HIS VILE CRAVING (A Tagalog Story) Chapter 24

"NAKU po! Lalagnatin pa yata ako!" ani Kiah habang sinasalat ang noo. Mainit rin ang pakiramdam niya at nanlalamig na hindi maintindihan.

Bahagya na rin siyang nakararamdam ng pananakit ng ulo. Subalit hindi pa siya natatapos sa mga gawaing bahay kung kaya't isinantabi muna niya ang nararamdaman at ipinagpatuloy ang labada.

Habang nakasalang ang mga labada sa washing machine, ay nagpasya rin si Kiah na palitan ang mga kurtina sa sala at maging sa kwarto ng amo. Isinama na rin niya ang mga seat cover at punda sa paglalaba.

Masama man ang pakiramdam ay ipinagpatuloy ni Kiah ang ginagawa. Pinilit niyang tapusin ang paglalaba saka isinunod ang paglilinis ng buong kabahayan.

Sinasamantala na kasi niya ang pagkakataon habang hindi pa siya pumapasok sa eskwela. Dahil alam niyang kapag nag-umpisa na ang klase ay hindi niya iyon madalas magagawa, kahit pa nga sinabi ni Aki sa kan'ya na ayos lamang rito kung isa o dalawang beses lamang siyang gumawa ng gawaing-bahay.

At lubos pa niyang ikinatuwa nang sabihin pa ng lalaki na buo niyang makukuha ang sahod kahit nga hindi niya madalas magagawa ang trabaho gawa ng pag-aaral niya.

Nang matapos maglinis ng kabahayan ay isinunod naman ni Kiah na punasan at alisin ang alikabok sa mga muwebles at tokador. Subalit habang ginagawa niya iyon ay ramdam niya ang lalong pag-sama ng katawan. Mainit na mainit na ang pakiramdam niya ngunit may kasamang pang-giginaw.

Pagkatapos nito, matutulog muna ako. Baka mapunta pa ito sa trangkaso, isip-isip ni Kiah habang pinupunasan ng tuyong basahan ang isang pigurin. Inisa-isa niya ang mga naka-display na mga pigurin doon. Maging ang mga kwadro ay pinunasan din niya kahit pa nga pakiramdam niya, ay matutumba na siya ano mang oras.

Matapos ang mga gawain ay ipinasya ni Kiah na maligo kahit masama ang pakiramdam. Isa pa'y pakiramdam kasi niya ay nanlalagkit siya dahil sa pawis at alikabok sanhi nang paglilinis kanina.

Pagkaligo ay nagsuot lamang siya ng isang manipis na sando at maluwang na shorts na kalahati lamang ng hita ang haba. Mainit na mainit kasi ang pakiramdam niya kaya iyong presko sa katawan ang pinili niya. Wala rin siyang suot na panloob dahil mas komportable siya sa ganoon.

"Nasaan ba nakalagay ang mga gamot ni Sir Aki?" tanong ni Kiah sa sarili habang alalay ang katawan sa paglalakad dahil pakiramdam niya ay matutumba siya.

Baka nasa tokador sa kusina, isip-isip niya saka dahan-dahang tinungo ang kusina. Masakit na rin ang ulo niya nang mga oras na iyon at nalalabo ang paningin dahil sa lagnat.

Inisa-isa niyang buksan ang mga tokador sa itaas at naghanap ng gamot na maiinom subalit wala siyang nakita. Isinunod naman niya ang mga kabinet sa ibaba at hinalungkat isa-isa pero 'gaya kanina, bigo rin siyang makahanap doon.

"E kung sa silid kaya ni Sir Aki? Baka naroon ang gamot," aniya saka napangiwi pa nang maramdaman ang kirot na nagmula sa kaniyang ulo.

Pilit libanan ni Kiah ang sama ng pakiramdam kahit pa nga para siyang sinisilaban sa matinding init na nararamdaman. Nang mapasok ang silid ng amo ay agad niyang tiningnan ang bawat tokador na maaaring paglagyan ng mga pangunahing gamot, subalit wala siyang nakita. Kung kaya't ipinasya na lamang niyang magtungo sa sariling silid at magpahinga na lamang.

