HIS PERSONAL MAID Chapter 24

Bumungad kila Karina ang napakataas na gate na bakal. Ito ang entrance ng nature park na 'yon. Halos tingalain niya iyon. Nakakalula ang taas pero excited na excited na siyang pasukin nila iyon. Para siyang bata na ngayon lang nakapasyal. Totoo naman kasi dhil pinagkaitan siya ng pagkakataon noon. Ngayon na may chance na para maging malaya at masaya naman siya, laking pasasalamat na niya kay Evo dahil hindi ito tumitigil para mapasaya siya.

Una nilang pinuntahan ay ang ampitheatre doon na gawa rin ng natural na kalikasan. Sobrang laki no'n at hindi na nakakapagtaka ang ma-berdeng paligid. Hindi lubos akalain ni Karina na may nag-e-exist na ganito kalaki at kagandang tanawin.

"I wish i saw this before. Sana noon ko pa ito nakita ang hindi ako nagmumukhang engot ngayon," natatawang sabi ni Karina.

Napangiti si Evo habang minamasdan siya. She looks at peace. Mukhang walang dinadalang problema at mukhang walang nararamdamang sakit.

"Ipapakita ko sa 'yo lahat nang hindi mo pa nakikita, Karina I want to show the whole world dto you, If you will just let me."

Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga.

"Mag-selfie kaya tayo?" Pag-iba ani Karina ng usapan.

"Sure. Sandali, kunin ko lang ang phone ko saglit," sagot niya saka dinukot ang phone mula sa bulsa ng suot suot niyang cargo pants

"Sandali, the last time I called you, hindi na kita na-contact. Hindi mo na ba ginagamit ang cellphone mo? Sira ba sim card mo, or what?" sunod sunod na tanong nito sa kanya.

Nataranta si Karina sa pag-iisip ng idadahilan. Alangan naman na sabihin niyang binasag iyon ni Winstonn? E, 'di baka maghinala pa ito sa kung ano ang nangyari talaga sa pagitan nila. Ang alam lang naman kasi ni Evo ay nag-resign lang talaga si Karina at wala siyang alam sa kung ano mang rason nito kahit deep iniside him, may kutob na rin.

"H-Ha? A-Ano. . .k-kasi, naihulog ko sa banyo, e." Pagdadahilan nito sabay kamot ng kanyang ulo.

Tumango tango lang i Evo na mukhang naniwala naman. Effective ba ang acting mo, Karina?

"Gano'n ba. Don't worry. Ibibili na lang kita."

Namilog naman ang mga mata ng dalaga sa sinabi nito. Totoo? Bibigyan niya ito ng cellphone? Masyado na yatang nakakahiya 'yon.

"Hindi na, Evo. Ayos lang. Saka, wala namanakong importanteng contacts doon sa cellphone na 'yon."

"No, I insist, Karina. YOu will really need it lalo na kapag emergency situations. Paano ka namin mako-contact kapag wala ka no'n? It is an essential thing nowadays." Pagpupumilit pa nito.

Napayuko si Karina.

"Pero kasi, nakakahiya na sa 'yo, e. Masyado ka nang maraming nagagawa para sa akin."

Evo gently squeezed her ams naikinagulat ni Karina.

"Maliit na bagay lang sabi iyan, Karina. H'wag ka nang mayadong mag-isip na diyan."

Tumingala ito para salubungin ang titig ni Evo sa kanya.

"Let's take a selfie and go. Madami pa tayong hindi nalilibot dito," nakangiting wika ni Evo na bakas ang excitement sa mga mata.

This is his second time na maso-solo si Karina kaya lulubos lubusin na niya bago pa ito bumalik sa mga Miller's. Kilalang kilala niya kasi si Winston. Masyado itong territorial. What's his is his at hindi mo ito puwedeng kunin sa kanya. Ramdam na ni Evo na espesyal si Karina kay Winston dahil hindi pa nito nakikita kailan man si Winston na nag-iiba dahil sa babae lang.

They took several pictures with different poses. Ni-picture-an din nilaang napakagandang view niyon bago tinungo ang next stop nila. Ang deer park.

Sa pangalan pa lang ay malalaman na ninnyo kung anong klaseng hayop ang present sa parteng 'yon ng nature park. Walang iba kundi ang nagcu-cute-an na mga usa. They come from different sizes and also vary from it's kind pero usually brown sila.

"Oh my gosh! First time ko makakita ng usa sa malapitan! I can't believe this is real!" tuwang tuwang sinabi ni Karina.

