HIDING FROM MY HEARTLESS HUSBAND Chapter 4

Rachell POV

"Rachell umuwe na tayo, ihahatid na kita lasing ka na e." Nagaw ni franz ang pang limang bote ng alak na dapat na iinumin ko.

"Hindi pa ako lashing." Sagot ko dito syaka akmang aagawin kong muli ang bote ng alak na halos nakalahate ko na kakatungga. Inilayo nito kagad ang bote saakin ng akma ko iong kukunin mula sa kanya.

Heto ang unang beses na uminom ako ng alak dahil lang nasaktan ako ng todo sa lalaking umasa akong ngayon kasal na kami ay mamahalin din ako, pero nag kamali ako dahil kahit anong gawin ko hindi ko mapapalitan ang babaeng una at baka huli nang babaeng mag papatibok ng puso ng lalaking mahal ko.

"Anong hindi ka pa lasing? lasing ka na, kaya iuuwe na kita." Saad pa nito syaka ako akmang tutulungan sa pag tayo.

"Shandali!" Pigil ko pa dito pero naalalayan na ako nito paalis sa bar na pinuntahan namin, ni hindi ko nga alam ang pangalan ng bar na ito o kung saan lupalop ng pilipinas ang bar na pinuntahan namin, basta sumama nalang ako kay franz. May tiwala naman kasi ako sa kaibigan ko kaya go lang siguro dahil na din sa sakit nararamdaman ko kaya naisipan kong uminom.

Ganito pala kasakit pag nabigo ka sa pag ibig lalo na kung ito ang unang heartbreak mo. Manang-manang ako noon, pero nag bago ako para lang magustuhan niya ako. Kasi yun yung tipo niya yung maganda, tapos sexy pa, pero bakit ganun maganda na ako at sexy pero hanggang ngayon para pa din akong hangin para sa kanya.

"Franz..." Bulong na tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko matapos ang mahabang katahimikan na namayani sa loob ng sasakyan nito. Sa sobrang kawalan ko sa sarili at hindi ko manlang namalayan na nandito na kami sa tapat ng bahay namin mag asawa.

"Ano?" Tanong nito saakin habang inaalalayan ako sa pag labas ng sasakyan nito.

"Panget ba ako? hindi ba ako sexy? Hindi ba ako ka mahal-mahal? Hindi ba ako worth it mahalin?"Bulong na tanong ko dito habang seryosong nakatitig sa mga mata nito.

"Kung ano-ano nang sinasabi mo. Mabuti pa mag doorbell na ako para pag buksan tayo ng yaya nyo o guard nyo o ng asawa mo para makapag pahinga kana." Sagot nito saakin habang hindi tumitingin sa mga mata ko at sa bahay lamang nakatingin, tinitignan kung may tao ba o wala dahil kita sa labas ng bahay ang mga patay na ilaw.

Malamang si manang nanaman ang natira sa loob at si Kevin... Wala nanaman Kaya asa pa akong lalabas dyan ang asawa ko para pag buksan kami ng gate at pinto at lalo na ang pagalitan ako dahil sa pag inom ko. Malamang kasama ito ng babae niya!

Nakita ko ang pag iling ni franz ng marinig nito ang mahinang pag hagikgik ko at ang pag iyak ko nanaman matapos humalaklak.

"Franz... Ang sakit! Ang sakit sakit." Hagulgol ko sa balikat nito. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay nito sa likod ko para I-comport ako.

"I know." Bulong nito inangat ko ang ulo ko at agad na tinignan ko ang mukha nito habang nakakunot ang noo.

Nakakapag taka lang kasi never pa naman ito nag ka girlfriend e kahit crush nga ay Wala. Kaya nga palagi ko itong inaasar na bakla noon.

"Paano mo malalaman e Hindi ka pa naman nag mahal Ng todo at nasaktan, ni wala ka ngang naging fling Kaya paano mo nasasabi yan? " tanong ko dito.

"Yun ang akala mo, nag mahal na rin ako at hanggang ngayon nasasaktan pa din ako kasi nasasaktan sya sa lalaking pinili niya." Makahulugang sagot nito saakin habang nakatitig ng seryoso sa mga mata ko.

"Sino? Bakit hindi ko alam yan? Nakakatampo ka sampong taon na tayong mag kaibigan pero ang hilig mo pa din mag lihim saakin."

Tampo ko dito inirapan ko pa ito na ikinatawa nito ng bahagya kaya mas lalo akong sumimangot inipit naman nito ang ilong ko sa ginawa kong pag irap dito.

"Hindi ako nag lihim, ilang beses ko nang sinabi sayo pero ginagawa mo lang biro." Saad nito saakin syaka nito pinindot ang doorbell.

"Parang wala naman akong naaalala ahh." Bulong ko sa kawalan muntik pa akong matumba ng pilitin kong kumalas sa pag kakahawak nito. Kaya agad na inagapan nito ang pag bagsak ko natawa pa ako nang pagalitan ako nito dahil sa ginawa ko.

"Ang swerte ng babaeng tinutukoy mo, sana ikaw nalang ang minahal ko baka sakaling hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.” Maya-maya ay bulong ko dito. Na ikinatigil nito matagal na katahimikan ang namayami saamin dalawa dahil sa mga

lumalabas sa bibig ko. Lasing na nga ako, natawa pa ako dahil sa pag katahimik nito nawala lang ang mga ngiti sa labi ko nang unti unting lumapit ang mukha nito sa mukha ko konti nalang ay mag lalapat na ang aming mga labi.

