NAGISING si Kiah dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang baywang, ganoon din sa mainit na hanging tumatama sa kaniyang batok. At nang maimulat n'ya ang kanyang mga mata, halos atakihin siya sa puso nang makitang may matipunong braso ang nakayakap sa kaniyang baywang.
Hala! Nananaginip pa ba ako? tanong n'ya sa isipan. Ang ganda-ganda naman kasi ng panaginip niya. Inalagaan daw siya ni Akihiro at tinabihan pa sa pagtulog.
Subalit nang gumalaw ang tao sa likuran ni Kiah ay natigilan siya. Dahan-dahan niyang ipinihit ang ulo upang lingunin ito, at gayon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makitang ang gwapong amo ang katabi niya sa higaan. Wala sa loob siyang bumalikwas nang bangon, dahilan upang magising rin ng nahihimbing na lalaki.
"Kiah, gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong pa nito sa kaniya. At aaminin niyang kahit bagong gising lamang ang lalaki ay napaka-guwapo pa rin nitong pagmasdan.
"S-sir, bakit po kayo nandito sa higaan ko?" utal niyang tanong. Tuluyan na rin siyang bumangon at naupo sa gilid ng kama. Pakiramdam kasi niya ay napapaso siya kapag malapit siya sa lalaki.
"'Di mo ba natatandaan? Ayaw mo 'kong bitiwan kagabi. Ang sabi mo, natatakot kang mag-isa," anang lalaki saka bumangon na rin at sumandal sa headboard ng kama.
O, Diyos ko! Ibig sabihin, hindi ako nananaginip kagabi? Bigla ay inatake nang matinding kaba ang dibdib ni Kiah nang maisip ang realisasyong iyon, saka nanlalaki ang mga matang nakatingin lamang sa amo.
"Why? 'Di mo ba natatandaan?" tanong pa ng lalaki. Marahil ay napuna nito ang reaksyon niya.
"A-akala ko kasi, n-nanaginip lang ako," aniya na hindi makatingin sa amo. Pakiramdam din niya ay uminit ang kaniyang pisngi sa labis na pagkapahiya.
Narinig niyang natawa si Akihiro kung kaya't nag-angat siya ng tingin dito. At bagaman nahihiya siya dahil sa kagagahang nagawa, hindi niya pa rin mapigilan ang sariling pagmasdan ang gwapong mukha nito.
"It's okay," anang lalaki saka tumayo na. "Magpahinga ka na muna't ako na ang maghahanda ng breakfast."
"S-sir Aki, ako na po. Nakakahiya naman po sa inyo. Trabaho ko po iyon," mabilis niyang tutol sa amo.
"Hindi pwede. Baka mabinat ka pa, Kiah. 'Wag matigas ang ulo," saad nito. Nailang rin si Kiah sa kaseryosohang nakikita niya sa lalaki nang sabihin iyon. "At isa pa, opening na ng klase mo next week. 'Di ka pwedeng um-absent dahil mag-o-orientation ka pa," dagdag pa nito.
"O-okay po, sir. . ." napapahiya niyang turan saka napayuko sa mga palad.
"Magpahinga ka muna, okay? Ako na muna ang bahala sa lahat," anang lalaki. "You need to rest, Kiah. At 'pag magaling ka na, bibili tayo ng mga school supplies mo, got it?"
Sa narinig ay muling nag-angat ng tingin si Kiah at aywan ba niya kung bakit, subalit biglang sumikdo ang kaniyang dibdib nang makita ang matamis na ngiti nito sa kan'ya. Hindi lamang iyon, pakiramdam din niya ay natutunaw siya kapag nagtatama ang kanilang mga paningin.
"Hey, Kiah! Naiintindihan mo ba?" Ang tinig nang lalaki ang bumasag sa naglalakbay na diwa ni Kiah saka napapahiyang tumingin sa lalaki.
"O-opo, Sir Aki. Naiintindihan ko po."
"Good," nakangiti pang saad nito pagkatapos ay tinungo na ang pinto nang silid niya. "Mahiga ka ulit then, ihahatid ko ang breakfast mo rito, okay?"
