Rachell POV
Matapos mawala ang kunting hilo na nararamdaman ko kanina matapos mag suka ay agad akong dumiretsyo sa lababo ng cr ko kung saan may salamin.
Magulo ang buhok, walang kahit na anong kolerete sa mukha, at ang kulay ng balat kong puti na ngayon ay namumutla na sa tuwing nakakaramdam ako ng hilo. Sa madaling salita mukha na akong hagard, mukha akong may dose dosenang anak na inaalagaan kaya hindi na nakapag ayos ng sarili kahit na ang totoo ay wala pa akong anak kahit isa.
Hindi ganito ang dating Rachell Asteria Santos na ako, simple lang pero pala ayos, kahit sa maliliit na bagay ay masaya na ako, nagiging masaya na ako. Ganito ako noon bago ako nag paka baliw sa pag mamahal ng lalaking kahit kailan hindi ako minahal. Masayahin akong tao bago ako maging isang Mrs. Riego, ni hindi ko na kilala ang sarili ko ngayon mag mula ng piliin kong mag pakasal kay Kevin para sa papa ko.
FLASHBACK
" Papa pinag alala mo po ako, akala ko mawawala ka na saakin." Mangiyak ngiyak kong saad sa ama kong kagigising lamang mula sa pag kakatulog.
Narito kasi kami sa hospital kung saan ito sinugod ng atakihin ito ng high blood.
"Anak matagal pa akong mamamatay at kapag dumating ang oras ko ang gusto ko may apo na ako sayo at ang gusto ko nakapangasawa ka na." May ngiti sa labing Saad nito tila walang iniindang sakit.
"Dun sa lalaking para sayo talaga at aalagaan ka para pag wala na ako kampante akong nasa mabuting kamay ka." Dagdag sagot nito habang tinatapik tapik nito ng mahina at magaan ang likod ng palad kong nakahawak sa isang kamay nito.
"Papa talaga, wag po kayong nag iisip ng ganyan at syaka bata pa po ako hindi pa ako tapos sa college para isipin ang pag aasawa tapos gusto mo pa mag kaapo kana saakin agad. Tama nang ikaw na muna ang alagaan ko-." Balik sagot Ko dito.
"Aba syempre nag iisang anak lang kita at hindi na ako bumabata para hintayin ka pang makapag asawa kapag nakatapos ka na at ang pag mamanage mo ng kumpanya ay hayaan mo na saakin kaya ko pa naman magtrabaho." Balik muling sagot Nito saakin.
“Papa sayo na din nang galing tumatanda ka na kaya dapat may papalit na sa pwesto mo para makapag pahinga ka na.”
"Kaya nga anak pumayag kang mag pakasal kay Mr. Riego alam ko na kapag sya ang napangasawa mo mapapanatag ako kasi alam kong hindi ka niya pababayaan at sasaktan." Dagdag pa nito. Muli nitong binanggit ang pag papakasal na naging usapan ng pamilya namin at pamilya ni Kevin at ang pag hindi ko sa kasal na magaganap ang naging dahilan kung bakit narito ang ama ko.
Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko sa ama ko, natatakot akong baka kapag humindi nanaman ako ay maulit nanaman ang kung ano mang nangyari kay papa baka this time tuluyan na syang mawala saakin.
"Pa mabuti pa po mag pahinga ka na po para gumaling na po kayo at makauwe na po tayo sa bahay." Tanging naging sagot ko sa ama kong nag hihintay ng sagot ko. Nakita ko itong napa buntong hinga bago tumango at ngumiti syaka ito nahiga muli at pumikit ang mga mata.
Ilang oras na akong nakatitig lang kay papa at ang tanging nasa isip ko lang ay ang kasal na nais nito.
Gusto kong mag pakasal kay Kevin yun ang totoo pero hindi ko maiwasan hindi makonsensya kapag naiisip ko yun, alam ko kasi na hindi ako mahal ni kevin at hindi ako gugustuhin maging asawa nito.
Alam ko yun, matagal na dahil may iba itong mahal na hanggang ngayon hinihintay niya pa din at hindi ko maiwasan ma konsensya sa tuwing naiisip kong magiging asawa ko si kevin tapos magiging masaya ako dahil naging akin sya tapos si kevin hindi kasi yung babaeng pinakasalan niya hindi niya mahal.
Ayokong mangyari yun kaya hindi rachell!!!
"Hindi ako mag papakasal sa kanya." Naibulalas ko habang nakatingin pa din ako sa ama ko patuloy na natutulog ng napaka himbing.
"why is it so difficult for you to marry me?" Boses mula sa likod ko ang nakapag balik saakin sa realidad.
