"SIR, ito na po ang info about sa member ng Budol-budol Gang na ipinahahanap n'yo."
Inabot ni Aki ang itim na folder na ibinigay ni Maggie, ang researcher sa DISG saka pinasadahan iyon ng basa.
"Nakalagay po sa info na 'yan kung saan makikita si Rosalia Marquez a.k.a Lucita Dimayuga, maging ang mga address ng mga kasamahan niya. Ayon din po sa surveillance team, ang Star Creator Agency ang ginagamit ng gang na 'yan para makapanloko. Malamang po ay nar'yan ang iba pang member ng gang na wala sa watch list. At ayon rin sa mga otoridad, mailap ang mga 'yan. Sa tingin nila ay may malaking tao ang nasa likod ng grupong 'yan," tuloy-tuloy na paliwanag pa nito sa kan'ya.
"Okay. Thanks Maggie. Ako na ang bahala rito," ani Akihiro saka tumango rito.
"You're welcome, Sir Akihiro." Tumalikod na ang babae pagkatapos niyon.
Nang makalabas na ito, ipinasya ni Akihiro na magpunta sa opisina ni Mr. Dominguez. Kailangan muna kasi niya ng permiso ukol sa operasyon na balak niyang isagawa sa gabing ding iyon. Besides, kailangan din niya ng cooperation ng pulisya na sakop ng lugar na kanilang pupuntahan.
Nang makarating sa office ng big boss ng DISG ay marahan siyang pumasok at naabutan n'ya roon ang secretary ni Mr. Dominguez na si Mimi. Nakaharap ito sa computer at mukhang busy sa kung saan.
"Good afternoon Agent Tetsuya," agad na bati nito nang makita siya.
"Good afternoon, Mimi. Is Mr. Dominguez there?" nakangiting tanong niya rito.
"Yes, Agent Tetsuya. May kailangan ka ba?" usisa pa nito.
"Yes. Importante lang," aniya saka naupo muna sa swivel chair na katapat nito.
"Okay. Itatawag ko lang sa intercom na nandito ka."
"Okay, please."
Tumango naman ito saka agad na nag-dial sa intercom. "Mr. Dominguez, Agent Tetsuya wants to talk to you. Shall I let him in? Okay. Thank you, Sir." Matapos niyon ay ibinaba na ni Mimi ang intercom at bumaling sa kaniya. "Pwede ka nang pumasok, Agent Tetsuya," nakangiting anunsyo nito.
"Thanks, Mimi."
Tumayo na siya sa kinauupuan at nagtuloy-tuloy sa private office ng kanilang big boss. Mahina pa muna siyang kumatok sa tinted glass door nito tuluyang pumasok. Naabutan naman niya ang matanda na tila may pinipirmahan na mga papeles.
"Good afternoon, Mr. Dominguez. I'm sorry if I disturbed you. I just want to ask your permission," agad na wika niya.
"About what, Agent Tetsuya?"
Inabot ni Aki sa kaharap ang folder na naglalaman ng mga impormasyon sa grupo na nais niyang mahuli. Nakalakip din sa loob niyon ang kasulatan na humihingi ng pahintulot upang i-raid at hulihin ang grupong sangkot sa ilegal na operasyon.
Inabot naman iyon ni Mr. Dominguez saka sandaling pinasadahan ng tingin at pinirmahan. "Permission granted, Agent Tetsuya. Sana'y tuluyan ng mabuwag ang sindikatong 'yan."
"Thank you, Mr. Dominguez. Ako na po ang bahala. Mabubulok sa kulungan ang mga iyan," pormal naman niyang sagot. I make it sure na mababawi ko ang singsing ni Kiah. I know it's very important to her, isip-isip pa niya nang maalala ang pangako sa babae.
"Good luck, Agent Tetsuya, and to your team. I trust you," anang Mr. Dominguez saka tumango. "And before I forgot, pakisabi kay Hezekiah Delgado na maaari na siyang mamamili ng university na pag-e-enroll-an niya, para na rin makahabol sa opening of classes this June."
Lihim na napangiti si Akihiro sa narinig. Tiyak na matutuwa s'ya kapag nalaman ito. "Okay Sir, I will tell her."
• • •
NAGISING si Kiah dahil sa sunod-sunod na pag-doorbell. Kaya naman kahit pupungas-pungas pa, ay patakbo niyang tinungo ang pinto saka sinilip sa monitor kung sino iyon. At nang makitang si Akihiro iyon ay mabilis n'ya iyong binuksan.
"I'm sorry kung naistorbo ko ang tulog mo, Kiah," bungad ng lalaki nang makapasok. Subalit nataranta si Kiah at tumahip ang kanyang dibdib dahil sa matinding kaba nang makita ang itsura ng lalaki.
"Diyos ko, Sir Aki! Ano po ang nangyari sa inyo?!" bulalas niyang nanlalaki ang mga mata. Nakabenda kasi ang braso nito at may kaunting mantsa pa ng dugo iyon. Mabilis niyang inalalayan ang binatang amk hanggang sa makaupo ito sa sofa.
