HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 2

Rachell POV

Di ba dapat lahat ng kinakasal masaya kasi finally ikakasal na sila sa taong gusto nilang makasama habang buhay.

Bakit ganun? Wala akong makapang saya sa sarili ko kahit na kinakasal na ako sa lalaking mahal ko. Siguro kasi Hindi masaya yung groom ko, kasi hindi ako ang babaeng pangarap nyang pakasalan.

Hindi ako ang babaeng pangarap niyang iharap sa altar, hindi ako ang pangarap nyang hintayin sa dulo ng altar.

Kita ko ang pag kainip sa mukha nito habang naghihintay sa dulo ng altar. Gusto kong umiyak, Hindi ito ang pinangarap kong kasal. Mahal ko si kevin kaya ko ito ginagawa. Mahal ko sya kaya ako nag papakasal sa kanya ngunit sasaya ba ako sa piling nya kung itutuloy ko ito?

Tumigil ako mula sa pag lalakad sa gitna nang nilalakaran na sya namang kinatigil ng mga taong nanonood maging ni kevin.

Unti unting tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Pinanatili kong nakatitig ang aking mga mata sa mata ng lalaking pinaka mamahal ko ngunit hindi masuklian kahit katiting na pag mamahal na nararamdaman ko. Sinusukat ko kung tutuloy pa ba ako sa pag lalakad o hindi na, ngunit nakita ko lamang sa mga mata ni Kevin ang pag tutol mula sa iniisip kong pag takas.

Bakit Kevin? Bakit kailangan itali mo ako sayo gayon hindi mo naman ako mahal. Yaman lamang ba talaga ang mahalata para sayo? Maaari bang pakawalan mo nalamang ako kung hindi ako ang iniibig mo.

"Anak! Ano ba yang ginagawa mo pinapahiya mo kami ng daddy mo sa mga mata ng ibang tao! Kung ano man yang iniisip mo wag mo nang ituloy kung ayaw mong madamay pati si kevin dyan sa kalokohan mo!" Ni hindi ko namalayan ang biglang pag sulpot ng aking madrasta, ang pangalawang asawa ng aking ama.

Bumuntong hininga muna ako bago ako nag patuloy Sa pag lalakad papunta Sa lalaking makakasama ko habang buhay, ngunit walang kasiguraduhan na magiging masaya nga ba ako sa piling nito.

"Alagaan mo ang nag iisang princesa ko kevin." Nangiting saad ni daddy tila masaya ito dahil sa wakas ikakasal na ang nag iisang babaeng anak niya sa lalaking habang buhay na mag papasaya sa kanyang anak at mag mamahal habang buhay, ngunit kabaligtaran ang iniisip nito sa mga maaaring mangyari sa hinaharap.

"Makakaasa po kayo papa." Seryosong sagot ni Kevin saakin ama. Dapat ba akong maniwala sa pangako ni kevin saaking ama?

Nanatiling wala ako sa sarili ni hindi ko namalayan tapos na pala ang seremonyas at ako ay ganap nang Mrs. Riego.

"You my now kiss the bride." Nakangiting saad ng pare saaming dalawa. Dahan dahan akong humarap sa harap ni kevin kinakabahan pa ako kasi Kung hahalikan niya ako sa lips heto ang unang lalaking hahalik sa labi ko. Isa pang kinakakaba ko ay ang magiging kinabukasan ko kasama ng lalaking nag pamulat saakin sa katotohanan na kahit kailan hindi ako magagawa nitong mahalin kahit ano pang gawin ko.

"I'll make sure that, i'll make your life miserable." Mahinang bulong nito sa tenga ko sa iba niisip siguro nila na nag lalandian lang kami rinig ko kasi ang ilang mga bisita na tila kinikilig sa ginawa ni kevin. Pag katapos akong pag bantaan nito ay agad na itong tumayo ng diretsyo paharap sa mga bisita at sa mga magulang namin.

Napasinghap ako nang hilahin nito ang bewang ko pahapit dito at paharap sa mga bisita na nakangiti saamin ng maluwag at tila masaya sa buhay na kakaharapin namin matapos ang kasal na ito.

Masaya yan ang mailalarawan ko sa mga mukha ng mga taong narito na naging saksi ng pag iisang dibdib naming dalawa ni kevin.

