Hindi nabigo si Marky sa paghahanap kay Karina. Una niya itong pinuntahan sa tiyahin niya pero pinagtatabuyan siya nito.
FLASHBACK
"Tao po?" Tawag niya mula sa gate ng bahay nina Karina.
Habang yumuyupyop ng yosi, lumabas ang tiyahin nito. "Ano?! Sino ang hinahanap mo?!" bulyaw nito sa kanya.
"Hinahanap ko po si Karina."
Mas lalong nagasalubong ang kilay ng matanda. "Hindi ko alam kung nasaan na ang haliparot na 'yon! Wala na siya dito!! Layas! Lumayas ka na!! Sinasayang mo ang oras ko!!"
END OF FLASHBACK
Buti na lang, nagka-ideya si Marky na puntahan si Karina sa dati nitong pinagtatrabahuhan. Sa bar. At hindi siya nabigo. Doon niya nakita si Karina. Kasama ang kaibigan nitong si Eliza pati na rin si Evo.
Nilapitan niya agad ito.
"Ms. Karina. Pinauuwi kayo ni Mrs. Olivia." Iyon agad ang bungad niya sa dalaga.
Napatigin sa kanya si Karina na gulat na gulat.
"Marky?? How did you find me??"
"I know a lot of information about you, Karina. Pinababalik ka na ni Mrs. Olivia bago pa magising si Sir Winston. Hahanapin ka no'n kapag nagising siya."
Umiwas siya ng tingin. "Ayaw ko nang bumalik do'n, Marky. Pakisabi na lang kay Mrs. Olivia na ako na lang ang bahala sa sarili ko. Hindi na ako babalik kahit kailan."
Napakunot-noo si Marky. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinanggagalingan ni Karina.
"Pero, Ms. Karina. Mag-aalala sa 'yo si Mrs. Olivia. Lalo na si Mr. Winston." Pagdidiin pa ni Marky.
Natawa ng pilit si Karina. "Si Winston? Hahanapin ako? Neknek mo. Wala na 'yong pakialam sa akin, Marky. Kaya please, huwag mo na akong pilitin. Sabihin mo, hindi mo ako nahanap. O, 'di kaya naman, sabihin mo na lang, ayaw ko nang magpahanap. Gano'n lang ka-simple."
Pumagitna si Evo. "Marky, just do as she say. May mabigat na dahilan kung bakit ayaw na niyang bumalik at si Winston lang ang makakasagot sa mga tanong mo sa isip."
Bumuntong-hininga na lang si Marky at tumalikod na. He started to walk away nang may bigat sa dibdib. He badly wants to know Karina's side. Dahil may idea na siya kung bakit ito nangyayari, hindi lang klaro. Pero hindi na muna bale. Malalaman at malalaman din niya ang lahat.
"Kars, pogi nu'n, ah? Sino 'yon? Reto mo naman ako!" Napahagikhik pa si Eliza.
"Body guard ni Winston 'yon, Eliza. Pogi talaga 'yang si Marky. Mabait pa." Papuri niya.
"How about me? Am I not handsome and kind?" naka-pout na sabi pa ni Evo.
Mahina na natawa si Karina. "Haha, baliw! Syempre, you are the kindest!"
"Ayun! Ang pinakagwapo? Ako pa rin ba?"
Nag-isip pa si Karina at mukhang inaasar siya. "Pag-iisipan ko muna."
"Ang sama mo sa akin!"
"Hindi, ano!" sagot naman ni Karina.
Pumagitna si Eliza at nagsalita. "Hay nako, sobrang tamis. Para akong lalanggamin."
Napakagat-labi tuloy si Karina. "Wag ka nga, Eliz! Magkaibigan kami ni Evo, ano ba!"
"Sus, e du'n din naman 'yon papunta!" bulong nitong sagot.
"Puwede namang lumagpas doon, Karina, hindi ba?"
Natigilan si Karina at napanganga habang nakatitig sa kanya at hindi makasagot.
"Biro lang. 'To naman, masyadong seryoso. Alam ko namang hindi ako ang gusto mo. Pero, kapag puwede na, nandito lang ako. Maghihintay sa 'yo."
"Kyaaahhh!! Fafa Evo! Kinikilig ako sa inyo! Bahala na nga kayo diyan!" Humagikhik pa si Eliza habang paalis. Magsi-serve pa kasi siya sa mga customers baka mapagalitan pa siya kung tutunganga lang siya at uupo buong gabi.
