"TELL ME your reason kups, kung bakit mo kinukop si Hezekiah Delgado?"
Kunot-noong pinukol ng tingin ni Akihiro ang kaibigan. "Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa n'yang tanong.
Ngumisi nang nakakaloko si Heinz sa kan'ya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito. "Ayon sa report, 16 na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, but we rescued 15 only. The girl who's named Hezekiah Delgado was missing. Na ayon pa sa report, isang Japanese businessman daw ang naka-bid sa babae. . . which is ikaw."
Mukhang wala na 'kong ligtas, ah? Bumuntong-hininga si Akihiro saka sumandal sa kinauupuan. Pinagkrus pa niya ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin kaibigan.
"Tinulungan ko s'ya ng gabing 'yon, dahil siya ang ibini-bid sa mga hayop na nar'on. I saw the fears in her eyes bro, at 'di ko kayang manood lang habang may inosenteng ngangangailangan ng tulong ko."
"I got your point bro, pero alam mo ang batas. Hindi mo dapat siya kinupkop ng walang abiso. You must inform the authorities, first. Para man lang sana nakapagbigay siya ng statements at nakapagsampa ng kaso."
Ba't ko nga ba nakalimutan 'yon?
"I'm sorry, nawala sa isip ko, e," pagdadahilan na lang niya. Tumaas naman ang kilay ni Heinz dahil sa isinagot niya saka pinukol siya ng nagdududang tingin. "Isa pa, wala siyang alam sa Manila, bro. Pa'no kung 'yong mga otoridad na kukupkop sa kan'ya, mapagsamantala? Baka lalo lang s'yang mapasama," pangangatwiran pa niya.
"Umamin ka nga," anang Heinz saka inilapit ang mukha sa kan'ya. Hindi namn malaman ni Akihiro kung nagbibiro lang ang kaibigan. Seryoso kasi ang mukha nito pero ang mga mata ay kumikislap sa kalokohan.
"What?" inis na tanong niya rito.
"Is that the only reason or is there something else?"
Sumama ang mukha ni Aki sa kaibigan dahil sa hindi siya makapaniwala na pinagdududahan pa nito ang pagmamagandang-loob niya kay Kiah. "What the fuck, bro? Ano'ng ibang dahilan na sinasabi mo?"
"Na baka kaya mo kinupkop ang Hezekiah Delgado na iyon dahil balak mo siyang gawing sex slave o kaya naman ay sex toy. Something like that."
Sa sinabi ni Heinz ay hindi niya mapigilang dumampot ng bagay na maaaring ibato rito. At malas ito, dahil ang nakuhang niya para ipambato ay ang ball pen stand niya, na gawa lang naman sa plastic. Ibinato niya iyon sa kaibigan pero maliksi ang loko, nakailag agad. Pagkatapos ay iiling-iling lang habang tumatawa.
"Gago ka ba? Anong sex slave? Sex toy? Malibog ako, oo. Pero 'di ako gano'n kasama para pagsamantalahan 'yong tao. Naawa lang ako sa kan'ya. Kailangan n'ya ng tulong kaya tinulungan ko s'ya, okay? That's it!" singhal niya sa kaibigan. Pero ang loko, patuloy lang sa pagtawa, at para kay Aki ay nakakainsulto 'yon.
Kung 'di lang kita best friend, kanina pa kita inupakan!
Mayamaya ay huminto si Heinz sa pagtawa saka humarap sa kaniya. Pero mababasa pa rin sa mukha ang panunukso. "Bakit masyado ka namang defensive, ha? Baka naman. . ." hirit pa ni Heinz. Hindi alintana ang pagkaasar na ipinapakita niya.
"Ulol ka, bro! 'Yan ba epekto ng walang sex life? Pati memory, 'di na nag-fu-function?" asik niya sabay duro ng Parker ball pen niya rito.
Muling humagalpak nang tawa ang matalik na kaibigan dahil sa sinabi niya. "Ulol ka rin! Ikaw ang pinag-uusapan dito. 'Wag mo 'kong idamay."
"Fuck you, Heinz Mikael! Mas gwapo pa rin ako sa'yo!"
"So, where is she?" mayamaya ay tanong nito. Mababakas pa rin sa pagmumukha ang panunukso ng ungas.
"Umuwi na sa province nila."
