HIS PERSONAL MAID Chapter 44

Sumisikip pa rin ang dibdib ni Karina. Siguro, sa kaiiyak. At siguro, dahil iniisip niyang nakakasakit siya ng damdamin. Habang nasasaktan siya, nasasaktan niya rin si Evo. Iyon ang bagay na dumadagdag lalo sa sakit ng puso niya ngayon. Walang ibang ginawa si Evo kundi ang mahalin siya, alagaan at protektahan.

"Bakit nga ba hindi na lang si fafa Evo, Kars?" ani Eliza.

Ni-kwento na sa kanya lahat lahat ni Karina mula sa pinakasimula hanggang sa wakas. Oo, para kay Karina, wakas na ang kwento nila ni Winston. Wala nang dahilan pa para ipagpatuloy 'yon.

"Ano ka ba, Eliza! Magkaibigan lang kami ng tao."

"Nako, sis! Huwag ka ngang showbiz! Anong kai-kaibigan? Pwede 'yon! Ipakita mo kay Winston na kaya mo nang wala siya! Hahayaan mo na lang ba na makita niyang miserable ka? Magbubunyi ang bruhang sino pa 'yon, Tiffy?"

Mahinang binatukan ni Karina si Eliza. "Tiffany 'yon, baliw."

"Tse! Akala mo naman ke-ganda ng pangalan. Arte arte ng babaeng 'yon. Walang kasing-sama!"

"Eliza, stop it. Hayaan na natin sila."

"Hayaan? Iiyak-iyak ka sa 'kin dito. Pinagkukuwento mo lahat tapos hahayaan? Wow naman, Karina, ha?"

"Hindi na 'ko iiyak."

"Weh?"

"Hindi na nga, I swear," labas sa ilong na sagot ni Karina.

"Neknek mo. Nobyohin mo na si Evo nang maniwala ako."

Tinalikuran na siya ni Eliza saka nagpatuloy na ito sa ginagawa niya. Gabi na ngayon at nagsisimula na ring magsidatingan ang mga customers sa bar. Pansamantala ay dumito muna si Karina para makapagliwaliw ng konti. Masisiraan yata siya ng ulo sa apat na sulok ng inuupahan niyang apartment nang walang kausap kundi ang kisame, mga butiki at ipis.

"Isang iced tea nga po." Order niya sa counter. Aside sa mga alcoholic drinks, nagsi-serve din kasi sila dito ng refreshing drinks that contains zero alcohol. Ayaw namang malasing ni Karina. Ayaw niyang magkalat. Isa pa, nakakatakot magkalat dito. Parang kakain ng tao lahat ng mga nandito kaya maingat siya. Ayaw na niyang mabastos ulit tulad ng huli dahil alam niyang wala nang Winston na magtatanggol sa kanya.

Napabusangot si Karina nang maalala ang nalalapit na pagpapakasal ni Winston kay Tiffany. Ang alam niya, sooner ay ikakasal rin ang dalawa. Although hindi na niya alam ang exact date at wala naman siyang balak alamin dahil ayaw niyang dumalo. Isa pa, hindi naman siya invited. Baka tumutol pa siya pag nagkataon. JOKE.

A man sat beside him at nang tingalain niya kung sino iyon. . .

"Evo? How did you know I was here?" She raised an eyebrow waiting for an answer and took a sip of her iced tea.

"My instinct, Karina." He winked.

Inusog ni Evo ang mataas na stool na upuan ni Karina palapit sa kanya. Ngayon ay magkadikit na sila ng tuluyan. Hindi makagalaw si Karina. Kabado siya at naiilang.

Lumapit sa kanyang tenga si Evo saka bumulong. "Stay still, Karina."

Mas lalo nitong dinikit ang labi niya sa tenga ng dalaga.

"Bakit?"

"W-Wala. Wala, Karina."

Napatingin ng pa-simple si Evo sa likoran niya. Wala na ang kanina natanaw niya na si Winston. Sinigurado niyang nakita nito ang ginawa niya kay Karina. Kaya siguro ito umalis na lang. Napailing-iling na lang si Evo.

