HIS PERSONAL MAID Chapter 48

Nadatnan ni Winston at Marky ang buong pamilya Miller sa sala. Kausap ang ama ni Tiffany, maging ito ay nariyan din. Parehas sila masinsinang nag-uusap. Napakunot-noo si Winston. Badtrip na nga siya, tapos ito pa agad ang bubungad sa kanya.

Tumayo si Tiffany nang makita siya, sabay lingkis ng braso niya sa binata.

"Baby! I missed you! We are talking about the wedding day. Come, sit for a while."

Mrs. Olivia's eyes looked weary. She knows his son well. Nakikita niya sa mga mata nito na malungkot siya.

"Son, it's okay. You can go upstairs. Kami na lang ang mag-uusap."

Umiling-iling si Winston. "No, Mom. I will join you."

Kumisap ang malalanding mga mata ni Tiffany. Napangiti siya na parang aso. "Really, baby?! Oh my gosh!! Come, sit beside me!" excited nitong sabi. Inakay niya si Winston para maupo sa tabi niya.

Naguluhuan si Mrs. Olivia sa inakto ni Winston. Bakit naman biglaan itong nagbago ng mood? Okay na ba sa kanya ang magiging kasal nila ni Tiffany? There is something wrong and she needs to find it out!

"Son, will you be okay? Are you sure??" nag-aalala nitong tanong.

"Olivia, he already sat beside my daughter. Ano pa bang ibig mong sabihin?" sarkastikong tanong ng Daddy ni Tiffany.

"Nothing. J-Just, worried about my son." She glared at Tifany's Dad. Napakahipokrito! Talagang ipipilit ang anak niya kay Winston.

"So as I was saying earlier, I want a grand wedding, Dad. I already told the organizers about it. Oh my gosh! I can't wait to live with you, baby!" anito sabay yakap kay Winston.

Hindi naman maiwasang maisip ni Winston si Karina. Siya dapat ang nandito at hindi ang malanding si Tiffany. Siya dapat ang pakakasalan niya. Siya dapat ang makakasama niya sa iisang bubong at kasama niyang bumuo ng pamilya. Si Karina dapat at hindi si Tiffany.

After that short meeting between their families, Mrs. Olivia tapped Winston's shoulders.

"Son, let's talk, please."

Bumuntong-hininga si Winston. "Pagod ako, Mom. Puwede bang sa susunod na lang?" maagap nitong sagot.

"What made you change your mind?" Hindi mapigilang matanong ng Mommy niya.

Napayuko siya at naiyukom ang kanyang palad. Nag-uumpisa na namang magbadya ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Tell me, son. Silence often means pain. Please, tell me what happened that made you change your mind. This isn't you!"

"Ayaw na niya, Mom. Ayaw na niya sa akin!"

Doon na napahagulgol na parang bata si Winston. Niyakap niya ang mommy niya sa sobrang sakit at bigat ng nararamdaman niya. He cried and cried habang hagod hagod ng mommy niya ang kanyang likoran.

"Oh, goodness, anak! Cry it out! I'm so sorry about it."

"Mom, ayaw niyang maniwala sa akin. I told her the truth. Wala akong kasalanan. Si Tiffany ang may pakana ng lahat ng 'yon, e. Si Tiffany!" aniya habang umiiyak sa balikat ng Mommy niya na parang bata na nagsusumbong.

"Hindi natin siya masisisi, anak. Nasaktan mo siya. Sa ngayon, na sa stage pa lang siya ng pag-a-absorb ng lahat lahat. Pero, naniniwala akong paniniwalaan ka rin niya kapag naghilom na ang sugat."

"But she's leaving, Mom. Aalis na siya. Iiwan na niya ako ng tuluyan. I guess, I have no choice but to tie the knot with Tiffany."

Kumalas na si Winston sa pagkakayakap sa Mommy niya. But tears keep flowing on his cheeks.

"W-What? Listen to me, ito lang ang maipapayo ko sa 'yo, anak. Huwag na huwag kang magpapatali kay Tiffany kung hindi mo siya mahal. Hindi pa rin magwo-work ang ganyang klaseng set-up. Do everything! Gusto mo tulungan pa kitang tumakas. Ugh! I just don't want you to marry that b*tch!!" nanggagalaiting sagot ng Mommy niya.

Natawa siya ng mahina sa mga payo nito. His mom really hates Tiffany that much to the extent na siya na mismo ang handang gumawa ng paraan para hindi makasal si Winston kay Tiffany.

"In fairness, you made me smile today, Mom."

Mahinang hinampas siya ng Mommy niya sa braso. "I was serious about that, son! Itatakas kita kung kailangan. I have so many connections."

"Pero mas dadagdagan ko lang ang iisipin niyo kapag gano'n."

"Does it matter? Son, marriage is lifetime! Kapag natali ka na, mahirap nang tumiwalag. Anyway, mabilis lang naman kapag may pera, pero may masasaktan ka, son. May masasaktan ka."

