Pinaghahagis ni Winston lahat ng makita niya sa kuwarto. "Bullsh*t!" sigaw nito.
Mariin siyang napahawak sa kanyang ulo. Halo-halo na ang emosyong nararamdaman niya. Galit na galit siya.
Dinampot niya ang lampshade niya saka hinagis 'yon. Tumilapon iyon sa dingding.
"Aaaahhhh!!!" napasigaw si Tiffany at napatakip ng kanyang tenga sa kaba at gulat.
"Winston! Ano ba?! Kumalma ka nga!" Suway niya. Pero deep inside, kinakabahan na siya sa puwedeng gawin at sabihin ni Winston.
"Shut the fuck up, Tiffany!!"
He then grabbed Tiffany's hand saka kinaladkad ito palabas.
"Ano ba, Winston! Masakit!" sigaw niya.
"Mas masakit ang ipilit akong ipakasal sa 'yo!" He gritted his teeth. Galit siya ngayon. At sorry ka na lang Tiffany, dahil bida bida ka, ikaw ang mapagbubuntunan niya.
Gusto nang maiyak ni Tiffany ng mga oras na 'yon. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Winston. Masakit iyon pero hindi na niya ininda.
"Alam mo, Winston, wala ka namang magagawa, e. Whether you like it or not, sigurado akong sa akin ka pa rin babasak. At iyang si Karina, she'll end up returning to the slums where she's really meant to be!" Pagmamatigas nito.
Parehas silang masamang nagtitigan sa isa't isa. Walang nagpapatalo. Galit na niyukom ni Winston ang kanyang kamao.
"Get out," mariin nitong utos.
"I won't get out unless yo--"
"I said get out!!!" Bulyaw nito na halos lumabas ang ear drums ni Tiffany.
Pinagtutulakan niya ito then he slammed his door.
"Aaaaahhhggghh!!!" Para na siyang mababaliw. HIndi na niya alam kung ano ang isasalba niya. Ang relasyon ba nila ni Karina? O, ang kumpanya nilang nanganganib na bumaba sa mataas na posisyon nito.
Tumunog ang kanyang cell phone kaya saglit siyang natigilan sa pag-iisip. Hindi na niya sana iyon sasagutin dahil baka parte na naman 'yon sa kumpanya but when he saw who's calling, he literally cried like a baby. Matigas si Winston, pero bigla na lang siyang nanlambot ngayon.
Mabilis niya iyong pinindot.
"My love." Boses ng kanyang Mommy sa kabilang linya.
Ever since he was a kid, my love na ang tawag sa kanya ng mom niya. Gano'n sila ka-close. Gano'n niya kamahal si Winston. Sadyang nang umalis ang mommy niya, nagtanim siya ng malaking sama ng loob dito kaya ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ito not until today, para siyang hinipo. Kung saan kailangan niya ng taong makakapag-pakalma sa kanya, his mom called.
"Mom," mahina niyang sagot. Natimbrehan agad ng mommy niya na malungkot siya base pa lang sa boses nito.
Sasagot na sana ang Mom niya nang masalita siya ulit.
"I need you, Mom. I need you." He turned the call off and cried like a cry baby. Hugging his knees.
Who wouuld have thought that he will end up being this soft?That the cold hearted wealthy man, has a heart this tender?
Tama nga si Karina. Winston has a soft heart. He just needs a little push to let it out.
"Sir." Boses ni Manang Sela sa labas ng pintuan ng kanyang kwaro. Mahinahon ang boses nito.
"Sir, papasok daw po si Karina," aniya pa ulit.
Natigilan si Winston nang mabanggit na ang pangalan ni Karina. Mabilis siyang tumayo at pinagbuksan ng pinto si Manang Ester.
Si Karina nga ang bumungad sa kanya sa pintuan pa lang. Nakatungo ito at hindi nakatingin sa kanya. Mabilis niyang hinatak papasok ng kuwarto niya ang dalaga saka sinarado ang pintuan. Wala siyang pakialam kahit na ano pa ang isipin ni Manang Ester sa kanya.
He pinned her on the wall of his room and painfully stared at her in the eyes. "Karina," he uttered with his utmost strength. Para siyang nauubusan ng lakas kapag pagdating na kay Karina.
Ramdam na ramdam ng dalaga ang bawat paghinga ni Winston. She can clearly see pain in Winston's eyes. Pero, kailangan na niyyang panindigan ang desisyon niya. Kailangan niyang panindigan ito para na sa ikatatahimik at ikaaayos ng lahat.
"Sir."
