HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 28

Rachell POV

Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguan si kevin matapos nitong umamin saakin ng tunay na nararamdaman niya para saakin, gusto kong maniwala dito pero kinakain ng takot ko na ba gawa gawa lang nito ang lahat ng sinasabi nito, na baka nga di pa nito nakukuha ang mana nito kaya patuloy akong ginugulo nito, na baka kaya hindi niya ako hinanap ng ilang buwan para hindi na siya mahirapan pa sa kakahanap, hinintay nalang niya na ako mismo ang lumapit sa kanya.

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang pag katiwalaan si kevin matapos ng lahat lahat ng nangyari. Up until now sinusungitan ko pa din si kevin hindi ko alam kung dahil ba yun sa inis at galit na nararamdaman ko o dahil dala lang ng pag dadalang tao ko, sakanya ko din inuutos ang lahat ng pag kain at inumin na gusto ng pang lasa ko at kapag nalalaman kong hindi si kevin mismo ang bumili o ang gumawa ng gusto kong kainin ay nag kukulong ako sa kwarto. lumilipas lang ang tampong nararamdaman ko kapag sobrang namimiss ko na ang amoy nito.

Simula din nung araw na yun pinakawalan na ako nito mula sa pag kakatali sa kamang kinahihigaan ko sa kwarto niya pero hindi niya pa din ako Binabalik sa maynila. Ang unang pumasok sa isip ko ng tanggalin nila ang tali sa kamay ko ay ang pag takas muli pero paano ko magagawa yun kung kahit banka o kahit anong sasakyan pang dagat ay wala akong makita at panigurado akong kahit isa sa mga taong kasama namin dito sa bahay niya ay hindi ako tutulungan, ang loyalty nila ay para lang sa boss nila.

Namimiss ko na tuloy ang mga anak ko at nag aalala pa din ako sa kalagayan nila hanggang ngayon ni ang kontakin si Frey ay di ko magawa dahil hindi ko mahanap ang phone ko hindi ko alam kung nahulog ko ba ito sa lumang pabrika na nilusob namin or sa kung saan ng mawalan ako ng malay kahit telepono ay wala ang ang bahay na ito. Ipinag dadasal ko nalang na sana maaayos ang kalagayan nila na sana di sila pinababayaan ng mga ninang nila.

“Sana nasa mabuting kalagayan sila.” Piping dasal niya ng magawi sa isip niya ang mga anak na maaaring nasa panganaib ngayon ngunit kahit isa sa kanila ni kevin ay wala sa tabi ng mga ito.

At dahil naiinis pa ako sa pag mumukha ni kevin pansamantala itong natutulog sa katabing kwarto ng kwarto niya. Hindi ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon sinusungitan ko pa din ito pero hindi ko talaga maiwasan na di mainis lalo pa kapag nakikita ko ang mukha nito kahit alam ko naman sa sarili ko na nawala na yung galit na nararamdaman ko para dito siguro inis meron pa pero alam ko darating din yung araw na hihilom itong sakit na nararamdaman ko para sa kanya dahil ang punong nag mamahal ay marunong mag patawad ng mga taong mahal niya kahit pa sobrang bigat ng ginawa nitong kasalanan sa kanya. Naiintindihan ko din naman kasi ito sadyang matabil lang talaga ang dila ni arianne at nagagawa nitong mapaniwala ang lahat ng taong pag kukwentuhan nito makuha lang ang gusto. Wala akong galit para kay arianne naiintindihan ko ang lahat, nag mahal lang ito at ang lahat ng nag mamahal ay gagawin ang lahat mahalin lang siya ng lalaking gusto niya, desperate na kung desperate nag mahal lang naman siya kaya niya nagawa ang lahat ng yun.

Hindi ako ang tipo ng babaeng kapag nasaktan mo kailangan makaganti din ako sayo, Dahil naniniwala akong mas magandang ganti ang makita ng nanakit sayo na masaya ka na kahit wala siya.

Isa pang gumugulo sa isipan ko ang pag amin ni kevin tungkol sa pagiging miyembro niya ng elite ang groupo na aming sinugod nang gabing nawalan ako ni malay na naging dahilan upang makuha akong muli ni kevin ng walang kahirap hirap at dinala ng walang malay dito sa resort niya.

"mi amor, parang awa mo na sabihin mo na kung nasaan ang mga anak natin-" Pilit nito saakin habang kumakain ako ewan ko natatakam ako sa hipon na isinasawsaw sa Suka e.

Simula kasi ng dumulas sa makating dila ko ang tungkol sa mga anak namin kambal ay kinulit na ako nito para sabihin ko lang kung nasaan ang mga anak namin. Nung una ay tila nagulat ito ng sabihin ko at aminin ko na buhay ang ipinag bubuntis ko noon at kambal ito pero kalaunan ay tila natuwa pa ito at sa sobrang tuwa nito nag pahanda ito ng makakain ng mga kasama namin at nag painom pa ito.

"Wala akong tinawala sayo baka nakakalimutan mo ang gusto mong gawin sa mga anak ko noon-." Saad ko dito kahit alam ko naman na di nito muling magagawa ito sa nga anak namin dahil mahal nito ang mga anak namin ramdaman ko yun ewan ko gustong gusto ko kasi kapag nakikita itong tila nawawalan na ng pasensya sa kakapaliwanag.

