His Lovely Obsession (Filipino) Chapter 23

(Nick)

He wants to curse. He now wants to believe that bad luck comes in threes!

"Lovey!" gulat na lumapit si Heather dito. "What happened to you?" worried na tanong nito.

Iniiwas ni Nick ang mukha when she attempted to touch his jaw. May wound dressing siya cause apparently one of the women na naka-one night stand niya before, may nobyo pala. He wanted to have coffee in a famous coffee shop kanina but he was caught unaware ng pagbaba niya ng kotse sinugod siya ng lalake. The asshole used a brass knuckle sa pagsuntok sa kanya.

Nang makabawi siya, ito naman ang binanatan niya. Mas malala ang injury nito. Hindi na siya nagreklamo against him dahil halos malumpo naman niya ito. Sigurado siya na mananahimik na ito after what he had done to him. Pero bad trip pa din siya dahil ang sakit ng panga niya. Ewan niya kung ano ang trip ng babaeng yun umamin daw na may nangyari sa kanila and pinapalabas nito na may relasyon pa sila hanggang ngayon.

Tapos ang pangalawang kamalasan niya is nagsumbong pala ang family doctor nila sa mama niya. Ito ang naisipan niyang puntahan para gamutin ang sugat niya sa panga. Ang ending, katakot -takot na sermon ang inabot niya sa telepono bago siya nakarating dito.

Nag-litanya na naman ang ina na tigilan na daw niya ang pagbibilang ng babae at mag-seryoso na siya sa isang babae lang. Pag hindi daw siya tumigil baka hindi lang ganito ang aabutin niya. Huwag daw siyang magmamana sa ama nila. Kung hindi lang daw mahaba ang pasensiya ng mama niya tuluyan na itong nakipag-hiwalay. Buti na lang daw at nasindak niya ang ama nila at ngayon nga tumino na.

Nick had to listen to her ranting again. Ilang beses na niyang narinig ang love story nila ng papa niya. Sabi nga ng papa niya, madalas ang mga babae parang mga historians...magaling sa diskusyon ng mga nakalipas ng pangyayari.Tapos mga archaeologists din kasi ang bilis ungkatin ang nakaraan basta naka-tiyempo.

Okay na sana kasi may good excuse siya na kitain si Stacey imbes na tawagan lang. Because of the wound dressing, halos natatakpan ang buong panga niya so hindi na mahahalata na wala ang stubble niya.

Ang problema, heto yata ang pangatlo sa kamalasan niya ngayon. Hindi ba naman siya makakapagmura sa nakikita niya? Kasama ni Stacey ang gago na kausap nito sa bar at holding hands pa sila. He inhaled deeply to calm himself.Naikuyom din niya ang mga palad niya.

"Lovey?" tanong ulit ni Heather.

"I'm fine. I just had a slight accident." he said coldly.

He forced himself to stop glaring at Stacey and the good-for-nothing asshole she is with. Konting-konti na lang mahahalata na siya. Inilipat niya ang tingin kay Heather who is wearing a very sexy sleepwear. He stopped himself from shaking his head. Kung si Stacey ang nakasuot ng ganito ka-revealing na pantulog at may ibang lalake na nakakakita, he will drag her to the bedroom and fuck her until she's sore.Then he will lock her up for a week para maturuan ng leksiyon.

Pinigilan ni Stacey na mangiti. Mukhang may sumapak kay Mr.Sungit.Kaya pala pagpasok pa lang mukhang galit na.Ang sama ng tingin sa amin ni Tyler.Buti nga.Ang yabang kasi! Bulong niya sa sarili.

Heather grabbed the chance na mahawakan si Nick. She wrapped her arms around his. Kulang na lang halik-halikan nito si Nick sa braso. "Next time mag-iingat ka lovey." Maarteng sabi nito .

Nick has to stop himself from removing her arms from his. Nakatingin sa kanila si Stacey at ang kasama nito. But he will definitely talk to Heather later. Ayaw nitong masyadong umasa ito that he likes her.

Bigla naming nakaramdam ng inis si Stacey. Kung maglandian naman kasi ang mga ito lantaran. She looked at Tyler na tahimik lang na nakatingin sa dalawa. She tugged his hand dahilan para tumingin ito sa kanya. Ayaw na niyang tignan ang paglalampungan na ginagawa ng kapatid niya sa mayabang nitong nobyo.

"Tara na." aya niya sa binata sabay ngumiti siya ng matamis.

Tyler grinned then nodded. Lumakad na sila para lumabas.

Napahinto si Stacey ng hindi man lang tuminag si Nick sa kinatatayuan nito.

"Lovey." tawag ni Heather kay Nick. “Dadaan sila." she said.

No reaction from Nick. Ewan ni Stacey but somehow he looks menacing. Ang sama lalo ng tingin nito kay Tyler then sa kamay nila na magkahawak.

"I have to talk to your sister about work." sabi nito sa matigas na boses without even glancing at Heather. Matalim ang matang nakatingin ito kay Stacey.

Napansin ni Nick na hindi suot ng dalaga ang bracelet. He gritted his teeth. Lalo pang nadagdagan ang galit nito. He, as Derick told her na palagi isusuot ni Stacey ang binigay nito na diamond-studded bracelet.