Nagsalubong agad ang kilay ni Winston nang banggitin iyon ni Karina. Nasanay na kasi siya na Winston ang tawag nito sa kanya. That's how he considered her closer to him. Nangungusap ang mga titig niya sa dalaga.
"What did you just call me?" he asked her almost whispering
"I said, Sir. Kailangan ko nang panindigan ang pagiging maid ko, Winston. Tama na ang landi. Tama na lahat nang 'yon."
Malakas na sinuntok ni Winston ang pader sa mga isinagot ni Karina. Hindi niya ito nagustohan.
"The f*ck!!"
Namilog tuloy ang mga mata ng dalaga.
"Winston, ano ba?!"
"Do you think landi lang lahat nang 'yon, Karina? It's more than that!!"
Hindi na napigilan ng dalaga ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. She hates it. She hates the feeling that she's hurting him. Para ri kasi siyang tinutusok sa dibdib.
"Oo, landi lang 'yon para sa akin, Winston. I did it just for money. Desperada na kasi talaga akong umasenso sa buhay. Pero, gusto ko nang itigil natin 'yon. I came here to be a maid and not to be a bed mate."
Naiyukom ni Winstson ang kanyang palad. Gano'n lang ba kadali 'yon? Na kapag sinabi mong ayaw mo na ay ititigil na lang? Paano kung hindi pabor sa isa?
"Sorry, Karina. Pero hindi ko iyan mapapayagan."
He grabbed her in her waist and sealed her lips with a painful kiss. Mariin ang bawat halik na 'yon. Ramdam na ramdam ni Karina ang sakit sa mga halik ni Winston. But she didn't kissed him back. Hinayaan niyang halikan siya nito, while her tears keep rolling down her cheeks. Sobrang sakit para sa kanya na umpisa pa lang ay isuko na si Winston, pero ano nga ba ang magagawa niya? She's not rich. She can't hellp him nor save him. All she can do is love him and satisfy him in bed. But that's not enough.
Nang maramdaman ni Winston na ayaw talagang mag-respond ni Karina sa bawat halik niya, humintosiy.
"Please, Karina." Pagmamakaawa niya. For another time, she saw him emotional. Because of her.
Inilayo ni Karina ang kanyang sarili sa binata. Umiwas s'ya ng tingin dito.
"Tawagin mo na lang ako kapag may ipapagawa kayo. . .Sir," she uttered as she turn her back on him.
Tinalikuran na niya si Winston.
"You aren't leaving me, right?" Pagka-klaro nito.
Gusto niyang makampante na hindi siya iiwan ng dalaga. Kahit iyon man lang, mapagbigyan siya nito.
"I am not, Sir. Nandito lang ako, handang pagglingkuran ka bilang personal maidmo."
Sinulyapan siya saglit ni Karina and smiled at him. Pilit na ngiti lang 'yon.
Then, she left. At pagkalabas na pagkalabas niya pa lang ng kuwarto, bumagsak na ang mga luha niya. Impit na lang siyang napaiyak.
Sa punto ding 'yon, nakita siya ni Tiffany na umiiyak. Ngumisi agad ang bruha. It makes her happy seeing someone suffer as she do.
"Ano, Karina? Bakit ka umiiyak ngayon? You think, you can really have him dahil lang ikaw ang mahal niya?" she sarcastically said.
Mabilis na pinahid ni Karina ang luha niya at matalim na tiningnan si Tiffany.
"Ayaw kong makipag-away ngayon, kaya pleae lang, Tiffany. Lubayan mo na lang ako."
"Kahit kailan,hindi sapat ang pagmamahal lang , Karina. Alam mo, pabor din naman sa 'yo ito, e. Para naman bago pa bumagbag 'yang mga pakpak mong matayog ang lipad, maputol na kaagad." Mahina pa itong natawa sabay takip ng kanyang bibig.
Huminga na lang ng malalim si Karina. Kung tutuusin, ubos na ubos na ang pasensya niya rito kay Tiffany pero pinipilit niya lang na makisama at magtimpi sa ugali nito. Isa pa, wala siya sa teritoryo nila. Bahay ito nina Winston at ayaw niyang gumawa ng ano mang eskandalo na mas lalong magpapababa ng tingin nila sa kanya.
Napa-smirk na lang ang dalaga saka daanan na lang sana si Tiffany pero sadyang matigas rin si Tiffany.
"B*tch, don't ignore me!! I'm talking to you!!" Hinila nito bigla ng buhok niya.
Sa sakit noon, pakiramdam n Karina ay matatanggal ang anit niya.
