HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 27

Rachell POV

"Kaya naman pala." Rinig niyang saad ng boses ng isang lalaki napaka laki ng boses pero mahinahon lang ito mag salita.

"Anong kaya naman pala?" Tanong pa ng isa pang boses. Boses lalaki din ito pero hindi kagaya ng isa ang boses nito ay hindi malaki at malalin kung pakinggan at base sa lakas ng boses ng mga ito tila napaka lapit ng mga ito sa mukha niya.

Gusto niyang idilat ang mga mata niya pero di niya magawa dahil sa hilong nararamdaman niya bukod dito tila hinihila din siya ng kama na hinihigaan niya para matulog muli. Ito ang unang beses na katulog siya ng napaka himbing, ni ang pag susuka ay hindi niya nararamdaman ngayon tanging pag kaantok at ang bahagyang pagkirot ng ulo niya lang ang iniinda niya na kaya naman idaan sa tulog.

"Wala, naisip ko lang yung mga panahon nabaliw sa kakahanap si boss sa asawa niya dahil sa biglang pagtakas ng asawa niya. Tignan mo kaya naman pala nabaliw sa kakahanap si sir noon sa asawa niya kasi sobrang ganda ni ma’am para siyang angel na hinulog ng itaas para sa mala demonyong pag uugali ni sir-." Saad pa ng unang boses na nagsalita.

“Naku, hina-hinaan mo yang boses mo kapag narinig ng boss natin yang sinasabi mo sa kanya naku may kalalagyan ka.” Pigil ng isa “Wala naman akong ibang masamang ibig sabihin sa sinabi ko, ang akin lang napaka swerte ni sir dahil sa kabila ng lahat ng masasamang ginawa niya noon, naka tagpo pa rin siya ng babaeng mag papatino sa sarili niya. Kaya ang swerte ni sir.” Sagot ng kasama nito.

"Naku, sinabi mo pa, kung saakin din mangyari yun mababaliw din ako kapag bigla nalang nawala yung nag iisang babae na nag bigay ng ilaw sa madilim kong mundo.”

“Naks, madilim na mundo. Ang lalim ng pinag kuhanan ahh.”asar ng kasama nito sa kanya na May kasamang pag siko pa sa balikat nito.

“Aba syempre minsan ka nalang makakatagpo ng matinong babae bakit hahayaan mo pang mawala? diba? Kaya kapag ganyan kagandang babae at kaya patinuin ang isang lalaking katulad ni boss dapat di na pinapakawalan binabakuran na para di masulot ng iba." Saad ng kausap nito.

"Sabagay, pero maganda din naman si ma'am arinne -." Saad nito. Matutuwa na sana ako sa mga magagandang salita na naririnig ko sa dalawang taong nasa harap ko ng banggitin ng isa ang pangalan ni arinne.

Mabilis pa sa alaskwarto na dinilat ko ang mga mata ko ng marinig ang pangalan ng babaeng higit na minahal ni kevin kesa saamin ng mga anak niya kaya nga nagawa kong takasan si kevin noon dahil sa issue na hindi ako ang pinapangarap at gusto ni kevin maging ina ng mga magiging anak nito.

"Agh." Daing ko nang maramdaman ang sakit sa ulo ko dahil sa biglang pag bangon. Mabilis din akong napahiga at ipinikit kong muli ng napaka diin ang mga mata ko umaaasa na baka mawala din ang sakit ng ulo na aking nararamdaman.

"Naku gising na siya. Tawagan mo si boss bili, tatawagin ko lang si manang." rinig niya pang saad ng isa bago nag mamadaling makaalis pero natigilan ang mga ito ng muli niyang sinubulan bumangon ng dahan dahan upang malaman kung nasaan siya hindi pamilyar para sa kanya ang mga boses na kanina lamang ay naririnig niya.

