"PERO Kiah, 'di mo ba naiisip na lalaki ako?" pigil ang inis na tanong ni Akihiro sa babae na noon ay inosenteng nakatingin lang sa kan'ya. Goddammit! Mare-rape ka na, wala ka pa ring kaalam-alam! frustrated n'yang wika sa isipan habang pinagmamasdan ang kabuohan nito.
Tumungo ang dalaga dahil sa sinabi niya. "E, Sir Aki. . . may tiwala naman po ako sa inyo," sagot nitong hindi pa rin makatingin sa kan'ya.
"My God Kiah! Kaya ka naloloko kasi mabilis kang magtiwala!" inis niyang saad habang masama ang mukha na nakatingin dito. "'Di lahat ng kaharap mo ay mapagkakatiwalaan mo, okay? Matuto kang makiramdam!"
"P-pero sir, kayo naman po iyan. Alam ko pong mapagkakatiwalaan ko po kayo," pangangatwiran pa ni Hezekiah na nanginginig ang boses. Wala kang alam kung anong klaseng tao ang nasa harap mo, Kiah. . .
Naisuklay na lang ni Akihiro ang kamay sa buhok dahil sa matinding pagpipigil ng na magalit pa rito, saka pilit kinalma ang sarili pati na rin ang nagwawalang si Polaris. "Okay, kung d'yan ka komportable, do whatever you want," kalmado nang saad niya. Basta 'wag kang magagalit kung 'di na ako makapagpigil, aniya sa isipan. Nag-angat naman ng tingin si Kiah. "Maliligo na muna 'ko. Ang aga-aga ang init, e."
"Opo sir, maghahanda na rin po ako ng almusal," dinig naman niyang sigaw nito. Pero hindi na niya iyon sinagot pa, abala kasi ang isip niya kung paano makokontrol at sasanayin ang sarili sa nakatutuksong tanawin na makikita niya araw-araw. Damn, ako na lang ang mag-a-adjust. Mahirap na, ayaw kong makasuhan ng rape! iiling-iling niyang turan sa isipan habang tinutungo ang sariling silid.
• • •
"SO Kiah, ano ba talaga ang nangyari sa'yo pagdating mo sa Manila?"
Lumamlam ang mga mata ni Kiah sa tanong niyang iyon, tanda na apektado pa rin ang babae sa nangyari. Ihinto rin nito ang tangkang pagsubo ng pagkain, saka yumuko at bumuntong-hininga. Sa palagay niya ay may mahalagang bagay ang nakuha rito ng mga mandurugas na iyon.
Although nauuwaan niya si Kiah na biktima lang ito ng malupit na mundo, hindi niya pa rin maiwasang mainis sa babae. Napakabilis nitong magtiwala sa mga tao. Akala nito, lahat ng tao sa paligid ay mapagkakatiwalaan. Kiah is so pure and innocent. Para itong isang bagong panganak na sanggol na walang kamuwang-muwang sa mundo.
He's also scated na baka sa sobrang pagtitiwala ng babae ay maulit pa ang ganoon dito. And worst, baka mas malala pa ang abutin nito. Kaya naman nagpasya siyang tulungan ang babae na mamulat ito sa mga bagay-bagay. At para na rin maprotektahan niya ito laban sa. . . sarili.
"Pagdating ko po sa Maynila ay sinubukan ko kayong tawagan para sana ay ipaalam na lumuwas ako," panimula nito. Ikinakunot-noo niya ang narinig. Wala naman kasi siyang natatanggap na tawag ng araw na iyon. "Pero hindi po kayo sumasagot kaya nag-isip na lang po ako ng paraan kung paano makakapunta dito sa Makati."
"Pero Kiah, wala akong nare-receive na phone calls," turan niya pero agad rin siyang natigilan nang may maisip. "Wait, anong oras ka ba tumatawag?" sa halip ay tanong niya.
"Umaga po sir, mga alas-otso."
Fuck you Chloe! Mariin siyang napamura sa isipan nang maalalang si Chloe lang ang kasama n'ya ng mga oras na iyon. Sa palagay niya, ito ang may kagagawan kung bakit hindi niya nalaman na tumawag si Kiah.