Tumingin pa muna si Kiah sa malaking orasan na nakasabit sa dingding sa may bandang paanan niya, at kahit bahagyang nanlalabo ang paningin ay napansin niyang alas-kwatro pa lamang ng hapon.

"Maaga-aga pa naman. Gigising na lang ako mamaya upang magluto," aniya saka kinuha ang kumot niyang nakatupi sa tabi at ibinalot sa sarili.

• • •

Nagising si Kiah nang maramdaman ang matinding ginaw at labis na init ng katawan. Naluluha na rin ang kaniyang mga mata nang imulat niya iyon. Pawis na pawis rin siya kahit pa nga nakasindi naman ang electric fan sa silid niya. Pilit inaninag ni Kiah ang malaking orasan at nagulat pa siya nang makitang alas-diyes na ng gabi.

"Hala! Ang haba naman ng tulog ko!" bulalas niya. Agad siyang bumangon at tumayo subalit muntikan na siyang sumubsob sa sahig nang makaramdam ng hilo at pamimigat ng katawan. "K-kailangan ko pang magluto. B-baka umuwi si Sir Aki at walang kainin. . ." hirap niyang turan saka pinilit ang sariling humakbang kahit pa halos mabuwal na siya sa kinatatayuan.

Ngunit hindi pa nakararating ng kusina si Kiah ay nabuwal na siya. Napaupo siya sa sahig habang sapu-sapo ang sariling ulo bunga ng matinding kirot. Tatawagan ko na lang si Sir Aki. Hindi ko na kaya pa. . .

Dahan-dahang tumayo si Kiah at pinilit maglakad patungo sa sala kung saan na naroon ang telepono. Agad siyang pumindot sa aparato at tinawagan ang numero ng lalaki na nakadikit sa ibabaw niyon.

"B-bakit kaya hindi sinasagot ni Sir Aki? Abala kaya siya?" maang na usal ni Kiah habang panay lamang ang pag-ring sa kabilang linya.

Bigla ay nakaramdam siya ng pag-aalala sa lalaki at takot naman para sa sarili. 'Pag nagkataon kasing hindi ito umuwi, ay siya lamang mag-isa roon. Takot siyang mag-isa kapag nilalagnat siya. Ganoon na siya simula pa lamang noong musmos, ayon sa kaniyang Nanay.

Ang kwento pa ng kanyang Nanay, hindi rin siya nakakatulog kapag walang katabi sa higaan upang yakapin siya. At aaminin niyang hanggang ngayong tumanda na siya ay ganoon pa rin siya.

Ipinagpatuloy lamang ni Kiah ang pagkontak sa lalaki hanggang sa wakas ay sinagot nito iyon. "Yes, hello?" sagot ni Akihiro mula sa kabilang linya. Lumunok muna si Kiah ng laway dahil pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang kaniyang lalamunan.

"Sir Aki, kailangan ko po ng tulong niyo. . ." mahina niyang saad sa lalaki. Nanginginig pa ang kamay ni Kiah habang nakahawak sa awditibo ng telepono.

"Kiah? What happen?" sagot naman ng lalaki na tila noon lamang siya nabosesan.

"Inaapoy po ako ng lagnat, Sir Aki. Natatakot po akong mag-isa. . ." lakas-loob niyang wika habang alalay ang sarili sa pagkakatayo, pakiramdam kasi niya ay matutumba siya. Idagdag pang malayo ang kinalalagyan ng telepono sa sofa, kaya't kailangan pang tumayo habang nakikipag-usap.

"Okay, sige, hintayin mo 'ko! Pauwi na ako!" turan ng lalaki sa kabilang linya na ikinagaan naman ng dibdib ni Kiah. Sa wakas ay hindi siya mag-iisa. Hindi na niya iisipin kung hindi man siya makatulog mamaya kung wala siyang katabi. Ang importante ay may kasama siya sa gabing iyon.

"Maraming salamat po, Sir."

Nang matapos ang pag-uusap nila ng lalaki ay ipinasya ni Kiah na mahiga na lamang sa sofa habang hinihintay ang pagdating nito. Pakiramdam kasi niya, pati ang mga tuhod niya ay nanghihina na rin. Pinagkasya ni Kiah ang sarili sa mahaba at makipot sa sofa saka ipinasyang maidlip muli.

