HIS VILE CRAVING (A Tagalog Story) Chapter 22

"GRACIAS, abogado y usted hizo un camino para que yo obtuviera la fianza, (Thank you attorney, and you made a way for me to get bail,)" ani Alejandro sa kanyang private lawyer na si Attorney Hernandez, saka nakipag-kamay.

"No, Señor. Es mi deber como su abogado, (No, Sir. It is my duty as your lawyer,)" tumatango-tangong saad naman nito kay Alejandro. "Cuál es su próximo plan, Señor Montenegro? (What is your next plan, Mr. Montenegro?)" tanong pa nito kay Alejandro habang itinutulak siya gamit ang wheelchair papalabas ng city jail kung saan siya ikinulong.

Tumiim-bagang si Alejandro nang maisip ang mga taong may dahilan kung bakit siya nakulong. Gayon din ang sanhi kung bakit namatay ang kanyang daddy. Ikinuyom niya ang kamao saka galit na tumingin sa lawyer niya.

"They will pay for what they did, Attorney! Igaganti ko si Daddy!" mariin niyang habang mariing nakakuyom ang mga kamao.

Tumango-tango naman si Attorney Hernandez sa kaniya. "Le entiendo, Señor Montenegro, (I understand you, Mr. Montenegro,)" anito pagkatapos ay inalalayan siyang makasakay sa magarang kotse, saka inilupi ang wheelchair na gamit-gamit n'ya.

"Kailangan ko ng mga tauhan, Attorney Hernandez. 'Yong malalakas at halang ang kaluluwa," aniya sa abogado nang makapasok sa loob ng kotse. Mabilis naman itong tumango sa kan'ya.

"Okay, Mr. Montenegro. I will take care of that."

• • •

"Hello Dean, I'm Akihiro Tetsuya.  I'm Ms. Delgado's guardian. I want to enroll her in your university."

Tahimik lamang si Kiah habang nakatunghay sa nagpakilalang Dean at saka kay Akihiro. Naroon sila ngayon sa unibersidad kung saan, sabi ng lalaki ay kilala dahil mahuhusay ang mga propesor.

"I'm Dean Eva Madrigal. And I'm very glad na ang university namin ang inyong napiling pasukan," nakangiting saad kay Aki ng medyo may-edad ng babae. Mukha rin itong mabait kung titingnan. "Anyway, ano ang course na i-te-take mo, Ms. Delgado?" tanong pa nito na kay Kiah nakatingin.

Agad namang napuna ni Akihiro ang tila paninginig ng babae, marahil ay sanhi ng kaba. Kung kaya't pasimple n'ya itong hinawakan sa pulsohan saka bahagyang tinanguan. Tila mabilis naman itong naunawaan ng babae.

"Ahmm, Bachelor of Secondary Education po sana, Dean," kinakabahang sagot naman ni Kiah. Mabuti na lamang din at hindi niya nalimutan ang kursong sasabihin. Itinuro na kasi sa kan'ya iyon ni Akihiro bago sila magpunta roon.

Ngumiti naman ng matamis ang Dean kay Kiah. "Maganda ang course na napili mo, hija," papuri nito na sinamahan pa ng ngiti, "At anong major naman?" usisa pa ni Dean Eva.

"Major in English po sana, Dean."

Lihim naman na napangiti si Aki dahil kahit obvious na kinakabahan si Kiah, nagpapasalamat siyang hindi nito nalimutan ang bilin niya kanina. Natutuwa rin siya nang sabihin nito kanina na gusto raw nitong pag-aralan ang Ingles pati na rin ang pagsasalita niyon. Kaya nga English major ang napili niyang kunin ng babae na sinang-ayunan naman nito.

"That is wonderful, hija. I'm glad at iyan ang course mo. It looks like, gusto mo talagang maging guro."

"Opo, Dean. Noon pa man pong bata ako ay iyon na po ang pangarap ko," sagot naman ni Kiah habang bahagyang nakangiti sa kausap.

