HIS PERSONAL MAID Chapter 23

"Bro, why are you here?" Evo asked him.

Malamig lang niyang tiningnan si Evo.

"I'm getting Karina back."

"Huh? Pinagsasabi mo, Winston? I don't work for you anymore!" singhal ni Karina.

"I haven't signed your resignation yet kaya under the contract, you are still my maid."

Sarkastikong natawa si Karina.

"Haha! Oo nga pala, 'no? Maid mo nga pala ako. Hindi mo naman kailangng pagdiinan 'yon sa mismong pagmumukha ko, e. May damdamin din ako Winston!"

Natahimik sandali ang binata. Hinigit ni Karina pabalik ang kanyang kamay.

"Tara na, Evo."

"Bro, please. Just let Karina be today. Pag-usapan na lang ninyo ang bagay na ito privately. Hindi dito." Advice ni Evo. He got a point there. isa pa, pinagtitinginan na sila ng mga tsismosang kapitbahay nina Karina pati na ng mga amiga ng tiyahin nito. Too much attention.

"Fine," tipid nitong sagot. His expression did not changed. It was still as cold as ice. Makikita mo sa mga mata nito na blangko at walang kabuhay-buhay.

Is he really serious of getting me back? Tsk! Ani Karina sa kanyang isipan.

Sagliipang natigilan si Evo.

"Evo, tara na!"

Bumalik ito sa kanyang huwisyo saka isinakay si Karina sa kanyang kotse.

Buong biyaheng tahimiklang sila at walang nagsasalita.Maging si Karina, walang lumalabas na salita sa kanyang bibig.

"Kanina ka pa tahmik. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Evo.

Hindi pa rin siya tumingin sa binata. Nakatanaw lang siya sa bintana.

"Ayos lang, Evo. My kauntilang na iniisip."

"Si Winston ba?" diretsahang tanong nito

Napatingin siya bigla kay Evo.

"Ano? Ako? Iisipin siya? Para ano?"

Weh? Totoo ba 'yan Karina? Masyado ka namang mataas. Aminin mo na kasi na si Wisnton naman talaga ang tumakbo sa utak mo.

Napangiti naman si Evo sa naging tugon ng dalaga sa kanya.

"Mabuti naman kung gano'n. Ang isipin mo na lang ngayon ay kung paano kang makakalimot kahit sandali. Ano? Saan mo gustong pumunta?" nakangiting sagot nito.

"Kahit saan, Evo. Kahit saan."

Wala naman siyang maisip na pwede nilang puntahan so she just let Evo decide. Saka, siya naman ang nagmamaneho. Kahit saan na lang basta hindi sa mansion ng mga Miller. Kahit saan na lang basta hindi sa bahay ng tiyahin niyang si Alicia. Dalawang lugar na nagbibigay ng sakit sa puso niya.

"Thank you, Evo, ha." She thanked her.

Malaking bagay si Evo para sa kanya. Ibang tulong ang nabibigay nito. She gives her security and comfort. Bagay na inaasahan niyang sisibol sa puso ni Winston. Naniniwala siyang lalambot rin ang puso nito. Pero ngayon, hindi na niya alam kung paanong palalambutin si Winston. Kung paanong tuturuan itong magmahal.

"You are thanking me for what, Karina. Maliit na bagay lang ang mga nagawa ko para sa 'yo."

Karina was clueless. Hindi niya alam kung anong tinutumbok ni Evo.

"Hinidi! Malaking bagay sa akin 'to, Evo. Natutuwa ko na may nasasandalan akong kaibigan. Magkaibigan na naman tayo, hindi ba?"

"Oo, pero kung gusto mong magkaibigan tayo, bakit hindi?" Pagbibiro pa ni Evo.

"Ikaw talaga. Nakuha mo pang magbiro, e."

Evo's mood changed. Seryoso na siya ngayon. Seryoso talaga siya kay Karina. He likes her and he's not kidding.

"Pero seryoso, Karina. I want to do something bigger for you this time."

Bigla na ring nagseryoso si Karina. Hindi maabot ng kanyang isip kung ano ang ibig sabihin ni Evo.