Bahagya lang na ngumiti si Akihiro sa kaniya, pagkatapos ay umiling. "Wala 'to. Kasama ito sa trabaho ko, Kiah," tila balewalang sagot nito.
Ngunit hindi napanatag ang kalooban ni Kiah sa tinuran nito. Kitang-kita kasi niyang nahihirapan ang amo bunga ng tinamong sugat nito sa braso. "Sigurado ba kayo, Sir? Nag-aalala ako sa inyo, e."
Si Aki naman ay hindi malaman kung bakit, pero sa t'wing naramdaman niyang nag-aalala ang babae, parang hinaplos ang kanyang puso. At ang ipinagtataka pa niya, si Kiah lang ang tanging babae na may kakayahang makapagparamdam nito sa kan'ya ng ganoon. Kapag ito kasi ang nagsasalita, ramdam niya ang sincerity nito. Pero lihim ding napailing si Akihiro dahil doon. 'Di dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano. Natural lang na mag-alala ang isang tao!
"It's nothing, Kiah. Daplis lang 'to, okay? At saka galing na 'ko sa ospital."
Bumuntong-hininga ang babae habang nakatingin sa kan'ya. Hindi pa rin maalis-alis ang pag-aalala nito sa mukha. "E sir, napakadelikado naman pala ng trabaho mo. Bakit iyan pa ang napili mong pasukin?" nakasimangot na tanong pa ni Kiah sa kan'ya, "Marami namang trabaho diyan na nababagay sa iyo."
Gustong mangiti ni Aki habang pinagmamasdan ang babae. Paano kasi'y nakalukot ang magandang mukha nito habang sinasabi iyon. Tuloy ay nakalimutan niya ang kirot bunga ng tinamong sugat mula sa pagkakabaril sa kan'ya kanina.
Nakuha niya ang sugat na iyon dahil hindi nila inaasahan ng kanyang mga kasamahan na manlalaban ang grupong iyon, dahilan upang magkaroon engkwentro. Idagdag pang hindi rin basta-basta ang armas na gamit ng mga ito. Pulos mga high-powered guns ang gamit ng mga ungas.
Mabuti na rin lang at kasama nila ang Metro Manila Police District at ang team ni Heinz kung kaya't matamgumpay nilang nasawata ang grupong kung tawagin ay Budol-budol Gang. Na kung saan, napag-alaman nilang pinamumunuan ng isang ex-militar na si Renato Diaz, na kalaunan ay napag-alaman din niyang nasa list ng most wanted sa National Capital Region.
"Bakit? Ano ba'ng trabaho na tingin mo, bagay sa'kin, Kiah?" naaaliw na tanong ni Akihiro rito.
Sandaling namang parang nag-isip ito 'tapos ay ngumiti rin mayamaya. "Bagay sa'yo ang maging artista o kaya naman modelo, Sir! Iyong gaya ba ng mga nasa magasin. Dahil gwapo ka at may magandang katawan at---"
Hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi nito saka malakas siyang tumawa. Kahit kailan talaga, nakakatuwa ang pagiging inosente at honest nito sa kan'ya.
"Talaga, Kiah? Gwapo ako at may magandang katawan?" kunwari pang tanong ni Akihiro rito. Kitang-kita rin n'ya kung paano namula ang pisngi nito sa tanong n'yang iyon.
She's cute! isip-isip niya habang naaaliw na nakatingin sa inosenteng babae.
"Ha? Sir?" tanong nitong parang noon lang na-realize ang mga sinabi.
"O, ano? Joke lang ba 'yon? Akala ko pa na---"
"Ay sir! Totoo po iyon!" mabilis nitong agaw sa sana ay sasabihin niya. Hindi tuloy mapuknat ang ngiti niya sa labi. "Totoo po ang sinabi kong gwapo ka at may magandang pangangatawan," mahinang turan nito na para bang hiyang-hiya.
"Oh well, 'di lang naman ikaw ang nagsabi n'yan," puno ng confidence na sagot naman niya rito. "Anyway, I have something for you." Dinukot ni Akihiro sa bulsa ng suot pantalon ang wedding ring na nakuha niya sa babaeng nanloko rito.
Nagpapasalamat pa nga siya at nabawi niya 'yon. Pagkatapos kasi ng operasyon ay pinilit pa niya ang babae na umamin kung saan nito naibenta ang wedding ring. May ilang tao at pawnshop din s'yang pinuntahan bago iyon nahanap. Mas inuna pa nga niyang asikasuhin 'yon kaysa magpunta sa hospital para ipa-checkup ang sugatang braso.
"Here, take this," nakangiting wika niya kay Kiah sabay abot ng singsing dito. Laking gulat naman nito nang makita iyon saka bumalatay ang kasiyahan nito sa mukha. Para tuloy hinaplos ng mainit na kamay ang puso niya dahil sa nakikita rito.
