HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 25

Someone's POV

May pag iingat ngunit mabilis na kumilos si rachell papasok sa isang luma at tila napag- iwanan nang pabrika ng sabon. Delikado man para sa isang katulad niya ang gagawin ay ipinag patuloy niya pa rin ang trabaho para sa kanyang kambal na anak na maaaring mapahamak kung sakali man pumutol siya sa kasunduan nila ni lizaira ang pinuno ng pinag tatarbahuhan ng kabigan si frey.

Nasali siya rito dahil sa kabigan si frey ng tulungan siya nito noon labag man sa kalooban niya ang sumali sa grupong ito ay sumali pa rin siya para sa kapakanan ng dalawang anak laban sa asawa niya noon, sa takot na maaaring gawin ng asawa niya sa mga anak ay sapilitan siyang sumali sa grupo.

Isa lang ang misyon niya.

"Gusto kong patayin mo si kyle vhince maque, gusto kong tapusin mo ang trabahong di natapos ni julia." Lizaira said. Walang puso at kaluluwa ang babaeng ito ang lahat ng gusto nito ay nakukuha nito. Wala itong gusto na hindi pa nito nakukuha.

Kabado man ay buong tapang niya itong gagawin para sa kaligtasan ng mga anak niya ayaw niyang magaya kay julia ang mga anak niya. Di niya kakayain kung may masamang mangyari sa mga ito.

Matapang siya pero pag dating sa mga anak niya, nagiging mahina siya. Ganito nga siguro kapag isa kang ina, ang lahat ay pwede mong isakripiso para sa kaligtasan ng anak mo. Walang ina ay kayang makatiis sa kanilang mga anak, ayan ang natutunan niya ng maging isa siyang ina. Masaktan at mag hirap na siya wag lang ang anak niya. Ganito mag mahal ang isang magulang na katulad niya.

"Baby kapit ka lang dyan ahh, para rin to saatin, para sa kaligtasan nila kuya at ate mo." Bulong niya habang nakahaplos sa impis pa nitong tyan at habang pinakatititigan niya ang pabrikang papasukin kung saan nag me-meeting ang groupo ng kyle vhince maque na target niya.

Magiging maayos rin ang lahat

"Kaya mo to self, kaya mo ito rachell para sa mga anak mo." Buntong hininga niya muli habang may naka paskil na pag aalala para sa sarili at sa sangol na nasa sinapupunan nito.

Nag dadalawang isip na nanatili lamang siyang nakatayo sa harap ng building ng pabrika na kanyang dapat papasukin, hindi alam kung ano na ang maaaring mangyari sa kanya sa loob oras na pumasok na siya rito.

"Hindi ka pwedeng umatras, nakikita kita alalahanin mo ang mga anak mo rachell, oras na di mo ginawa ang trabaho na iyan ang mga anak mo ang pupuntiryahin ko at uunahin kong patayin." Tila nananakot at nakangising saad ng isang babae at ang boses nito ay nag mumula sa napaka liit na earpiece na kanyang suot.

Nang marinig niya itong nag salita mula roon ay nilibot niya ang buong paningin niya sa paligid niya upang hanapin kung nasaan ito. alam niya kasi na totoo ang lahat ng sinasabi nito na tototohanin nito ang lahat ng banta nito sa kanya. dun niya nakita ang isang camera na nakadikit sa poste ng ilaw sa tapat ng pabrika na kangyang papasukin.

Si lizaira ang tipo ng tao na hindi mo gugustuhin maging kalaban dahil sa mala demonyo nitong pag uugali, para itong bawil na kapag di nasusunod ang gusto nito gagawa at gagawa ito ng paraan, baliwa rito kung may mapahamak man sa isa sa mga tauhan niya. Wala itong gusto na hindi nito nakukuha. Para sa kanya kung na matay ka, mahina ka.

Naaala niya pa nung panahon na ngangailangan siya. Nung panahon tinakasan niya si kevin, si frey at heto lamang ang tumulong sa kanya upang makapag tago mula sa asawa. Tinulungan man siya nito alam niyang may malalim na kapalit yun. Yun ay ang buhay niya.

Para dito ang lahat ng tauhan nito ay mga laruan lamang nito na gagamitin niya para pangsangga sa mga kalaban nito at kapag wala nang pakinabang ay basta niya nalang itong tinatapon na parang basura.

FLASHBACK

"Who are you." Matigas na boses mula sa babaeng nasa likod niya, sasagot na sana sya ng bigla nalang syang mawalan ng malay.

Heto ang huli niyang naaala niya nang magising siya sa isang napaka linis at napaka gandang kwarto. Hindi ito mukhang kwarto ng hospital kaya alam niyang wala siya sa hospital. Maganda man ang disenyo ng kwarto ay hindi niya maiwasan hindi tanungin ang sarili.

Anong nangyari? Nasaan ako?

Nanghihinang dahan dahan siyang umupo mula sa pagkakahiga siyaka nanghihinang inilibot ng paningin ang paligid. Ang lahat ng kulay ng pader at gamit ay pinag halong black at white katulad ng sa kwarto ng kanyang asawa.

Maya maya'y biglang nagsink in sa isip niya ang nangyari sa kanya ng habulin siya ng mga tauhan ng asawa.