Nakita ko mula sa pintuan si kevin seryoso itong naka sandal doon habang mataman akong tinititigan. Ang mga kamay nito ay nasa mag kabilang bulsa ng suot nitong pans.
Wala sa sariling napatayo ako mula sa pag kakaupo ko ng makita ko ito dun. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng kaba? Takot? Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.
Hindi ito ang unang beses nang makaramdam ako ng ganito sa tuwing nandyan sya, sa tuwing nasa malapit ko sya, sa tuwing kaharap ko sya. Ako nga ang kusang lumalayo sa kanya makaiwas lang sa gulo tapos ito biglang gusto niya akong pakasalan sa hindi ko malamang dahilan.
"Bakit ba gusto mong makasal tayo? Ano bang makukuha mo pag nag pakasal ako sayo?"Tapang-tapangan kong tanong dito. Pilit na tinatago ang kabang nararamdaman ko sa tuwing nandyan sya.
"I'm the first one to ask you a question, so answer my question why it's so hard for you to marry me?" Seryosong saad nito. Ni hindi nito pinansin ang tanong ko.
Ano bang dapat kong sagutin sa tanong niya?
Bakit nga ba?
Mahal ko naman sya pero hindi naman ako ganun na makasarele na ang sariling kaligayahan lang iniisip. Sabihin na natin na pumayag nga ako sa kasal kuno na yan pero ang tanong magiging masaya ba kaming dalawa pag naging mag asawa na Kami? At lalong ayokong lumabas na nang agaw no, hindi porket wala dito yung babaeng mahal niya papayag na sya sa arrange marriage na yan.
"K-kasi..." Kita ko sa mukha nito na hinitay niya ang sagot ko.
"Kasi may iba na akong mahal at ayokong mag pakasal sa lalaking hindi ko naman mahal." Ewan ko kung anong sinasabi ko. Gaga nga siguro ako iba ang sinabi ko kahit na ang totoo patay na patay pa din ako sa kanya. Nakita ko ang pag igting ng panga nito.
Bakit? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan?
"Oh kevin bakit hindi ka pumasok sa loob gising na ba ang tito rodulfo mo?" Tanong ng pamilyar na boses mula sa labas ng pinto. Walang iba kundi ang step mom ko.
Hindi inaalis ang paningin na sinagot ni Kevin ang step mom ko habang nakatingin saakin " tulog pa po si tito, siguro ho babalik nalang po ako mamaya para makausap sya may mga bagay kaming dapat pag usapan pag gising niya." Makahulugang saad nito habang nakatigtig parin saakin ito ng mataman.
"Ganun ba sige ikaw bahala." Abot langit na ngiti ng step mom ko dito.
Pag katapos ay pumasok na ito sa loob syaka lumapit saakin at tinanong ako kung kumain na ba ako plus tinawag ako nitong anak. Kahit kailan talaga napaka plastic ng step mom ko. Ang galing niyang mag panggap sa ibang tao kahit na ang totoo ayaw nito saakin at ginagawa ako nitong katulong sa tuwing mag business trip si daddy sa ibang bansa at mag tatanggal ito dun ng ilang linggo.
" Sige po mauna na po ako." Paalam ni kevin bago ito nag lakad palabas ay tinitigan pa ako nito. Hindi ko alam kung anong meron sa titig niya at kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon mataman itong nakatitig saakin.
"Tanga talagang babae ka dahil sayo kaya nandito ang papa mo kung wala dito ang papa mo edi sana wala ako dito nasa mga kumare ko dapat ako nag papakasaya at nag susugal. Mag papakasal ka nalang napaka arte mo pa pasalamat ka nga mayaman yang kevin na yan para mas dumami ang pera natin. Kung bata bata lang ako na tulad mo hindi na ako aarte pa aba kahit saan kahit ngayon pa yan pakakasalan ko yang kevin na yan. Paalala ko lang sayo Rachell unti unti nang nalulugi ang kumpanya ng papa mo kung hindi dahil sa mga Riego hindi yun aahon. Utak pairalin mo wag kang tanga!" Saad ng madrasta ko saakin matapos nitong hilahin ang braso ko at ihagis kaya napaupo akong muli sa sofa dahil sa pag tulad nito.
"Tumabi ka dyan uupo ako." Pabalibag muli akong pinaalis nito sa sofa syaka ito naupo na parang princessa matapos akong ma paalis nito dun. Napabuntong hininga nalang ako syaka ako nag lakad palabas.
