Rachell POV
"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Frey ng makita niyang nag aayos ako ng mga gamit na gagamitin sa mission namin para bukas. inilalagay ko sa isang bag ang lahat ng kakailanganin kong gamitin para sa misyon.
"Nag aayos bakit?" Balik tanong ko dito habang patuloy na nag aayos ng gamit.
"Oo nakikita ko nga, pero bakit?" Tanong pa nito ng makaupo sa harapan ko sa dulo ng kama. tinitignan lang nito ang ginagawa ko at ang bawat kilos ko.
"Anong bakit sinasabi mo? Malamang dahil bukas na tayo sasalakay, hindi ba?" Balik tanong ko dito. Nalilito sa inaakto nito.
"Alam ko, pero bakit kasama ka?" Tanong pa nito. May pag aalalang nakabalatay sa mukha nito habang mataman akong tinitignan.
"Dahil ako ang asset ng grupo diba?" Sagot ko dito na naka kunot ang noo. Nag tataka sa inaasal nito.
"Alam ko pero di mo ba naisip na delikado para sayo na sumama at gawin pa din tong plano na to?" Nag aaalalang saad nito saakin na kinatigil ko.
Kahapon kasi namin na laman na buntis nga talaga ako at ang bilin ng doctor ko ay huwag mag magpaka stress at sobrang magpakapagod dahil nalaman ng doctor ko na muntik muntikan na pala akong malaglagan noon.
Halo halong emotion ang naramdaman ko ng malaman kong buntis ako, andun yung saya at takot sa mga maaring mangyari saamin saakin ngayon nag dadalang tao ako. Okay lang sana kung ako ang mapapahamak, ngunit ang mga anak ko? Hindi ako papayag na mapahamak sila.
"Naisip ko naman yun, syempre iniisip ko din ang baby ko pero kung hindi ko gagawin tong part ko baka di lang itong nasa tyan ko ang mapahamak baka pati xyxy at tantan ko mapahamak din kilala mo kung paano magalit si lizaira kapag hindi natutupad ang mga gusto niyang mangyari." Saad ko dito. Kita ko dito ang pagaalala at lungkot sa mukha nito para saaaming mag iina.
"Bakit kasi ngayon ka pa nagpabuntis e, pwede naman pag katapos nito nyo ginawa ng asawa mo yan e." Reklamo pa nito sabay turo sa tyan ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis sa sinabi nito.
"Baliw ka talaga kahit kailan, Hindi ako nag pabuntis no wala sa balak ko yun, sa plano ko lasing lang ako noong panahon maynangyari saamin ni kevin kaya ang ending ko heto." Saad ko dito.
"Yun nga friend e lasing ka kaya ang ending buntat ka ngayon." Saad pa nito habang nakangiwi.
Sinamaan ko naman ito ng tingin. Hindi naman kasi lumobo ang katawan ko kahit na buntis ako noon kasi kahit apat na weeks palang yung tyan ko sobrang lobo ko na agad. Kakaiba ngayon dahil bukod sa di ako tumataba hindi din nawawala ang mala Coca Cola kong bewang kaya hindi halata na buntis ako kahit na napaka lakas ko ngayon kumain.
"To naman di mabiro, so tuloy ka pa din?" Tanong nito bumalik sa mukha nito ang pag aaalala ng tumango ako sa tanong niya.
"Wish ko lang talaga kay papa god wag kayong pababayaan ng inaanak ko kundi iisa- isahin ko yung mga taong mananakit at magbibigay ng kapahamakan sa inyo." Saad nito sabay hawak sa dalawa kong kamay at nakangiting tinignan ako nang makita nito ang pag iling ko habang nakangiti.
"Wag kang mag alala magiinat ako para sa baby ko. Kahit naman di sinasadya na nabuo siya, anak ko ito kaya mahal ko ito at hindi ako papayag na mahamak siya. Si kevin nga di ko hinayaan sa balak niya kay xyxy at tantan heto pa kaya?" Saad ko dito habang nakangiti ng bahagya.
“pero nag aalala pa rin ako sayo, e kung humingi kaya tayo ng tulong sa asawa mo?” Bigla ay tanong nito na kinawala ng ngiti ko.
