"Marky, tell me what you know," maotoridad na tanong ni Winston sa kararating lang na si Marky sa opisina niya. His eyes is full of coldness. Lamig na manunuot sa sistema mo.
Nakaupo siya ngayon sa swivel chair nakahawak sa kanyang sentido. He's tired of all the things that had happened. Mas lalong nagiging kumplikado ang lahat dahil sa kapalpakan niya. He never imagined that he would wake up with Tiffany. And worst, ni-frame up pa siya nito. Napakaruming maglaro ni Tiffany.
"Sir, I heard, aalis daw si Karina as soon as possible."
Agad na napatayo si Winston sa narinig niya. His eyes widened. "What?! Saan?!"
"Iyon ang hindi ko na alam, Sir. Ang kaibigan lang ni Karina ang nagsabi sa akin. Ayaw magsabi, e."
Mabilis na hinapit niya ang case sa mesa niya. "Do you know Karina's address?" tanong niya na mukhang susugod agad kung saan si Karina. Kung totoong aalis ito, he needs to know where. He needs to stop her from leaving. At umaasa siya na mababago pa niya ang isip nito.
"Yes, Sir. I've been there. Inutusan ako ni Ma'am Olivia na ibalik siya but she refused. Ayaw na niya, Sir. Hindi na raw siya babalik."
Halos masiraan na ng bait si Winston. Ibinato niya lahat ng bagay sa harapan niya.
"Drive me papunta sa address niya! Let's go!"
It's now or never. Kahit na wala siyang mukhang kayang iharap kay Karina, kailangan niyang lakasan ang loob niya this time dahil siya lang din ang mahihirapan kapag umalis ito. Hindi niya kakayanin na mawala pa ito ngayon. This is his only chance. Hindi naman dapat siyang ma-guilty, pero bakit siya natatakot? Natatakot siyang harapin si Karina. Natatakot siya sa posible nitong ibatong mga salita sa kanya. Hindi na niya alam paano dedepensahan ang sarili niya.
"Sigurado na po ba kayo, Sir?"
"I am, Marky! Mukha ba akong nagbibiro? Hindi ito ang oras para magdalawang-isip pa ako. So now, bring me there!"
"Yes, Sir!"
They rushed to the parking lot kung saan ipinark ni Winston ang kotse niya. Tagaktak ang gabutil na pawis sa kanyang noo. Nag-aalala siya. Inaasahan na niya na ipagtatabuyan siya ni Karina, pero kailangan niya ng makapal na mukha para harapin ito. Ipapaliwanag niya ang lahat. Walang siyang pakialam kung maniwala man ito o hindi sa kanya basta masabi niya ang totoo. He didn't cheat. Kailan man, hindi dahil sobra niya itong mahal.
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa inuupahang apartment ni Karina. Lumabas siya ng kotse at kahit na kinakabahan ay pangangatawanan niya ito.
He knocked three times, at pagkabukas pa lang ng pinto, nagulat siya dahil hindi si Karina ang bumungad sa kanya kundi si Evo.
"Evo? What are you dong here?" nagtataka nitong tanong. Hindi ang mukha ni Evo ang inaasahan niyang unang masisilayan.
"Hindi ba't ikaw ang dapat kong tanungin niyan? Bakit ka nandito, Winston? Bakit pumunta ka pa rin pagkatapos mong lokohin si Karina?"
Winston smirked at him. "Wala kang alam kaya papasukin mo 'ko. Kailangan naming mag-usap ni Karina."
"Iba rin talaga ang kakapalan ng mukha mo. Alam ko ang lahat, at hindi ko lubos akalain na magagawa mo 'yon, bro! Kaya umalis ka na, dahil masasaktan lang si Karina kapag nakita ka niya!"
Tinulak siya ni Evo for the first time. Mukhang magkakaroon na ng lamat ang pagkakaibigan nilang dalawa.
"Gago ka pala, e!!" Suntok ang naging tugon ni Winston sa kanya. Nagdugo ang labi nito.
Marky just stared at them, relaxed. Kilala niya ang dalawa at tiwala siyang hindi naman sila magpapatayan.
"Anong nangyayari?!! Evo!!" Lumabas si Karina at agad na lumapit kay Evo na nakaupo sa sahig, hawak ang nagdudugo niyang labi.
"Winston!! Ano ba?! Hindi pa ba sapat na ako na lang ang masaktan?! Pati si Evo sasaktan mo rin?! How dare you!!"
Nanginginig ang mga kamao ni Winston sa sakit niyon. Pati na rin sa sakit na nararamdaman niya. Hindi siya ang unang nilapitan ni Karina.
"Karina, please. Mag-usap tayo. Kailangan mong marinig ang paliwanag ko, please!" he pleaded sabay higit ng kamay ni Karina pero itinapon 'yon ng dalaga.
"Ano pa ang dapat pag-usapan natin, ha? Tapos na! Dapat noong araw pa kang na nakagawa ka ng kasalanan, kinausap mo na ako agad! You didn't know how you broke me!!"
Nanginginig ang labi ni Winston. "I was also broke, Karina. Please, h-hear me out. J-Just hear me out. It was a mistake! I-I did not do it!"
Hapyaw na natawa si Karina. "You are unbelieveable, Winston. Sapat nang nakita ko ang pagmumukha mo sa video. Sapat na ebidensya na 'yon. Enjoy na enjoy ka pa nga, e. Masarap ba si Tiffany? Ha?!!" naiiyak na sagot ni Karina.
