HIS PERSONAL MAID Chapter 49

Padespedida ngayon ni Karina. She's leaving for Taiwan tomorrow. At sa despedida party ngayon, sila lang nina Evo at ni Eliza ang magkakasama. She feels empty, kasi may kulang, at alam naman niya sa sarili niya kung sino iyon.

"Karina, balisa ka diyan? Iniisip mo na naman ba ang prince charming mo?" Pang-aasar ni Eliza saka umupo ito sa tabi niya.

"Prince charming? Sino? Hindi, ah!" Umiwas ng tingin si Karina.

"Naku, naku, Karina. Iyang ilong mo, hahaba 'yan sa kakasinungaling mo. May iba ka pa bang tinuturing na prince charming bukod kay Mr. Wi?"

"Mr. Wi?" kunot-noong tanong ni Karina.

"Mr. Wiwi, charot! Mr. Winston! Ano ba? Slow mo, ha?"

"I know what you mean, Eliza. But he is not my prince charming! He is my worst nightmare!"

Eliza raised an eyebrow at tila hindi kumbinsido. "Ay? Nighmare ba? Hindi knight in shining armour?"

Napatayo si Karina. "Hindi!" Pagsusuplada niya.

She grabbed the bottle of wine na dala ni Evo kanina. Na sa kitchen na ito ngayon at naghahanda, simple snack party lang ang padespedida ni Karina. Pero syempre, may drinks. Pakalasing sila ngayong gabi dahil huling gabi na nila ito nang magkasama.

Aalis na sana si Karina at susunod kay Evo sa kitchen pero nagsalita pa si Eliza. "Sis, sure ka na ba talaga na hindi mo kakausapin si Winston hanggang sa pag-alis mo bukas? Ako ang nasasaktan para sa 'yo, e."

Hindi maipinta ang mukha ni Karina. Biglang nagbabago ang mood niya kapag nababanggit si Winston. Tapang-tapangan lang siya pero deep inside, alam niyang hinahanap ng puso niya si Winston at patuloy nitong hahanapin.

"Sis, nakapagdesisyon na 'ko. Buo na 'yon. Kahit na makausap ko man siya, hindi na niya mababago ang desisyon ko. Gagawin ko 'to for the sake of my dreams at hindi para sa sarili ko lang."

Hindi na napigilang tumayo ni Eliza saka yakapin ang kaibigan. "Bilib talaga ako sa 'yo. Ang tapang mo talaga, Kars. Hayys! Kung kayo talaga ni Winston, someday, sa kanya ka pa rin uuwi."

Lumabas si Evo mula sa kitchen at may hawak na tray na naglalaman ng isang bowl ng nachos. Sa kabilang tray ay pizza na binili niya kanina before he went here.

"O, hindi pa nga umaalis si Karina pero mukhang mag-iiyakan na kayo, ah?" Nakangising pang-aasar ni Evo.

"Tse! Ikaw ang iiyak kapag umalis na 'tong frenny ko!"

Natahimik naman si Evo pero agad niya itong binawi ng ngiti. "Umalis man siya, alam ko namang babalik siya."

"Kainan na! Let's start this snack party, dahil huli na 'to. Ano? Shot na ba tayo?" Pag-iiba ni Eliza ng usapan. Aside from wine, may beer din silang binili. Tingnan lang natin kung hindi sumakit ang tiyan nila sa iba't ibang inumin.

They sat on the floor. Lahat ng snacks ay nakalatag na sa sahig, pero they made sure na malinis iyon syempre dahil naglatag muna sila ng blanket na pagpapatungan ng foods.

"Ang cute! Instagrammable ito. Mai-post nga sa IG," ani Eliza. She took a picture of them and also the food saka mabilis na in-upload 'yon sa IG niya.

"Selfie tayo, guys, nang may remembrance naman ako kapag malayo ako sa inyo. Baka umiyak ako do'n, e."

"Huwag ka ngang mag-isip agad ng ganyan, Karina. Kapag ako naiyak, hindi kita paaalisin," ani Evo sa kanya.

Natawa naman si Karina do'n.

"Feeling jowa ka, 'te?" Pambabara sa kanya ni Eliza. "Basta ako, Team Mr. Wi lang talaga. Bilyonaryo 'yon, e."

"Mas guwapo ako kay Winston!" Pagmamayabang ni Evo.

"Naku! Huwag na nga kayong mag-away! Hindi ako magbo-boypren!"

Sabay na napa-weh ang dalawa at malisyosong tiningnan si Karina.

"O, bakit ganyan kayo makatingin? Para niyo kong lulunukin ng buhay, ah."

Winston is holding his telephone, habang naka-de kwarto sa kanyang swivel chair sa kuwarto niya mismo. Tinapon niya ang upos na sigarilyo niya sa ash tray sa ibabaw ng kanyang mesa.

"Book me a ticket for Taiwan as soon as possible, Marky," anito sa kabilang linya at kausap si Marky.

"Sir? Why?" nagtatakang tanong ni Marky. Wala naman itong gagawin sa Taiwan. Bakit siya magpapa-book?

"Susunod ako kay Karina," malamig nitong sagot. Nagulat si Marky dito.