Bumuntong-hininga siya saka pinagmasdan ang babae. "I'm sorry, siguro tulog ako n'on kaya 'di ko nasagot ang tawag mo," pagsisinungaling niya rito.
Mabilis naman itong umiling. "Wala po kayong dapat ihingi ng sorry, Sir Aki. Kasalanan ko naman po. Hindi muna ako nagsabi sa inyo na babalik ako sa trabaho."
"It's okay, tapos na 'yon. By the way, anu-ano ba ang nakuha sa'yo ng babaeng 'yon? Pupunta kasi ako sa trabaho ngayon. Pwede kong asikasuhin na mahanap ang babaeng 'yon, total marami na palang naloko ang grupo n'on sabi ng pulis," aniya kay Kiah habang ipinagpapatuloy ang pagkain. Pero nagtaka siya nang hindi kumibo ang babae, sa halip nakatungo lang ito.
"Hey! Kiah, tell me. Pa'no kita matutulungan kung gan'yan ka?" pakli niya sa hindi nito pagkibo. "Okay look, gagawin ko ang lahat para maibalik ang mga ninakaw sa'yo. Basta sabihin mo lang sa'kin kung ano 'yong mga nawala," pangungumbinsi pa niya sa babae habang tinitingnan ito ng mataman.
Nang sa wakas ay nag-angat ng tingin si Kiah ay napamaang siya. Mukha kasing maiiyak na naman ito ng mga oras na iyon. "Kahit 'wag na lang po iyong pera ang maibalik, Sir. Basta iyong cellphone lang po sana na ibinigay ninyo at---"
"'Wag na 'yong cellphone, okay? Kaya kitang bilhan ulit n'on. 'Tsaka 'di ako galit kung 'yon ang iniisip mo," putol niya sa sinasabi nito. Tumango naman ito pagkarinig noon. "So, ano pa? Is there anything else?"
"I-iyong wedding ring po sana namin ni Carlos. . ."
Carlos? Kung gan'on, pangalan nga ng sawa n'ya nga 'yong napanaginipan n'ya kagabi. . . Naalala kasi niyang iyon ang pangalan na tinatawag ni Kiah kagabi habang nananaginip ito at umiiyak. At kaya pala ganoon na lang ang iyak nito sa presinto nang madatnan niya. Wedding ring pala nito ang nawala.
"Carlos? 'Yan ba ang pangalan ng asawa mo?"
"Opo, Sir. . ."
"Okay," saad niyang tumango-tango pa. "I will do my best para mahanap ang babaeng nanloko sa'yo, at para maibalik ang wedding ring n'yo ni Carlos. Just don't worry, okay?" turan niya sa babae.
Nang marinig ito ni Kiah ay nagliwanag ang mukha nito kasabay ng pagpunas ng tumulong luha sa mga mata. Bigla ay nakaramdam siya ng pagnanais na mahanap agad ang singsing nito. Lalo pa't ramdam niya kung gaano kahalaga iyon para sa babae.
"Maraming salamat po, Sir Aki. Napakabuti po ninyo."
"Maiba tayo Kiah," pakli niya rito mayamaya. Maang namang tumingin sa kan'ya ang babae. "Mabuti at pinayagan ka ng asawa mong bumalik dito at magtrabaho. Hindi ba siya nagalit? I mean, hindi ba kayo nag-away?"
Pero lihim na napailing si Akihiro nang ma-realize ang kanyang sinabi. He doesn't know why kung bakit niya pa naisipang itanong ang bagay na 'yon. Kung tutuusin, wala na s'yang pakialam doon. Personal nang buhay ito ni Kiah. Pero huli na para bawiin pa niya ang sinabi, kung kaya't hinintay na lang niya ang isasagot nito.
Uminom muna ng tubig si Kiah saka malamlam ang mga matang bumaling sa kan'ya. He could read the sadness in her eyes, kaya nasisiguro niyang may hindi magandang nangyari sa pagitan ng mga ito.