• • •

Samantalang nang marating ang condo unit ay nagmamadaling binuksan ni Akihiro ang pinto gamit ang bagong key card. Nagpa-upgrade kasi siya ng lock ng kanyang unit. Sa halip na susi ang gamitin ay key card na lang para walang hassle buksan. Nasira rin kasi ang doorbell niya at hanggang ngayon ay hindi pa naaayos. Isa pa, ayaw niyang laging naaabala si Kiah sa paggising kung sakaling abutin siya ng madaling araw sa labas.

Pagpasok sa loob ay agad napansin ni Aki ang babae na nakahiga sa sofa. Mabilis niya itong nilapitan saka inilapag sa center table ang plastic bag na may lamang gamot. Naalala kasi niyang naubos na pala ang mga gamot niya sa first aid kit at hindi pa siya nakabibili ulit.

Dahan-dahang inilapat ni Aki and palad sa noo ng babae at gayon na lang ang gulat niya nang makapa na inaapoy ito ng lagnat. Fuck! Ano ba kasing ginawa niya at inapoy s'ya ng lagnat?

Napasinghap pa si Aki nang mabistahan na bahagyang nakalilis ang manipis na sando ni Kiah, dahilan para malaya niyang masilip ang dibdib nito. Wala na naman kasi itong bra na katulad ng nakasanayan nitong gawin 'pag nasa bahay.

Oh! Shit Polaris! 'Wag ngayon, okay? Kalma ka lang, lihim na saway ni Aki sa isipan habang hindi mapigilang mapalunok sa nakatutuksong tanawin na nakalantad sa kanyang harapan. Dumako rin ang paningin niya sa mahahaba at perpektong hugis ng hita nito, dahilan upang unti-unting mag-init ang pakiramdam niya.

Shame on you, Akihiro! May sakit na lahat-lahat 'yong tao pero pinagnanasaan mo pa rin! Mahiya ka naman sa sarili mo, aba! Tila may munting tinig ang nagsabi niyon kay Aki kung kaya't napapahiya niyang ipinilig ang ulo at ikinalma ang nagwawala na namang alaga niya.

"Hays, nakainom na kaya s'ya ng gamot?" tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ito. "Malamang hindi pa. Imposibleng lumabas siya para bumili ng gamot." Kailangan ko s'yang mapunasan ng malamig na towel at mapainom ng gamot para bumaba ang lagnat niya, isip-isip niya pa.

Iniwan muna pansamantala ni Aki ang nahihimbing na babae saka tinungo ang kusina. Naghanda siya ng maliit na planggana na may katamtamang lamig ng tubig. Kumuha rin s'ya ng malinis na towel. Nang matapos ay agad n'yang binalikan si Kiah. 'Tulad kanina, tulog pa rin ito. Napansin din niyang tagaktak na ang pawis nito sa noon. Kailangan niyang makapagpalit ng damit. Baka pulmonyahin naman siya nito.

Ipinasya ni Akihiro na dalhin ang babae sa kwarto nito. Dahan-dahan niya itong pinangko saka tinungo ang silid ni Kiah. Laking pasalamat pa niya at hindi naka-lock ang pinto niyon, kung kaya't madali siyang nakapasok sa loob. Marahan niyang inilapag si Kiah sa sarili nitong kama para hindi magising, pagkatapos ay muling nagpunta sa kusina at kinuha ang towel at planggana na naiwan roon.

Nang makabalik sa kwarto ay marahang naupo si Aki sa gilid ng kama ng babae saka maingat na binasa ang tuwalya. Inuna niyang dampian ng basang pamunas ang mukha ni Kiah.

"Hmmm. . ." ungol nito. Marahil ay nakaramdam ito ng ginhawa nang mapunasan.

Nang ang leeg naman ng babae ang balingan n'ya para sunod na pupunasan, ay ilang beses muna siyang napalunok. Paano, nakalantad kasi sa kaniyang harapan ang mauumbok na dibdib ni Kiah. Goddammit! Ba't kasi kailangan ko pang magpigil? This is not me! 'Di ako ganito sa ibang babae. Sa'yo lang Kiah, sa'yo lang! naiinis niyang turan sa isipan habang hindi maalis-alis ang tingin sa malulusog na dibdib nito.