"Ito talagang si Eliza, kung anu-ano ang pinagsasabi. Pagpasensyahan mo na, ha,"nahihiyang wika ni Karina. Ang totoo, awkward na talaga siya kay Evo dahil kanina pa patay ang titig nito sa kanya.
"Karina, sana bago ka umalis, hayaan mo akong iparamdam sa 'yo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko."
Napatitig si Karina sa mga mata ni Evo dahil do'n. "Evo, alam mo naman kung sino ang gusto ko, hindi ba?"
Pilit na ngumiti si Evo. "I know, Karina. At hindi ko na agad mabubura ang fact na 'yon. Pero, gusto ko lang na maramdaman mo ang pagmamahal ko. Please, wala akong hinihintay na kapalit. Just until you go abroas, Karina. Give me a chance."
Hindi alam ni Karina ang isasagot niya. Kapag binigyan niya ng chance si Evo, pa na rin niya itong paaasahin sa madaling panahon. Baka mas masaktan pa ito lalo kapag umalis na siya. Teka, handa na ba siyang umalis?
"Karina, will you give me a chance?"
Naaawa na siya kay Evo. Nakakaawa tingnan ang mga mata nito. Nasasaktan siya.
"Magiging masaya ka ba kapag binigyan kita ng chance, kahit sa sandaling oras lang?"
Bilang napawi ang malungkot na mga maga ni Evo at mapalitan ng saya. "Oo, Karina! I will be the happiest!"
"I am giving you a chance, Evo. Iparamdam mo sa 'kin kung gaano mo 'ko kamahal."
With that, Evo hugged her tightly. Parang ayaw na niyang makawala si Karina. Nabuhayan siya ng loob dahil sa chance na binigay nito. Hoping na sa maliit na chance na 'yon, mabago niya ang desisyon ng dalaga.
Tinotoo nga ni Evo ang mga sinabi niya. Araw-araw, nadalaw siya sa inuupahang apartment ni Karina. Noon pa lang, napatunayan na niya ang sarili niya dito sa totoo lang. Una pa lang, naipakita na niya kay Karina kung gaano ito ka espesyal sa kanya.
Nakahilata na lang ngayon si Karina sa sala, nanonood ng TV. Tinitipid ang ipon niya mula sa lahat ng sinahod niya sa mga Miller. Ilan doon ay gagamitin niya sa gastos papuntang ibang bansa. Sa Taiwan, kung saan siya nabigyan ng scholarship sa isang sikat na university doon.
"Evo! Nandito ka ulit? Ano iyang mga dala mo? Nag-abala ka pa talaga, ha!"
"Karina, like what I told you, Ipaparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kamahal. Hangga't nandito ka pa. Kung puwede lang sana na mapabago ang isip mo, e. Mababago pa ba, Karina?"
Malungkot na ngumiti ito sa kanya. "Hindi na, Evo, e. Pangarap ko rin naman na makapagtapos sa isang magandang paaralan."
"E, bakit hindi na lang dito, Karina? Maraming magagandang universities dito! I'll find a good one for you!" He is really eager.
"Evo, as long as I'm here, maraming posibilidad na magkita kami ni Winston. Nagmo-move-on na ako sa kanya. Ayaw ko na muna siyang makita. I know, this won't be an easy process, pero malalampasan ko rin ito."
"I will help you move on! Just stay, please." Halos magmakaawa na si Evo.
"Sorry talaga, Evo. Pero tingin ko, hindi ang kahit sino ang makakatulong sa 'kin makalimot kundi ang panahon. Kailangan ko ng oras para makalimutan si Winston."
"Wala ka na bang balak na pakinggan pa siya kung sakali mang magpaliwanag siya?"
Pagak na natawa si Karina. "Kung magpapaliwanag siya, dapat, noon na agad. Pero wala, Evo. Ilang araw na ang nakakalipas. Hindi na ako umaasa sa kanya. Kung totoo niya akong mahal, hahanapin niya ako."
"Huwag na natin siyang pag-usapan na lang. Ayaw kong masira ang magandang araw na kasing ganda mo pa man din. Here, I brought food."
"Hindi naman kaya ako manaba nito, Evo? You always bring me food. Pakiramdam ko tuloy, palamunin ako."
"Baliw, syempre hindi. This is done out of love kaya huwag kang mag-isip ng ganyan."
"Thank you, ang pogi mo." Papuri ni Karina.
"You're welcome, Karina. You are pretty, hindi alam ni Winston kung ano ang sinayang niya."