HIS VILE CRAVING (A Tagalog Story) Chapter 17

Humahangos na dumating si Aki sa Metro Manila Police District station 11. Pagpasok niya sa presinto ay hinahanap agad ng mata niya si Kiah. At hindi nga siya nabigo, nakita niya ang babaeng nakayupyop sa isang tabi at tila basang sisiw. Umiling-iling pa muna siya bago niya ito mabilis na nilapitan.

"Kiah, what happen?" pakli niya rito saka umupo sa bakanteng upuan katabi nito. Nang makita siya ng babae ay biglang itong bumulalas ng iyak pagkatapos ay walang anu-anong yumapos sa kan'ya.

"Sir Aki, maraming salamat po at dumating kayo!" humahagulhol na wika ng dalaga sa kan'ya. Bakas sa mukha nito ang relief nang makita siya.

Nabigla man si Akihiro sa pagyakap ng babae ay hinayaan lang niya ito. Besides, parang hinaplos ang puso niya dahil sa yakap na 'yon. Feeling kasi niya, ay kailangang-kailangan siya ni Kiah nang mga oras na iyon.

Gumanti rin siya ng yakap dito saka marahang hinagod ang likod ng babae bilang pag-aalo. Hinayaan lang n'yang umiyak ito hanggang sa mailabas nito ang lahat ng sama ng loob. Mamaya na lang niya ito tatanungin 'pag mahimasmasan na.

Samantalang ilang sandali pa ang lumipas, hanggang ang paghagulhol ni Kiah ay naging paghikbi na lang. Napapahiyang bumitiw ang dalaga sa pagkakayakap sa binatang amo. Lihim pa niyang sinisi ang sarili dahil sa walang sabi-sabing pagyapos rito. Ano ka ba naman, Hezekiah! Maaari namang umiyak lang. Bakit yumakap ka pa? Nakakahiya ka!

"So tell me Kiah, what's happen? Bakit nandito ka sa Manila? 'Di ba nasa province ka?" tanong ni Akihiro sa kan'ya.

Pinunasan ni Hezekiah ang luha sa mga mata gamit ang palad bago tumikhim upang alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan. "Lumuwas po ako ng Maynila dahil nais ko po sanang bumalik sa inyo para magtrabaho ulit," panimula niya. Nakita niyang kumunot ang noo ng lalaki nang marinig iyon. Tuloy ay umahon ang kaba sa dibdib niya dahil pakiwari niya ay galit ito.

"My God, Hezekiah! Bakit 'di mo man lang pinaalam sa'kin bago ka umalis sa inyo?!" mataas ang boses na tanong nito sa kan'ya. Mababakas rin ang galit sa mga mata ng lalaki.

Oo nga naman! Bakit ba kasi hindi muna ako nagsabi? Heto tuloy ang sinapit ko, lihim niyang sisi sa sarili. Dahil sa takot at pagkapahiya sa binatang amo ay muli siyang napaiyak. Ayaw niyang magmukhang nagpapaawa rito, pero iyon talaga ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon.

Mabigat ang kanyang dibdib dahil sa pangalawang pagkakataon ay natikman niya ang lupit ng magulong Maynila. Idagdag pang nakuha sa kan'ya ang pinakaimportanteng bagay na mula kay Carlos, at iyon ay ang kanilang wedding ring.

Si Akihiro naman ay nakaramdam ng guilt habang pinanonood ang umiiyak na babae. Pero hindi talaga niya mapigilan ang sariling makaramdam ng galit nang malamang lumuwas pala ito nang hindi nagsasabi sa kan'ya. Dahil bukod sa cargo de consencia niya ito, ay alam din niyang hindi kabisado ni Kiah ang Maynila. Pwese itong mapahamak o kaya naman ay mabiktima ng mga naglipanang mandurugas sa kalye.

"Hey Kiah. . . please stop crying. Pa'no ko malalaman ang nangyari sa'yo kung iiyak ka na lang d'yan? May nagawa ka bang kasalanan kaya nandito ka sa presinto?" mahinahon na niyang tanong dito. Pero sa tingin niya ay malabo itong magkwento dahil panay pa rin ang hikbi ng babae na akala mo'y isang bata. 'Yong pulis na nga lang ang tatanungin ko!