"Dean Magdrigal, gusto ko na po sanang maasikaso ang mga requirements at iba pang kakailanganin ni Ms. Delgado para makahabol s'ya sa pagbubukas ng university. Kung hindi ako nagkakamali, April pa lang ay umpisa na ang classes n'yo," anang Aki sa Dean.

"Yes, you're right, Mr. Tetsuya."

Hindi na masyado pang napagtuunan nang pansin ni Kiah ang pinag-uusapan ng mga ito nang makaramdam siya ng pamimigat ng pantog. Nais sana niyang magpaalam na magbabanyo ngunit hindi niya alam kung paano. Nahihiya kasi siyang istorbohin ang dalawa habang nag-uusap. Kung kaya't iniyuko na lamang niya ang ulo habang hawak-hawak ang puson.

Magtitiis na lang muna ako. Nakakahiya kung bigla na lamang akong sasabat sa usapan nila, isip-isip ni Kiah.

Habang kausap naman ni Akihiro ang dean ay napansin niyang hindi mapakali si Kiah sa kinauupuan. Nakahawak pa ito sa tiyan na tila may iniinda. Kung kaya't humingi muna siya ng excuse sa kausap saka bumaling dito.

"What happen Kiah? Are you alright?" bulong n'ya rito.

"E sir, magbabanyo po sana ako."

"Okay sige," saad ni Akihiro saka muling bumaling kay Dean Madrigal. "Excuse me Dean, may I know if where is the comfort room?"

"There's a bathroom near my office, Mr. Tetsuya," agad namang sagot nito.

Binalingan naman ni Akihiro ang babae pagkarinig niyon. "Kaya mo na ba?" tanong n'ya rito. Mabilis naman itong tumango. "Are you sure?"

"Opo, Sir."

"Mas mainam rin 'yan, Ms. Delgado. Para naman ma-familiarize mo ang campus," nakangiti namang sabad ni Dean Madrigal.

Agad namang nagpaalam si Kiah sa mga ito at mabilis na lumabas. Pakiramdam kasi niya ay puputok na ang kanyang pantog. "Diyos ko! Nasaan ba ang banyo rito?" tarantang tanong niya sa sarili habang panay ang linga sa paligid.

May ilang metro na rin ang nalalakad niya ngunit hindi niya pa rin nakikita ang pakay. Tuloy ay umupo muna siya sa isang bench malapit sa isang mini garden habang sapu-sapo ang puson. Ngunit hindi pa siya nagtatagal doon nang may magsalita sa kanyang likuran.

"Excuse me Miss, are you alright?"

Mabilis niyang nilingon ito at nakita niyang nakatayo sa likuran niya ang isang gwapong lalaki na sa tingin niya ay kaedad lamang niya.

"Napansin kasi kitang may hinahanap," nakangiti pang turan nito, "baka matulungan kita."

Siguro, mag-aaral siya rito. At saka mukha naman siyang mabait, isip-isip ni Kiah habang nakatunghay dito. "A-Ano kasi. . . hinahanap ko iyong banyo," nahihiya niyang sagot dito.

"'Yon lang ba? 'Lika, samahan na kita," prisinta naman nito habang nakangiti ng malapad.

"H-Hindi ba nakakahiya? Baka nakakaistorbo ako sa iyo," alanganin namang turan ni Kiah.

Umiling ito saka ngumiti sa kan'ya, dahilan upang lumitaw ang biloy nito sa magkabilang pisngi. "Nope, it's okay. Let's go, baka abutin ka pa d'yan," biro pa nito saka mahinang tumawa. Pakiramdam naman ni Kiah ay uminit ang kanyang pisngi dahil sa biro ng lalaki.

"S-Salamat."

"You're welcome," magiliw pang wika ng estrangherong lalaki, pagkatapos ay iminuwestra sa kaniya ang daan. Agad naman siyang kumilos at nauna nang maglakad.

