HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 3

Rachell POV

"K-Kevin? Saan ka pupunta?" nag tatakang tanong ko dito. Agad kasi itong sumakay sa kotseng nakaparada sa bahay na niregalo saamin ng papa nya kotse niya siguro ito dahil napagana niya agad ng makasakay na ito.

"Sa lugar kung saan wala ka!" Sigaw nito mula sa loob ng kotse syaka pinaharurot ang kotse palayo saakin, palayo sa kung saan ako nakatayo.

"Ma'am." Nag aalalang boses ni manong noah. Agad akong humarap dito ng nakangiti kahit ang totoo nadurog ako dahil sa iniwan salita ng sarili kong asawa.

"A-ayos lang po ako, wag na po sana makarating ito kanila papa." Pakiusap ko dito. Ayokong makarating ito sa ama ni Kevin baka mapahamak pa sya kapag nalaman ng ama nito ang ginawa nitong pag iwan saakin.

Nakakaawang tango ang isinagot nito saakin bago ako tinulungan pumasok sa loob ng bahay, suot suot ko pa rin kasi ang napaka laking wedding gown na ang mismong mommy ni Kevin ang pumili.

"Salamat po manong noah pwede nyo na po akong iwan." Magalang na saad ko dito agad naman itong tumango at naglakad papunta sa labas siguro ay uuwe na ito sa mansyon nila Kevin. Driver kasi ito ng ama ni Kevin.

Agad akong pumanik paakyat para hanapin ang magiging kwarto ko para makapag palit at makapag pahinga na ako. Mabigat ang pakiramdam na nahiga ako sa kama nang matapos akong makapag bihis, heto dapat ang unang gabi namin bilang mag asawa pero umalis sya para hindi lamang ako makita.

Malalim na ang gabi pero hanggang ngayon hindi pa rin sya umuuwe siguro nga ayaw niya lang talaga akong makita. May luha ang matang nakatulog ako habang nakaharap sa veranda ng kwartong kinalalaglagyan ko.

Agad akong napabangon ng maramdaman ko ang kumot na kagabi lamang ay wala sa pag katalukbong sa buong katawan ko. Naalala ko pang nakita ko ito maayos na nakatupi sa tabi ng kamang aking kinahihigaan.

"Nagising ba ako kagabi at kinumutan ko ang sarili ko?" Wala sa sariling tanong ko. Nag palinga linga ako sa paligid upang tignan kung nakauwe na ba si Kevin ngunit napaka tahimik ng paligid ko, agad akong bumangon upang mag linis ng sarili at para makababa na ako at tignan ko kung nasa baba si Kevin. Baka kasi nasa baba lang sya at nag luluto, naaamoy ko kasi ang kakaibang aroma na tila may nag luluto.

"Kevin!" Sabik na tawag ko sa pangalan nito pero nadisapoint lang ako ng makita ko ang isang matandang babae ang nag luluto at hindi si Kevin.

"Hi ma'am Rachell, ako nga pala si manang pasya yaya ako ni kevin simula pag ka bata niya kaya ako nalang ang pinadala ng mommy at daddy niya para hindi ka mahirapan sa buhay bagong may asawa." Nakangiting saad nito.

"Si kevin po?" Sa halip na sagutin ko ang sinabi nito ay hinanap ko ang lalaking kagabi pa missing in action.

"Di ba dapat kasama mo sya? Bakit wala ba sya dito? Umalis ba sya ng makarating kayo dito?" Nag tatakang tanong nito.

Wala si Kevin...

Siguro nga nagising ako at ako mismo ang nag kumot sa sarili ko." Piping bulong ko sa sarili.

Nag aalinlangan man ay sinagot ko pa din ito " a-ahh may importante daw po kasi syang kailangan gawin kaya sya umalis nag babaka sakali po akong umuwi na sya." Pag sisinungaling ko dito alam ko naman na walang importanteng gagawin si kevin at ang gusto niya lang ay ang hindi ako makita.

"Kahit na dapat hindi ka niya iniwan. kagabi ang unang gabi nyo bilang mag asawa kaya dapat hindi ka niya talaga iniwan. Hayaan mo sasabihin ko sa daddy niya itong ginawa niya para mapag sabihan--." Saad nito. Syaka sinalin sa isang plato ang niluto nitong bacon.