Binalingan muna niya si Kiah at saka nagbilin. "Wait me here, okay? Kakausapin ko lang 'yong police officer. Sa kan'ya na lang ako magtatanong."

Tumango naman ito bilang sagot habang panay pa rin ang paghikbi. Napapailing naman si Akihiro bago iniwan ang babae at nagpunta sa police desk na hindi kalayuan sa kinaroroonan niya.

"Good evening, Ma'am, I'm Akihiro Tetsuya. Gusto ko lang malaman kung anong kaso ni Ms. Hezekiah Delgado? Bakit nandito siya sa presinto?" pormal niyang tanong sa babaeng pulis na kasalukuyang nakaupo roon.

"Hezekiah Delgado? 'Yon po bang nakaupo r'on, Sir?" tanong naman nito na itinuro pa ang kinaroroonan niya ni Kiah.

"Yes, s'ya nga."

"Wala s'yang kaso, Sir. Nagpunta po s'ya ritong umiiyak at nagsumbong na may babae raw na tumangay ng mga mahahalagang gamit n'ya."

"What?" Nagulat si Akihiro sa narinig saka nilingon si Kiah na noon ay nakayuko lang. Nakaramdam siya ng awa at bahagyang inis para rito. Kung sana lang ay ipinaalam sa kan'ya ni Kiah na luluwas ito, hindi sana nito aabutin ang ganoon.

"Nahuli n'yo ba ang suspect?" tanong pa ni Aki sa babaeng officer.

"Hindi pa po Sir, pero pinaghahanap na po ng mga otoridad ang babaeng nandugas sa kasama n'yo," paliwanag pa nito pagkatapos ay may binuklat itong isang folder saka inabot sa kan'ya. Kunot-noo naman niya itong inabot at pinasadahan ng tingin.

"'Yan po ang mukha na iginuhit ng forensic artist namin, ayon na rin po sa pagkaka-describe ni Ms. Delgado. Sa palagay ko po ay Budol-budol Gang ang bumiktima sa kan'ya. Ang target po kasi ng grupong 'yan ay 'yong mga bagong luwas sa Maynila," explain nito.

Minsan na niyang narinig ang gang na sinabi nito pero hindi naman sakop ng kanilang agency ang kaso na gaya nito. Big time operations kasi ang tinututukan ng DISG, at ang mga ganitong kaso ay ipinauubaya na nila sa mga pulis.

"Ang modus ng mga iyan e, kakausapin ang biktima at papangakuan ng kung anu-ano. Iyong bang tipong mapapaniwala nila ang biktima, tapos saka nila hihingan ng pera o kaya naman ay kukunin ang gamit. At 'pag nakuha na ng mga ito ang pakay, magpapaalam silang kunwari magbabanyo pero dala-dala na nila ang mga nakawat na gamit sa biktima," mahabang paliwanag pa nito.

Tumango-tango si Akihiro nang marinig iyon saka ibinalik and sketch ng suspect sa kausap. "Pwede ba 'kong makahingi ng copy ng mukha ng suspect? Tutulungan ko kayong mahanap ang babaeng 'yan," aniya sa pulis saka inilabas ang badge at ipinakita rito. "Isa akong undercover agent. I will help para mahuli ang gang na 'yan."

"Okay po Sir, maraming salamat po," anang police officer at bahagyang ngumiti sa kan'ya. "Ang totoo'y nahuli na rin po namin ang ibang mga kasamahan niyan. Pero sa palagay ko, malaki po ang grupong iyan at hindi basta-basta masasawata."

"Sige, aasikasuhin ko 'to. Tutulungan ko kayong mahanap ang grupo ng suspect. Tatawagan ko na lang kayo 'pag may development na ang kaso." Tumango naman ang babaeng pulis saka inabot ang kopya ng mukha ng suspect na naka-drawing sa isang sketch paper.

"Maraming salamat din po, Sir."

Tumalikod na si Akihiro at muling binalikan sa kinauupuan si Hezekiah na noon ay nakayuko pa rin at walang kibo. "Kiah let's go, umuwi na tayo," marahan niyang pukaw rito. Subalit nagtaka siya nang hindi man lang ito kumibo at mag-angat ng tingin.

"Hey, Kiah, tara na. 'Uwi na tayo." Pero 'tulad kanina ay nakayuko lang ito at walang kibo. Ipinagtaka niya iyon kaya hinawakan niya ito sa balikat para sana gisingin nang biglang tumumba ang katawan nito. Mabuti na lamang at agad niyang nasalo ang ulo nito na muntik nang tumama sa semento.

