"Di ba siya dapat si Miss June? Naalala ko na sabi mo you wanted to talk to my brother. So mate, ano ba ang pinag-usapan niyo ng kapatid ko?!" tanong pa ng kaibigan.
"Sinabi mo ba kay Jim that Stacey did the photo shoot?" malamig na tanong ni Nick.
"Hindi. I wanted him to see for himself pag natanggap na niya ang magazine. I called you para makita ang photo shoot dahil I know you already have a very bad impression of her. So nung malaman ko that she will be featured sa Not Eye Candy, agad kitang tinawagan."
"Good! Keep it that way! Huwag mo ng sabihin." he said sounding relieved.
"Ano ba talaga ang nangyari? Nasaan ang supposed to be June issue where she is the cover and centerfold?" Billy is really very curious.
Nick turned on the shower to test the water's temperature. "Binili kong lahat. And I also paid your brother a huge amount in exchange for the memory card and cd where the photos are stored. Kasama din siyempre yung kopya ng interview." kalmadong sabi niya na para bang bumili lang ng mumurahing gamit.
"WHAT??!!" Why the hell did you do that? Mate! Aanhin mo ang mga yun?" gulat na gulat na tanong ng kaibigan.
Nailing si Billy. He can't even imagine kung gaano kalaki ang binayad ni Nick .Hindi ganun kadaling humanap agad ng ipapalit na modelo.
Nick didn't speak for a while. Biglang may naisip si Billy.
"Mate..hindi kaya ginawa mo yun to protect Heather's family? Seryoso na ba yan? I have seen the way she acts pag magkasama kayo." tukso ni Billy.
Nick chuckled. Mas maganda ng ganun na lang muna ang isipin ng kaibigan.
"Basta keep it to yourself okay? Don't tell anyone. Sige na." he said before hanging up.
Kakalabas pa lang niya ng banyo, his lower torso is only covered with white briefs when he heard his phone ringing again.
He smiled when he saw it's Stacey.
"Honey?" sagot niya.
"Derick, I saw the bracelet. It's too much! I am giving it back to you next time na mag-meet tayo." she said.
Kumunot ang noo ni Nick. "We already talked about that honey and you are keeping the bracelet! Let's drop the subject!" he coldly said. He brushed his damp hair with his hand in frustration. Sa inis niya lumalabas na naman ang pagiging dominante niya. He can't help it. Hindi siya nagbibigay ng mamahaling regalo sa mga babae. Si Stacey ang una. And now she is making a big deal out of it. He is well off so he can afford to give her expensive things.
"But it's too much! Derick naman eh!" she complained.
"I had that made for you. It's yours." he said coldly.
She sighed.
"Are you ready for bed honey?" pag-iiba ni Nick sa usapan.
His dick reacted ng ma-imagine kung ano ang suot ni Stacey. "What do you have on?" he asked huskily.
Nailing na lang si Stacey. Nakasumpong na naman ang pagka-bipolar ng binata. Kanina parang hari kung magsalita ngayon naman ang landi- landi.
She chewed the inside of her bottom lip before looking at her night wear.
"An oversized white shirt and ...." hindi niya matuloy ang sasabihin.
Nick stopped what he was doing. He was about to put on his boxer shorts. "And what honey?" he asked.
He heard her sighed.
"..a white lacy thong..." halos pabulong na sabi ni Stacey.
Nick's imagination went overtime. "Honey..how I wish that I am with you right now." he groaned.
Stacey hates to admit it but she sort of feel a little frisky. Naisip niya bigla ang ginagawa nila ni Derick pag magkasama sila.
Bwisit na lalake na to! Nakakapag-init ng katawan! she told herself.
"Don't say that! You are such a pervert Derick!" nilakipan niya ng inis ang tono niya and he just chuckled.
He will miss her for two days. Ramdam nito na ang tagal ng Lunes. He will just call her several times during the weekend or pag hindi ito nakatiis, patago nitong susundan.
He smiled when he thought of that. Bakit nga naman hindi?
As Nick, nakaisip na din ito ng dahilan para hindi na kumanta sa bar si Stacey bukas at sa Linggo.
"Sige na. Inaantok na ako." Stacey said before yawning.
"Okay honey..dream of me. If you were with me, I will kiss every inch of your lovely body." he said throatily.
"Derick!" saway niya then hang up.
She touched her face dahil naramdaman niya that she blushed. She could almost hear him chuckling.
As expected, tinanghali na naman siya ng gising kinabukasan. She took a look at the time, 10:30AM. Bigla niyang naalala na ngayon nga pala ang usapan nila ni Tyler. Kahit mabigat ang katawan, bumangon na siya.
I shouldn't make a habit of this.Sa Lunes, I will have a normal job again. Sabi niya sa sarili as she steps in the shower.