Ginusto mo 'yan, Winston. Ginusto mong saktan ang babaeng mahal ko. Ngayon, ikaw naman ang masaktan. Ani Evo sa kanyang isipan.

"May problema ba, Evo?"

"Nothing, Kars. Are you enjoying it here? Naibsan ba ang lungkot mo?"

Ngumiti si Karina. "Hindi masyado, pero magiging okay din ako, Evo. Siya nga pala, ang landlady ko, nag-offer siya sa akin ng scholarship for Taiwan."

"What? Scholarship? Taiwan?"

"Hmmm, oo."

Natahimik si Evo. Does that means, aalis si Karina? Iiwan siya nito?

"I am going to study abroad, Evo. Mag-aaral ako!" excited nitong sabi. "Kaso lang, maiiwan ko kayo. Kayo ni Eliza." Bigla agad na binawi ng lungkot ang kanina ay masaya niyang mukha.

"Are you really decided to go, Karina?"

"Gusto ko, Evo. Gusto kong magpakalayo-layo. Gusto kong abutin ang pangarap ko. Sa malayong lugar, kung saan hindi ko maaalaa at makikita si Winston."

"Iiwan mo na ako? Agad?"

"Sorry, Evo. Don't worry! Gagawin natin masaya ang mga natitirang sandali ko dito. Next month pa naman 'yon, e."

"Next month na agad?! Karina naman," naiiyak na sagot ni Evo.

"Huwag ka nang malungkot, please. Babalik naman ako, e."

Agad na niyakap ni Evo si Karina ng mahigpit. "Iniisip ko pa lang na aalis ka, nami-miss na kita agad, Karina."

Hinagod ng dalaga ang likod nito. "You have done enough for me, Evo. Sapat na pabaon mo na sa 'kin 'yon. Masaya ako na nakilala kita. Mami-miss kita. Mami-miss ko kayo."

Kumalas sila sa yakap ng isa't isa. "Hindi mo ba kakausapin si Winston? Don't you have plans of clearing things out to him first?"

Umiling-iling na si Karina. "Hindi na, tama na ito. Ayaw ko nang lumapit pa sa kanya, Evo. Baka mas lalong mahirapan lang akong umalis." Bumuga siya ng hangin.

"Siya nga pala, may kasalanan ako sa 'yo."

Napakunot-noo agad si Karina. "Ha? Ano?"

"I punched him real hard in his face."

Nagpantig agad ang tenga ni Karina. Kahit walang sinabing pangalan si Evo, kilala niya agad sino ang tinutumbok nito. "W-What?? Sinabi ko naman na sa 'yo na huwag mo siyang sasaktan, e."

"He deserves it for breaking your heart!"

"Kahit na, nabahiran pa ng dumi ang mga kamay mo."

"I will make sure na hindi siya makakalapit sa 'yo hanggang sa umalis ka na."

"Salamat, Evo. Maraming salamat."

Samantala, sa bahay ng mga Miller, patuloy pa rin na naghihintay si Mrs. Olivia sa posibleng pag-uwi ni Karina. She's hopelessly waiting for her. Boto talaga siya sa dalaga. Siya ang gusto nito para sa anak niyang si Winston at hindi ang hipokritang si Tiffany.

"Manang Sela, hindi ba talaga nagpaalam si Karina sa inyo na aalis siya? Nag-aalala na ako sa kanya. Ang alam ko, ulila na 'yon. Saan kaya siya nagpunta?"

Kanina pa sumasakit ang ulo ni Mrs. Olivia kakaisip. Pabalik-balik siya kakatayo at kakaupo.

"Ma'am, wala po talaga. Wala na rin ang lahat nang mga gamit niya. Wala siyang tinira kahit sulat man lang, o address kung saan siya pupunta. Mukhang ayaw magpa-hanap. Mahal ko na ang batang 'yon. Napamahal na 'yon sa 'kin kaya maging ako, nag-aalala rin sa pag-alis niya," malungkot na sagot ni Manang Sela habang nakahawak pa sa kanyang dibdib.

"Sana, na sa mabuti siyang lagay ngayon. Ano ba naman kasi ang nangyari sa batang 'yon. Si Winston ba, nakauwi ka? Alam na ba niya na nawawala si Karina?"

