. Ang ganda mo kasi." Saad nito habang may kakaibang ngiti sa labi.

"Ahmm... okay Rachell, Rachell ang pangalan ko. okay na nakilala mo na ako? Pwede na ba ang akong umalis? Kasi may hinahabol ako." Taas kilay na saad ko dito syaka ko piniksi ang kapit nito saakin.

"Sungit mo naman pero kahit nag susungit ka ang ganda mo pa din." Banat pa nito hindi ko ito pinansin at umakma ulit akong aalis ng pigilan ako nitong muli sa braso.

"Wait, huindi pa nga kita matagal na nakakausap gusto mo na agad umalis-." Saad nito na tila nag papaawa ang itsura ng mukha nito.

Feeling close! Nakakainis!

"May kailangan nga kasi akong habulin kaya pwede ba bitiwan mo na ako." Saad ko pa dito siyaka ako umirap ng patago sa hangin.

"Okay, okay ganito nalang make a deal.” May kakaibang ngusi ang nakapaskil sa labi nitong Saad.

“Anong deal?” Kunot noong tanong ko dito.

“Iinumin mo ito.” Saad nito habang nakalahad saakin ang kupita ng alak na punong puno.

“siyaka ako papayag na umalis ka." Saad nito na May ngisi sa labi napatingin naman ako sa kupita na puno ng alak na katulad ng tinungga ko kanina.

“Paano kung ayokong inumin yan?” Mataray pa na saad ko dito.

“Edi hindi kita titigilan.” sagot nito na sobrang kinainis ko. Walang ano ano ay hinablot ko ang kupitang puno ng alak sa kamay nito at tinungga.

“ngayon nainom ko na tigilan mo na ako.” matapang na saad ko dito. aalis na sana ako ng makaramdam ako ng hilo at pang hihina “ are you okay?” May ngisi sa labing tanong nito ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay at bumagsak sa bisig nito.

Kevin POV

"Let's go? Papakilala ko sayo ang bago kong secretarya para naman sa kanya mo na dinederetsyo ang kailangan mo saakin naiistorbo mo ako palagi e." Saad ng kaibigan niyang si bengamin habang naglalakad sila papasok sa loob kung saan gaganapin ang engagement party ng kaibigan at kasosyo sa negosyo.

"Mas may tiwala ako sayo kesa sa kung sino man and bro pwede ba ikakasal ka na lahat lahat nang babae ka pa din-." Balik sagot niya sa kaibigan.

"Para naman di ka naging babaero dati remember mas madami kang naging babae kesa saakin." Saad pa ng kaibigan niya sabay suntok sa balikat niya habang May ngiti sa labi.

"Noon yun nung binata pa ako tinigil ko na yun mula ng maikasal ako sa asawa ko." Balik sagot niya dito.

“Kaya I advice to you may friend na tigilan mo na ang pambabae kung ayaw mong bigla nalang rin mawala ang magiging asawa mo na parang bula.” Saad niya sabay suntok din sa balikat nito na kinatawa ng kaibigan nito.

"E kung hindi ka na nang bababae bakit ka iniwan ng asawa mo, aber?" Balik asar nito sa kanya.

"Tigil tigilan mo ako tolintino baka makalimutan kong engagement party mo pala ngayon at madiretsyo ka agad sa hospital." Pagbabanta niya dito.

"To naman di mabiro, napaka pikunin mo talaga." Saad pa nito. Kailan niya lang ito muling nakatagpo at nakausap kaya wala itong kaalam alam sa kung ano ba ang totoong nangyari sa kanila ng asawa niya ni ang itsura ng asawa niya ay di nito alam. Hinayaan nalang niya dahil alam niyang babaero ito ang babaeng mahal niya ay para lamang sa kanya.

"Wait si ms. santos iyon ahh." Saad ng kaibigan habang nakatitig sa isang lalaki na umaalalay sa tila wala sa sariling babae hindi niya makita ang mga mukha ng mga ito dahil nakatalid pareho ito.

"What?" Tanong niya sa kaibigan santos din kasi ang apilyedo ng asawa niya ng dalaga pa ito syaka muling tumitig sa dalawang tao na nasa harapan nila tila nais itong buhatin ng lalaking umaalalay sa babae at dalhin sa kung saan.

Sa nakikita niya ay wala nang malay ang babae at tinetake advantage ito ng lalaking nakayakap sa bewang nito.

"My secretary, sh*t dapat pala di ko siya iniwan mag isa." Bulong saad ng kaibigan niya ngunit tama lamang upang marinig niya ito siyaka ito nag tungo sa dalawa, sinundan niya lamang ang kaibigan.

"Bro anong ginagawa mo sa secretarya ko?" Maangas na saad ng kaibigan niya ng makalapit na sila sa mga ito. "Nag papasama kasi siya saakin sa cr bro sasamahan ko sana lasing na e." Katwiran ng lalaki.

"Lasing? Paano malalasing yan e kararating lang namin at iniwan ko lang siya ng saglit lasing na kaagad?" Takang tanong ng kaibigan niya. Kunot na kunot ang noo ng kabigan niya at tila parehas sila ng iniisip sa balak ng lalaking ito sa secretarya ng kaibigan niya.

Gulat at kunot noong tinitigan niya ang babaeng tila wala sa sarili. Nakapikit ang mga mata nito at tila tulog na walang malay sa maaaring mangyari sa kamay ng lalaking hawak hawak ito.