"Diyos ko po! Maraming salamat at nabawi ninyo ito, Sir Akihiro!" bulalas ni Kiah habang pinagmamasdan ang singsing na hawak. "Paano po ninyo ito nabawi? Nahuli na po ba ninyo ang babaeng nanloko sa akin?" tanong pa nito.
Tumango naman siya rito. "'Wag mo nang isipin kung paano ko nabawi 'yan. At oo, naipakulong ko na ang mga hayop na 'yon. Wala na silang mabibiktima pa."
Kitang-kita namang mahal na mahal n'ya ang asawa, isip-isip ni Akihiro. Para tuloy may kung ano siyang naramdaman sa kanyang dibdib nang maisip iyon. Feeling rin niya, ang bigat-bigat niyon. Pagod lang siguro 'to, isip-isip n'ya pa.
"And one more thing Kiah," pakli niya rito mayama. Maang namang bumaling ng tingin sa kan'ya ang babae.
"Ano po iyon, Sir?"
"Ang sabi ni Mr. Dominguez, pwede ka nang maghanap ng university na gusto mong pasukan. May alam ka na ba?" Pero sa halip na sumagot ay napayuko ito at pinagdaop ang mga kamay. "Hey, may problema ba?" untag niya sa biglang pananahimik nito. Siguro ay worried ito tungkol sa pagpasok. Naiintindihan naman niya ito. Matagal itong nawala sa pag-aaral. Bukod pa roon, bagong salta lang ito at walang kaalam-alam sa Manila.
"Natatakot kasi ako, Sir Akihiro" ani Kiah na hindi man lang nag-angat ng tingin sa kan'ya. Nanatili lang itong nakayuko sa magkadaop na palad sa kandungan.
"About what?"
Bumuntong-hininga naman ito bago sumagot. "Sa lahat po. . . Natatakot po akong baka hindi ako makasabay sa mga magiging kamag-aral ko. Natatakot po akong baka mahuli ako sa klase dahil laking probinsya ako at kulang sa mga kaalaman. At isa pa, hindi ko rin po alam kung saan ako maaaring pumasok. Natatakot po akong baka may masamang loob na naman akong makasalamuha," paliwanag nito na bakas ang pag-aalinlangan sa tinig.
Dahil sa sinabi ni Kiah ay hindi mapigilang haplusin ni Akihiro ang buhok nito. Naiintindihan niya kung bakit may ganoon itong agam-agam. Hindi niya ito masisisi dahil pagkatapos ng mga sinapit nito sa magulong Maynila, hindi malabong matakot ito ng husto.
"I'm here, remember? 'Wag kang matakot. Ako'ng bahala sa'yo, Kiah. Sasamahan kitang maghanap ng school mo, and don't worry ihahatid at susunduin kita sa school mo para safe kang makakapasok at makakauwi," saad niya. Iyon na kasi talaga ang balak niya matapos nitong makapasa bilang beneficiary ng scholarship sa DISG Foundation.
"Talaga po ba, Sir? Hindi kayo nagbibiro?!" masayang bulalas nito. Parang nabunutan ito ng tinik ng mga oras na iyon. Umaliwalas din ang maamong mukha nito.
"Mukha ba akong nagbibiro, Kiah?" tanong niyang sinamahan pa ng matamis na ngiti.
"Hindi naman po sa ganoon, Sir. Hindi lang po talaga ako makapaniwala," ani Kiah na bakas sa mukha ang matinding kasiyahan.
"Good. At isa pa, 'wag kang matakot hangga't hindi mo pa nasusubukan ang mga bagay-bagay, Kiah. I know, you can do it. Isipin mo ang family mo sa probinsya. Matutulungan mo sila 'pag nakapagtapos ka. Kailangan mo lang lakasan ang loob mo," pangungumbinsi ni Akihiro sa dalaga. Tumango naman ito at saka bumalatay sa mukha ang determinasyon.
HINDI naman malaman ni Kiah kung paano magpapasalamat dahil sa lubos-lubos na biyayang naitulong sa kaniya ng amo. Lumakas din ang kanyang loob dahil sa mga narinig. Tama ito, kailangan lang niyang lakasan ang kanyang loob.
Alam niyang mahihirapan siyang makibagay sa panibagong mundong gagalawan, pero alang-alang sa kanyang Nanay at mga kapatid, hindi siya dapat panghinaan ng loob. Kailangan niyang maging matapang sa panibagong pagsubok sa kanyang buhay.
Ngayon pa lamang din ay sobra na siyang nagpapasalamat sa mabait na amo dahil sa mga kabutihang loob nito sa kan'ya. Inisip din niyang talagang napakaswerte ng kanyang Ma'am Melody dahil nobyo nito ang isang gaya ni Akihiro.
Kung sana'y maaari rin akong maging 'tulad ni Ma'am Melody, ani Kiah na hindi maiwasang mainggit.