Dun niya nalaman nakagapos pala ang isang kamay niya sa head board ng kama kangyang kinahihigaan, hindi masikip at tila sinadyang malambot ang panaling pinantali sa kanya " sino kayo? Bakit andito ako? Asan ako?! Pakawalan nyo ko!" sigaw niya sa dalawang lalaking nakatingin at nakatulala sa kanya ng makita ang kalagayan niya.

"Naku ma'am di namin pwedeng gawin yan kami ang malalagot kay boss kapag pinakawalan ka namin." Sagot ng isa. Parehas itong naka itim na t-shirt at pants ang pinag kaiba lang nila ay ang kulay ng mga buhok nito. Ang lalaking payat ay kulay neon ang buhok ngunit may itsura ito at ang isa naman ay medyo malaman lalaki at kulay pula naman ang buhok nito at sa nakikita niya kambal ito dahil sa mga mukha nitong mag kahawig.

"Sino ba yang boss nyo para igapos ako dito! Hoyyyy pakawalan nyo ko dito! Wala akong pake kung sino yang boss nyo basta pakawalan nyo ko! Ano ba! Bumalik kayo dito!!!" Sigaw niya ng makitang nag lalakad na ang mga ito palabas ng kwarto kanyang kinalalagayan.

nag sisigaw sigaw muna siya bago ubos ang pasensyang napahigang muli at tumitig sa kisame syaka dumapo sa isipan niya ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay. Tila tumigil ang mundo niya ng maaalala ang huling nangyari bago siya nawalan ng malay at sa isangkisap mata lang bigla ay bumilis ang tibok ng puso niya ng maaalala ang mga anak niya. Nasa panganib ang mga ito dahil sa trabahong di niya nagawa.

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!" Naiinis na saad niya. Tila gusto niyang umiyak sa sobrang pag aalala para sa kambal niya pero hindi niya naman pwedeng hayaang kainin siya ng emotion niya. May sanggol sa kanyang sinapupunan na lubos na mag dudusa at maaapektuhan kapag hinayaan niya ang sarili na kainin ng stress na kanyang nararamdaman ngayon.

Unti unting tumulo ang mga luhang kanina lamang ay nag babantang tumulo ng masaki sa isip niya ang mga maaaring nangyayari na ngayon sa mga anak niya, parang bulang nawala ang pagiging matapang niya ng maisip ang situation ng kambal at kaibigan niya sa kamay ni lizaira ang walang kaluluwang kanilng leader.

"Hi iha, gising ka na pala. Dinalhan kita ng pag kain at maiinom dalawang araw ka na kasi tulog at sa mukhang pagod na pagod ka na nanging dahilan ng matagal mong pag gising. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Rinig niyang saad ng isang boses ng matandang babae.

Dahan dahan siyang lumingon dito at bahagyang pinilit makaupo mula sa pag kakahiga. " d-dalawang araw?" Kunot noo kong tanong dito. Na ikinatango nito.

Dalawang araw? Maaaring hawak na ngayon ni lizaira ang mga anak niya. Alam niyang hindi mahirap para kay lizaira ang matuntun ang kinaroroonan ng mga anak niya para makuha.

"Oo iha." Sagot nito saka lumapit at nilapag nito ang tray ng pag kain sa lamesa sa tabi ng kama na kangyang kinahihigaan.

“Kailangan kong makaalis dito.” Saad niya sa isip ng maisip niya ang kalagayan ng mga anak sa masamang babae noon ay hinahangaan niya, ngayon kinamumuhian na niya.

"Ako nga pala si nanay emely taga pamahala or mayordoma ng resort na ito." Saad nito " sige na kain ka na para bumalik na ang lakas mo." Dagdag pa nito.

"R-resort? Nasaan po ako? Sino nag dala po saakin dito." Mahinahon tanong ko dito habang nakatingin dito ng diretsyo. Ngunit halata sa boses ko ang kaba, hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kanyang kambal na wala sa tabi niya. Mamaya kasi kung sino lang ang nakakuha saakin ang malala pa ay baka kakampi ito ni lizaira at dinala ako dito para gawan ng masama.