"Ilang beses ko bang kailangan ipaliwanag at sabihin sayo na hindi ko iyun magagawa sa mga anak natin ngayon pa't saakin naman talaga sila nag mula. Pinag paguran ko ang pag buo sa mga anak natin tapos gagawin ko lang yun, sobrang gag* ko na nun at di ako tunay na lalaki kung ganun ang gagawin ko. Mahal ko ang mga anak natin mi amor kapantay ng pag mamahal na nararamdaman ko para sayo kaya sana naman maniwala kana kasi kahit anong pag layo o pag susungit mo hindi ako titigil na patunayan at ipaliwanag sayo ang mga bagay na iyun dahil ganun kita kamahal, ganun ko kayo kamahal." Naka ramdaman ako ng guilty ng bumakas sa mukha nito ang sakit at pag hihirap mula sa mga pinapagawa ko dito simula ng umamin ito dalawang linggo na ang nakakaraan.

"Sige na kumain ka na dyan. Matapos nyan mag pahinga ka na hayaan mong si manang ang mag ugas ng pinggan mo iwan mo nalang sa lababo." Buntong hiningang saad nito. Siyaka tumalikod at mag lakad papuntang pintuan upang lumabas.

"Saan ka pupunta?" Bulong na saad ko sapat lamang upang marinig nito.

Bumuntong hininga muna ito bago nag salita " May susunduin lang ako matulog ka ng maaga." Saad nito syaka muling marahan na nag lakad pabalik saakin at humalik sa ulo matapos ay nag lakad na ito palabas. Maya maya ay narinig ko nalang ang tunog ng isang makita ng sasakyan nito sinyales na umalis na ito.

"Nag away nanaman kayo?" Maya maya ay tanong ni manang ng pumasok ito sa kusina pag kaalis ni kevin.

Marahan akong tumango dito " inaway ko nanaman po siya nanay hindi ko po kasi mapigilan e. Naiinis po kasi ako pag nakikita ko siya lalo na po kapag nakangiti siya kabaligtaran nung natutuwa naman ako kapag nakikita ko ang inis at pag kairita sa mukha niya ewan ko po." Sagot ko sa matanda. Bahagyang natuwa ito.

"Naiintindihan kita iha ganyan na ganyan din ako sa panganay ko inis na inis din ako kay ernesto nung pinag bubuntis ko din noon ang panganay namin yun pala nag lilihi na ako." Saad nito habang nakangiti. Nanlalaki ang mata tinignan ko ito.

"A-alam nyo po na..." tila naubusan ako ng sasabihin.

"Na buntis ka? Oo naman iha babae ako at ina na din ako kaya alam ko syaka bago ka magising nang araw na dinala ka ni kevin dito ay nalaman ko na agad hindi nalang ako nag salita dahil base sa nakikita ko noon hindi pa alam ng alaga ko ang tungkol sa sanggol na iyan." Saad nito sabay turo ng labi nito sa medyo umuumbok ko nang puson ngunit hindi halata dahil sa malaking damit ni kevin na suot ko.

"Kaya hinayaan ko nalang muna. Walang akong karapatan para pakielaman ang tungkol dyan pero iha wala ka bang balak na sabihin iyan?" Saad nito.

" m-meron naman po, pero sa tuwing aamin po kasi ako palagi siyang umaalis na parang sobrang importante ng ginagawa niya kaya hinahayaan ko nalang po na kusang mahalata niya dahil naranasan niya din naman po noon ito e sa kambal po namin nung nag lilihi din po ako noon." Saad ko dito.

"Pero nanay hindi ko po maintindihan kung bakit di niya ma gets ang mga bagay na pinapagawa ko sa kanya hindi niya ba maisip na naka nag lilihi na ako ni ang bigyan pansin ang unti unting pag umbok ng puson ko hindi niya pinapansin." Nakasimangot na saad ko dito.

"Baka pagod lang talaga si kevin lalo pa't busy ito sa pag handle ng trabaho nito habang andito ito idagdag pa ang mula umaga hanggang madaling araw mong pag uutos dito mabili lang ang mga pag kain na pinag lilihian mo." may ngiti sa labing saad nito, pinapagaan ang kalooban ko sa inis na nararamdaman ko para kay kevin.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot " e kung aminin ko na po kaya? Ano po kaya magiging reaction niya tapos sabihin ko na din po kung nasaan po ang mga anak namin para maging buo na din po kami, ang pamilya ko? at para malaman ko narin po ang kalagayan ng kambal namin kung safe po ba ang mga anak namin ngayon? Tingin nyo po?." Saad ko dito.

"Magandang disisyon iyan anak. Mabuti pa nga gawin mo iyan mukha kasing manhid ang alaga ko at ni hindi man lang napapansin ang unti unti pag lobo ng puson mo." Saad nito saakin.

"Sige po nanay bukas na bukas po sasabihin ko na po sa kanya." Nakangiting saad ko dito. Excited sa maaaring magiging reaction ni kevin para sa magandang balitang sasabihin ko.

"Oh siya tapos ka na ba? Kung tapos ka na pumanik ka na sa kwarto at mag pahinga masama sa buntis ang nag pupuyat iwan mo nalang dyan yang pinag kainan mo uugasan ko matapos kong linisin ito." Bakas sa mukha nito ang saya dahil sa sinabi ko.

"Sige po nanay salamat po and goodnight po." Masiglang saad ko dito bago ako nag lakad papunta sa hagdanan upang pumanik nakita ko lang itong nakangiting tungo bago itunutok ang paningin sa pag lilinis ng mga kinalat kong pagkain.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.