Gustong magalit ni Aki sa sarili dahil may munting tinig na nagsasabi sa kaniyang 'wag gawin ang katarantaduhang naiisip. Sa gaya niyang sex addict na may hindi mapigilang pagnanasa, ay napakahirap iyong pigilin.

Totoong nahihirapan siyang pigilin ang sarili lalo pa't sa tulad niyang kaunting dibdib at hita lang ang makita, ay parang may halimaw na nabubuhay sa kaloob-looban niya. Kung ibang babae lang nga ang kaharap n'ya ngayon, malamang kanina pa niya ito sinakmal.

Pero hindi si Kiah.

Natatakot siya para sa kanyang sarili. Kilalang-kilala niya kasi ang sarili, wala siyang pinatatawad basta't makaramdam siya ng libog sa katawan. Pero iba pagdating kay Kiah. Hindi niya gusto ang nararamdaman kapag patungkol na sa babae.

Para sa kan'ya, mistulan itong babasagin at mamahaling kristal. Nakakatakot hawakan dahil baka mabasag at hindi na mabuo pang muli. At ayaw n'yang ang mangyari iyon. Mas gugustuhin pa niyang lumayo ito kaysa sa mawasak niya ang pagkatao ng babae.

Pagkatapos nang mahabang sandali na tila pagdurusa para kay Aki, ay nagawa niyang punasan ang kabuohan nito. Saka niya isunod na palitan ang pang-itaas nito na basang-basa na ng pawis. Mahirap nga lang para kay Aki ang ginagawa dahil habang inaalis at isinusuot ang damit nito ay nakapikit ang kaniyang mga mata.

Fuck shit! What the hell I am doing? Marahas pa siyang napailing nang mapagtanto ang ginagawa. Pwede naman kasi s'yang dumilat para makita ng maayos ang ginagawa, pero mas pinili pa rin niyang ipikit ang mga mata na noon lang niya ginawa sa tanang buhay.

I'm sure, pagtatawanan ako ni Heinz 'pag nalaman 'to! Baka sabihin pa ng kupal na 'yon, mahina na ang tuhod ko! Napapailing pa siya sa sarili nang mapagtanto iyon.

She needs to take medicine. Baka lumala pa 'to at 'di siya makapasok, next week, aniya pa saka kinuha ang plastic bag na may lamang botelya ng paracetamol. Saglit muna niyang iniwan ang babae para kumuha ng tubig, at pagbalik nga niya ay dala na niya ang babasaging pitsel at baso.

"Kiah, wake up. Kailangan mong uminom ng gamot," marahan niyang yugyog sa balikat nito. Napangiti pa siya ng bahagya nang masalat ang noo ni Kiah. Hindi na kasi ito masyadong mainit gaya kanina.

Marahil ay nabawasan iyon dahil sa ginawa niyang pagpupunas sa katawan nito. Ilang sandali pa nga, umungol ang babae sabay dilat ng mga mata. Nagulat pa siya ng bigyan siya nito ng matamis na ngiti.

"M-maraming salamat po, Sir. . ." namamaos pang saad nito. Tumango na lang si Akihiro at hindi makaapuhap ng sasabihin. Pakiramdam kasi niya ay bigla siyang kinabahan sa hindi malamang dahilan.

"Here, drink this para bumaba 'yang lagnat mo," sabi na lang niya kay Kiah sabay abot ng pabilog na gamot at isang basong tubig. Mabilis naman itong kinuha ng babae saka ininom.

"Salamat po ulit, Sir Aki," anang Kiah saka muling bumalik sa pagkakahiga.

"Ayos lang 'yon. Just rest para hindi pa lumalala 'yang lagnat mo, okay?" pormal na sagot nan niya rito saka bahagyang ngumiti. Matapos niyon ay tumayo na rin siya.

"S-Sir, maaari po bang makahingi ng isa pang pabor?"

"Ano 'yon?" clueless naman niyang tanong rito. Pansin din niyang namumula ang mukha nito at parang inaatake ng hiya.

"Maaari po ba ninyo akong tabihan sa pagtulog? Natatakot kasi akong mag-isa.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.