Bakit hindi ko ba napansin ito kanina? tanong niya sa isipan nang marating ang banyo kung saan dinaanan lamang niya kanina. "Maraming salamat," aniya sa lalaki. Tulad kanina ay ngumiti lamang ito pagkatapos ay sumenyas sa kanyang pumasok na sa loob.

Mabilis namang tumalima si Kiah saka agad pumasok sa banyo ng babae. Namangha pa siya nang makita ang kahanga-hangang istilo niyon. Ang mga malalaking salamin at tiles, maging ang mga gripo ay pawang mga moderno. Halatang hindi basta-bastang unibersidad iyon. Agad naghanap ng bakanteng cubicle si Kiah at nang may masumpungan ay agad siyang pumasok.

Matapos siyang makapagbawas ay agad siyang lumbas ng banyo. Iniisip din niyang baka hinahanap na siya ni Aki dahil inabot na siya ng siyam-siyam sa paghahanap niyon. Subalit nang makalabas ay ikinagulat niya nang makita ang lalaking tumulong sa kaniyang matunton ang palikuran. Naghihintay ito sa labas at prenteng nakasandal sa pader habang panay ang pagyugyog ng ulo sa kung ano mang pinakikingan nito sa earphone.

Nagtuloy-tuloy naman sa paglalakad si Kiah at nagpasya na lang siyang lampasan ito. Iniisip kasi niyang baka may hinihintay din ito too. Subalit nang mapansin siya nito ay mabilis itong nag-alis ng earphone saka umayos ng tao at nakangiti siyang sinalubong.

"Hey, I'm here 'coz I forgot to ask your name," kaswal na saad pa nito. Hindi naman agad nakahuma si Kiah at nakatingin lamang sa lalaki. Ngayon lamang din kasi siya may nakilalang lalaki bukod kay Aki nang mapunta siya sa Maynila.

Naalala rin niya ang sinabi sa kaniya ng binatang amo na hindi dapat siya basta-basta magtitiwala sa tao. Lalo pa't isa nakapagdulot rin sa kaniya ng trauma ang masalimuot na karanasan sa Maynila.

"I'm Gavin, but you can call me Gav for short," nakangiting pagpapakilala pa nito sabay lahad ng palad. "How about you?"

"Ha?"

Napamaang na lamang si Kiah sa lalaki. At aywan ba niya pero parang may kahawig ito habang pinagmamasdan niya. Hindi nga lamang niya matukoy kung sino. Hindi rin mapagkakailang gwapo ito. Maputi, matangkad, t may mapupungay na mga mata. Parang si Sir Akihiro...

"Ang sabi ko, anong pangalan mo?" anang lalaki na sinamahan pa ng mahinang tawa saka tumingin sa kaniya na para bang aliw na aliw. Napapahiya namang inayos ni Kiah ang sarili saka alanganing tumingin sa kaharap.

"S-Sige, mauna na ako sa iyo. Salamat ulit sa pagsama sa akin," ani Kiah saka mabilis na tumalikod. Baka hinahanap na ako ni Sir Aki, turan pa niya sa sarili.

Ngunit nagulat siya nang bigla hawakan siya ng lalaki sa braso at pigilan sa pag-alis. Tumahip tuloy ang kanyang dibdib sa labis na kaba at saka nahintakutang pinukol ito ng tingin. Kaagad pumasok sa kanyang isipan na baka masamang tao ito.

"I'm sorry," anitong agad siyang binitiwan. Marahil ay napansin nito ang takot niya ng mga oras na iyon. "Gusto ko lang malaman ang pangalan mo," paliwanag pa ng lalaki saka seryosong pinagmasdan siya.  "Enrollee ka ba? Anong course? Don't worry Miss, hindi ako masamang tao."

Saglit munang nag-isip si Kiah habang nakatingin sa lalaki. Tingin naman niya ay nagsasabi ito ng totoo sa kaniya. Bukod pa roon, mukha naman itong mabait.