"Dapat pag katapos ng reception na ito ay mag honeymoon na kayong dalawa agad agad--." Napalingon ako sa boses ng aking ama.

"Pa." Naiilang na awat ko dito.

Honeymoon? Kailangan ba talaga yun? Hindi ba pwedeng pag katapos ng kasal wala nang ganun? Bigla tuloy akong kinabahan kahit na alam kong kahit dulo ng buhok ko hindi kayang galawin ni Kevin ako pa kaya?

"Tama ang papa mo anak dapat ay agad kayong makapag sarilinan nang sa gayon ay mabigyan nyo kami agad ng apo, hindi na kami bumabata para hintayin pang mag ka anak kayo kung kailan kayo handa." Singit ng ama ni Kevin.

"Alam ko naman po yun pero--." Nag aalinlangan na sagot ko sa mga ito. Natigilan ako nang maramdaman ko ang mahigpit na pag kapit ni Kevin sa kaliwang hita ko sa ilalim ng lamesang pinag sasaluhan namin.

"Wag po kayong mag alala mom, dad sisikapin po namin na mag ka anak agad. Pero sa ngayon po kailangan makapag tapos muna ng pag aaral ang maganda kong asawa." Sa tono at itsura nito aakalain mong totoo at may concern talaga ito sa kinabukasan ko kahit ang totoo kahit na katiting wala itong pake saakin.

"Kung sabagay ilang buwan nalang naman ay gagraduate na itong si Rachell sa college." Sangayon na saad ng tito ni kevin.

Napalingon ako kay tito Ronny nang mag salita ito at tila may nginunguso sa kung saan kaya nilingon ko ang nginungusuan nito. Nakita ko mula sa entrance si franz ang number one bestfriend ko na walang ginawa kung hindi ipag tanggol ako kay Kevin sa tuwing pinapahiya ako ni Kevin noon. Actually mag bestfriend din sila pero dahil saakin, naputol ang kung ano mang ugnayan nila sa isa't isa noon.

Biglang gumaan yung pakiramdam ko kasi sa wakas may kakapi na ako sa loob ng napaka laking event na ito.

"Ahmm excuse me po puntahan ko lang po yung bisita ko." Agad na pag eexcuse ko sa mga ito makatakas lang mula sa mga pinag uusapan nila hindi ko na hinintay pa ang mga sagot nila at agad na akong tumayo para mag lakad papunta kay franz, ngunit napatigil ako sa pag lalakad dahil sa kamay na mahigpit na humawak sa pala pulsuhan ko.

"Hindi ka aalis sa tabi ko at pupuntahan ang walang kwenta mong bestfriend." Madiin na saad nito ngunit pabulong kung saan tanging ako lamang ang makakarinig sa salitang binitiwan nito.

"Kevin bitaw! bitawan mo ako! Let me go! Diba wala tayong pakielamanan sa oras na ikasal tayo, ngayon kasal na tayo makukuha mo na din ang mana mo pwede bang wag mo na akong pakielaman sa kung ano man ang gusto kong gawin o lapitan." Nag tatapang tapangan na sagot ko dito syaka piniksi ko ang pag kakahawak nito sa pala pulsuhan ko.

Taas noong iniwanan ko si kevin sa kung saan man kami nakatayo kanina syaka ko nilapitan si franz na tangi kong naging sandigan sa lahat ng bagay.

"Sabihin mo agad saakin kapag sinaktan ka ni Kevin at kukunin kita agad sa kanya wala akong pake kung asawa mo na sya at legal kayong kasal basta mailayo lang kita sa kanya." Agad na saad ni franz nang makapag usap kami nang kami lang dalawa.

"Hindi niya naman siguro ako sasaktan franz." Mahinang saad ko dito habang kinakalikot ko ang kuko ko sa hinlalaki.

"Hindi ako naniniwalang hindi ka niya kayang saktan, yan pag kalikot mo palang sa kuko mo alam ko nang kinakabahan ka para sa pag sasama nyo. sabihin mo saakin pinag binantaan ka ba ng lalaking yun kanina nang nasa simbahan kayo?" Kunot noong tanong nito saakin. Tila sinusuri ang bawat kilos ko.

"W-Wala naman sadyang kinakabahan lang ako kasi heto yung unang beses na titira ako sa bahay na hindi kasama si daddy alam mo naman na daddy's girl ako." Agad na sagot ko dito.