"Ho? Aalis ng Pilipinas si Karina at pupuntang Taiwan? Kanino mo nalaman, Sir??"

"Napaka-tsismoso mo rin 'no, Marky? You know me, I have my ways. I can do whatever I want."

Napangiti si Marky. Nagbabalik na nga talaga ang dating Winston. Palaban, walang inaatrasan at hindi basta sumusuko. Hindi siya susuko sa pagtutol lang ng Daddy niya for as long as his Mom is behind his back, suportado siya nito kaya hindi siya dapat matakot.

"Noted, Sir!"

Mapait na napangiti si Winston. At last, finally, nalaman na rin niya kung saan pupunta si Karina. Pera lang pala ang katapat ng land lady nina Karina sa apartment. Siya ang nagsabi ng lahat sa ni-hire ni Winston na investigator. Hindi naman siya doon pupunta nang siya mismo unless si Karina talaga ang hanap niya. Baka ipagtabuyan siya nito ulit. Ito na lang ang only choice niya. Wala na namang magagawa si Karina kapag na sa Taiwan na din si Winston, gagawin niya ang lahat para makuha ulit ang dalaga. Gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito.

He washed his face in his washroom and also took a bath. Gusto niyang makapag-relax at i-freshen up ang sarili after all the tiring works he has been.

Tagaktak pa ang tubig mula sa kanyang buhok. Pinunasan niya iyon gamit ang puting towel nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon nang makitang si Marky ang tumatawag.

"What does he need this time?" Napataas siya ng kilay bago sinagot ang tawag. "Hello?" anito.

"Sir, I've found out, tonight is Karina's despedida party. Sila lang tatlo nina Evo at ng isa niyang kaibigan. Just the three of them." Pag-babalita nito.

Nagsalubong agad ang kilay ni Winston nang marinig ang pangalan ni Evo. Imbis na makapag-relax ang isip niya, lalo lang tuloy siyang na-paranoid kakaisip. "What?! Bwiset, sinusubukan talaga ni Evo ang pasensya ko!"

"Sir, hindi naman sa nangingialam ako, ha. Pero, sa nakikita ko kay Evo, concern talaga siya kay Karina."

Winaton gritted his teeth in anger. Nagtitimpi pa siya sa lagay na 'to pero nakayukom na ang palad niya sa galit. "It's because he likes her!" he answered while gritting his teeth.

"Do you still have anything to say??" inis nitong tanong kay Marky.

"Wala na po, Sir!" Then, he ended the call.

He can't deny the fact na selos na selos siya. Malakas talaga ang kutob niya na mangyayari ito. Unang kita pa lang ni Evo kay Karina, binakuran na agad niya ito, pero hindi pa rin talaga sapat 'yon. He knows, Evo won't betray him, pero hindi niya mapigilan na huwag isipin na magkaribal pa rin sila ngayon. At gagawin niya ang lahat para makuha ulit si Karina bago pa mahuli ang lahat. Hindi niya pa rin kayang pigilan ang isip niya na isiping baka si Evo na ang piliin ni Karina sa hinaharap kapag pinahaba pa niya ito.

He suddenly heard a knock on his door. "Sweety?" It's his Mom who called him.

"Yes, Mom? Come in."

"I heard your sudden plan of going abroad. Saan ka pupunta?" tanong ng Mommy niya pagpasok pa lang ng kuwarto nito.

Nagulat pa ang mommy niya pagpasok. Napaawang ang labi niya sa ayos ng kuwarto nito. "What the hell is the problem in your room? Ang kalat! Oh my gosh!"

"Sorry, Mom. Wala si Karina, e. She's the only person I can trust to touch my things." Napakamot ito ng ulo.

"You really need her in your life, son!" Napabuntong-hininga ito. "So, anong gagawin mo abroad?" tanong ulit nito.

"I am going to follow Karina, Mom. Aalis siya papuntang Taiwan. Susunod ako sa kanya. Susundan ko siya gaya ng payo mo."

Lumapad ang ngiti ni Mrs. Olivia. "Really?! That's my man!" anito habang nakahawak pa ang kamay sa bibig. "You really are a man, son!" naiiyak pa nitong dugtong. She got emotional.

"Mom, I won't let her go. I can't let her go this time."

"Tama iyan, Son. Umalis ka na agad bago pa ang nakatakda mong kasal kay Tiffany. Kung ano man ang mangyari dito, kami na ang bahala do'n, okay? Labas ka na do'n. Ang isipin mo na lang ay ang relasyon niyo ni Karina."

"What if Dad gets furious?" nag-aalalang tanong ni Winston.

"Mas magwawala ako kapag ikinasal ka kay Tiffany! I strongly disagree! Never! I can't let you marry that b*tch!!"

Natawa naman si Winston sa inasal ng Mommy niya. "Mom, huwag ka nang high blood. Ang wrinkles mo, o. Sayang ang pagpapa-face lift mo. Relax. I will get back to Karina. I promise you. Maaayos ko ang hidwaan namin. Ibabalik ko siya sa kung saan siya nararapat. Sa akin lang siya, Mom."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.