"Nahuli ba nila ako? Kaya ba ako nandito? Nasaan ako? Bahay ba ito ni kevin? Omy god ang baby ko!" Sa isip isip niya syaka mabilis na pinakiramdaman ang sarili. Wala naman siyang nararamdaman sakit maliban sa ulo niya.

"Hi, gising ka na pala. Pinag luto kita ng mainit init na sabaw kainin mo ito ng maging mas maayos na ang pakiramdam mo." Saad ng isang babae na may dalang tray ng pag kain.

Nag tatakang binalingan ko ito ng paningin "sino ka? Tauhan ka ba ng asawa ko? Anong ginagawa ko dito? Anong gagawin nyo saakin? Please maawa ka sa baby ko nyo papatayin ang baby ko.” Sunod sunod kong tanong, kinakabahan sa mga susunod na mangyayari kung sakali man tauhan ito ng asawa ko.

"Don't worry, Hindi ako tauhan ng asawa mo at wala akong gagawin na kahit na anong masama sayo." Nakangiting saad nito matapos makalapit saakin.

"Kaya wag mo akong katakutan, you're safe here." Dagdag pa nito.

"By the way I'm frey jane santillian and you are?" Saad nito ng wala itong makuhang sagot mula saakin.

"Rachell Asteria Santos- R-Riego." May nginig sa boses ng banggitin niya ang apilyedo ng asawa.

"You're Mrs. Riego?" halata ang gulat na bumalatay sa mukha nito ng banggitin niya ang apilyedo ng asawa.

Dahan dahan siyang tumango dito. "Siya ang tinataguan mo?" Kunot noo nitong tanong.

Dahan dahan akong tumango dito " pero bakit? Bakit mo siya pag tataguan? Bakit gusto niyang patayin ng baby nito? Kasal kayo diba? Kung kasal kayo that mean mahal nyo ang isa't isa. "Tanong pa nito.

"Oo kasal kami pero hindi tulad ng sa iba. It was a arranged marriage. Sa kasal na naganap ako lang yata ang may gusto na mangyari yun. I mean si kevin ang nag yaya ng kasal saakin pero ginawa niya lang yun para sa mana na makukuha niya mula sa lolo niya. He never love me the way he love his firsts love, ika nga nila first love never die. Hindi naman siya papayag na mag pakasal saakin kung hindi dahil sa mana na makukuha niya mula sa yumayo niyang lolo at sa loob ng ilang buwan pag sasama namin nag bunga yun." Malungkot na Saad ko dito. Ewan konkung bakit nag kukwento ako dito gayon kakakakilala ko palang rito at tanging pangalang lang nito ang alam ko, gayon man napaka gaan ng pakiramdaman ko sa babaeng ito.

"Yun ang hindi niya gusto, hindi kasi ako yung babaeng gusto niyang maging ina ng mga magiging anak niya at ang sakit sakit isipin na nagawa niya ang lahat ng yun saakin. even if i was his bestfriend in our past nagawa niya parin ang saktan ako both emotionally and physically at ang pag tangka niya sa sanggol sa sinapupunan ko ang hindi ko malilimutan to think na minsan niya din akong naging kaibigan."

"He was may best friend, my best buddy... my hero but the opposite happened, ngayon ko lang na realize na hindi ko dapat ipinilit ang sarili ko sa kanya hindi dapat ako pumayag sa kasal na yun. Hindi ko nalang sana siya nakilala para hindi kaganito kasakit, hindi sana ganito ang buhay ko." May luha ang matang kwento ko dito. Tulala at tila tinatanaw ang malayo.

"Shhh tahan na makakasama sayo ang pag iyak ng pag iyak lalona’t buntis ka pala, don't worry hindi kita pababayaan, tutulungan kita." Saad nito siyaka ako niyakap at pinatahan.

END OF FLASHBACK

Si frey ang nakapulot sa kanya noon pero si lizaira ang tumulong upang di siya mabilis na matuntun ng kanyang asawa kaya napaka laki ng utang na loob niya dito, heto at ang mga anak niya ang ginagamit nito upang mapasunod ang lahat ng gusto at utos nito kahit labag sa kagustuhan niya.

Napipilitan napatango nalang siya sa camera siyaka siya luminga linga upang bigyan ng senyales ang mga kasama na papasok na siya sa loob. Nakapalibot kasi ang mga kasama niya sa pabrika ang ilan ay upang bantayan siya At ang iba ay upang tulungan siya.

Matalas ang matang naghanap siya ng daan na papasukan kung saan di siya mapapahamak, di niya kasi maaaring akyatin ang pader na nakapagitan dito dahil sa nagdadalang tao siya at baka kung ano pang mangyari sa kanya kung roon siya dadaan.

Thankfully nakakita siya ng hagdanan papunta sa bintana ng second floor ng pabrika ngunit napaka delikado nito dahil bulok na ito at kaunting maling apak mo Lang ay maaaring matanggal ang bawat turnilyo na nakadikit sa bawat gilid ng hagdanan.

"Dyos ko maging maayos at ligtas sana ang mga anak ko lalo po ang sanggol sa sinapupunan ko." Huling bulong hiling niya bago maingat na inakyat ang hagdanan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.