"Umuwi na?" pag-uulit ni Heinz sa sinabi niya.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Oo, umuwi na. Paulit-ulit?" inis niyang sagot pa sa kakulitan nito. Obvious naman kasing nang-iinis lang ang matalik na kaibigan.
"I see. Kaya pala. . ." tumango-tango pa kunwaring saad ni Heinz sa kan'ya.
"Anong kaya pala?"
"Kaya pala. . . mukha kang dismayado!" hirit pa ni Heinz saka maliksing tumayo sa kinauupuan at humalakhak na tinungo ang pinto.
Lalong sumama ang mukha niya dahil sa pang-aasar ng kaibigan. Sa sobrang sama, maski ang pinakamagaling na pintor ay hindi na 'yon kayang maipinta pa. Ayaw pa naman niya nang ganoon, ayaw niyang nakasimangot. Baka kasi masanay ang mukha niya sa gan'ong expression, mawala pa ang taglay niyang kagwapuhan.
Mabilis ring tumayo si Akihiro sa swivel chair at akmang susugurin si Heinz, pero mabilis siya nitong pinigilan. "Gago! Tara na, kups! Ipinatatawag tayo ni Mr. Dominguez sa conference room. I think, tungkol sa bago nating misyon. Let's go! Hindi puro si Hezekiah Delgado ang nasa isip mo!" pang-aalaska pa nito saka humalakhak na lumabas sa opisina niya.
"Kupal ka, Heinz!" sigaw niya rito saka mabilis ring lumabas at sumunod sa kaibigan.
Pagdating nila sa conference room ay naroon na ang lahat, maliban sa kanilang dalawa. Kaya naman kakamot-kamot silang magkaibigan nang pumasok sa loob at umupo sa kaniya kaniyang upuan.
Pinukol pa muna niya ng masamang tingin si Heinz dahil sa kalokohan nito ay na-late silang dumating d'on. Pero ang loko, ngumisi lang sa kan'ya saka balewalang itinuon ang atensyon sa harapan kung saan nar'on si Mr. Dominguez.
Kupal talaga! May araw ka rin!
"Good day, gentlemen," bati sa kanila ni Mr. Dominguez. Nakaupo ito sa pinakasentro ng lamesang paikot katabi ang secretary nito.
"Good day, Mr. Dominguez!" magkakasabay naman nilang ganting-bati.
"Okay, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Humingi ng tulong sa ating ahensya ang PDEA ukol sa lumalaganap na bentahan ng mga party drugs sa kabataan. Ang party drugs na tinutukoy ay ang ecstasy, kush, Valium at cocaine ay ibinibenta sa iba't ibang night clubs sa Metro Manila at karatig-lugar gaya ng Quezon City, Makati at Parañaque. Kung saan pawang mga kabataan ang gumagamit ng nasabing mga drug. Nakapaloob sa mga folder na iyan ang mga clubs kung saan kayo naka-assign," anang Mr. Dominguez saka isa isang inabot samin ng sekretarya niyang si Mimi ang itim na mga folder kung saan may logo ng DISG sa pabalat niyon. Kinuha ito ni Akihiro at agad binuklat.
El Casa Montenegro, basa niya sa isipan. Iyon ang club na naka-assign sa kaniya.
"Pasukin at alamin ninyo ang aktibidades ng mga night clubs na iyan. Alamin kung sino ang nagpapatakbo at kumalap ng mga ebidensya. At pagkatapos ay magsasagawa tayo ng raid kasama ang PDEA upang mahuli ang mga ulupong na iyan. Ang layunin misyong ito ay masugpo ang drugs at masagip ang mga kabataan sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot. Am I clear, gentlemen?"
"Yes, sir!" sabay-sabay na sagot ng mga tauhan nito.
"Take care, gentlemen. Meeting dismissed!" anang Mr. Dominguez saka tumayo na kasunod ang sekretarya nito.
• • •
Napatango-tango si Aki pagkatapos pasadahan ng tingin ang bagong gawa niyang identity na gagamitin niya sa bagong misyon. Gumawa rin siya ng pekeng account sa ilang mga social media sites para sumuporta sa fake identity niya.
Sa bago niyang identity, siya si Raymond Valdez, 23years old at isang freelance model at singer. Syempre pa, kalakip ng pangalang iyon ay ang mga identification card at driver's license para kapani-paniwala.