"Yes, Karina. This is real!"

"T-Talaga? Pakisampal nga ako, Evo!"

Mahinang natawa si Evo saka ngumisi sa kanya.

"Anong sampal? Hindi ba puwedeng halikan na lang kita?" Pang-aasar nito kaya mahina siyang hinampas ni Karina sa likod.

They didn't know, someone is secretly watching them afar.

"Sir, magkasama pa rin sila at mukhang nagkakatuwaan." Pagbabalita ng lalaki sa kausap niya sa telepono.

Galit na iginalaw ng lalaki sa kabilang linya ang kanyan panga. Kanna pa niya pinasusundan ang dalawa at hindi siya natutuwa sa ibinabalita sa kanya ng bata niya. Lalo na sa mga larawan na ipinapasa sa kanya.

"Keep an eye on them. Hindi sila puwedeng mawala sa paningin mo, or else, ikaw ang mawawala sa paningin ko." May pagbabantang tugon ng nasa kabilang linya.

"Yes Sir!"

The call ended.

Mas matinik pa sa agila kung magmatyag itong lalaki. Bawat galaw ng dalawa ay kinukuhanan niya ng larawan hanaggang sa dumako naman sina Karina at Evo sa flower garden.

"Awww! My heart! Para akong lumulutang sa hangin sa dami at sa gaganda ng mga bulalak rito, Evo!" May panggigigil pa sa boses nito. She badly wants to pick a flower and place it in her ears.

"Do you want flowers?" Evo asked.

Tumango lang si Karina saka patuloy na naglakad lakad sa garden at inahawakan ang bawat madaanan niyang bulaklak. There are sorts of different flowers and colors.. Hindi magsasawa ang paningin mo rio.

Pero dahil nga sa mahigpit na pangangalaga nila sa nature park na 'to, bawal ang galawin ang kahit na ano man ito. The beauty must be preserved.

"I'll buy you laer when we get back.p He winked.

"Ayan ka na naman, e. Tama na iyng sobrang pagkabuti mo, Evo. Sige ka, sa sobrang bait mo, baka kunin ka niLord." She teased him. "Joke lang 'yon, ha. Baka totohanin mo, e."

Sinadyang ibahin ni Evo ang ekspresyon ng kanyang mukha. He frowned at mukha na siyang seryoso.

"ANg ayaw ko pa naman sa lahat ay ginagawang biro ang mga bagay bagay."

Nagitla si Karina at nakagat ang ibabang labi niya.

Nakakatakot naman itong si Evo. Mukha akong lulunukin. Nakakatakot na magbiro ulit. Aniya sa sarili habang kagat kagat ang labi niya.

"B-Bakit?"

"Kasi, seryoso ako pagdating sa 'yo." Kumindat pa ito saka kiniliti si Karina na ni-videohan naman ng lalaking kanina pa sunod nang sunodsa kanila.

Napansin nila 'yon kaya napatigil sila sa ginagawang paghaharutan.

"Napansin mo ba 'yon, Evo? Mukhang kanina pa sunod nang sunod sa ating dalawa, e," tanong ni Karina.

Nagsalubong ang mga kilay yni Evo saka nayukot ang kanyang noo.

"Napansin ko rin iyan. Hindi ko lanng sinabi sa 'yo dahil baka matakot ka. Don't worry, safe ka sa akin, Karina."

Somehow, Karina felt secured. Ngiti ang itinumbas niya kay Evo.

"Salamat, Evo."

"Basta para sa 'yo, gagawin ko ang lahat. I don't want to promise, Karina. I want to pove it. Dahil kung pangako lang, pwede naman tayong mangako nang hindi tinutupad. Kaya pilit kong patutunayan sa 'yo."

He held her hands tighter rthis time. Napansin ni Karina na magkahawak kamay pa rin sila.

Babawiin na sana 'yon ng dalaga pero mas lalong humigpit ang hawak doon ni Evo.

"B-Bakit?" nauutal na tanong niya.

"Let us stay like this, please.. Baka kasi, hindi kana bitawan pa ni Winston kapag nakabalik ka na sa kanya."

Ramdam ni Karina ang kalungkutan sa boses ni Evo. Bahagya rin siyang nalungkot at napatanong sa kanyang sarili.

Bakit kaya ang mga taong gusto nating mapasaya, ay ang mismong mga tao na nagdadala ng lungkot sa buhay natin? Bakit pakiramdam ko, sa dami nang ginawa sa akin na kabutihan ni Evo, hindi ko iyon matutumbasan pabalik?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.