"Please, Karina. Pakinggan mo ako! She set me up!!"
"But you still f*cked her and it won't change the fact that you hurt me."
Tinulungan ni Karina na tumayo si Evo at akmang sasaraduhan na sana ng pinto si Winston pero hinarang nito ang kamay niya at naipit.
"Aaaaghhh!!" sigaw nito habang namimilipit sa sakit.
Nanlalaki ang mga mata ni Karina at agad na pinagbuksan ang pinto.
"Ano ba! Ikaw naman kasi, e! Umalis ka na ng--"
Yakap. Isang mahigpit na yakap ang sinagot ni Winston. He grabbed her in her waist and hugged her tight. Nagbabakasakali na sa pamamagitan ng yakap na 'yon, mabago niya ang isip ni Karina.
"Please, Karina. Wala akong kasalanan, maniwala ka naman sa akin. Mababaliw ako kapag nawala ka. Hindi ko kaya."
"Sana, inisip mo 'yan bago ka man lang nakipagkita kay Tiffany."
"Just go, Winston. Wala ka nang puwang sa buhay ni Karina. In fact, she is now my girlfriend."
Iginalaw ni Winston ang kanyang panga. Nag-apoy ang mga mata niya sa galit. Nakakatunaw at nakakasunog ang naging sunod na mga titig niya kay Evo.
"Damn you!! You are a traitor! Why couldn't you all listen to me?! Para namang hindi niyo ako kilala!" Bumaling muli si Winston si Karina.
"Nakipagkita ako kay Tiffany dahil sinabi niyang pag-uusapan na namin ang pagkakansela ng kasal. But when I get there at the venue, she asked me for a drink. I'm sure she put something on it! Wala akong alam na may balak pala siyang iba. Kung ayaw niyo akong paniwalaan, siguro nga tama na. Balita ko, aalis ka raw, Karina, mag-iingat ka na lang. I'm still hoping you would forgive me even before you go. Mukhang wala na nga akong choice kundi ang magpakasal kay Tiffany. Dahil ayaw mong lumaban kasama ako."
Pagkatapos iyong sabihin ni Winston, nagmartsa na sila paalis ni Marky.
Karina feels like her life fell apart. Nanghina ang tuhod niya. Napaupo na lamang siya sa sahig. Yakap-yakap ang sarili. Habang patuloy at hindi na makontrol ang pagpatak ng luha sa kanyang pisngi. It's painful watching the man you love turn his back to you. At wala ka nang magawa but stare at him while walking away because you're also hurt, at hindi mo na alam kung ano pa ang paniniwalaan mo.
"Karina, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Evo. May sugat pa rin ang labi nito at nagdudugo.
"E-Evo, tell me, m-may mali ba ako? D-Dapat bang n-naaniwala ako sa k-kanya?" aniya habang humihikbi.
"He seems to be telling the truth, Karina. It also broke me seeing him that way. Pero, hindi ko maiwasang balikan ang video. Kaya kahit na gusto kong maniwala sa sinasabi niya, nasasaktan ako para sa 'yo."
"Pagsisihan ko kaya ang desisyon kong 'to, Evo?" Her eyes longs for sympathy.
"Karina, we will never know. Ang importante lang naman ngayon, ipagpatuloy mo ang plano mong pag-abot sa mga pangarap mo. Go abroad, study there and reach your dreams. Nandito lang ako palagi. I will wait for you. I will be waiting no matter how long it will take."
"Maraming salamat, Evo."
Ngiti ang ginanti sa kanya ng binata. "Will you be ready, Karina? Will you be ready to go?"
Muling pumatak ang luha sa pisngi ng dalaga. "I will be, Evo."
Niyakap siya ng binata para pakalmahin. If this is the only way to ease her pain. Sana, tama ang naging desisyon mo, Karina. Sana, ang pag-alis ang makapagpabuti ng lahat.
"Will you still go kahit na malaman mong ikakasal si Winston at Tiffany?"
Natigilan si Karina at hindi agad nakasagot. She just stared at Evo's eyes coldly.
"Aalis ka as soon as possible. I will secure your ticket tomorrow, Karina. Don't be distracted. Ako ang bahala sa lahat."
Hindi naman sa minamadali ni Evo ang pag-alis ng dalaga, sadyang kung paninindigan nito na hindi niya kayang patawarin si Winston, wala nang choice si Winston kundi ang magpakasal kay Tiffany dahil hindi na siya matanggap ni Karina. Isa pa, may kasunduan ang ama ni Winston at ang ama ni Tiffany na mababali lang kapag pumayag na talaga si Tiffany na huwag na ipagpatuloy ang kasal. Pero sa nangyayari ngayon, mukhang malabo na itong mangyari. Isa pa, ayaw niyang masaksihan pa ni Karina ang magiging kasal nila. Masasaktan lang ito. Mukhang matutuloy na nga ang kasal dahil sa pag-alis ni Karina.
Siya lang naman ang pinagkukunan ng lakas ni Winston. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ito lumalaban at kapag umalis na siya, parang nawalan na rin siya ng dahilan para ipagpatuloy na ilaban ang relasyon nilang dalawa.
Nanghina na lang siya bigla. Hindi na niya maramdaman pa ang mga buto niya sa katawan. Nalanta ang katawan niya at nawalan ng buhay. His heart doesn't seem to beat like before. Pakiramdam niya, kalahati ng buhay niya ang nawala.