"Aray!!" Napasigaw siya sa sakit at napahawak sa buhok niya.
"Masakit ba? Wala pa nga 'yan sa kalahati ng lakas ko, e!!" singhal ni Tiffany saka sinubsob ang dalaga sa pader.
Mabuti na lang at napadaan si Marky para sana i-check si Winston at ito agad ang inabutan niya.
"Ma'am Tiffany!! Tama na po!!" Inawat niya si Tiffany na buong lakas na inginudngod si Karina sa pader. Hindi man lang ito lumaban. Iniisip niyang mauubos lang ang lakas niya kung sakali man kaya mas mabuti na lang na hayaan si Tiffany sa kung ano ang gusto nitong gawing pagpapahirap sa kanya..
Buong lakas na tinanggal ni Marky ang mahigpit na pagkakahawak ni Tiffany sa buhok ni Karina.
"Ano ba, Marky?! Huwag kang makialam dito!!" bulyaw sa kanya ni Tiffay. Tinulak niya pa ito.
"Hindi, Ma'am nakakasakit na kayo, e."
Nagpantig ang tenga ni Tiffany sa sinabi nito. Halos namula ang pisngi niya sa pag-iinit dahil sa inis.
"Ikaw, body guard ka lang, pero kung pagsalitaan mo ako, parang kung sino kang tinitingala!!" Dinuro duro pa niya ito.
Nasaktan si Marky sa mga sinabi ni Tiffany. He knows her. Alam a niya ang masamang ugali nito, pero iba pa rin pala ang sakit ng mga salita na galing mismo sa bibig.
"Mga walang kwenta!! Hindi marunong tumanaw sa nakakataas!! you are all nothing but gold digggers! Magsama kayong dalawa!!" Nanggagalaiti itong nagwalk-out habang nagpapadyak padyak ng kanyang mga paa.
Agad na lumapit si Marky kay Karina to check non her. Kasama pa rin kasi ito sa pinaabantayan sa kanya ni Winston. Naging parte na ng trabaho niya si Karina at kailangan niya itong protektahan kahit pa lihim siyang may gusto kay Tiffany.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Marky.
Nakayuko lang si Karina.
"Oo, Marky. Ayos lang. Dapat na siguro akong masanay." Hindi siya nakatingin kay Marky nang sabihin niya iyon.
Nalungkot si Marky sa naging tono ng boses ng dalaga. Ramdam niya na nasasaktan ito kaya nakaisip siya ng ideya.
"You know what, I'll try to show you something. Gusto mong sumama?" nakangiting tanong ni Marky. He sounded excited dahil sa palagay niya, magugustohan ni Karina ang lugar na pupuntahan nila.
Inianat niya ang ulo niya saka napakunot ng noo sa binata.
"H-Ha? S-Saan?" nag-aalangang sagot ni Karina.
"Just come with me, sa palagay ko, matutuwa ka do'n." He smiled assuringly.
Pumunta sila sa parte ng mansyon ng mga Miller na tago at hindi na halos napupuntahan. Iyon ang dating hide out ni Winston noong bata pa siya at tuwing pinapagalitan ng Dad niya. It became hii only escape kapag takot siyang masaktan ng kanyang Daddy.
Pero kahit na matagal na iyong hindi napupuntahan, pinapanaili nila itong maganda at malinis. Laging ibinibilin ni Winston ang parte na 'yon sa mga katulong nila sa bahay. He badly wants to preserve it.
Lumiwanag agad ang mga mata ni Karina nang makita ang buong lugar. Malaki iyon at mukhang mini-park. No wonder, dito dumadalas si Winston noong kabataan niya. Parang bumalik na rin si Karina sa kabataan niya.
"Bakit mo 'ko dinala rito, Marky?" she asked out of curiosity.
Kumibit-balikat ito.
"Sa tingin mo? Why is a place like this built?" Tanong rin ang naging sagot sa kanya ni Marky.
Napaisip si Karina.
"Para magpasaya ng tao, especially kids," magaagap na sagot ni Karina saka siya napangiti. She never had anything like this before.
Mahinang tumawa si Marky.
"You got it right! Ang galing mo, ah?" ngumisi ito sa kanya.
"Baliw, so you mean, dinala mo ako dito kasi---"
"Oo, Miss Karina. I brought you here to make you happy. Dahil ikaw ang nagpapasaya kay Sir Winston, hindi ka dapat nalulungkot."
And there, Karina thought of something, swerte ang magiging girlfriend ni Marky. Bukod sa mabait na ito, responsable pa.