"Ahm, hindi naman po, Sir Aki. Naunawaan naman po kasi niya na kailangan kong magtrabaho para kina Nanay. Ayaw ko naman pong ipaako sa kan'ya ang responsibilidad ko sa pamilya," tugon ni Kiah habang nakangiti.
Pero hindi maintindihan ni Akihiro ang sarili habang pinagmamasdan ang babae. May parte kasi sa kalooban niya ang nagsasabing nagsisinungaling ito. Lalo pa nga't hindi naman umabot sa mga mata nito ang ngiting iyon.
"Good. I'm glad na understanding ang husband mo," sa halip ay sabi n lang niya. "Besides, humahanga ako sa prinsipyo mo sa buhay. Bihira sa tao ang gan'yan," papuri niya pa na sinamahan ng simpleng ngiti.
"Maraming salamat po, Sir."
"Anyway, pupunta ako sa trabaho ngayon. Ikaw na ang bahala rito, ha? Kaya mo na ba?" Iniisip kasi niyang baka hindi pa magandang iwan itong mag-isa dahil sa na-experience nito kailan lang.
"Opo Sir, kaya ko na po. Ako na po ang bahala," sa halip ay sagot nito. Makahinga naman siya ng kaliwang nang marinig iyon.
"Good. Mauna na 'ko." Tumayo na siya sa kinauupuan at inayos ang sarili.
"Mag-iingat po kayo, Sir Aki."
❇ ❇ ❇
"OKAY gentlemen, ipinatawag ko kayo dahil sa isang mahalagang event. Siguro naman alam n'yong ngayong buwan ang anniversary ng DISG?" anang big boss ng DISG.
"Yes, Sir!" magkakapanabay na sagot ni Akihiro at ng iba pang agents ng DISG. Nasa conference room sila ng mga oras na iyon dahil nagpatawag ng meeting si Mr. Dominguez.
"Napag-usapan namin ng mga board of directors na sa halip na mag-party na nakasanayan nating gawin, ay mag-co-conduct na lamang ng medical missions ang ahensya at magbibigay ng goods for the indigenous people."
Tumango-tango naman si Akihiro at ang kaibigang si Heinz nang marinig iyon. "That's good. Marami pa tayong matutulungang mga needy people. Isa pa, nagsasawa na rin ako kaka-party, e. Malalasing ka lang at mapupuyat," mahinang komento ni Akihiro na sa kaibigan nakatingin.
"Paano, kahit yata kagagaling mo lang ng trabaho e, gumi-gimmick ka," mahinang tudyo naman ni Heinz sa kan'ya.
"Gago ka ba? Syempre kasama 'yon. 'Wag mo 'ko itulad sa'yo na bahay-trabaho lang. Nakaka-boring," nakangising bulong naman niya rito. Pero muli nilang itinuon ang atensyon sa kanilang big boss nang muli itong magsalita.
"At ang Dominguez Foundation naman ay muling naghahanap ng mga bagong scholars na i-sponsor-an. Kaya kung may kakilala kayong nangangailangan nito ay dalhin n'yo lamang sa opisina ko. Ako na ang bahalang mag-interview. Kahit from elementary to college and any courses, walang problema. Maraming pondo ang foundation para sa mga kabataang may pangarap sa buhay."
Scholarship? Bigla ay pumasok sa isipan ni Akihiro si Kiah nang marinig niya iyon. Sa tingin niya ay makakatulong 'yon sa babae at sa pamilya nito. Tutal, sa pagkakatanda niya, highschool lang ang natapos nito. Tamang-tama, sana pumayag s'ya. . .
"Sa ngayon iyan lamang muna. Alam kong may kani-kaniyang misyon pa kayong inaasikaso ngayon, kaya hindi ko na kakainin pa ang oras ninyo. Kung may nais pa kayong itanong o kaya ay may kakilala kayong gustong mag-volunteer sa ating medical mission ay puntahan na lamang ninyo ako sa opisina ko. Is that clear?"
"Yes, Sirr!" magkakapanabay na sagot ng mga naroon.
"Okay, dismissed!"