"Naku wag na po ok lang naman po saakin e syaka nag paalam naman po si kevin kaya naiintindihan ko naman po." Agad na sagot ko dito sa magalang na paraan.

"Lord sorry po kung nag sisinungalin po ako." Piping bulong ko

"Oh sya, oh sya kung yan ang gusto mo. Pag pasensyahan mo nalang yang alaga ko dahil talagang mainitin ang ulo nyan pero mabait at maalaga ang batang yun."

Saad nito syaka nilapag ang mga niluto nito sa lamesa kaya umupo na ako sa upuan nasa harap ko.

" iha kumain ka na dyan at ako ay mag aasikaso lang ng mga kalderong ginamit ko--." Paalam nito. Pero agad ko itong pinigilan.

"A-ah manang pwede po bang sabayan nyo po akong kumain? hindi po kasi ako sanay na mag isang kumakain sa harap ng hapag kainan." nag aalinlangan na tanong ko dito, nakita ko ang magaan na pag ngiti nito syaka marahan umupo sa upuan sa harap ko. Nginitian ko din ito syaka ako nag sandok ng pag kain sa plato ko gumaan ang pakiramdam ko kasi piling ko kahit wala dito si franz at ang daddy nandito naman si manang na piling ko magiging kakampi ko sa loob ng bahay na ito.

Lumipas ang ilang buwan na palaging ganito ang routine namin ni kevin, papasok sya ng maaga uuwe ng gabing-gabi para lang hindi ako makita. Sa mga ginagawa nyang to unti unti nang napapansin ni manang ang hindi magandang pag sasama namin ni kevin, na walang pag mamahal ang asawa ko para saakin.

"Iha hindi ka pa ba kakain?" Nag aalalang tanong ni manang saakin. Nandito kasi ako ngayon sa sala at hinihintay ko nanaman si kevin, pero ang ending makakatulog ako dito ng hindi ko manlang namamalayan na nakauwe na pala sya tapos pag dating ng umaga wala na ang asawa ko.

"Maya-maya nalang po hinihintay ko pa po si kevin e, baka wala po syang kasabay na kumain mamaya pag kumain na po ako." Saad ko dito.

Kita ko ang awa mula sa mga mata ni manang bumuntong hininga muna ito bago tumango at naglakad papunta sa kwarto nito siguro ay matutulog na ito.

At tulad ng mga nakaraang gabi nakatulog nanaman akong ni anino ng asawa ko hindi ko makita.

Pag kagising ko sa umaga ay nasa sala pa din ako nakahiga sa sofa pero may kumot nang nakatalukbong sa buong katawan ko, Binaliwala ko nalang dahil sa malamang naawa nanaman si manang saakin kaya kinumutan nalang ako imbis na gising para papasukin sa kwarto.

Yakap-yakap ang kumot habang humihikap ay umakyat na ako sa kwarto para mag ayos ng sarili naalala ko kasing nag papasama ako kay franz na pumunta sa national book store para bumili ng libro na pwede kong basahin sa tuwing na bobored ako dito sa loob ng bahay.

"Manang wag na po kayong mag luto para mamaya sa labas nalang po ako kakain kasama ko po ang kaibigan ko." Matapos kong mag bihis at mag ayos ay agad akong bumaba para mag paalam kay manang.

"Sige iha bilisan mo lang at baka umuwe ng maaga si kevin." Huminto muna ito sa pag lilinis ng mga frame syaka tumingin saakin.

"Sige po." Tanging naging sagot ko dito. Alam ko naman na hindi uuwe ng maaga si Kevin asa pa ako na uuwe sya ng maaga.

"Kuya pwede po bang pakitawag naman po ako ng taxi?" Bungad ko kay manong guard nang makalabas ako sa loob ng bahay.

"Pwede naman po ma'am, danoy tawag mo nga ng taxi si ma'am." Saad ni manong cuno syaka tinawag ang isa pang guard na kasama nitong nag babantay ng buong bahay.

"Saan po ba kayo pupunta ma'am? Alam na ho ba ni sir Kevin na aalis po kayo?" Tanong nito ng makitang nakaalis na ang kasama nito para itawag ako ng taxi.

"Bibili lang po ako ng libro, wag po kayong mag alala saglit lang naman po ako." Sagot ko dito.