Mabilis namang tumango si Kiah rito. "S-sige po." Nang marinig iyon ay tumalikod na ito saka pinihit ang seradura nang pinto, ngunit bago tuluyang makalabas ang lalaki ay naglakas-loob si Kiah na tawagin ito. "Sir Aki!" pakli niya rito.
Umarko naman ang kilay nito saka maang siyang nilingon. "Yes, Kiah? May sasabihin ka?"
Humugot muna si Kiah ng lakas ng loob saka diretsang tumingin sa mga mata ng amo. "S-sir Aki, bakit po ang bait niyo sa akin?" tanong niya rito. May kung ano kasi sa loob niya ang nagtutulak na alamin kung bakit napakabait ng lalaki sa kan'ya. Oo nga't natanong na niya iyon dati, subalit gusto ulit marinig ni Kiah ang isasagot nito.
Tiningnan muna siya nito nang matagal na tila ba nag-iisip, at saka ngumiti pagkuwan. "Because I like you."
"P-po?"
Dahil sa narinig ay muling inatake si Kiah nang hindi pamilyar na kaba. Iyon bang tila gusto nang lumabas ng kaniyang puso sa dibdib. Gusto ako ni Sir Aki? hindi makapaniwalang tanong niya pa sa sarili.
"I-I mean I like you because, you're a very nice girl. Isa pa, responsable ka at sweet rin. . . I like your personality, Kiah," sabi pa nito sa kanyang habang nakangiti.
Hindi maipaliwanag ni Kiah ang nararamdaman nang marinig ang mga iyon sa lalaki. Naroon pa rin naman ang matinding kaba niya pero mas lamang ang saya. Pakiramdam niya ay kinilig siya sa tinuran nito. Tuloy ay hindi niya napigilan ang pagsilay nang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya akalain na maaari rin pala siyang magustuhan ng kagaya nito.
"Gusto ko rin po kayo, Sir Aki," lakas-loob niyang pag-amin sa lalaki. Para kay Kiah, sino ba naman ang hindi magkakagusto rito? Mabait ito at matulungin. Bukod pa roon, nirerespeto siya nito. Doon pa lamang ay dapat na itong kahangaan. Dagdag na lamang siguro sa magandang katangian ng lalaki ang pagiging gwapo nito.
Bulag na lamang marahil ang hindi magkakaroon ng paghanga sa binatang amo. Iyon nga lamang, alam rin ni Kiah na hanggang doon na lamang iyon. Dahil may nagmamay-ari na sa puso ng lalaki.
"Really, Kiah?" nakangiti namang tanong pa ng lalaki kay Kiah. Mabilis naman siyang tumango rito. "Bakit? Dahil ba gwapo ako?"
"O-opo," nahihiya niyang pag-amin pa. Totoo naman kasi iyon.
"Thank you, kung gano'n." Iyon na lang ang sinabi ng lalaki saka ngumiti bago tuluyang lumabas ng silid niya.
Muli namang nahiga si Kiah sa kama saka tumingin sa puting kisame at matamis na ngumiti. Hindi naman siguro masama kung may paghanga ako kay Sir Aki, Carlos, ano? Alam kong nauunawaan mo ako, isip-isip niya pa saka tila nangangarap ng mga oras na iyon.
• • •
"Gusto ko rin po kayo, Sir Aki. . ."
Parang pirated CD na paulit-ulit na nag-pl-play sa isipan ni Aki ang sinabing iyon ni Kiah. Pero panay din ang mura niya sa sarili dahil doon. Sa halip kasi na matuwa siya, inis ang kanyang nararamdaman. Lalo pa nang sabihin ng babae na kaya siya gusto nito dahil gwapo raw siya.
What the hell? So kung 'di ako gwapo, 'di n'ya ko magugustuhan? 'Yon lang ba talaga ang nakikita nila sa'kin? inis n'yang tanong sa sarili habang panay ang halo ng iniluluto niyang chicken soup.
