Rachell POV
"Haba ng hair pinag agawan ng two boy's."may kakaibang ngiti sa mukhang saad ni joselyn habang sinusuklayan nito ang buhok ko na hindi naman ganun kahaba pero kung makasuklay to akala mo mala rapunzel ang buhok ko sa haba.
Iiling na tignan ko nalang ito. Nandito kami ngayong mag ka kaibigan sa may hospital kung saan naka confine pa rin ang ama ko. Pinili kong dito dumiretsyo matapos i announce kanina na may meeting ang mga guro namin at pinili ko din wag sumama ni isa sa kanila franz o kevin kanina para walang away.
Dahil panigurado akong mas malaking gulo kung pipiliin kong sumama kay franz o kay kevin. Alam kong parehas silang may minahal na alam ko naman na mahal ni kevin si arinne at alam kong ang pag papakasal ni kevin saakin ang dahilan kung bakit sila nasisira at mas masisira ito kung sakali mang pumayag ako sa kasunduan nila ng aking ama.
Ganun din ang kay franz ayokong makagulo sa kung ano mang meron sila ni kristal kahit hindi aminin ni kevin alam kong mahal niya si kristal. Maitatago niya ito sa iba at kanyang sarili pero saakin hindi medyo matagal ko na din syang kaibigan kaya alam ko kung sino talaga ang laman ng puso niya.
"Paki abot nga yung gunting?" Pakiusap ni nica na nakapag balik saakin diwa.
Nag tatakang tinignan ko ito pati din si joselyn ay may pag tatakang tingin dito. Wala na pala ito sa likod ko at nasa sofa na at nakaupo dun. "Ha? Bakit anong gagawin mo sa gunting?" Tanong ni nica kay joselyn.
"Puputulan ko lang ang buhok buhok mo rachell tapos gagawin kong wig. Alam mo na ipang hahalina ko sa bebe ko para naman mapansin na niya ako." Saad nito habang may kakaibang ngiti sa labi na parang nag i-imagine.
Natatawang inilingan ko nalang ito.
Agad na binato ito ni nica ng unan sa sofang kinauupuan matapos marinig ang sinabi ng kaibigan. "Gaga asa ka pang magugustuhan at papansinin ka ng fuckboy na yun. Suntok sa buwan yang pangarap mo girl kaya tigilan mo na yan. Ang dapat na ginagawa mo ay mag hintay hanggang sa dumating talaga yung lalaki na para sayo, yung hindi ka iiwan, at sasaktan yun dapat ang hinihintay mo hindi ang fuckboy na yun na walang ibang ginawa kundi gawin parang damit ang babae sa tuwing gusto niyang mag palit ng bago." Mahabang paliwanag ni nica kay joselyn.
"Grabe ka naman masama bang mangarap? Syaka hindi naman magiging ganun yung bebe ko kung hindi sya naloko e at syaka alam ko naman at tanggap ko naman na kahit araw araw pa akong managip at pangarapin si lancer ay hindi sya mapapasaakin dahil hindi ako ang babaeng gusto niya kahit pa nangiwan ang babaeng yun sobrang minahal niya naman.” Bakas sa tono ng boses ni joselyn ang sakit at lungkot na nararamdaman niya.
Tapos ang lahat ng sinabi ni joselyn saakin dahil tulad niya hindi din ako mahal ng lalaking mahal ko.
Agad na umamo ang mukha ni nica at nilapitan ni joselyn upang damayan ito at yakapin. "Tigil na nga natin to mabuti pa bibili nalang kami ng makakain natin kesa mag drama ako dito tungkol sa sawi kong puso hahaha." Saad nito syaka tumayo at pinahid ang mga luha nitong tumulo mula sa malungkot niyang mga mata kahit nakangiti sya.
"Mabuti pa nga." Sangayon ni nica dito syaka sila nag paalam saakin at lumabas sa kwarto para bumili ng makakain.