"Cuno nasa labas na yung taxi." Saad ng kasama nito kay manong cuno na balak pa sana na mag tanong. Buti nalang dumating agad yung kasama ni kuya cuno.

"Sige po una na po ako para makauwe po ako ng maaga." Dali-dali kong saad dito syaka ako nag lakad palabas ng gate papunta sa taxi. Pag dating sa taxi ay agad akong sumakay at sinabi sa driver kung saan ako nito ihahatid.

"Your 15 minutes late." Grabe ang lakas talaga ng pakiramdam ng lalaking to gugulatin ko sana sya e partida walang tunog yung sapatos ko papunta sa likod nito pero heto nalaman niya pa din nandito na ako.

"Napakalakas talaga ng pakiramdam mo nalaman mo agad na ako to at nandito na ako." Nakangusong saad ko dito syaka ako umupo sa bakante ng upuan sa harap nito. Nasa isang coffee shop kami ngayon dito niya kasi napiling makipag kita kaya pumayag na ako gusto ko din kasi uminom ng caramel coffee na paborito ko at syaka chocolate cake.

"Hindi kasi ako manhid tulad mo. tanga lang ako kasi mahal pa din kita kahit may mahal kang iba." Bulong nito sa mahinang boses pero tama lamang para marinig ko.

"Ayan ka nanaman sa biro mo." nakairap na umupo ako sa harapan nito kung saan may bakanteng upuan. Syaka agad na nilantakan ang chocolate cake na nakahain sa harap nito na wala pang bawas kahit konti.

Matagal na natahimik ito bago ako muling inasar "buti alam mong nag bibiro ako. Dahil kahit kailan hindi ako mag kakagusto sa parang lalaki kung kumain, lumulubo yung dito ohh ayan ang proweba." Asar nito saakin habang ginagaya nito ang pag nguya ng bibig kong puno ng chocolate cake.

Inubos ko muna ang laman ng bibig ko syaka ako uminom ng tubig bago ako nag salita dito ng nakairap " e paano ka pa? kaya hindi ka nagugustuhan ni Sarah kasi bakla ka." Natatawang sagot ko dito.

Mas lalo akong natawa ng nag panggap pa itong bakla talaga at nag salita pa ng bakla words na hindi din niya bet daw si Sarah.

"HAHAHAHAHA alam mo mabuti pa samahan mo na ako sa national book store para makabili na ako agad, Kailangan ko kasi na umuwe agad kasi hindi ako nag paalam kay kevin e." Saad ko dito maya-maya.

"E ano naman pake nyang asawa mo kung umalis kang hindi nag papaalam sa kanya? siya nga hinahayaan mo lang umalis at umuwe ng hindi mo manlang nakikita kahit anino niya na nagiging sanhi ng pag laki nyan eye bags mo." Taas kilay na saad nito saakin.

"Franz..."tawag ko sa pangalan nito

"Bakit totoo naman ahh hanggang ngayon ba hinihintay mo pa din ang pag dating ng walang hiya mong asawa sa gabi?" Tanong pa nito sa seryosong itsura.

"Franz asawa ko pa din yung tinutukoy mo hanggat hindi kami na aannull, asawa ko pa din sya. Malay mo hindi na matuloy yung balak namin na pag annulled ng kasal namin pag natutunan niya na rin akong mahalin." Saad ko dito. Agad na pakunot ang noo ko nang makita ko ang igting ng panga nito habang nakatingin sa likod ko.

"Paano ka matutunan mahalin ng lalaking yun? Kung ayan sya ngayon kasama ang babaeng hanggang ngayon hindi niya malimot limutan." Igting ang pangang saad nito habang nakatingin sa likod ko.

Nag tatakang tinignan ko ang tinititigan nito.

" arinne." Bulong ko sa pangalan ng babaeng ngayon ay masayang kasama ng gabi-gabi kong hinihintay. Walang iba kundi ng asawa ko.

Agad na patingin ako kay franz nang maramdaman ko ang palad nito sa pisnge ko tila may pinupunasan sa pisnge ko. Umiiyak na pala ako habang nakatitig sa dalawang taong masayang nag nag kw-kwentuhan at kumakain habang ako nasasaktan dahil sa kanila.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.