"Anong ibig mong sabihin? You are making me guess everytime, Evo."

"I want to love you this time, Karina. Puwede ba kitang mahalin?"

Parag tumigil sa paghinga si Karina. Bahagyang tumigil sa pagtibok ang puso niya. Kaunti pa siyang nabingi at hindi alam ang isasagot. It's her firsts time.

Ano ba ang dapat kong i-react? Ano ba ang dapat kong isagot? Ano ka ba, Evo! Why are you doing this to me? Parang gusto nalang niyang tumalon mula sa kotse na sinasakyannila ngayon.

HIndi pa rin siya nakakasagot at si Evo, tila naghihintay na sa isasagot ng dalaga.

"Okay lang naman kung hindi ka makapagdecide agad ngayon, Karina. I understand. Ayaw naman kitang madaliin."

Nakahinga ng maluwag si Karina. Bakit ka nga naman kinakabahan, Karina? Kanino ka ba nag-aalangan? Wala ka namang ibang nagugustuhan, ah.

Biglang pumasok sa isip niya si Winston. Teka lang self, ha? Don't tell me gusto mo ang animal na lalking iyon? No! Pagkausap niya s kanyang sarili.

"Sorry, Evo, ha." Pagpaumanhin niya.

"Ano ka ba, wala lang iyon. Huwag mo na munang isipin. Sorry, ginulo ko pa tuloy ang utak mo."

HIndi na na inisip panag sumagot ni Karina. Nakatulog ito buong biyahe. Sa haba ng biniyahe nila, wala siyang kaalam alam na dinala siya ni Evo sa isang nature park at the nearby town.

Feeling kasi ni Evo, mas maakapag-relax si Karina at makakahinga kung sa ganitong view niya ito dadalhin.

He parked hisca at the parking lot. Pinagmasdan niya ang natutulog na si Karina. Mukha talaga itong anghel. Nahihimbing ito sa kanyang pagtulog. Inilapit niya ang mukha niya sa dalaga habang pinagmamasdan ng mabuti ang bawat detalye ng kanyang mukha. Ang maliit at pointed nitong ilong, pati na rin ang maninipis nitong labi na kasing pula ng rosas. Her lips were naturally pinkish. Hinila nito si Evo to kiss her.

There is a different kind of attraction that pulls him to kiss Karina. He took advantage of the sleeping lady. He gently caressed her face. Napakakinis no'n at napakalambot. Konting konti na lang talaga, mahahalikan na niya si Karina pero bigla itong gumalaw.

Mabilis na nilayo ni Evo ang kanyang sarili sa nagising na dalaga. Pinagpawisan siya doon. Kamuntik na siyang mahuli.

"E-Evo? Nasaan tayo? Are we here?" she innocently asked. Walang kaalam alam sa muntik na paghalik sa kanya ni Evo.

"O-Oo, K-Karina. N-Nandito na t-tayo. T-Tara? I-Init, e." Pinagpapawisan pa ng malamig si Evo habang kausap ang dalaga.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Karina saka inilapit ang kanyang mukha kay Evo to check kung pawis ba talaga ang nakikita niya.

Umiwas ng tingin s Evo.

"O-Oo, ayos lang ako. Tara na?" tensyonado niyang sagot.

Napakunot noo na lang si Karina. Bigla siyang nawirduhan sa inakto ni Evo. She just went out of the car . Halos mapaiyak siya agad sa sceneries na nakikita niya paligid. Sandaling nakatakas ang sugatan niyang puso sa sakit. The nature park looks like the garden of Eden. A paradise that she is dreaming of. Naluluha ang mga mata niyang tiningnan si Evo.

Bigla niya itong niyakap habang naluluha ang kanyang mga mata.

"Oh, Karina? Bakit?"

"Evo! Thank you! Thank you so much! Thank you for letting me experience the things that I haven't experience during my childhood."

Napangiti si Evo. Niyakap niya ng mahigpit si Karina. Para siyang lumulutang sa tuwa. Gustong lumundag ng puso niya.

"Para sa 'yo, Karina. Nandito lang ako to make you happy no matter what it takes."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.