"What the fuck, Kiah!" inis niyang bulalas pero napamaang siya nang makita niyang natutulog pala ang babae. Bumuntong-hininga na lang siya at nakaramdam ng awa nang makitang basa pa ng luha ang pisngi nito.

Poor Kiah. . .

Wala siyang nagawa kung hindi pangkuin ang babae palabas sa presinto. Wala rin siyang pakialam sa paligid kung pagtinginan siya ng mga naroon. Ang importante sa kan'ya ay makauwi para makapagpahinga nang maayos si Kiah. Nang makarating siya sa sariling kotse ay binalingan niya ang isang pulis na malapit sa kinaroroonan niya at nakiusap na buksan ang pinto upang maipasok niya si Kiah sa passengers seat.

"Maraming salamat Sir," aniya sa pulis saka bahagyang ngumiti.

"Walang ano man, Sir."

Akma na sana siyang papasok sa driver's side nang tawagin siya ng babaeng pulis na kausap niya kanina. May bitbit itong isang maleta at shoulder bag. "Sir, nakalimutan n'yo po ang mga gamit ni Ms. Delgado."

"Thank you," maikling saad niya rito saka kinuha ang mga iyon at inilagay sa backseat ng kotse niya. Tumango pa muna siya sa pulis bago sumakay na sa sasakyan at minaniobra paalis sa lugar na iyon.

• • •

PUMIKIT-DUMILAT si Kiah upang i-adjust ang paningin sa malamlam na liwanag ng silid, kung saan siya naroon. Tanging lampshade lamang ang tumatanglaw sa kabuohan niyon, pero natukoy na agad niya kung nasaang silid siya. Dahilan upang bumalikwas siya ng bangon kahit pupungas-pungas pa.

"Hala! Bakit dito pa ako pinatulog ni Sir Aki?!" wika niya sa sarili saka mabilis na bumaba sa kama. Pasimple pa niyang sinilip ang orasang nakasabit sa dingding. "Ano? Alas-kwatro na ng umaga?!" nanlalaki ang mga mata niyang bulalas pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng silid.

Saan kaya natulog si Sir Aki? Kagat-labing tinungo ang sala upang tingan kung doon natulog ang amo. At hindi nga siya nagkamali nang makitang naroon ang lalaki sa sofa at namamaluktot. Naka-sando lamang din ito at boxer shorts saka tila lamig na lamig. Kinain siya ng konsensya nang makita ang kalagayan nito, kaya naman tahimik niya itong nilapitan saka dinampot ang blanket nito na nalaglag sa sahig.

"Ano ka ba naman Sir Aki, maaari mo naman akong gisingin. Bakit dito ka pa natulog?" mahina niyang wika habang kinukumutan ang lalaki. Ingat na ingat siyang huwag magising ang binatang amo habang ginagawa iyon, subalit nahinto siya sa ginagawa nang dumako ang paningin niya sa maamong mukha nito.

"Ang gwapo mo pa rin pala Sir, 'pag natutulog," mahina niyang bulong habang nakatunghay sa gwapong mukha nito. Subalit nabura rin iyon nang maalala ang namayapang asawa. "Kung sana'y maaari ko ring pagmasdan si Carlos ng paris nito, napakasaya ko marahil," mapait niyang wika at pagkatapos ay tumayo na.

Iniwan na niya ang lalaki at tinungo ang sariling silid nang makitang naroon na ang maleta niya at bag. Nagpasya siyang maligo muna bago magluto ng agahan. Ngunit habang ginagawa iyon ni Kiah ay hindi niya mapigilang maalala ang yumaong asawa, pati na rin ang nawalang singsing na sumisimbolo ng kanilang kasal.

At kasabay ng tubig na rumaragasa sa kanyang katawan ay ang tahimik niyang pagluha. Pakiramdam niya ay napakatanga niya. Mabilis siyang nagtitiwala sa isang tao dahilan upang sapitin niya ang ganoong kabiguan. Hindi na siya nadala.

Ilang minuto pa siyang ganoon lamang nang mapagpasyahan niyang tapusin na ang pagligo at pag-iyak. "Hezekiah, kailangan mong maging matatag para sa pamilya mo! Kaya h'wag kang umiyak d'yan. Panibagong araw, panibagong pag-asa!"