Nag-unat muna ng mga braso si Akihiro dahil pakiramdam niya ay nangalay siya sa matagal na pagtitipa sa laptop niya. Isinandal rin niya ang likod sa kinauupuang office chair. Matapos niyon, binalingan niya ang wall clock na nasa harapan lang niya.
4:30PM
Napangiti siya nang makita ang oras. Thirty minutes na lang kasi, matatapos na ang trabaho niya. Hindi kasi niya malan kung bakit feeling niya ay napagod siya nang husto ng araw na 'yon, na kung tutuusin ay wala naman siyang ginawa maghapon kung hindi umupo lang at humarap sa laptop at mga dokumento tungkol sa bago niyang misyon.
Kasalukuyan niyang inaayos ang mga nagkalat na papel sa desk niya nang tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis naman niyang dinampot 'yon at saka sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Yes, hello?"
"Magandang hapon po, Sir Aki. Si Hezekiah po ito."
Umarko ang makakapal na kilay ni Akihiro nang marinig ang boses ng babae. Hindi kasi niya inaasahan na tatawag ito ng araw ding 'yon. Baka nakapagdesisyon na silang mag-asawa, isip-isip niya.
"Ah, yes? Nakapag-usap na ba kayo ng asawa mo?" tanong niyang muntikan pang mautal. What the fuck, self?
"Iyon nga po ang itinawag ko, sir. Nakapagdesisyon na po kasi akong hindi na babalik pa. Kailangan po kasi ako ng asawa ko. . ."
Bigla ay nakaramdam si Akihiro ng pagkadismaya dahil sa narinig. "Okay, I'll understand, Kiah."
"Pero Sir, gagawa na lang po ako ng paraan para makabayad po sa lahat ng naitulong n'yo sa akin. Pati na rin po ang cellphone na ibinigay n'yo ay isasauli ko. Nakakahiya---"
"You don't have to do that, Kiah," putol niya sa sinasabi nito. "Tulong ko 'yon sa family mo at hindi utang. At 'yang phone, bigay ko 'yan sa'yo, okay?'
"Maraming salamat po, Sir Akihiro. Hindi ko po makakalimutan ang kabutihan ninyo!" nasisiyahang bulalas pa ng babae sa kabilang linya.
Parang nai-imagine pa ni Aki ang masaya at inosenteng mukha ng babae nang marinig ang masayang boses nito. She was a very pure and innocent. . . and had no idea what kind of monster he was.
"It's nothing. Basta kung gusto mo. . . bumalik dito para magtrabaho ulit, sabihin mo lang," aniyang nasapo rin ang sariling noo dahil sa binitiwang salita. Ba't ko ba nasabi 'yon?
"Talaga po, Sir Akihiro? Wow! Napakabait niyo po talaga!" bulalas pa nito sa kabilang linya.
Lihim na lang na bumuntong-hininga si Akihiro. Huli na para bawiin pa niya ang sinabi rito. "Y-yes. Basta mag-text ka lang o tumawag."
"Okay po, Sir. Sige po, ibababa ko na po ito. Baka nakakaistorbo na ako sa trabaho ninyo. Maraming salamat po ulit Sir Akihiro, sa lahat-lahat. 'Bye po!"
"Okay, 'bye."
Tumunog na ang linya senyales na ibinaba na ni Kiah ang cellphone, kaya naman pinatay na rin niya ang sariling telepono saka muling inilapag iyon sa desk. Pero ilang sandali lang ay muli niya 'tong dinampot at nag-dial.
"Yes, honey?" malanding tanong ng babae sa kabilang linya.
Sa halip na matuwa ay nakaramdam siya ng iritasyon sa tinig ng babae. "Hello, Zea? Are you free tonight? Let's meet. I want to have sex with you," walang paligoy-ligoy niyang saad rito.
Malandi namang tumawa ang babae dahil sa sinabi niya. Pero lalo lang 'yong dumagdag sa iritasyong nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Fucking bitch!
Si Zea ay isa lamang sa mga naka-one night stand niya noon na nakilala niya sa bar. Pero dahil mahilig itong makipag-sex at wild sa kama ay napadalas ang pagkikita nila. Hindi niya personal na kilala ang babae. Ang tanging alam lang niya ay model ito at kabit ng isang mayamang Intsik.
"Sure, honey. Let's meet in the same place and time."