Kumunot naman ang noo ni Tyler. "Stacey? What work?" tanong nito sa dalaga.

Gustong-gusto na ni Nick na bugbugin ito. Pangatlong beses na nitong nakita ito na kasama si Stacey. Mind control Alcantara...he kept on repeating to himself. Sa kontroladong boses he asked. "Stacey, saan tayo pwedeng mag-usap?"

"Dito na lang lovey. It's about work naman eh." Heather interrupted.

Tinapunan ito ng tingin ni Nick. His eyes are very cold. Mukhang natakot naman si Heather sa expression nito.

"You two can talk in the garden. Hihintayin na lang namin kayo dito." she suddenly said sabay bitaw ng braso nito. Lumayo pa ito ng kaunti. Naisip nito na mukhang bad trip pa si Nick sa aksidenteng nangyari, ayaw nitong magalit ito sa kanya.

Napansin din ni Stacey na mukhang mainit pa ang ulo nito. He looks ready to kill someone. Baka hindi nakabawi sa sumapak sa kanya. She thought.

"Sandali lang ito Tyler. Kung gusto mo hintayin mo na ako sa kotse."she suggested.

Gusto pa sanang umangal ng binata pero she touched his arm. Parang sinasabi niya na mamaya na lang siya magpapaliwanag.

Ramdam ni Nick na sasabog na talaga ito sa galit . FUCKING HELL! Ito ang dating boss ni Stacey? He asked himself.

Bago pa ito tuluyang magwala, tumalikod na ito and said sa malamig na malamig na boses, " Let's go Stacey."

Binilisan niya ang lakad papunta sa garden. Gigil na gigil na nahilamos nito ang mukha ng kamay bago malutong na nagmura ng paulit-ulit. At this point talagang gustong-gusto na nitong manakit at magwala buy he has to bottle up all his anger dahil any moment now susunod na si Stacey.

"Fucking hell!” he cursed. Sinabunutan nito ang sarili. Mas mahirap pa pala sa inakala nito ang pagdadaanan nito because of his plans.

He has to think of ways to get rid of Tyler. Ubos na ang pasensiya nito sa dating boss ni Stacey.

"Can't you wait until Monday?" inis na tanong ng dalaga who just reached the garden.

Napaatras siya ng lumingon si Nick sa kanya. Galit na galit ang hitsura nito. He just stared at her while he breathes heavily. Nakaramdam ng takot ang dalaga.

Sa mas mababang boses ,"A-Ano ba ang pag-uusapan natin?" tanong niya.

Pasimple siyang nagbaba ng tingin. She can't stand his angry stare. Ano ba naman ang lalaking ito? Porke bad trip siya, ibubunton sa lahat ang galit? Paano naman sa trabaho? Ganito din ba? she asked herself.

"Since you will work for me, I strongly advise na sabihan mo ang mga lalake na umaaligid sayo na bawal kang puntahan sa opisina." he chillingly said.

Napaawang ang bibig ni Stacey. "W-What? Ano naman ang koneksiyon nun sa performance ko sa trabaho?" takang tanong niya.

At talagang mga lalake ang sinabi.Para namang ang dami! komento niya sa sarili niya.

Dahan-dahan itong lumapit and Stacey wants to step back but parang walang lakas ang mga paa niya. She just stared at him. Maybe they are just a few inches away from each other. Since naka-flat shoes siya, the top of her head is only up to his lower lip. She ran her eyes sa white wound dressing na nakatakip sa injured jaw nito. She can't seem to look straight into his eyes.

"Anyone who works for me should have a good reputation. Ayaw kong may masasabi ang mga tao sa mga employees ko. Ayaw ko ng bastusin, mabisyo at may night-life during weekdays especially ang mga babae. So whatever your part-time job is, quit it! According to your sister you always go home very late at night. No employee of mine is allowed to have any shady part-time job!" may diin na sabi nito.

Dun naman naningkit ang mga mata ni Stacey. Tumingala siya para sana salubungin ang mga mata nito but she saw na titig na titig ito sa labi niya.

Saksakan talaga ng hambog ang lalaking ito! Akala mo kung sinong hari! Galit na bulong niya sa sarili.

"Hindi mo naman sinabi na kay modern Hitler pala ako magtatrabaho. Ano ba yang kompanya mo? Ang daming bawal! Dapat pala mga robot na lang ang kinuha mo. Sa oras ng trabaho i-on mo na lang tapos sa hapon just turn them off! Daig mo pa ang hari kung mag-demand ka! Trabaho lang ang inoofer mo hindi para kontrolin ang buhay ko! I don't want to work for you anymore! Mag-recruit ka yung kakalabas sa kumbento! Isaksak mo sa baga mo yang job offer mo because I don’t want it!" inis na sabi niya.

Parang umakyat lahat ng dugo ni Nick sa ulo. All his anger surfaced. Yung kasabihan nga na pag nagpipigil kapag sumabog, parang bulkan. Tila nagpanting ang tenga nito sa sinabi ng dalaga.

Without thinking of the consequences , kinabig nito ang likod ng ulo ni Stacey towards him and pushed his lips to hers.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.