Sabay-sabay na silang tumayo at nagsipagsunuran sa big boss palabas ng conference room nang biglang magsalita si Heinz sa tabi ni Akihiro. "O, bakit parang interesadong-interesado ka sa scholarship na sinabi ni Mr. Dominguez kanina? May ipapasok ka ba?" usisa sa kan'ya ng kaibigan habang papalalabas sila ng conference room.
Pumalatak si Akihiro saka umiling-iling sa kaibigan. "Mind reader ka ba, kups?Biruin mo, nalaman mo ang iniisip ko?" sarkastikong sagot naman niya rito.
"Ako pa ba? Gusto mo sabihin ko kung sino'ng ipapasok mo?" mayabang pang dagdag nito na ikinasama naman ng mukha niya.
"Sino?"
"Si Hezekiah Delgado," nakangising sagot ng kaibigan. Bakas rin sa mukha nito ang panunuduyo habang nakatingin sa kaniya.
Mind reader talaga siguro 'tong hayop na 'to? "Kupal ka, bakit mo nasabi?"
"I can see it in your eyes. Kahit singkit ka, kitang-kita ko'ng pagnanasa d'yan!" pang-aasar pa nito saka malakas na tumawa.
"Ulol ka! Pag-aaralin ko 'yong tao, para matuto sa buhay. 'Di katulad nang sinasabi mo," inis niyang wika rito saka nauna nang maglakad at iniwan ito. Pero ang gago, sumunod pa rin sa kan'ya habang panay ang tawa ng pang-asar.
"O kitams? Hinuhuli lang kita, nagpahuli ka naman. Matanong nga kita, kups. Bakit ang bait mo 'ata sa babaeng 'yan? As far as I know, siya lang ang trinato mo ng gan'yan, ha?"
Huminto siya sa paglalakad dahil sa sinabi ni Heinz saka pinukol ito ng masamang tingin. Pero sa halip na masindak ang kaibigan ay ngumisi lang ito sa kan'ya. Kupal talaga 'to. Daming alam!
"Ulol! Ano'ng ibig mong sabihin?" asik pa niya rito.
"Baka lang. . ." anitong biglang sumeryoso. "Baka lang kasi 'di na awa 'yan, bro. Baka kasi nagugustuhan mo na ang babaeng 'yon."
What the fuck? Nang marinig iyon ay kunwari siyang tumawa. "Are you crazy, bro? Ba't ko naman s'ya magugustuhan? E, walang-wala s'ya sa mga babaeng naghahabol sa'kin?" Umiling-iling pa siya na parang dismayadong-dismayado sa narinig. "Naaawa lang talaga 'ko sa tao. Pursigido kasi s'yang tulungan ang family niya. At isa pa, may-asawa na s'ya, 'no?" sabi pa niya sa kaibigan.
Pero habang sinasabi niya iyon ay aaminin niyang kinakabahan siya. Hindi dahil tama ang sinabi ng kaibigan na gusto n'ya si Kiah, kung 'di dahil alam niyang may pagnanasa siya sa babae. Pagnanasa na ikinatatakot rin niyang baka hindi na niya ma-control paglaon.
"Sige bro, naiintindihan kong ngayon ide-deny mo pa. Anyway, hindi mo pa kasi alam ang feeling ng in-love, e. Hindi ka pa kasi nagmahal kahit isang beses in your entire fucking life. But sooner or later, sasabihin mo rin sa sarili mong tama ako," sagot naman ni Heinz sa kan'ya na bagaman nakangiti ay mahihimigan ang kaseryosohan sa tinig.
"'Tsaka hindi ba? Ikaw ang nagsabing mas madaling mahuli ang manok 'pag nakatali?" dagdag pa nito saka tumawa at iniwan siya.
Napailing-iling na lang si Aki sa kagaguhan ng matalik na kaibigan. No, mali ka bro. 'Di ko s'ya gusto at hindi ko s'ya magugustuhan. . . Libog lang ang nararamdaman ko sa kan'ya, just like others. At sure akong kapag natikman ko s'ya ay d'on na 'yon magtatapos!