Sa nakikita ko mukha naman mabait ito mukha itong nasa edad na sinkwenta pataas " Oo iha, nasa cavayan island ka iha. Dinala ka ng alaga ko dito na walang malay-." Saad nito tatanungin ko na sana ito kung sino ang alaga na sinabi nito ng may nag salita mula sa likod matanda.

"Manang pwede po ba na iwanan nyo po muna kami ng asawa ko." Putol ng kung sino mula sa pinto.

Nanlalaki ang matang tinignan ko ito.

"K-kevin?" Bulong ko sapat upang ako lamang ang makaranig.

Gusto kong maiyak ng makita ko ito, ilang buwan akong nag hintay na mahanap niya ulit inakala ko na napagod na ito sa kakahabol at sa mga sari sariling masasakit na salita na binibitiwan ko sa tuwing nakakaharap ko ito. Pero hindi ko maiwasan hindi makaramdam ng inis dahil kung kailan mas kailangan kailangan ko siya siyaka siya nawawala at hindi ko man lang mahagilap miski ang anino nito.

"Bakit mo ako dinala dito?! Ano nanaman kalokohan to? at paano mo ako nakuha at dinala sa kung saan? Akala ko ba napagod ka na? alam mo matutuwa na sana ako na napagod ka-.” Galit na saad ko dito matapos makabawe sa pag kagulat. Naaalala ko kasi ang ilang beses nitong pag kidnap saakin kaya bakit nga ba kailangan ko pang magulat?

"I brought you here so we could get along and talk, at kahit kailan hindi ako mapapagod sayo ." Malumanay na saad nito.

"Nag papatawa ka ba? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala nang dapat ayusin dahil-." Masamang tingin ang pinukol ko dito. Sinungalin nga ako nagagawa kong mag salita ng mga ganito gayong kabaligtaran naman ng sinasabi ko ang nais kong mangyari.

"Meron! dahil asawa mo pa din ako at asawa pa din kita kaya hanggat nakadikit pa din sa pangalan mo ang apilyedo ko ay aayusin natin to!" Putol nito sa sasabihin ko.

Hindi ko alam kung Natatawa o matutuwa ako biruin mo sa hinaha haba ng panahon ngayon niya palang na realize na asawa niya ako " big word! Hahaha asawa? Kailan mo ginampanan ang pagiging asawa mo saakin? Kasi sa naaalala ko kahit saglit na secondo di ka naging bilang asawa saakin kaya wag mong ipag duduldulan saakin na asawa kita dahil kahit minsan di mo ginampanan yun!" Galit na saad ko dito. Hindi ko maiwasan hindi ito sisihin dahil kung hindi nito ipinilit saakin ang pag papalaglag noon siguro’y lumaki maayos ang mga anak ko hindi sana naranasan ng mga anak kong lumaki sa magulong mundo. Wala sana ang mga ito sa panganib ngayon.

"Isalaksak mo sa baga mo yang apilyedo mo! Dahil simula ng ginago mo ako kinamumuhian ko na kung bakit pumayag ako na mag pakasal sayo!" Dagdag ko pa dito. Bumakas sa mukha nito ang lungkot at sakit ng bigkasin ko ang mga masasakit na salita dito.

Minuto ang itinagal bago ito muling nag salita " naiintindihan ko ang galit mo. Naging gag* ako inaamin ko at paulit ulit kong pag sisisihan na ginawa ko yun sa babaeng mahal na mahal ko-." Saad nito matapos bumuntong hininga.