Si Karina. Masasaktan niya si Karina. At iyon ang bagay na isa sa iniiwasan niya. He doesn't want to hurt her again. Naguguluhan na siya. Hindi na niya alam ang gagawin lalo pa ngayon, ayaw siyang paniwalaan ng babaeng mahal niya. Siya na nga lang sana ang sandigan at kakampi nito maliban sa mommy niya, hindi na baleng hindi maniwala ang lahat, basta maniwala lang si Karina. Basta mapatawad lang siya nito.

"Mom, what do I need to do?"

He sounded really helpless. Wala nang makakatulong sa kanya kundi ang Mommy niya lang. Hindi na niya alam ang gagawin niya.

"Kung aalis si Karina, follow her."

"W-What?" Nangarag si Winston sa narinig niya. Did he just hear it right?? Ang mommy niya mismo ang nagsasabi na sumunod siya kay Karina? That seems impossible dahil marami siyang maiiwan na trabaho!

"That's your only choice son. Kung gusto mong takbuhan ang kasal mo kay Tiffany, may magagawa ka pa naman. Sumunod ka kay Karina. Takbuhan mo ang kasal niyo. And unite with her there."

Lalong sumakit ang ulo ni Winston. "I don't even know where she'll go!"

"It's for you to find out. Kapag umalis ka, I'll take care of everything here. Just promise to bring Karina back. Kung maaring pakasalan mo siya bago kayo bumalik, gawin mo! Make sure she won't escape. Make sure magiging Miller ang babaeng 'yon."

Kahit paano, napangiti si Winston sa sinabi ng Mommy niya. "Do you like Karina for me, Mom?"

Napangiti at umiling-iling ang mommy niya. "I don't just like her for you, son. I'd love her to be my daughter in-law! Nakikita ko ang sarili ko sa batang 'yon. She'll be a good mother to your future kids. Arrggh, bilisan na ninyo! Gusto ko na nang apo!"

Napakamot ng ulo si Winston. "Saka na ang apo kapag napatawad na niya ako, Mom. Thank you for your advices. Nabuhayan ako ng loob, Mo. Thank you so much!"

Mahigpit na napayakap siya sa mommy niya. He can't do anything without her. Mabuti na lang talaga at umuwi ito. She have set things straight in this house. Sanay na mamlantsa ng gusot sa buhay si Mrs. Olivia. At walang mawawala kung tutulungan niya ang unico hijo niya. Ang isa sa buhay niya.

"I love you, son! Mawala na si Aragon, huwag ka lang." Pagbibiro pa nito.

"Si Mom talaga, nagbiro pa, e."

"I always want the best for you. At si Tiffany? Hindi siya bagay sa pamilyang 'to. She is a virus! Mamaya, hawaan pa niya ng kasamaan ng ugali niya ang magiging anak niya sa 'yo. I can't imagine that to happen!! Imagine, kapag manganak ang kampon ni satanas? I'll be raising my grandchildren na may sungay!"

Kahit paano, naibsan ang bigat nang dinadala ni Winston dahil sa mommy niya. May karamay siya sa lahat. He really loves her mom that much. He's closer to his Mom than his father at hindi na niya alam kung ano pa ang mangyayari sa buhay niya kapag nawala na si Karina, tapos wala pa ang Mommy niya sa tabi niya.

Ginamot ni Karina ang sugat sa gilid ng labi ni Evo. Habang ginagawa niya iyon ay nakatitig lang sa kanya ang binata. Nakatulala, hindi maiwasang mapangiti dahil parang natupad na rin ang pangarap niya. He is even close to Karina now at hindi niya sasayangin ang chance na 'to.

Nagdampi ang malinis na cotton sa kanyang sugat. Marahan lang iyon. 

"Ouch!" daing ni Evo. 

Nagulat si Karina sa naging reaksyon nito. "Hala! Sorry, Evo! Hindi ko sinasadya! Masakit ba masyado?"

Ngumisi si Evo sa kanya. "Biro lang, hehe!" 

Napakagat-labi si Karina at mahina itong hinampas sa balikat. "Ang pilyo mo talaga! Kinabahan ako do'n! Kapag ito diniin ko lalo, iyak ka talaga!" Pagbabanta pa ni Karina.

"Huwag naman. Ikaw naman, hindi ka na mabiro, e. Pero salamat sa paggamot ng sugat ko, Karina."

Napangiti si Karina. "Wala lang 'yon. Magkaibigan tayo. Kaya dapat lang na tulungan kita kasi tinutulungan mo rin naman ako, e."

Kaibigan.

Magkaibigan lang sila. 

Iyon ang mga salitang nakapagpabingi sa kanya. Oo nga, magkaibigan lang sila. Ang sakit pala na marinig iyon. Kahit na alam naman niya noong umpisa pa lang kung ano lang siya sa buhay ni Karina. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-asa na balang araw, baka siya naman, na baka, siya naman ang piliin ni Karina at maging higit sa kaibigan lang ang turing sa kanya nito. 

"Sana, magamot mo rin ang sugat ng puso ko. Sobrang sakit dito," bulong ni Evo sabay turo ng kanyang dibdib.

"E-Evo," she almost whispered.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.