"Oo nga pala, alam ko nawala lang naman yang pag ka daddy's girl mo nang mag asawa ulit ang daddy mo 2 years ago." Sagot pa nito.

Bumuntong hininga muna ako bago ito sinagot " Hayaan mo na, dun kaya masaya ang daddy ko at yun ang gusto ko ang makitang masaya at walang inisip na problema ang mga taong nasa paligid ko." Nakangiting sagot ko dito.

"Kaya ba hinahayaan mong ikaw ang hindi maging masaya." Saad pa nito, kita ko ang pag aaalala sa mata nito habang nakatitig ang kulay brown na mga mata nito saakin.

"Franz diba pinag usapan na natin to? Kaya ako nag pakasal kay Kevin dahil heto ang gusto ko ang makasama at makapiling hanggang sa pag tanda ang lalaking bubuo ng mundo ko." Mahinahong sagot ko dito syaka hinawakan ang kamay nito. Walang malisya ang pag hawak ko sa kamay nito bahala na ang ibang makakita kung iba ang isipin nila sa pag hawak ko nang kamay ni franz.

"At kasama sa pinag usapan natin ang pag babanta sayo ng madrasta mo tungkol sa pag papakasal mo dyan kay Kevin at ang deal na pinag usapan nyo ni Kevin. Rachell madrasta mo lang ang babaeng yun kaya dapat nilalabanan mo ang babaeng yun hindi ka dapat nag papamaliit sa babaeng ang tanging nais lang sa daddy mo ay pera." Kunot noong saad nito saakin.

"Franz ang babaeng sinasabi mo ay asawa na ngayon ng daddy ko kaya mas lalong kailangan ko syang galangin ayokong pag awayan nanaman namin ni daddy ang tungkol sa hindi namin pag kakasundo ng asawa niya ngayon and besides ayokong atakihin nanaman si daddy sa puso dahil dun." Sagot kong muli dito.

"Oo nga naman baka pati si tito mapahamak pag pinatulan mo lang ang bruha mong madrasta."sagot nito natawa nalang ako sa sinabi nito.

Sasagutin ko na sana ito nang bigla ay hilahin ni Kevin ang braso ko patayo Sa kinauupuan ko kanina. "Halika na kailangan na natin umalis." Maotoridad na saad nito kita sa mukha nito ang pag ka seryoso na kinasanayan ko na dahil kahit minsan naman hindi ito ngumiti.

"Sandali Kevin, hindi pa kami tapos mag usap ni Rachell kaya pwede ba wag kang bastos." Matapang na pigil ni franz kay Kevin syaka hinawakan din nito ang isang braso ko. Kita ko ang pag igting ng panga ni Kevin dahil sa ginawa at sinabi ni franz dito. tiimbagang itong nakatingin sa kamay ni franz na nakahawak sa isa ko pang braso.

"Wala akong pake kung hindi pa kayo tapos ng ASAWA Ko mag usap, kaya kung ako sayo bibitawan ko na ang ASAWA ko." Pag pipigil ng galit na saad ni Kevin kita ko ang pag galaw ng panga nito at ramdam ko din ang pag higpit ng pag kapit nito sa braso ko na naging dahilan ng pag ngiwi ko dahil sa masakit na pag kakahawak nito sa braso ko.

"A-ahh... F-franz bitiwan mo na ako." Pilit kong tinatago ang pag kagaralgal ng boses ko ngunit hindi ko pa din ito naitago. Marahan timingin saakin si franz syaka dahan dahan at may pag iingat na binitiwan nito ang braso ko. Pag bitaw na pag bitaw ni franz sa isang braso ko ay agad akong hinila ni Kevin papunta sa sasakyan na mag hahatid saamin sa bahay na niregalo ng daddy niya saamin, hindi ko pinahalata sa ibang tao ang masakit na pag hawak at pag hila nito saakin. Bago ako sumakay sa sasakyan ay nilingon ko muna saglit si franz. Kita ko ang awa, at pag hihinayang sa mukha nito. Binaliwala ko nalamang ito at ngumiti ako dito kahit na pilit bago ako sumakay sa sasakyan at tumabi sa lalaking mahal ko nga ngumit kahit kailan ay hindi ako magagawang mahalin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.