Natatawang umiling iling ako dito " Pwede ba hanggang ngayon ba gagaguhin mo pa din ako ah kevin! Hanggang ngayon ba paiikutin mo nanaman ang ulo ko? Bakit dahil di mo pa din nakukuha mana mo? Haha bakit dahil iniwan kita kaya di mo pa din makuha kahit kasal ka pa din saakin? Diba yun naman talaga ang gusto sa simula palang ang makuha ang mana mo pero hanggat di ka nakakasal saakin ay di mo yun makukuha. Hindi ba? Kaya mo ko pinilit na mag pakasal sayo dahil dun. Ano nalaman ba ng mga parents mo ang kagaguhan pinag gagawa mo saakin kaya di mo pa nakukuha tapos ngayon lolokohin mo nanaman ako para makuha mo lang ang mana mo? babalik ka tapos bigla mo lang rin akong itatapon parang basura, hindi ako naniniwala na mahal mo ako! Dahil kung mahal mo ako, hindi mo gagawin saakin yun! Hindi mo gagawin saamin ng anak mo yun!" Galit na saad ko dito habang nananatili ang masamang tingin ko dito at pinipigilan ko ang luha gustong tumulo mula sa mga mata ko pero tulo parin ito

“Dahil ako kahit sobrang galit na galit ako sayo, kevin hindi ko magagawang saktan ka, ganun ka kamahal ng puso kong minsan mo nang dinurog.” Sa isip ay saad niya

" no, walang kinalaman ang mamanahin ko dito. Walang last will and statement. Ipinilit kong mag pakasal sayo dahil yun ang gusto ko, gumawa ako ng kwento para matali ka na saakin dahil ayoko maging kaibigan or kuya kuyahan mo lang, ayoko nang maramdaman yung mag selos at yung takot na baka makahanap ka ng iba na baka iwan mo na ako ng tuluyan para sa taong mahal mo. Kaya ginagawa ko ang lahat mabakuran ka lang alam mo bang tinatakot ko ang lahat ng lalaking mag tangkang mangligaw or makipag kaibigan lang sayo. Lahat gagawin ko wag ka lang bumagsak sa iba, kaya nagawa kong ipilit sa daddy ang kagustuhan kong pakasalan ka kahit ang babata pa natin nun hindi ko alam kung bakit ko napapayag si daddy sa kagustuhan ko pero alam mo ba na napaka saya ko dahil pumayag siya. Kasabwat ko ang familya ko at ang daddy mo sa kagustuhan ko na pakasalan ka. Kakaiba yung saya na naramdaman ko ng pumayag ka nang mag pakasal saakin. May 19 2017 ang araw kung kailan Ikinasal tayo. Ang pinaka mahalang araw ng buhay ko, hindi ko maipaliwanag yung saya ko nun dahil sa wakas natatawang ko nang asawa ko yung babaeng pinapangarap ko lang noon." Maluha luhang kwento nito habang may nakapaskil na bahagyanh ngiti sa labi nito tila naaalala nito ang nakaraan.

" pero naglaho ang lahat ng yun dahil mas naniwala ako sa iba at di ako nag tiwala sa asawa ko, sayo. Nilamon ako ng selos at galit sa isipin, kahit kasal ka na saakin, kahit nakatali ka na saakin nagagawa pa din ng iba ang agawin ka mula saakin. Inakala kong niloloko mo ko, inakala kong hindi akin ang bata dahil yun ang kwento ni Arianne at kung maibabalik ko lang ang lahat sa simula sana di nalang ako naniwala sa mga sinabi niya, sana nag tiwala ako sayo dahil, dahil sa ginawa ko dalawang importanteng tao sa buhay ko ang nawala at ikaw yun at ang anak natin." Matapos bumuntong hininga saad nito syaka lumuhod sa harapan ko at walang boses na umiiyak sa hita ko ito habang nakayuko maging ako ay di na mapigilan ang pag luha ko. Tuloy tuloy ang pag tulo nito dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Siguro nga totoo ang salitang " ma pag laro ang tadhana, dapat kang palaging handa upang malagpasan ang lahat ito. Dahil hindi mo alam ang larong nag hihintay para sayo sa hinaharap na dapat palaging nakatatak sa isip mo na hindi pwedeng palaging masaya kailangan mong masaktan para maging matatag at para mas maging better person ka dun sa right person that god given for you.

"I'm sorry." Umiiyak na saad nito. Paulit ulit nitong binibigkas ito habang nakayuko sa hita ko at patuloy na umiiyak.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.