Walang pag dadalawang isip na hinila niya ng marahan ang asawa mula sa bisig ng lalaking tila may masamang gagawin sa asawa niya. Kita ang gulat sa mukha ng kaibigan niyang si bengamin ng gawin niya ito.

"Don't touch my wife, malakas ang alcohol tolerance ng asawa ko sa alak kaya malabo na ma lasing kaagad siya at lalong di ugali ng asawa ko ang mag pasama o ang sumama sa mga lalaking di niya kilala ng lubusan." Matapang at walang emosyong saad niya sa lalaki na nagulat dahil sa biglang hablot niya kay Rachell mula sa lalaki.

“Wala akong pake kung asawa mo pa yang babae na yan, ako unang nakakita dyan sa babae na yan kaya ibigay mo siya saakin.” Matapang rin saad ng lalaki na mas lalong kinagalit niya. Maingat na niyakap niya ng maayos ang asawa at walang hirap na sinuntok ng malakas ang mukha ng lalaking nambabastos sa asawa niya na naging dahilan ng pag tumba nito.

"The f*ck! Asawa mo si Rachell?" Gulat na saad ng kaibigan niya na di niya pinansin at hinarap ang lalaking duguan ang labi at tila may pag nanasa sa asawa niya.

"Isa pang beses na lumapit ka sa asawa ko at gawin yang masamang gusto mong gawin sa asawa ko sa empiyerno ka pupulutin." Saad niya dito tila natakot ang lalaki ng makilala siya nito. Mabilis itong umalis sa harap nila.

Mabilis pero may pagiingat niyang hinila si Rachell palabas ng venue habang yakap yakap niya ito sa bewang.

"Ang init." Rinig niyang Bulong ni Rachell at akma itong mag huhubad ng suot nito habang naglalakad sila papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya ng pigilan niya ito.

"Stop, nasa labas tayo hindi ka pwedeng mag hubad dito Baka makapatay ako." Saad niya dito kahit na tila di naman nito naririnig ang mga sinasabi niya. Pilit pa rin ng asawa niya na hubarin ang suot nito at bilang mag lalambitin sa kanya At idadarang ang mukha nito sa leeg niya.

Hindi niya mapigilan hindi tablan ng pag nanasa sa asawa dahil sa mga ginagawa nito. Pigilan man niya ito ay patuloy at nag mamatigas pa rin itong humahalik sa leeg niya at tinatanggal ang bawat bitones ng suot niyang polo.

Napipilitang bumalik siya sa loob ng resort at mabilis na kumuha ng kwarto dito nakikita niya kasing ayaw mag papigil ni Rachell sa pag huhubad sa sarili nito at sa kanya dagdag pa ang pag halik nito sa leeg niya. Ngunit ng makasakay sila sa elevator ay nawalan ito ng malay at bumagsak sa bisig niya.

Binuhat niya si Rachell ng maramdaman niyang tila tulog na tulog na ito habang nakasakay sila sa elevator papunta sa floor kung nasaan ang inukupa niyang kwarto.

Nagulat siya ng bigla nalang itong nagsalita at kinawakan ng isa nitong palad ang pisnge niya. Inakala niya kasing tulog na tulog na ito " Kevin, kamukha mo shi kevin yung ashawa ko na gag* pero mahal na mahal ko." Lasing nasaad niya siyaka nguniti.

Hindi niya napigilan hindi ngumiti at masayahan mula sa narinig niya sa asawa niya.

Mahal siya ng asawa niya. “Mahal ako ng asawa ko.” Saad ng isip niya habang nakatitig sa mukha ng asawa niya.

"Kasho ayoko nang makita o makaushap yun kahit na mahal na mahal ko pa yun at miss na Miss ko na din. Ayoko na kasi ulit madurog, nakakabaliw baka kapag nangyari ulit yun di ko na kayanin at yun yung kinakatakot ko ang magmahal nanaman ng isang lalaki na di ako mamahalin ng pabalik at sasaktan lang ako ng paulit ulit.” Ang ngiti nito sa labi ay napalitan ng sakit, at lungkot kasabay ng pagtulo ng luha mula sa mga mata nito.

Nawalang parang bula ang sayang nararamdaman niya para sa walang kamalay malay na asawa niya nang makita niya mula sa mga maya nito ang sakit at pag hihirap na nararamdaman nito para sa kanya.

Nasasaktan tinitigan ko ito sa mga mata nito " mahal din naman kita natakot At nag palamon lamang ako sa galit dahil sa mga maling kwento na natatanggap ko noon na may kinalaman sayo at ang laki ng pag sisisi ko kung bakit mas pinili kong mag tiwala sa ibang tao kesa sa babaeng pinaka mamahal ko. Pero pangako makikinig na ako sayo, ikaw nalang ang papaniwalaan ko mamahalin kita ng higit pa sa pag mamahal na nararamdaman mo para saakin noon.“ Saad niya dito.

“Mag hihintay ako, mag hihintay akong maging handa ulit ang puso mo para saakin. Lahat kaya kong gawin bumalik ka lang saakin..“ pinipigilan luhang Saad niya dito matapos ay hinalikan niya ang noo nito na may pag mamahal at pananabik na makasama ito muli.

“ Patawain mo ko mahal ko pakiusap bumalik kana saakin.” Bulong niya pa dito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.