Hindi man siya naniniwala sa pag-ibig o sa kung ano pa man na nag-uugnay sa pagmamahal, pero para sa kan'ya, napakababaw na dahilan ang magkagusto sa isang tao dahil lang sa maganda ito o gwapo.
Yes, he likes beautiful and sexy womens, but that's just only because of lust. At alam din niyang kaya siya gusto ng mga babaeng 'yon dahil sa parehong kadahilanan. Gusto raw siya ng mga ito dahil sa gwapo siya at magaling sa kama. As simple as that. Walang malalim na dahilan.
Kaya naman aaminin niyang nakaramdam siya ng dismaya dahil iyon din ang sinabi ni Kiah. Ang akala pa naman n'ya, kaya siya nito nagustuhan dahil may nakita itong katangian sa kaniya. Pero akala lang pala n'ya iyon.
Samantalang no'ng sinabi niyang gusto niya ang babae dahil sa personality nito, iyon ang totoo. Ito rin lang ang unang pagkakataon na nagustuhan niya ang isang babae dahil sa katangian nito at hindi dahil nagandahan siya o nakararamdam ng libog rito.
Well, aaminin n'yang maganda naman talaga ito at malakas ang sex appeal, pero mas hinangaan niya ang personalidad ng babae. At marahil, iyon din ang nagustuhan ng asawa ni Kiah dito. Kaya nga kahit gusto na siyang ipagkanulo ni Polaris ay nagagawa pa rin niyang labanan iyon. Gaya na lang no'ng nagdaang gabi. . .
"Sir Aki, maaari niyo po ba akong samahan? Natatakot kasi akong mag-isa. . ."
Ilang beses munang lihim na napalunok si Aki nang marinig iyon. Alam na alam rin niyang pwede siyang mawala sa sarili at makagawa ng 'di maganda sa babae 'pag pumayag siya sa gusto nito.
Pero napakahirap tanggihan ang babae, lalo na't kitang-kita niya sa mga mata nitong nagsasabi ito ng totoo. Kaya kahit nag-aalinlangan si Aki at bahagyang nakaramdam ng takot sa sarili ay pumayag siya.
"Okay, sige," napipilitan n'yang pagpayag saka lumapit sa kinahihigaan nito. Ngumiti naman ng matamis si Kiah sa kan'ya saka umurong sa kabilang gilid ng kama para bigyan siya ng espasyo sa tabi nito.
"Humiga na po kayo, sir," anyaya pa nito saka hinigit siya sa kamay.
Mabilis naman siyang tumalima na parang robot, saka nahiga sa tabi nito. Iningatan pa n'yang 'wag madikit kahit ang dulo ng daliri nito sa kan'ya, nagsisimula na kasing maging aktibo si Polaris ng mga sandaling iyon.
At lihim siyang nagpasalamat nang tumalikod ang babae sa kan'ya saka bahagyang dumistansya. May ilang sandali rin niyang hinintay na makatulog ang babae, dahil balak din n'yang iwan ito kapag nahimbing na.
Pero gayon na lang ang gulat n'ya nang bigla itong humarap sa gawi n'ya at yakapin siya, dahilan upang makaramdam siya ng panginginig ng kalamnan. Paano ba naman kasi, malaya rin niyang nasisilip ang dibdib nito dahil hanggang baywang lang ni Kiah ang comforter.
Hindi alam ni Akihiro kung gaano siya katagal na gising habang nakatingin lang sa puting kisame ng silid ni Kiah. Maging si Polaris ay hindi rin matahimik dahil sa babaeng mahigpit pang nakayakap sa kan'ya. Ilang beses rin siyang napapamura habang pilit nilalabanan ang libog na nararamdaman.
Naging napakahirap nang magdamag na iyon para kay Aki. Para 'yong torture sa kan'ya. Sa tingin pa nga n'ya, mas mahirap pa 'yon sa mga misyon na nagawa na niya dahil mismong sarili n'ya ang kanyang kalaban.
Well, sana lang matagalan niya ang ganoong sitwasyon. Dahil natatakot siyang baka hindi na niya mapigilan pa ang sarili at tuluyan na siyang magpatangay sa apoy ng kamunduhan.