"Oo, nag-e-enroll ako rito. BSEd ang kursong kinukuha ko," sagot niya. Kaagad namang sumilay ang magandang ngiti nito pagkasabi niya niyon. "Ako nga pala si Ki---"

"Kiah!"

Naputol ang sana'y pagpapakilala ni Kiah sa lalaki nang marinig niya ang baritonong tinig ni Akihiro. Taranta niyang liningon ang kinaroroonan nito, at nabistahan niya ito sa hindi kalayuan. Nakaramdam rin siya ng matinding kaba nang mapansing pormal na pormal ang anyo nito at walang kangiti-ngiti. Hala! Nagalit yata si Sir Aki! Paano na ito?

"Sorry, ha? Tinatawag na kasi ako ng kasama ko. Pasensya ka na, mauna na ako," kaagad na paalam ni Kiah sa lalaking kaharap. Hindi na niya hinintay pang sumagot ito at saka mabilis na siyang tumalikod at iniwan ito.

Nang makarating sa kinaroroonan ng amo ay agad siyang humingi ng sorry dito, ngunit katulad kanina, hindi nagbago ang anyo ng lalaki. Nakatingin lamang ito sa kaniya at pormal na pormal ang anyo.

"Let's go, uuwi na tayo."

Tumalikod na ito at nauna nang maglakad. Naiwan naman si Kiah na natitigilan. Lalo ring yumabong ang kaba niya dahil pakiramdam niya galit nga ito sa kaniya. Pero ano bang nagawa ko? Dahil ba sa matagal ako sa paghahanap ng banyo?

Walang nagawa si Kiah kung hindi sumunod na lamang sa lalaki hanggang sa marating nila ang paradahan ng campus. Nang makasakay sa kotse ay tahimik lamang ang lalaki kaya pinili na lamang din ni Kiah na h'wag magsalita.

Ngunit hindi pa rin siya mapalagay nang mga sandaling iyon dahil alam niyang galit ang lalaki sa kaniya. Kung kaya't kahit kabado ipinasya niyang muling humingi ng sorry dito.

"S-Sir Aki, sorry po kung natagalan ako sa paghahanap ng banyo. Naligaw po kasi ako," nakatungong hinging-paumanhin niya rito.

"Sino 'yong lalaking kausap mo kanina?" sa halip ay tanong nito habang wala ni katiting na reaksyon ang mababasa sa gwapong mukha nito.

"S-Sir, ang lalaki pong iyon ang tumulong sa akin para mahanap ang banyo," puno ng kabang sagot naman ni Kiah rito. Tama nga siya, nagagalit ito dahil sa matagal niyang pagkawala kanina.

"'Di ba, ang sabi ko sa'yo, 'wag kang basta-basta magtitiwala sa taong hindi mo kilala? 'Di ka pa ba nadala? Ilang beses ka nang muntikang mapahamak dahil d'yan sa pagiging mabait mo! Pa'no pala kung masamang tao 'yon tapos kung saan ka dinala? Sinong  tutulong sayoy, ha?"

Nakagat na lamang ni Kiah ang ibabang labi dahil sa matinding pagkapahiya at takot na nararamdaman para sa lalaki. Sa isang banda, naiintindihan din naman niya kung bakit ito nagagalit. Kapakanan lang niya ang iniisip ito, dahil tiyak na kapag may nangyari sa kaniya, ito na naman ang mape-perwisyo.

"S-Sorry po ulit, Sir Akihiro. Hindi na po mauulit."

Subalit lihim na lamang bumuntong-hininga si Kiah nang hindi sumagot ang amo at nakatuon lamang ang atensyon sa pagmamaneho.

Hindi bale, babawi na lang ako kay Sir, lihim na saad ni Kiah sa sarili saka ibinaling ang tingin sa tinatahak nilang daan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.