“Paano ka hihingi ng tulong sa lalaking yun ni cellphone number ni kevin wala ka? Ni anino nga ng lalaking yun di nag papakita saakin. Ang humingi pa kaya ng tulong? Kaya ko ang sarili ko frey, at hindi ko hahayaan mapahamak ang sarili ko at ang dinadala ko, okay?”mahinahon saad ko dito.
"Alam ko naman yun ang iniisip ko lang napaka selan mo mag buntis. kaunting maling galaw mo lang pwedeng mag swimming palabas sa tyan mo yang anak mo friend. Hayst napaka lakas talaga ng similya ng asawa mo at nakabuo pa ng isa, baka nga kambal nanaman yan-." Saad nito.
"Frey! Ang bibig mo! Ano ba yang pinag sasabi mo?" Pigil ko dito para kasing napaka laswa e. Nakakailang.
"Bakit? Napaka lakas naman talaga ng similya ng asawa mo e tignan mo ngayon may pahabol. Kaloka lakas ng apog buntisin ka samanlatang noon sabi mo ayaw niyang mag kaanak kayo." Saad pa nito na tila na iistress.
Hinayaan ko nalang ito at napailing nalang ako dito nang marinig kong nag sasalita pa din ito. Ipinag patuloy ko nalang ang pagaayos sa mga kakailanganin ko para bukas.
Kevin POV
"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Paul ng makita ako nitong akmang aalis.
"Wala may pupuntahan lang." Sagot ko dito habang patuloy na naglalakad.
"Wait! Bakit? Alam ba ni Kyle na aalis ka? Diba dapat nag hahanda na tayo?" Habol nito saakin ng malapit na ako sa sasakyan ko.
"Yeah alam ko babalik din naman ako e, may pupuntahan lang ako." Saad ko dito sabay bukas sa puntuan ng kotse ko upang sumakay at makapag maneho na sana ng pigilan ako nitong muli.
"Sandali sabihin mo na muna kung saan ka pupunta ako malalagot nito kay Kyle pag nalaman niyang wala ka at umalis ka ng walang paalam." Pigil nito saakin.
"Ikaw na bahalang mag dahilan sige na kailangan ko nang umilis." Saad ko dito sabay mabilis na sumakay at sinarado ang punto at pinagana ang makina upang paandarin ito.
Tahimik at walang imik kong pinag mamasdan ang asawa kong tahimik na nakaupong nakasandal sa upuan na nasa veranda ng kwarto nito. Nalaman kong kwarto niya ito dahil palagi ko siyang nakikitamg dito palagi nakambay sa tuwing sasapit ang haring araw.
Tahimik at tila tulog itong nakasandal dun at parang napaka komportable itong nakasandal dun habang nakapikit.
Gustong gusto ko na siyang mayakap at mahalikan pero sa tuwing ginagawa ko yun lumalayo siya at nag tatago at sa takot na taguan nanaman niya ako pinagkasiya ko nalang ang sarili ko sa pag sulyap sa babaeng walang ginawa kundi ang baliwin ako.
At kahit ano pa ang gawin ko hindi mababago ng tangang nagawa ko noon ang galit na nararamdaman niya para saakin. Kung sana hindi ako naging torpe noon, kung sana nag tiwala ako sa kanya noon, kung sana inamin ko na mahal ko siya mula noon hanggang ngayon siguro kasama ko pa din siya at may mga anak na kami.
May anak na nga pala kami kaso nawala ng dahil sa kagaguhan pinaggagawa ko sa kanya.
Pero hindi ako susuko, sa ngayon pag kakasiyahin ko nalang ang sarili ko sa pag sulyap at pagbabantay sa kanya mula sa malayo pero pangako gagawin ko ang lahat maibalik lang ang asawa ko. sa ngayon hanggang tanaw na muna ako rito.
"Te prometo que haré todo lo que pueda, solo traerte de vuelta a mí, mi esposa, te amo tanto, mi esposa."
"Te prometo que haré todo lo que pueda, solo traerte de vuelta a mí, mi esposa, te amo tanto, mi esposa." mean "I promise I will do everything I can, just bring you back to me my wife I love you so much my wife."