Umiling-iling ang matanda.

"Sa tingin ko, hindi po, Ma'am."

"Oh, my gosh! For sure, kapag nalaman niya 'to, magwawala 'yon." Mas lalong nadagdagan ang sakit ng ulo ni Mrs. Olivia. "Ano ba kasi ang posibleng dahilan ng pag-alis ni Karina? Hays! Ang batang 'yon talaga!"

"Huwag niyo na ngang hanapin ang taong ayaw magpahanap. Nag-aaksaya kayo ng oras." Bungad ni Mr. Aragon saka inihagis kay Manang Sela ang kahuhubad niyang suit.

"Tapon mo na 'yan, Sela. Nadumihan kanina."

Mrs. Olivia just glared at him. "Kapag ikaw nawala, Aragon, hindi kita hahanapin! Bakit kasi hindi na lang ikaw ang umalis," she murmured.

"Are you saying something, honey?" sarkastiko nitong sagot sa kanya.

"Nothing," pilit na nakangiting sagot ni Mrs. Olivia.

Ilang saglit pa, dumating na si Winston na pasiroy-siroy sa paglalakad. Akay akay siya ni Tiffany at ngiting aso ito habang papasok sa mansion. Katuwang ang body guard nito sa tabi.

"Goodness gracious!! What happened to my son?! Anong ginawa mo sa anak ko, Tiffany?! Bakit lasing na lasing 'yan?!" nag-aalalang tanong ni Mrs. Olivia. Hindi ganito kadaling palasingin si Winston kaya't agad na nabahala ang Mommy niya sa sinapit nito. Ni hindi na nga siya makalakad ng maayos.

"We just had some hot nights together, Tita. Alam niyo na, bagay na ginagawa lang ng mag boyfriend-girlfriend."

Namilog ang mga mata ni Mrs. Olivia. Napakalandi talaga nitong si Tiffany!! Nanginig ang mga palad ni Mrs. Olivia sa galit.

Bakit, Winston? Akala ko ba si Karina ang mahal mo? Iyon ang na sa isip ni Mrs. Olivia. Naguluhan na rin maging siya. Tanging si Winston na lang ang makakasagot ng mga tanong niya sa isipan.

"Watch your mouth! Na sa pamamahay kita!" Suway ni Mrs Olivia kay Tiffany sabay pinandilatan ito ng mga mata.

Tiffany just glared her eyes at her and smirked.

"Bitawan mo ang anak ko. Ako ang bahala sa kanya!"

"Fine!"

Hinayaan na ni Tiffany si Winston sa body guards at kay Mrs. Olivia. Pero nagsalita pa ito bago umalis.

"Pakisabi na lang po kay Winston paggising niya na nasarapan ako ng sobra. Baka nga sooner or later, magbunga na 'yon. Isn't it exciting?" humagikhik pa siya at tumawa na para bang nasisiraan ng bait.

Mahinang sinampal-sampal ni Mrs. Olivia ang pisngi ni Winston para magising ito pero wala na talaga. Inihiga na lang nila ito sa sala para doon na ito pagpahingahin dahil masyado na siyang mabigat kapag iniakyat pa sa taas ng kuwarto niya.

"Diyos ko naman, Winston. Ano ba 'tong pinasok mo? Akala ko ba si Karina lang? Anong ginawa ni Tiffany sa 'yo?" naiiyak na tanong ni Mrs. Olivia sa kanya kahit na alam naman niyang nahihimbing ito at hindi na kayang imulat ang mga mata.

"Hmmmm," he moaned. "K-Karina."

Napabuntong-hininga na lang si Mrs. Olivia. Winston is still looking for Karina after all. You are not winning, Tiffany. Akala mo lang panalo ka na dahil sa nangyari sa pagitan niyo ni Winston, pero talo ka pa rin sa katotohanang hindi ka niya mahal at may iba nang tunay na tinitibok ang puso niya.