"Franz!" Sigaw ko sa pangalan ni franz ng bigla itong mawala sa harapan ko. Dadaluhan ko sana ito sa lapag upang itayo at alalayan. Kaso may palad nang napaka higpit na humawak saaking pala-pulsuhan ng mahigpit kaya hindi ako nakalapit kay franz. Nawala yata ang pag kalasing ko dahil sa nangyaring biglang pag suntok ni kevin kay franz.

"Kevin? Bakit sinuntok mo si franz?" Tanong ko sa magaling kong asawa. Himala at nandito na sya ng ganitong oras.

"Nag tanong ka pa! Bakit hinahayaan mong halikan ka ng lalaking yan sa tapat pa talaga ng pamamahay natin ah!" Balik na sigaw nito kita ko sa mga mata at panga nito ang galit na nararamdaman nito.

"E ano ngayon kng halikan niya ako ah? Wala ka naman pake d--."walang emotion tanong ko dito.

"May pake ako dahil asawa kita!" Pigil nito sa mga sasabihin ko.

"Yeah right asawa mo ako! Pero sa papel lang yun remember? Kapiraso ng papel na alam ko in the future mapuputol kapag nakuha mo na ang mana mo." Balik na sagot ko dito. Nasaktan ako sa huling sinabi ko pero hindi ko pwedeng ipahalata ang mahinang ako.

Lumamlam ang tingin nito saakin, pero hindi nito sinagot ang sinabi ko at hinarap nito si franz at pinag bantaan na kung hindi ito aalis ay tatawag na sya ng pulis.

Kaya walang magawang pumayag nalang akong umalis si franz ayaw pa sana nitong umalis pero wala na itong nagawa kundi ang umalis.

Agad akong pumasok sa loob ng makaalis ang sasakyan ni franz sa tapat ng bahay namin.

"Rachell!" Tawag ni kevin sa pangalan ko pero hindi ko ito nilingon at may pag iingat na pumasok ako sa loob ng bahay.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang kasalanan mo kaya wag mo akong tatalikuran." Saad nito syaka ko naramdaman ang pag hila nito sa braso ko napangiwi pa ako ng bahagya dahil sa pag kahigpit ng pag kakahawak nito sa braso ko.

Hindi ko pinakita dito ang sakit na naramdaman ko dahil sa pag hawak nito sa braso ko bagkus tinitigan ko ito ng blangko at tila walang emotion, nakita ko ang pag galaw ng panga nito dahil sa ginawa ko.

"Bakit umalis ka ng bahay ng hindi manlang nag papaalam saakin and worst sumama ka pa sa lalaking yun para lang uminom at may balak ka pa yatang pumayag na mag pahalik sa labi kung hindi pa ako dumating." Gumagalaw ang pangang tanong nito saakin.

"Non of your business, pwede ba kevin wag kang mag panggap na may pake ka saakin lalo pa't wala tayo sa harap ng mga magulang natin. Tigilan mo yan dahil hindi bagay sayo, let me go! Matutulog na ako." Walang emotion sagot ko dito. Syaka ko hinila ang braso kong hawak nito para makapag patuloy ako sa pag lalakad paakyat sa kwarto ko at para makatulog na ako.

Yes, kwarto ko lang siya din naman ang nag sabing hindi niya gugustuhin makasama at makatabi ang babaeng katulad ko.

Nawala ako sa sarili ng bigla nitong hilahin ang braso ko pabalik sa pwesto kung saan ako nakatayo at pasandal sa pader na pumapagitan saaming dalawa. Nag tangka ako sa pag alis mula sa pag kakasandal ko nang iharang nito ang buong katawan sa daraanan at pabalang na kinuha ang dalawang kamay ko at mahigpit na hinawakan nito ang dalawang kamay ko sa itaas ng ulo ko, ang katawan nito ay nakadagan sa katawan ko at ang isang kamay nito ay nakahawak sa bewang ko. Pinilit kong makakawala mula sa gapos nito, pero mas dinaganan lamang ako nito tat ila ayaw akong pakawalan.

"Bitiwan mo ako kevin! ano ba?!" Kunot noong saad ko dito habang pinipilit na makakawala mula sa mahigpit na gapos nito. Pero dahil naka inom nga ako ay hindi ko manlang ito maitulak dagdag pang napaka lakas nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa biglang pag halik nito sa labi ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni kevin at hinahalikan ako nito samantalang ayaw na ayaw nito ang madikit ang balat ko sa balat niya tapos ngayon hinahalikan niya ako!

“Wake up Rachell nanaginip ka lang.” Bulong ko sa sarili. Pilit sinasabi sa sarili na isa lamang itong panaginip.

Nung una ay hindi ako pumalag dahil sa pag kagulat na naramdaman ko pero kalaunan ay nanlaban na ako ng maramdaman kong palalim na ng palalim ang pag halik ni kevin saakin at ang kamay nitong nasa bewang ko ay marahan nang humihimas at humahaplos saaking balakang hanggang bewang paakat sa gilid ng aking dibdib.

" hmmmm." Palag ko dito habang sinusubukan kong makakawala mula sa mahigpit nitong pag kakahawak sa dalawang kamay ko at para maitulak ko ito palayo pero sadyang napaka lakas nito dahil hindi manlang lumuwag ang pag kakahawak nito saakin.

Sinubukan kong sipain ang gitnang bahagi ng pagitang ng hita ni kevin pero napaka agap ng mga binti nito at bilis na inipit ng mga tuhod ni kevin ang aking hita sa pagitan ng mga hita nito habang patuloy na hinahalikan ako ng palalim ng palalim.

Gusto kong mag salita pero hindi ko magawa dahil sa labi nitong patuloy na humahalik saakin ng pakamarahas.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.