Matagal naging tahimik ang paligid ko simula ng lumabas sila nica para bumili ng pag kain. Naiwan akong nag iisp kung bakit gustong gusto ni Kevin na mag pakasal kami samantalang nandyan naman si arinne na pwedeng pwede niyang yayain ng kasal at sigurado naman akong mahal niya. Naiintindihan ko naman na para sa kapakanan ng kumpaya namin ang pag papakasal namin pero bakit kailangan sila pa ang tumulong saamin. Bakit ang pamilya pa ng lalaking mahal ko pero alam kong kahit kailan hindi ako mamahalin ang tumutulong sa pamilya ko.
"Si franz ba ang tinutukoy mong mahal mo kaya ayaw mong mag pakasal saakin?" Tanong ng kung sinong tao sa gilid ko.
Si Kevin.
Bakit ba ang hilig nitong bigla nalang sumulpot sa kung saan saan at natatapat pa talagang palagi akong nag iisa at nag mumuni muni.
"Ano ngayon kung sya ang tinutukoy ko at lalong wala ka nang pakielam tungkol sa bagay na yun." Matapang na sagot ko dito. Hindi ko pinakitang nang hihina nanaman ang tuhod ko at bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko sa tuwing nandyan sya.
Agad na nandilim ang mukha nito sa narinig at ang panga nito ay tila gumagalaw dahil sa galit?
Wait galit? Para saan? Bakit?
Hindi ko nalang pinansin ang kung ano mang nakita ko at pinag sa walang bahala ko nalang ito " tutal nandito ka na din at mukhang may pag uusapan nanaman kayo ng ama ko. Ikaw na muna ang mag bantay sa ama ko pupuntahan ko lang yung mga kaibigan ko sa canteen sa baba. Hintayun mo nalang na magising si papa." Bumuntong hininga muna ako bago tumayo at nag lakad papunta sa likod nito kung nasaan ang pinto palabas.
Hindi ko na pag handaan ang biglang pag hila saakin ni kevin at pagsandal sa pader malapit sa pinto at ang pag dagan ng katawan nito sa katawan ko.
"Wala akong pake kung mahal mo ang lalaking yun." May diin sa bawat salitang binibigkas nito at mataman lamang itong naka titig saakin na hindi ko alam pero lahat ng tapang ko nabura dahil sa sobrang lapit niya saakin at natatakot ako na baka marinig niya ang napaka bilis na pag tibok ng puso ko para sa kanya.
"Lo siento bebé pero eres mía, solo mio mi amor." May kakaibang ngisi ang nakapaskil sa labi nito habang binibigkas niya ang mga salitang yun na nag pakunot ng noo ko.
Anong ibig sabihin ng sinabi nito? Pinag sasalitaan ba ako ni kevin ng masama at sa ibang lengwahe niya lang pinadaan?
"Anong ibig sabihin ng sinasabi mo? Minumura mo ba ako?" Taas kilay na tanong ko dito matapos ko itong matulak palayo saakin.
Bahagyang natawa ito pero maya maya din ay tumigil na ito sa pag tawa pero kita ko pa din sa mukha nito ang pag ka mangha at saya " Hindi kita minumura sinasabi ko lang na kahit umayaw ka sa kasal natin ay wala kang magagawa dahil kung ipipilit mo ang gusto mo lalo lamang mag kakasakit ang ama mo dahil sayo plus the fact na tutulungan pa kayo ng pamilya ko para maiahon ang kumpanya nyong unti unti nang nalulugi then after natin makasal makukuha ko na ang mana ko." Saad nito napatingin ako sa ama kong nakahilata pa din at patuloy na nag papa galing at kay Kevin. Habang may pangangambang nakapaskil sa mukha ko.
END OF FLASHBACK
"Lo siento bebé, pero eres mía, solo mio mi amor." that means
“I'm sorry baby but you're mine, only mine my love."