She chose to wear a sleeveless gray body fit top and skinny faded jeans at flat shoes. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Tyler so gusto niyang komportable ang suot niya. She tied her hair in a high ponytail. Wala siyang make-up kung hindi lipstick ng Mac na Naked Liner ang kulay. Oh Lola by Marc Jacobs naman ang ginamit niyang pabango. She decided to have a light brunch bago sila umalis. Alam niya na any minute now darating na si Tyler. Medyo napasimangot siya when she saw Heather na nagtitimpla ng juice. She is still in her black sexy sleep shirt. Tumaas ang kilay nito ng makita siya.Tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"May lakad yata ang prinsesa ?" Heather said sarcastically.
Stacey just tried to ignore her. Nawalan na siya ng gana so she decided to just eat banana.
"Malamang niyan gabing-gabi ka na namang uuwi." komento pa nito habang masamang nakatingin sa kanya.
Stacey sighed. "Really Heather! You are too young to sound like our mother. Wala dito ang nobyo mo so cut out your show of concern for me,okay?" sabi niya bago uminom ng tubig.
"Bitch!" galit na sabi ni Heather.
"Ate gandaaaaa!!" tili ni Amy.
"AMY! ! Can't you stop doing that? You sound like a fire truck for goodness' sake! Nakakabingi ka!" inis na sabi ni Heather.
Tinignan lang ito ni Amy bago kunway pumormal ang hitsura.
"Ate ganda! Andiyan na sa labas si Sergio!" kilig na sabi nito. "Labas ka na ate. Babalik na ako sa garahe para ituloy ang paglilinis sa kotse ni mam Heather." sabi nito bago padabog na lumabas ulit ng kusina.
"DUH! Ano yan date? Ang aga ha?" Heather let out a sarcastic smile.
"Kung naiinggit ka di tawagan mo ang nobyo mong mayabang." pasupladang sabi ni Stacey then walked out of the kitchen.
Tyler is sitting on the sofa ng pumasok siya. When he saw her, he stood up. May dala itong mga bulaklak at big box of chocolate.
Naka green polo shirt ito na may blue sa itaas. Lumapad ang ngiti nito when he saw how pretty she looks.
"Hi. Good morning beautiful!" he said sabay lapit sa kanya at abot ng mga dala nito.
"Hello Tyler. Thanks. Halika upo muna tayo." anyaya niya. She put the flowers and chocolate on her lap.
They sat next to each other. Lihim na napangiti si Stacey. Kung matuturuan niya lang ang puso niya, sasagutin na niya ito. Guwapo, disente at stable ang trabaho. Samantalang kay Derick wala naman siyang kasiguraduhan. Pinilit niyang burahin sa isip ang huli. She is going to be unfair kay Tyler kung ibang lalaki ang laman ng utak niya habang mag-kasama sila.
"So saan tayo pupunta muna? Ang aga pa eh." nakangiting tanong niya.
"Saan mo ba gusto?" malambing na tanong nito as he stares at her.
"How cheesy!" nang-uuyam na sabi ni Heather.
Nailing na lang si Stacey ng makitang medyo nanlaki ang mata ni Tyler ng makita ang suot na pantulog ng kapatid. Pero naka-recover din naman ito sa pagkagulat after a few seconds. Ibinalik nito ang tingin kay Stacey. But she saw na medyo namula ang mukha nito. It seems na ito pa ang napahiya ng makita ang hitsura ng kapatid niya.
Para namang walang kwenta kay Heather kahit napaka-sexy ng suot nito. Hindi talaga nag-abala na mag-robe man lang.
Umupo pa ito sa single sofa na katapat nila and crossed her legs seductively.
"May lahi ka bang Chinese Tyler? Ang aga mong umakyat ng ligaw eh." natatawang sabi nito as she looks at them.
Halata ni Stacey that Tyler feels uncomfortable so tumayo na siya.
"None of your business Heather." inis na sabi niya sa kapatid.
"Let's go Tyler." medyo malambing na sabi niya. Inabot pa niya ang kamay dito. Hawak niya sa kabila niyang kamay ang mga binigay nito. Ipapapasok na lang niya kay Amy sa kwarto niya.
He smiled bago tumayo. He took hold of her hand. "Gusto ko lang na mas matagal makasama ang kapatid mo Heather." nakangiting sabi nito.
Padabog na tumayo din si Heather. "Well have fun kids! Don't do anything that you shouldn't be doing without any protection." She said sarcastically. Nailing na lang si Stacey. Lalabas na sila ni Tyler sa front door when they heard the shrill voice of Amy again.
Napatingin silang tatlo sa nakabukas na front door.
Bigla itong sumulpot sa pintuan, "Ate gandaaaaa! May naghahanap ulit sayo!" kilig na sabi nito
Parang napako sa kinatatayuan si Stacey ng makitang kasunod nito si Nick Alcantara. He has a grim expression and ang sama ng tingin sa kanila ni Tyler. Pero somehow guwapo pa din ito.
Fucking hell! Mahinang mura ni Nick when he saw Stacey with another man.Magka-hawak kamay pa ang mga ito at mukhang paalis. He felt heat slowly came up his neck to his ears.