Kumuha ng maligamgam na tubig si Mrs Olivia saka bimpo, para punasan ang anak at nang mahimasmasan ito. Dahil pagkagising ito, sapak agad ang ibubungad niya dito. How come he had sex with other woman?! Hindi niya iyon matanggap dahil isa rin siyang babae, at nasasaktan siya sa parte ni Karina. Nasasaktan siya in her behalf dahil nararamdaman niya agad ang sakit nang nararamdaman ni Karina kapag nalaman niya ito.

"Bukas na tayo magtutuos, Winston. Mata mo lang ang walang latay bukas!" Pagbabanta ng Mommy niya. Sandali pa niya itong pinunasan ulit ng bimpo kahit labag sa kanyang loob bago niya iniwan kahit na galit siya dito, hindi niya pa rin maiwasang hindi alagaan ang anak niyang kaisa-isa lang naman kasi.

She can't get hold of Karina dahil wala siya ni contact man lang nito. Isa pa, kailan lang nang maka-close niya ito but she will find ways. Inutos na agad niya sa mga body guards nila na hanapin ito.

"Ma'am!" Marky faised his hands.

"Yes, you are recognize, Mr. Del Rosario."

"I think I know where she probably went."

Napataas ng kilay si Mrs. Olivia. "You think? Paano mo ako makukumbinsi?"

"I am the right hand of Mr. Winston, Ma'am. Ako ang nagsundo kay Karina sa kanila before she entered here. I know where she lives and where she works before. I am familiar with her personal informations and I am keeping it confidential but not this time that it is needed."

Napahanga agad ni Marky si Mrs. Olivia sa mga sinabi niya. Bihira na lang kasi makahanap ngayon ng mga tauhan na maaasahan. At masaya si Mrs. Olivia na nakahanap ng gano'n si Winston sa katauhan ni Marky.

"That's good. Thanks, Marky. Please, let me know if you find her. Now, go and be careful."

Marky bowed in respect. "Yes, Madam!"

Guwapo rin itong si Marky kung tutuusin. Responsable, disiplinado, at higit sa lahat, ma-respeto. Hindi dahil ito ang trabaho niya at ini-expect ng lahat na susunod siya sa dahil trabaho niya, higit pa ro'n ay dahil mahal niya ang ginagawa niya.

Sa paglabas ni Marky, na sa labas pa rin pala si Tiffany. Tinapunan niya lang ito ng tingin. Gusto niyang maawa kay Tiffany sa kadesperadahan nito dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Winston, pero sukdulan na kasi ang kasamaan na ginagawa niya kaya kahit gustohin man niyang maawa sa dalaga, natatabunan 'yon ng poot.

"Hey!" tawag ni Tiffany sa kanya.

"How dare you just stare at me like that?" dugtong pa ni Tiffany.

"Kung wala kayong importanteng sasabihin, aalis na ako. May importante pa akong gagawin."

Inis na napakagat-labi si Karina. "Don't find her!"

"Find who?"

"Mamaang-maangan ka pa? I know you will find Karina!! Huwag mo nang hanapin ang taong ayaw magpahanap!!" galit na sagot nito.

"And who are you to command at me?"

"I know you like me, Marky. Even when we were kids! You even confessed your pathetic feelings to me! So, if you really like me, do as I say!"

Yes, they were childhood friends. Dating naninilbihan ang nanay ni Marky sa pamilya nina Tiffany noon. Doon sila nagkakilala at doon na nagustohan ang dalaga. But things changed now. Everything is far different from the past.

"You are so immature, Tiffany. Pinagsisihan ko na na nagustohan kita noon because judging on how you are today? Hindi ko kayang pangarapin ang isang babaeng tulad mo."

Pakiramdam ni Tiffany napunit ang puso niya sa mga sinabi ni Marky. The cut was deep. Nanginig ang mga kamay niya. She did not even move an inch. Ang alam lang niya, she's been butt hurt dahil totoo ang mga sinasabi ni Marky.

Marky walked out in fron of her na mas lalong ikinakulo ng dugo niya. Pinagbabato niya ang ano mang mahawakan niya sa malapit.

"Anong tinitingin-tingin niyo, ha?!!!" singhal niya sa mga guards na nakatitig sa kanya.

Napaiwas naman silang lahat ng tingin at binaling ang atensyon sa ibang direksyon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.