Bakit kasi kailangan mangyari yun? Bago dumating ang madrasta ko sa buhay naming mag ama ay maayos naman ang buhay namin, ni katiting na pera sa kumpanya ay walang nawawala. Kung meron man ay agad itong na ibabalik at hindi umaabot sa puntong malulugi na ito ng tuluyan. Bakit kasi kailangan sila kevin pa ang tumulung saamin?
KRING!!!!!!!
"Haytsss sawakas breaktime na nagugutom na talaga ako." Saad ni nica nag unat pa ito mula sa upuan kinauupuan nito matapos ay hinamas nito ang kumakalam na sikmura.
"Palagi ka naman gutom e kaya walang nag kakagusto sayo e kasi kain ka ng kain taba mo na tuloy." Saad ni joselyn kay nica habang nililigpit nito ang mga notebook at librong amin ginamit sa last subject.
Sumimangot ang mukha ni nica dahil sa sinabi ni joselyn " Eh ang sarap kaya kumain ng kumain syaka hindi ko naman kailangan ng lalaki sa buhay ko ang gusto ko kapag nag ka boyfriend ako yung tanggap kung ano ako at kung ano yung mga nakasanayan ko na gawin ngayon at for your information marami kayang matataba ang nag kaka boyfriend kahit ganun ang itsura ng katawan nila." Balik sagot nito.
"Kahit na, kahit naman mataba ka at may magka gusto sayo alam ko na hahanap at hahanap pa rin ng mas sexy kesa sayo yang mga lalaki na yan, lalaki pa din Sila girl may pangangailangan." Balik sagot din ni joselyn dito.
"Tama na nga yan ba kung saan pa mapunta yang pinag aawayan nyo." Awat ko sa dalawa. Matapos makapag ayos ng gamit at nilapitan ko na ang dalawa. Nakita kong nag irapan pa ang dalawa bago ako makalapit sa kanila. Napailing nalang ako sa nakita ko, alam ko naman na ganyan lang sila sa isa't isa. Pero maya-maya ay mag kakasundo muli ang dalawang to.
"Sasabay ka ba saamin kumain?" Tanong ni joselyn maya-maya saakin habang nag lalakad kami sa koridor ng building na pinapasukan namin.
Mag sasalita sana ako nang sumingit si nica "Tingon ko hindi natin ulit makakasabay si rachell kumain." Saad nito na kinakunot noo ko. kunot ang noong tinignan ko ito.
"Ah? Bakit?" Takang tanong naman ni joselyn dito.
Nakangusong may tinuro ito sa harapan namin " hi girls." Kunot noong tinignan ko ang kung sino mang lalaki sa harapan namin. Ngunit nawala ito ng mapag tanto ko kung sino ito. "Hi fafa franz." Pabebeng pag bati ni jeselyn kay franz
"Napaka landi mo talaga." Saad ni nica matapos batukan si joselyn.
"Aray ahh napaka sadista mo talaga hindi ba pwedeng binabati ko lang si franz kasi binati niya tayo syaka tignan mo naman yung ngiti niya oh. Maka laglag panti te." Balik sagot ni joselyn dito.
"Oh e ano ngayon kung makalaglag panti? Paalala ko lang sayo te kahit maganda at sexy ka hindi ka magiging bet nyan may ibang bet yan. Ayan oh matutunaw na sa kakatitig." Sagot no nica dito syaka kami tinuro ni franz natawa nalang ako sa dalawa.
"Hoy franz matutunaw na bestfriend namin kakatitig mo!" Dagdag pa nito.
Nahihiyang napakamot naman si franz sa batok dahil sa sinabi ni nica. " nica, joselyn tigilan nyo nga kami ng bestfriend ko ang dumi nanaman ng utak nyo." Saad ko sa dalawa.
"Pasensya ka na ahh franz. Ano nga palang kailangan mo?" Baling ko kay franz. Mag kaibang building kasi kami ni franz ng pinapasukan kaya nakakapag takang nandito nanaman ito.
"Ok lang yun, Mmm... Yayain sana kita ulit kumain sa labas? Libre ko." Nakangiting saad nito.
Mag sasalita na sana ako ng may sumingit " Hindi sya pwede." Seryoso at maotiridad na saad ng kung sino tao sa likod namin nila nica.
Nawala yung ngiti sa labi ko ng makita at papag tanto ko kung sino ang may ari ng boses na yun.
Agad na hinila nito ang isang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit nag patangay ako bumalik lang ako sa realidad ng may isang kamay nanaman ang pumigil sa isang kamay ko pa " let her go." Nag babantang saad ni franz kay kevin parehong nag susukatan ng mabibigat na tingin at wala yatang gustong mag patalo sa dalawa.