❇ ❇ ❇

NAGISING si Aki nang maamoy ang mabangong amoy ng sinangag. Dinig din niya ang kalansing ng kawali na tila may kung anong hinahalo roon. Bumangon siya at umunat-unat. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang pananakit ng likod bunga nang makipot na hinigaan.

Kung bakit kasi sa kwarto ko pa s'ya dinala, e pwede namang sa kwarto n'ya!

Nang makarating kasi sila sa condo unit niya, ididiretso na sana niya si Kiah sa kwarto nito, pero naudlot iyon nang magsalita ang babae habang natutulog. Nagulat pa siya ng umiyak ito habang tinatawag ang pangalan ng lalaking nagngangalang Carlos. Naisip niyang siguro ay pangalan iyon ng asawa nito.

Hindi niya malaman ang gagawin kaya ibinaba muna niya sa sofa ang babae at nagtangka itong gisingin, pero muli siyang natigilan nang yakapin siya nito habang patuloy pa rin ang pag-iyak at pagtawag sa pangalan ni Carlos. Kung kaya't wala siyang nagawa kung hindi dalhin ang babae sa kwarto niya at doon bantayan hanggang sa mahimbing muli.

Tumayo na siya sa sofa saka nag-stretching nang kaunti bago tinungo ang kusina at silipin ang babae sa ginagawa. At nang makita niyang nakatalikod ito sa gawi niya ay pasimple niya itong pinagmasdan. Palagay niya ay nakaligo na ang babae dahil nakapagpalit na ito ng damit. Maging ang mahaba nitong buhok ay basa pa rin.

Tumikhim siya para kunin ang atensyon ni Kiah at hindi nga siya nabigo. Mabilis itong humarap sa kan'ya at tila nagulat. "S-sir, nagulat naman po ako sa inyo!" bulalas nitong nakahawak pa sa dibdib. "Ang aga n'yo naman po yatang magising?" tanong pa nitong ibinaba ang sandok na hawak.

Hindi naman nakakbo si Aki nang makita ang itsura ng babae. Mariin pa siyang napamura habang napapalunok na pinagmamasdan ito. Paano ba naman kasi, bakat na bakat ang nipples at dibdib nito sa suot nitong manipis na sandong puti.

Bigla ay nabuhay na naman ang pagnanasa niya sa katawan. Ramdam din niyang ang pagtayo ni Polaris sa loob ng boxer shorts niya. Shit! Behave Polaris! 'Di 'yan pwede! Bawal! Off limits ang isang 'yan! saway pa niya sa isipan pagkatapos ay pasimpleng itinakip ang isang palad sa harapang bahagi ng boxer shorts niya.

Baka kasi mahalata pa iyon ng babae at pag-isipan siya ng masama. Sa sobrang frustration sa katukso-tuksong tanawin ay naihilamos niya ang isang palad sa mukha.

"Sir, okay lang po ba kayo? May problema po ba?" maang na tanong pa ni Kiah sa kan'ya.

Sa tingin ni Aki ay hindi aware ang babae sa nakikita niya kaya naman naglakas-loob siyang tanungin ito. Wala siyang pakialam kung ma-offend man ito roon. Hindi kasi siya komportable na nasisilayan ang maselang bahagi na iyon nito. Hindi siya Santo. Nakakatakot siyang baka kung ano pa ang magawa niya 'pag hindi siya nakapagpigil.

"Kiah. . ."

"Bakit po, Sir Aki?"

"B-bakit wala kang b-bra?" Lihim pang minura ni Akihiro ang sarili nang mautal pagkasabi niyon. He couldn't understand why pero pagdating kay Hezekiah, feeling niya nagiging ibang tao siya.

Sa sinabi niya ay namula ito saka yumuko na tila nahihiya. Pero mayamaya'y nag-angat din ito ng paningin at inosenteng tumingin sa kan'ya. "E, Sir, mas komportable kasi ako kapag walang p-panloob. Nahihirapan po kasi akong huminga."

What the fuck?! Muli, malutong siyang napamura sa isipan nang marinig ang sinabing 'yon ni Hezekiah. Malakas ang kutob niyang simula sa araw na 'yon, ay hindi na matatahimik ang buhay at pagkalalaki niya.

Good luck, self!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.